Share

Chapter 3

Mabilis na napalingon ang limang kawatan sa direksyon ni Ella. Ang kanilang pananakot ay panandaliang naudlot sa kaniyang kagagawan. Ang iba pa sa mga ito ay nakita niyang nanlaki ang mga mata. Marahil, hindi inaasahan ng mga kawatan na mayroon ngang maglalakas loob tumulong sa sitwasyong sila ang nakaka-angat. 

On the other hand, Ella herself was somewhat bewildered by what she did. The moment the situation sunk into her head, she realized she dug her own grave. Gustong-gusto niyang bawiin ang kaniyang sinabi at sambitin ang salitang "charot". She bit her quivering lips in order to prevent herself from uttering words that might lead to her death for the second time around. 

"At sino ka naman?" - kawatan #1. 

Hindi sumagot si Ella at nagpatuloy lang sa pakikipag-titigan. 

"Ha. Ang tapang ng isang 'to pre, oh." - kawatan #2. 

"Oo nga. Akalain niyo, may isang chix na maglalakas-loob umeksena." - kawatan #3. 

Lumapit ang pinakamatangkad sa mga naka-mask kay Ella. Mahinahon nitong hinawakan ang kaniyang buhok wari'y isang mamahaling bagay. Pinasadahan ng kamay nito mula ulo ni Ella, dumausdos hanggang sa kaniyang braso at tumigil sa kamay nito. 

Hindi naiwasan ni Ella na mapasinghap nang walang anu-ano'y hinablot ang kaniyang kanang kamay at hinalikan ito. Ang kaniyang buong pagkatao ay nanginginig na sa pinaghalu-halong mga emosyon. Takot, pangamba, galit, at kung anu-ano pa na dahilan kung kaya't mas lumala ang panginginig ng kaniyang buong sistema. 

"Ang ganda mo sana, Ms., pero huwag ka namang epal sana. Ang laki mong sagabal sa amin, kitang may ginagawang transakyon dito eh." Binitawan na ng kawatan ang kamay ni Ella at imbis ay marahas na itinabi siya sa gilid upang makuha ang pera sa cashier machine. 

Tila ba nahimasmasan si Ella sa pagkakataong iyon. Lahat ng takot at pangamba sa kaniyang katawan ay biglang nawala at imbis ay naging kalmado. Dahil dito, nagkaroon siya ng tyansa upang pagmasdan ang paligid.

Ella noticed how surprisingly unfocused the five men were. All of them were gushing over a large amount of money instead of securing the place. Ang kannang kanilang mga na-hostage ay ngayong nakasalampak na sa sahig. Mapa-matanda man o bata, lahat sila ay hindi kumikibo, takot na kitilin ang kanilang mga buhay kung sila'y mapansin man.

Dahil nga mukhang hindi naman nagbabantay nang maayos ang mga kawatan, pasimpleng kinuha ni Ella ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon at pinindot ang emergency number. With that, her contacted person will be alarmed that she needed help. 

Kung puwede lang mag-ingay, ginawa na niya. She was annoyed at herself for panicking when she could have done something more helpful in the situation they were in. Mas pinagana niya pa ang kaduwagan kaysa pag-iisip nang matino. 

Matapos angkinin at ubusin ng mga kawatan ang pera sa coffee shop ay nagsimula na silang ayusin ang kanilang mga gamit. Naglakad sila patungo sa pinto na para bang walang holdapan ang nangyari. Sa utak-utak ni Ella, hindi niya maatim na mapanood ang mga kawatan na makatakas at hindi pagbayaran ang kanilang ginawa sa loob ng kulungan. Nangangati siyang gumawa na naman ng eksena para mapigilan ang paglayas ng mga ito. She needed to buy time for her friend's aid. 

Everyone around her was stuck in their places. Mukhang wala silang balak gawin sa sitwasyon at imbis ay hayaan na lang na makatakas ang mga kawatan. Naintindihan naman ito ni Ella dahil sila ay nasa isang kritikal na sitwasyon at buhay nila ang nakataya rito. Sa pangalawang pagkakataon, nagkaroon na naman ng pagtatalo ang kaniyang utak. Ano mas pipiliin niya, para sa hustisya ba o para sa kaligtasan niya? 

Ella sighed deeply and prepared herself with all her might when she shouted the words, "Sandali lang!"

Sinabayan niya pa ito ng pagtanggal ng dalawang low-heeled pumps na kaniyang suot-suot. Tumayo siya at matapang niyang ibinato ang mga ito sa mga kawatan at muntikan na siyang mapanganga nang hindi man lang umabot sa mga lalaki ang kaniyang ibinato na sapatos.

The five men found it amusing as they laughed to their hearts' content. May iba pang naiyak sa tawa at hindi alam ni Ella kung ano ba ang dapat niyang maramdaman sa sitwasyong iyon. If they weren't in that dreadful situation, the whole scene would be comical not just to her, but also to the other hostages as well. Ganoon katawa-tawa ang nangyari kung hindi lang sana sila nasa isang hostage scene. 

"Tingnan mo nga naman 'tong babaeng 'to. Ang lakas talaga ng loob!" - kawatan #4.

"Sinabi mo pa. Pare, baka hindi lang malakas ang loob. Baka malakas lang talaga ang tama!" - kawatan #2. 

"Nakakaawa naman siya kung ganoon. Sayang ang ganda ni Ms. Ma'am. Ang puti-puti niya pa naman oh. Pulang-pula rin ang mga labi. Sobrang chix!" - kawatan #3. 

"Sinabi niyo pa. Boss, ano, may gusto ka bang gawin dito sa palaban nating Ms. Ma'am?" - kawatan #1. 

Lahat ng mga lalaki ay tumingin sa kanilang "boss". Ang "boss" na ito ang pinaka-matangkad sa lima at ang lumapit kay Ella upang hipuin ang kaniyang balat at halikan ang kamay. Sa munting pag-alala nito, kinilabutan si Ella. 

Muling lumapit ang matangkad na lalaki sa kaniya. Ella's memories of what happened a few minutes earlier were still vivid. She wouldn't want it to happen again so she did what she thought she had to do. She stepped back a bit. Just like what she expected, the man went forward again and she had to step back a few steps more. 

They were going on with their little steps when the man lost his patience and aggressively attacked Ella. Marahas nitong kinuha ang buhok ni Ella at sinabunutan. Hawak-hawak ang kaniyang buhok, hinila siya ng lalaki hanggang sa makalapit sila sa iba pa nitong mga kasamahan. 

"Ihanda niyo na ang kotse nang maka-alis na tayo rito. Baka mapuruhan pa tayo ni bossing sa tagal ng kilos natin," utos ng boss sa mga kasamahan nito.

Ella was too shocked to react to what happened. Noon na lang siya nabalik sa ulirat nang marinig ang mga salitang binitawan ng lalaking may hawak-hawak sa kaniyang buhok. 

"T-teka!" Pilit kumawala si Ella sa hawak ng lalaki ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak dito, hindi niya napigilang lumuha. Para bang tatanggal na ang buong parte noong buhok niya. Sa mga panahong iyon, iniisip na lang niyang mapabilis ang pagdating ng taong kaniyang inaasahan. Ayaw niya rin na mas mapalala pa ang kaniyang sitwasyon at baka mas mapadali ang pagkawala ng kaniyang pangalawang buhay. Mukha pa namang balak siyang dalhin ng mga lalaki sa kung saang lugar. 

"A-ano ba!" Ang sakit-sakit na ng anit niya at mukhang wala talagang balak talagang tanggalin ng lalaki ang pagkakahawak nito sa kaniyang ulo. 

"Manahimik ka munang babae ka. Kanina mo pa kami binibigyan ng sakit sa ulo. Maganda ka kaya nararapat na sumunod ka lang kung ayaw mong wasakin namin 'yang maganda mong mukha." 

Hindi na muling umimik si Ella. Palihim na lang siyang napapaluha at nagdarasal na sana ay mapabilis ang dating ng hiningan niya ng tulong. 

"Boss, mukhang may problema." - kawatan #1. 

"Nalintikan na boss, may police sa labas!" - kawatan #3.

Doon na lang napahinga ng maluwag si Ella. Hindi niya napansin na kanina pa niya hinahawakan ang kaniyang paghinga. 

"P**a. Talagang natyempuhan naman oh. Boss, anong gagawin natin? Hindi na tayo makakalabas, nakapalibot na ang mga pulis sa buong lugar!" - kawatan #2.

The boss, too, was obviously pissed off. He wanted to cuss and curse his teammates for being too complacent. Kung ginawa nila nang tama ang kanilang mga gawain, hindi sana hahantong sa punto kung saan mauutakan sila ng mga pulis. 

Ella was right when she thought that the boss had become a ticking time bomb. Randam nito ang panggigigil sa kaniyang anit dahil mas humigpit ang paghawak nito sa kaniya.

"Kumuha kayo ng mga tao at itutok niyo ang baril sa kanila. Kung hindi sila papayag sa gusto natin, pasabugin niyo ang bungo ng mga hawak niyo." 

"Pero boss, ang bilin ni bossing-" 

"Manahimik ka, putangina ka. Kung hindi kayo tatanga-tanga at binantayan niyong maigi ang paligid, eh di sana nakaalis na tayo kanina pa. Mga gago!"  

Without warning, the door flew open and men in police uniforms barged in. Ella searched for a person, and there among the group of police officers armed with firearms, she recognized one of her close friends. A person in his 20s wearing eyeglasses and piercings, quite unbefitting for a government employee himself.  

"Peter," sambit niya sa hangin. 

"Huwag kang lalapit! Kung hindi, papatayin ko 'tong babaeng 'to!" mabilis na sabi ng boss saka itinutok ang hawak na barili sa ulo ni Ella. 

Sa sandaling iyon, ramdam ni Ella ang malamig na bakal na nakatutok sa kaniyang ulo. Sa pangalawang pagkakataon, muling nag-flashback na naman ang kaniyang buhay. She was silently pleading, hoping, and praying that the man wouldn't fire the shot. 

On the other, her friend, Peter, was clenching both of his fists hard. He was very close to recklessly attacking the man but there's a big possibility that Ella might be the collateral damage as a result. In the end, he chose to calm himself, enough to not provoke the man in front of him to kill his friend.  

"Anong kailangan mo," atas ni Peter.

"Sabihin mo sa mga kapuwa niyo na itapon ang mga baril na hawak niyo at itaas niyo ang inyong mga kamay. Paalisin mo kami nang matiwasay at ibibigay ko 'tong babae sa inyo bilang kapalit. Ganoon din ang iba pang mga tao rito, ibibgay namin sa inyo nang hindi sinusugatan."

Sinunod ni Peter ang inutos ng kawatan. Habang ibinababa ang baril ay hindi niya inaalis ang tingin sa kawatan at kay Ella. Sinusukat niya ng tingin ang lalaki at kung maaari mang gumawa ito ng katarantaduhan. Nang mailapag na ang baril, sinipa niya ito palapit sa kinaroroonan nila Ella. 

"Ibaba niyo ang mga hawak niyong baril," utos ni Peter sa kaniyang mga kasamahan. 

"Pero sir!"

"Ibaba niyo sinabi!" galit na utos ni Peter. Dahil doon, napilitan ang kaniyang kasamahan na ibaba nga ang mga dala-dalang baril. 

Nakipagtitigan si Peter sa kawatan. Ang isang kilay nito ay nakataas, nagtatanong kung bakit hindi pa rin pinapakawalan si Ella. 

"Ah, hindi niyo pa ginagawa ang lahat ng utos ko. Sabi ko itaas niyo ang mga kamay niyo diba? Bakit mukhang ang commander niyo lang ang gustong sumunod?"

Hindi na napigilan ng mga pulis na itaas ang kanilang mga kamay. Sinipa na rin nila ang mga baril na hawak palayo sa kanilang mga puwesto. 

"Iyan ang gusto ko sa inyong mga pulis na ang akala sa sarili ay nagsisilbing hustisya ng mga naaapi. Mga walang kuwenta naman dahil ang bilis lang sumuko at itapon ang mga armas para sa mga taong hindi naman kilala.

Akala niyo ba papalayain namin agad-agad ang mga 'to? Mga walang utak na mga pulis. Papatayin namin sila, pagkatapos ay kayo ang isusunod namin!" 

Narinig na lang ng lahat ang isang malakas na putok ng baril. Everyone was too slow to react to what was happening, even Ella herself. Walang nagawa si Ella kung hindi pumikit at magdasal nang magdasal kahit alam niyang mamamatay na naman siya. Hinihintay niya ang pagdausdos ng bala sa kaniyang utak ngunit mga ilang segundo na ang nakakalipas ay wala pa rin siyang nararamdaman. Tila ba ang tahimik din ng paligid kaya't nilakasan niya ang loob at binuksan ang kaniyang mga mata. 

The first thing she noticed was the man standing in front of her. A tall man with features beyond human understanding was her savior. It was none other than the grim reaper whom she met a few minutes ago. 

"Sir...Eric?"

Tumango lang ito bilang tugon. 

"Ano pong... nangyari? Ang alam ko ay mamamatay na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Ikinasa ng kawatan ang baril at panigurado akong ipinutok niya ito, hindi ako nagkakamali. Saka, paanong tayo lang ang kumikilos at nagsasalita? Huwag mong sabihin na magic 'to?" It's as if a lightbulb turned on inside her head. "As in ba? Magic talaga? Hindi ko alam na may kakayahan ang mga grm reaper na gumawa ng magic!" 

Eric heavily sighed in front of Ella. Sa isip-isip nito, mukhang marami na namang oras ang masasayang niya dahil sa nangyari kay Ella. 

"I am a grim reaper, therefore I can do some otherwordly acts. That includes "magic" like what you, human beings, labeled. I can freeze time, create fire out of nowhere, and worse, I can even kill a person. However, I can't resurrect a person or any other being even if I wanted to. That sums up my skills. Remember that from now on so you won't be surprised the next time you see me do something peculiar," Eric stated with his usual deep, cold voice.

"Woah. That is so otherworldly as you say."

The fragile girl in front of him looked astounded rather than scared. Her eyes are so bright, almost like sparkling. If only the human eyes emit such a thing, there would probably be thousands of sparkles discharged from her eyes. Not that it matters but she reminded him of someone he knew. 

To change the flow of their conversation, Eric faked a cough. Tila ba nahiya si Ella dahil nagmukha siyang tanga sa harap ng grim reaper. Hindi naman niya sinasadya na sadyang mapahanga sa angking kagalingan nito. Ella had always been a huge fan of magic and supernatural beings ever since a child. To her, meeting someone who has the same capabilities of those she once dreamed of meeting in her dreams, was a mind-boggling experience. 

"Ah, pasensya na Sir Eric. It feels magical meeting you. Isa pa, akala ko rin dati ay walang kapangyarihan ang mga grim reaper at sadyang naghahatid lang sila ng mga kaluluwa sa purgatoryo." Ella felt the needed to explain although the grim reaper didn't tell her to. Paano ba naman, sa isip niya ay kailangan niyang ipaliwanag ang katangahan na kaniyang ginawa sa grim reaper. Para siyang naging bata gayon labing-limang taong gulang na siyang naninirahan sa mundo. 

"Anyway, before I forget, I have to remind you to become extra careful. You do know that this is your second life and because of our signed contract, you have to live for about 6 months. If I were only 1 second late, I wouldn't have been able to save your life.  So, next time, think twice before committing to an act. Remember, you're not a superhero. Each and every one of you has its own timeline. Some die at an early age, others die after 100 years old. Don't disrupt the timeline, instead, focus on living your life." 

Literal na napanganga si Ella sa mahabang talumpati ng lalaki. 

"That was... motivational, I guess."

Umismid na lamang si Eric sa gilid. 

"Now that we're done, goodbye for now." 

"Teka! Ano nang mangyayari sa mga kawatan? Magkakaroon pa rin ba ng gulo pagkatapos nito? Should I be wary of something?"

"See it for yourself," tinig nito sa isang malamig na boses. Hindi pa man nakakapagpaalam si Ella ay bigla na lamang naglaho na parang bula si Eric.

Maya-maya pa, bumalik ang pagdaloy ng oras sa mundo. Gumalaw muli ang mga tao at dinig na dinig na naman ang ingay sa loob ng kaniyang paboritong coffee shop. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status