Share

DW - XVI

           Pakiramdam ni Jehanne naghihintay siya ng isandaang taon habang nag-aabang sa pagdating ni Cadis sa opisina. Nakaupo siya sa isang bilog na upuan na nasa tabi ng lamesa, samantalang nagpapalakad-lakad naman si Andrei at mukhang 'di mapakali. Tiningnan niya si Andrei at nabakas niya sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

           Minsan nang nasabi sa kanya ni Andrei na matindi magalit si Cadis lalo na sa mga lumalabag sa batas. Iniisip niya kung matitikman niya kaya ang galit ng Panginoon nila sa pagkakataong ito. Mas maigi na rin siguro ang maipatapon sa limbo kaysa ipagpatuloy niya ang kalokohang gawain ng isang taga-bulong.

           Maya-maya, pumasok na si Cadis sa silid. Hanggang ngayon, natatakot pa rin si Jehanne kapag nakikita ito. Umupo si Cadis at hindi maipinta ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status