Share

Chapter 11

Raven's POV

"MAUNA na kayo, susunod ako sa inyo." Saad ko kina Haze at Bree na ngayon ay naguguluhan na sa mga sinasabi ko.

"Huh? Bakit? Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Haze sa akin. Tinitingnan ako nito na parang isa akong bagay ni hindi matukoy.

"Oo nga. Ngayon ngayon lang, parang biglang nawala ka sa sarili mo tapos ngayon....." hindi maituloy ni Bree ang sasabihin dahil pati siya ay naguguluhan na din sa akin.

"Mamaya ko na ipapaliwanag. Basta mauna na kayo. Kung matagalan ako, wag niyo na akong hintayin." Saad ko sa mga ito. Kung ano man ang mangyayari sa akin ay ang diyos na talaga ang bahala.

"S-sige..." napipilitan na saad ni Haze.

Tumalikod na ako sa kanila at tinahak ko ang daan patungo sa Mansion ni Vander. Nanlalamig din ang aking kamay. Hindi pa rin mawala-wala sa dibdib ko ang takot. Pakiramdam ko ay nakatayo ako ngayon sa isang bangin na ano mang pagkakamali ay mahuhulog ako.

Hindi ko na napansin ang mga nakakasalubong ko. Dire-direcho lang ako hanggang sa wala
Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status