Share

Chapter 1

Raven's POV

MAINGAT na inilagay ko ang mga damit ko sa kabinet ng bahay na tinutuluyan ko ngayon. Isa ito sa mga nagtatayugang condominium dito sa Metropolis. Nagdalawang isip pa ako kanina kung tama ba talaga ang address na ibinigay ni Papa. It's just that, how could he afford something like this? This place is obviously pretty expensive lalo na at malapit lang ito sa council ministry tower.

Everything is really great in this place. Halatang inayos talaga ng maige. Pero hindi ko rin naman matanggaihan ito dahil pinaghirapan din ito ni Papa.

I have a scheduled interview tomorrow with the HR. Sa madaling salita, marami kaming aplikante bukas at nanganganib ang mga slot dahil tatlo lamang ang kailangan nila. It's a secretarial position ng Head Council President, Director at Manager. Tatlo ang matatanggap pero sigurado ako na mas higit pa sa tatlo ang mag-aapply.

Blogsh! Kablam! Kablagh!

Agad na tumigil ang mga mata ko sa pintuan. Nagmumula ang ingay na iyon sa labas. Pakiramdam ko ay may mga nahulog na mga gamit. Kaya agad akong napatakbo sa pintuan para silipin kung ano ang nangyari.

Binuksan ko kaagad ang pintuan upang masalubong ko lamang ang dalawang taong nag-aaway.

"—Leave me alone! Ayoko ko na sayo! Alis!" Bulyaw ng babae sa lalaki ngayon na namumula sa galit.

Napahilamos na ang lalaki sa kanyang mga palad at mukhang hindi na nito alam kung ano ang sasabihin sa babae.

"Sweetie, it was just—"

"Fuck you! Kung hindi ko pa nakita, hindi ka aamin? Ano? Gagaguhin mo ako ng todo-todo? Buwiset ka umalis ka dito baka di ako makapagpigil at masaksak kitang hayop ka! Get out!" Galit na galit na saad ng babae at pinagtutulak na niya ang lalaki.

Para naman akong naging yelo sa kinatatayuan ko. Sobrang awkward ang nararamdaman ko ngayon lalo na at nakikita ko sila.

"I will leave but I will be back. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo. Cool your head down, mag-uusap tayo pagkalmado ka na—"

"Gago! Kahit kumalma man ako, hindi na ako makikipag-usap sayo!" Galit na sagot naman ng babae sa lalaki.

Napapailing na lang ang lalaki na umalis at pumasok ito sa elevator. Pagkasarado pa lang ay biglang pumalahaw na ng iyak ang babae.

"Hayop siya, hindi man lang nagpumilit na samahan ako—hindi talaga niya ako mahal." Umiiyak na saad nito at sumalampak na ito sa sahig.

Napapakunot naman ang noo ko. Pinapalayas niya yung lalaki kanina tapos ngayon iiyak dahil umalis nga. Hindi ko alam kung ano tuloy ang gusto ng babaeng ito. She's complicated.

Nagulat na lang ako bigla ng napatingin ito sa akin at nagulat ito ng makita niya ako. Kahit ako ay nagulat ulit at nahuli niya akong nakichismis. Nakakahiya lang, pero di ko naman sinasadya. Akala ko kasi may mga gamit na nahulog lang sa labas.

"—B-bakit ka nandyan?"

Bahagyang napataas naman ang kilay ko sa tanong niya pero sinagot ko iyon. "Dito ako nakatira." Simpleng sagot ko rito.

"I mean, bakit ka nakinig?!" Tumayo ito at halatang nahihiya dahil nakita ko ang nangyari.

Umismid naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung may sayad ba ang babaeng ito o kung ano. "Kung ayaw mo palang marinig ng lahat, dapat di ka sumigaw. Sana itenext mo iyon sa boyfriend mo para hindi malaman ng mga tenante dito." Sarkastikong sagot ko rito.

I know I am not that nice, pero nakakabadtrip naman kasi ang tanong ng babae. Nakakabobo lang. Isasarado ko na sana ang pintuan pero biglang pinigilan naman iyon ng babae.

"—T-teka... sandali lang."

Kunot noo ko itong tinitigan. "Bakit?"

"P-pwede ba kitang makausap?"

"Ako?"

"Oo."

"Bakit?"

"Kailangan ko ng kausap ngayon—sobrang sakit ng nararamdaman ko." Naiyak na ito ng tuluyan pero hindi na ito ngumangawa tulad ng kanina.

Nagdadalawang isip ako kung patutuluyin ko ba ito o hindi. Paano kung masamang tao ito? Pero napailing naman ako. Ano ngayon kung masama ito? Kaya ko naman depensahan sarili ko. Raven, don't forget you are a legendary.

"Sige, pasok ka." Yaya ko rito.

Kung may gagawin ito sa loob ay baka pagsisihan niya lang. Hindi ako magdadalawang isip na gamitin ang kakayahan ko laban sa kanya. Pumasok naman ang babae at sumisinghot ito at derecho ito sa sala at umupo kahit hindi ko pa inaalok.

"P-pasensya ka na kanina sa inasal ko. Nagulat lang talaga ako. Sa kasunod na unit mo pala ako nakatira." Saad nito sa akin at pinapahiran naman niya ng panyo ang kanyang mukha dahil sa luha.

"Ah..." yun lang ang tanging naging tugon ko. Hindi ako sanay makipag-usap sa mga bagong kakilala kung hindi naman konektado sa trabaho.

"Ako pala si Prime—at yung lalaking nakita mo kanina ay ang walang hiyang ex-boyfriend ko na pagkatapos akong lokohin ay may gana pa talagang humarap sa akin at umaktong parang walang nangyari." Kuwento nito.

"Ako naman si Raven..." pakilala ko naman rito at hindi na pinansin ang tungkol sa ex nito. Hindi naman kasi ako interesado na makilala iyon.

Tumingin ito sa akin at napapakunot noo ito. "Pamilyar ka...saan nga kita nakita?" Tinaasan ko naman ito ng kilay. Ako talaga ang tinanong samantalang ngayon ko nga lang siya nakita. "Ah! Tama! Sa f******k! Ikaw yun babaeng nasa page—teka boyfriend mo ba ang admin nun?"

"Huh?" Hindi ko kaagad siya naintindihan dahil hindi ko alam ang sinasabi niya pero bigla ko naman naalala ang page sa f******k na ginamit ang mukha ko. "Ah, that... No, just random stalker..." sagot ko na lang dahil hindi ko talaga alam kung sino iyon.

"Ang ganda mo pala talaga sa personal. Kaya sikat ang page na yon kasi dahil na rin sayo—pero teka, pag-usapan muna natin ang hayop ko na ex."

Ikinuwento nito ang kagaguhan ng ex niya na ang pangalan pala ay Simon. Sinabi ba naman ng h*******k na pampalipas oras lang iyon babae? Kingina, kahit ako din ang nasa lugar ni Prime ay ganoon din ang gagawin ko.

"Talaga bang hindi ka titigilan nun?" Naitanong ko rito.

"Sa mukha nun, halatang hindi. Lalo na at iisa kami ng aapplyan bukas." Sagot nito at mas lalo lang siyang napasimangot.

"Saan kayo mag-aapply?" Kunot noong tanong ko rito.

"Sa Council Ministry kaya lumipat ako rito dahil malapit lang. Dalawa kami ni Simon sa planong ito pero dahil gago siya, bahala siya sa buhay niya—"

"Teka, doon din ako mag-aapply." Usal ko naman.

Napatuwid naman ito ng upo at nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Talaga? Teka, epic ka?"

Umiling ako. "Common lang ako." Sagot ko rito. This lie already sounding so real dahil sa nakasanayan ko na.

"Wow, I can't tell for the first time. Magaling kasi ako tumingin ng tao, and when I first saw you, I thought you are more than that... Napagkamalan pa nga kita na epic na parang hindi... but a common? Wow, first time kung nagkamali." Namamanghang saad nito sa akin.

Napalunok naman ako dahil hindi nga siya nagkamali ng tingin. I was just lying!

"Hahahaha... siguro mukha lang talaga akong epic." Awkward na sagot ko rito. Ang awkward nga mukhang epic, muntanga lang.

Ngumuso naman ito. "Siguro... your aura looks too strong than an epic. Pero siguro ganyan lang talaga ang aura mo."

"Oo, ganoon na nga kasi imposible naman kasi yan sinabi mo. Common kasi ako." Turan ko rito at parang ayoko na tuloy makipag-usap rito.

"Ahm... sige Raven, bukas sabay na tayong pumunta sa council para sa interview. Pwede ba?" Untag naman nito sa akin.

"Oo ba." Sagot ko rito.

Ngumiti ito ng malapad. "Salamat talaga, natatakot kasi ako baka lumapit na naman yun h*******k na iyon sa akin."

Napailing naman ako at sumadal sa backrest. "Madali lang magtaboy ng lalaki. Sabihin mo lang na may iba ka na."

"Talaga? Gagana iyon?"

"Oo naman. Sino ba naman kasi ang lalaking makapal ang mukha na pagsabihan na, ipipilit pa?"

"Meron ganoon Raven! Akala mo lang wala."

"E di, sabihan mo na may nangyari na sa inyo kahit wala naman."

"Ay oo nga no?"

"Oh diba?"

"Tama, siguradong susuko iyon. Oh my gosh, salamat sa ideya... sige, uuwi muna ako sa unit ko at magsusulat ako ng script kung ano dapat ang mga linyahan ko bukas. Kahit hindi ko isipin ay alam ko na lalapit at lalapit ang h*******k na iyon." Anito at excited na tumayo ito mula sa pagkakaupo at dumerecho sa pintuan. Lumingon muna ito sa akin at ngumiti. "Salamat, Raven!" At lumabas na ito.

Napapakurap naman ako. Bakit magsusulat pa siya ng dapat niyang gawin? Don't tell me binabalak nitong umakting bukas? Pero yun naman talaga ang initial plan di ba? Bahala na nga siya, buhay naman niya iyon.

Bumalik na ako sa kwarto para kumuha ng towel at maliligo na ako. Maaga akong matutulog ngayon dahil maaga din akong pupunta sa council. We need to act like an early bird, para kung may changes ay alam ko kaagad.

I don't feel like eating for supper. I guess, I just have to sleep with empty stomach. The older I get, the lesser I eat. Medyo worried na rin ako sa eating habit ko pero sabi naman ng doctor na normal lang daw yun sa akin dahil masyado daw mabilis ang metabolism ko at maliit din ang stomach ko, kaya madali lang akong mabusog.

A/N: Which is dati akong ganito but it was changed😂

Naging maaliwalas ang aking pakiramdam pagkatapos kong maligo. Sana lang talaga ay matanggap ako. The applicants are sure came from different universities from different states as well. Magiging mahirap ang kompetisyon nito sa pag-apply pa lang. I won't expect too much pero sana matangap ako.

•••

NAGISING ako ng maaga dahil sa alarm clock na nakaset. It's five in the morning at madilim pa ang labas. Pupungas pungas akong bumangon at pumunta ako sa kusina dahil nakaramdam na ako ng gutom.

Pagbukas ko fridge ay napamura na lamang ako dahil walang laman iyon. Crap, anong kakainin ko ngayon? Pero may naalala naman ako kaya bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ko ang phone ko.

Nagbrowse na ako sa isang app which is for food delivery. May mga bukas naman na fastfood na 24 hours ang delivery. Good thing at may nakita ako at 30 minutes lang ay maihahatid na ang pagkain kaya yun na ang inorder ko. Isang simpleng pancake lamang ang inorder ko dahil mabubusog na ako at may kasamang hot chocolate iyon.

Humiga na muna ako sa kama ko at napatitig sa kisame. This will be my first time to apply for a job and I am freaking nervous. Hindi ko mapigilan dahil medyo mababa ang confidence ko dahil na rin sa tindi ng kompetisyon. Just for example, si Prime ay isang mabigat na kakompitensya na dahil nagmula ito sa unibersidad mula dito sa metropolis. Paano kung meron pala silang priority? Paano kung mas tatanggapin nila ang nandito sa metropolis kesa mula sa malayong bayan?

Gusto kong maging optimistic o yung positibo ang pananaw pero hindi ko maiwasan na hindi kabahan at mag-agam-agam. Lahat naman siguro talaga ng tao, nakakaramdam ng ganito di ba? Anxiety is the right term.

Hindi ko na namalayan ng biglang tumunog na lang ang cellphone ko. Unregistered number ang nakalagay, pakiramdam ko ay ito na yung delivery.

"Hello?" Sagot ko.

"Hello, good morning ma'am... this is from food panda, nandito na po yung order niyo." Usal sa akin ng lalaki sa kabilang linya.

"Okay po. Lalabas na ako." Sagot ko naman rito at bumangon na ako sa pagkakahiga.

Agad na nagmadali akong pumanhik sa sala para buksan ang pintuan at nandoon na nga yung delivery man at bitbit nito ang pagkain na inorder ko.

"Ito po yung receipt ma'am...$50.00 lang po." Usal nito sa akin na nakangiti at talagang titig na titig sa akin. Nahalata ko na nagulat pa ito ng binuksan ko ang pintuan kanina.

"Ito po kuya." Sagot ko naman rito at inabot na nito ang pagkain. "Salamat po." At nginitian ko ito bago ko isinarado ang pinto.

Amoy na amoy ko ang bango ng pancake at chocolate kaya agad akong pumanhik sa lamesa at binuksan iyon. I am hungry at mas lalo lang akong naglalaway sa bango ng pagkain.

Napangiti naman ako ng malasahan ko ang pancake. It was superb at muntikan pa akong mapaso sa hot choco dahil sobrang init talaga nito. Kaya pinalamig ko na muna dahil baka mamaltos lamang ang aking dila kung pinilit ko pa.

Di naman nagtagal ay naubos ko na ang inorder ko kaya pumanhik na rin ako sa banyo para makaligo na.

©️charmaineglorymae

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status