Share

Chapter 2

Raven's POV

NAKAKUNOT noong nakaharap ako ngayon kay Prime at gusto ko ng lamukusin ang papel na binigay nito sa akin.

"Ayokong gawin yan Prime. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin?" Naiinis na saad ko. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung pati ako ay madadamay sa plano nito?

Balak lang naman nitong magdrama na isa ako sa mga babaeng naikama ng Simon na iyon. Siyempre hindi ako pumayag. Halos pamulahan pa ako ng mukha ng mabasa ko ang mga linyahan ng dialog na para sa akin. It's too forward and sinfully sexy! Ni sa panaginip ko ay hindi yun sumagi sa utak ko na masasabi ko ang mga bagay na ito.

Halos umiyak naman ang itsura ngayon ni Prime. "Sige na please. Alam ko naman na may mga babae talaga yan si Simon, at hindi niya rin maaalala na hindi ka naging babae niya. Basta na please—"

"No Prime! Kabaliwan yan sinasabi mo—doon na muna ako at mag-isip ka ng ibang paraan." Naglakad ako at pumunta sa gilid.

Nandito na kami sa loob ng council ministry tower, dito sa lobby at wala pang masyadong empleyado ang naririto. Pero marami ng mga aplikante na naghihitay na kagaya ko.

Nakangusong nakatingin si Prime sa akin at tinaasan ko naman ito ng kilay at inirapan. Hindi ko talaga alam kung paanong nasali ako sa mga kalokohan niya. Ilang sandali lang ay napatingin ako ulit kay Prime ng nakita kong nilapitan ito ng lalaki na sa pagkakaalala ko ay Simon dahil ito din ang lalaking nakita ko kahapon.

"I said were over! Doon ka na sa mga babae mo!" Gigil na saad ni Prime rito.

Medyo nakakaani na sila ng atensyon kaya napapatakip na ako ng mukha. Ako yung nahihiya para sa kanila!

"No! Lalayo ako sayo kung mapapatunayan mo lang na may babae nga ako." Nakangising saad naman ni Simon kaya naibaba ko ang kamay ko at tumaas ang kilay ko.

So this is the dickhead that she wanted to dispose. Kaya naman pala. I wonder kung bakit sinagot pa niya ang kulugong yan. Halos maiyak na si Prime dahil wala itong mahagilap na salita. Napakagat labi ako at pikit matang nagsimulang maglakad. Bahala na. Bahala na talaga kung ano man ang mangyayari pagkatapos nito.

I walk sexily and suddenly wrap my arms around his turso na ikinagulat ng Simon na ito. I grinned at him and batted my thick and long eye lashes. "I want to have another steamy night with you.." sabay kagat labi. "Want to come to my place again?"

Parang gusto ko ng maligo sa holy water sa mga sinabi ko. Kaya nainis ako kanina dahil ito yung script! Yes! Everything I did was part of the script!

"Hayop ka! Yan! Ang kapal ng mukha mo!" Biglang napahiwalay ako sa Simon na ito ng hinila ako ni Prime at pinagsasampal niya si Simon.

Biglang umawat ang mga gwardiya at ngayon ay sapilitang hinila na palabas si Simon ng Tower. Napabuntong hininga naman ako pero gusto ko naman lumubog sa kinatatayuan ko ng sa akin na ngayon nakatingin lahat ng mga aplikante doon.

I tried my best not to let my expression falter. I kept on slamming in my mind that it was just an act and everything is not real. Pumihit ako patalikod pero halos takasan naman ako ngayon ng kaluluwa ko dahil sa taong hindi ko inaasahan.

A man with 6'3 foot tall standing in his three piece suit with a dark expression looking down at me. I felt like I am a dwarf compared to him. Pero lahat ng gulat ko ay biglang napalitan ng malakas na pagpintig ng puso ko na pakiramdam ko ay sasabog na iyon.

Vander.

Shit! Shit! Shit!

Ito na ba iyong sinasabi nila na akala mo ay wala na pero meron pa pala? I am standing right in front of him at halos magwala ang puso ko at may nag-uudyok sa akin na lumapit sa kanya at yumakap. Pero pinigilan ko ang sarili ko. It's not normal for crying outloud and why do I even feel this way?

I know na nakamove on na ako sa kanya pero kingina! It was already been five years since the last time I saw him! Isang tingin ko lang sa kanya bumalik ulit lahat! Kingina, akala ko wala na talaga yun pala nagbakasyon lang ang pesteng pakiramdam na ito. At ngayon para lang pasukan na ulit at tapos na ang bakasyon kaya na dito na ulit! Kingina talaga!

I should hate him instead. He is a two faced jerk after all. And now that his face is so dark like he's ready to kill someone, he might be imagining on ripping my head off. Yeah, that's it so wake up Raven. Time to realize that this man is dispicable!

Pero hindi ko magawang makapagsalita dahil sa gulat. Tila naumid na ang dila ko. Pero ano pala ang ginagawa niya rito? May appointment sa council? Imposible naman na nandito siya para mag-apply ng trabaho dahil sa yaman nila, hindi na niya kailangan pang magtrabaho. Kahit buong bloodline pa nila ay hindi kayang ubusin ang yaman nila. They almost owned the entire country. Ganoon sila kayaman.

Napalunok ako ng sinamaan nito ng tingin ang mga nakatingin sa amin at pagkatapos nun ay nagsimula na itong maglakad patungo sa akin! Parang gusto ko ng tumakbo palayo. His stares are murderous and he doesn't even care if everyone saw how he looks! Napapikit ako ng mariin na malapit na ito sa akin pero naramdaman ko naman na nilagpasan lang niya ako pero hindi ko maipagkakaila na nagtama ang mga braso namin.

His arm putruding muscles just brushed on my naked arm at kinilabutan ako doon! Lahat kami ay tahimk at napabuka na ako ng tingin at agad na napasunod ng tingin kay Vander. May mga nakasunod sa kanya na mga nakauniporme ng 3 piece suit din pero alam ko na mga bodyguard niya iyan.

He's strong but still he hires bodyguard for his safety. Kung tutuosin ay mas magaling pa siya kesa sa bodyguard niya. Pakiramdam ko tuloy ay parang design lang ang mga bodyguard sa kanya.

Napansin ko naman na pumasok na ito sa elevator and his eyes landed to mine again. Pakiramdam ko ay parang hihigupin ako nito. Like something in my mind is pleading Comeback to me please... Pero alam ko na imahenasyon lang iyon.

Tuluyan na itong nawala sa paningin ko ng magsara ang elevator.

"Eeeeiiiiiiihhhhhhh! Ang gwapo niya talaga...."

"Oh my gosh feeling ko suswertehin ako ngayon kasi siya ang nakita."

"Ang gandang pambungad ni Mr. Cambridge."

"Grabe, nagwala ang ovaries ko kanina!"

Napapangiwi naman ako sa mga narinig ko. Wala pa rin nagbabago, marami pa rin naghahabol sa kanya. Kung tama ako, he's already 29 years old at mas nagmature ito at mas lumaki ang katawan. Every inch of him is so manly lalo na ang mapupulang labi nito na minsan ko ng natikman—what the fuck? Why am I reminiscing? Reset Raven! Reset your mind!

"Raveeeen!" Tili naman ni Prime sa akin ngayon at talagang biglang yumakap ito sa akin. Tila lumipad naman lahat ng isipin ko tungkol kay Vander dahil rito. "Thank you! Salamat talaga at tinulungan mo ako."

Napabuntong hininga naman ako. Naawa naman ako rito kung hindi ko siya tinulungan kanina. His ex is kinda psycho to me. At bakit ba ang hilig ng mga lalaki na mambabae? Alam na nila na masasaktan ang girlfriend nila, nambabae pa rin. Ikakagwapo ba nila iyon?

"It's fine. Gago naman pala kasi talaga yang ex mo. May ebidensya na, naghahamon pa." Sagot ko rito at bumitiw na ito sa pagkakayap sa akin.

"Gago talaga siya. Buti nga sa kanya pinalayas siya dito sa council—"

"Attention, I am looking for all of the applicants." Napalingon naman kami ng may nagsalita na babae na may edad na rin. To be honest, most of the workers here are old people. Kami lang na mga aplikante ang mga bata.

"Tara na hinahanap na tayo." Hila naman sa akin ni Prime.

Para kaming nga langam na lumapit sa gitna. Napatingin ako sa kabuuan at tama nga ako. Ang daming aplikante na halos mga kaedad ko o kaya naman ay matanda lang sa akin ng konti. Matatanggap kaya ako sa daming nag-apply?

"Welcome to Eon Council Ministry, my name is Zarena De Luca, the talent acquisition of the ministry. To all applicants, please follow me to the 6th floor function hall." Turan nito sa amin na nakangiti.

Nagpatiuna na itong naglakad patungo sa elevator na mga nakahanay. Nasa sampo ang mga nakahanay na elevator at magkaharap ang mga iyon. Pero alam ko na hindi pa rin kami magkakasya doon.

"Take all the silver labeled elevator, the gold one is prohibited." Saad ulit ni Miss Zarena.

Napatingin naman ako sa elevator na may label na gold. Dito sumakay si Vander kanina, baka para ito sa mga bisitang mayayaman kaya hindi kami pwede dito.

"Ang gara naman ng elevator na ito. Pwedeng isanla. Gold shiny shimmering splendid." Komento naman ni Prime na ngayon ay sinusuri din ang elevator.

Nakasakay na yung iba at kami naman ay matyagang naghihintay na makasakay. Alam ko na aabutin kami rito ng matagal dahil hindi biro ang dami ng mga aplikante.

"Siguro para sa mga boss ito at mga bigatin na mga kliyente." Sagot ko na lang dahil wala akong ibang maisip. Wala naman kasing sinabi sa university tungkol sa elevator. Ngayon lang din ako nakapasok dito.

"Oo, para sa big boss nga itong elevator kaya hindi tayo pwede." Tugon naman ni Prime sa akin.

Kaya hinabaan ko ang pasensiya ko pero bigla naman tumunog ang elevator para sa boss at bumukas iyon. Napalingon ako doon at may nakita akong nakatuxedo na blanko ang ekspresyon. Gigilid na sana ako para padaanin ang mama pero biglang tumingin ito sa akin.

"Miss Haust, please ride this elevator." Biglang saad nito na ikinalaglag ng aking panga. Hindi lang ako, pati na rin ang ibang nakarinig! Pati si Prime ay nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa akin na may pagtataka.

"H-huh? H-hindi daw kami pwede diyan." Naisagot ko yun pero nagulat pa rin ako. Anong nangyayari at paanong kilala ako ng lalaking ito? Hindi ko siya kilala at mas lalong hindi namin siya kapitbahay.

"It's an order from above, Miss Haust." Sagot nito sa akin at may narinig akong mga singhap sa likuran ko.

"OMG. Who could she be?"

"Bakit may special treatment?"

"Baka may backer."

"Unfair naman."

Nalukot naman ang mukha ko dahil sa narinig ko. Napalingon ako sa mga babaeng nag-uusap. Alam ko na sadyang nilakasan nila iyon para umabot sa aking pandinig. Hindi naman ako ganoon katanga para sa simpleng bagay ay hindi ko mahahalata iyon.

Pero may ideya na rin ako kung sino man ang may utos nito. Wala naman akong ibang kakilala rito kundi si Vander lamang. And thinking na dito siya sumakay ay wala na akong ibang maisip na pagdududahan.

Ano naman ang trip niya ay gusto niya akong sumakay rito? Is he going to trap me inside or crash the elevator while I am inside? Wala akong ibang maisip na dahilan bukod doon. But if he wanted to kill me, he can just do it earlier without an effort.

"Miss Haust, please ride the elevator." Usal ulit ng lalaki.

Napabuntong hininga naman ako bago nagsalita. "I will, if they can as well." Sabay turo ko kay Prime at sa iba pang aplikante na ngayon ay nakanganga pa rin.

Biglang napahawak ito sa earpiece nito at tila nakikinig ito sa isang nagsasalita.

"Yes sir—" at tumingin na ito sa akin. "They can, Miss Haust."

Kaya agad akong pumasok at hinila ko naman si Prime papasok na nakatulala pa rin pero walang sumunod sa amin. They are still in a state of shock. Kaya nagsalita na ako.

"Sakay na kayo." At sa isang salita ko lang ay nag-unahan na ang nasa labas na pumanhik sa loob.

Agad na humarang ang lalaki sa harap ko upang hindi ako matamaan ng mga nagsisiksikan. It feels like he is my own bodyguard.

Bodyguard? Now that I mention it, pareho ito ng suot ng mga kasama ni Vander! Now it is confirmed, siya nga ang may utos. But who cares? As long as makarating kami sa 6th floor ay okay na ako.

Then someone pressed the 6th button and the elevator started to lift.

©️charmaineglorymae

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status