Raven's POV
NAKALABAS na rin kami sa elevator pero hindi maiwasan na umani ako ng tingin mula sa mga kapwa ko aplikante. Pero binalewala ko na lang iyon dahil wala naman silang alam.Nasa loob na kami ng function hall at napakalawak nito. Isang buong hall talaga ito na pwedeng pagdausan ng mga party dahil sa lawak. Marami din mga upuan doon at nakaupo na nga doon ang ibang mga aplikante.Ibinigay na namin ni Prime ang aming mga resume at application letter sa assistant ni Miss Zarena. Umupo na rin kami doon dahil maghihintay kami sa pagtawag sa aming pangalan para sa interview."Raven, may kakilala ka ba rito?" Nagtatakang tanong ni Prime sa akin. "Kasi pinasakay ka doon sa elevator kahit bawal iyon sakyan." Nagtatakang tanong nito pero mahina lamang dahil alam nito na nakikinig din ang iba.Umiling naman ako. Matatawag ko bang kakilala si Vander kung bisita lamang siya rito?"Hindi ko rin alam kung paanong nakilala nila ako at pinasakay kanina sa totoo lang." sagot ko rito at pakiramdam ko ay itatapon na ang kaluluwa ko sa impyerno dahil sa kasinungalingan na iyon.Ngumuso naman ito. "Hhmm... baka crush ka nun mamang bodyguard na iyon kaya ka pinasakay."Parang gusto ko naman mainsulto. May edad na yung bodyguard at halatang wala yung gusto sa akin dahil respeto ang nakikita ko sa bawat galaw nun."Malabo, may asawa na iyon... pero siguro may nakakilala sa akin dito dahil dati sa fortress ako nag-aaral, kaya siguro ganun." Sagot ko naman rito.Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "Talaga? Sa fortress? Balita ko maganda doon at doon din dati nakatira ang halos lahat ng mga eons."Tumango naman ako. "Totoo yun, pero hindi naman ako matagal doon dahil ilan buwan lang din ay umalis na ako dahil sumama na ako sa Papa ko.""Ah, yun ba na naialis na yung dating presidente? Kahit kami din ay tuwang tuwa noong nabigyan na ng kalayaan ang lahat ng kagaya natin." Sang-ayon naman nito. "So meaning kilala mo yun si Mr. Cambridge kanina?"Tila nanlamig naman ako dahil sa sinabi nito pero napilitan akong tumango. "Schoolmate.""Woah, kaya pala nakatitig siya sayo ng matagal. Hindi ko lang yun pinansin kanina kasi inisip ko na nagandahan lang talaga siya sayo, kahit sino naman magagandahan talaga sayo. Pero di ko inakala na magkakilala kayong dalawa. Biruin mo isa siyang Legendary." Namamangha na saad nito na muntik ko ng mapagkamalan na may mga bituin sa mga mata niya."Ah, baka namukhaan lang niya ako. Di naman kami magkaibigan nun." Sagot ko rito. Dapat siguro ay uminom na ako ng holywater mamaya dahil makasalanan na ako dahil sa pagsisinungaling."Siguro ganoon na rin. Sa ganda mong yan, imposibleng hindi ka niya mapapansin habang nasa fortress kayo." Tugon nito.Imposible nga dahil niligawan pa nga ako ng lalaking yun tapos traydor pala. Ano kaya ang ginagawa nun dito? Hindi pa rin yan maalis sa isipan ko kung ano ang dahilan kung bakit siya nandito.Kung anu-ano pa ang napag-usapan namin. May mga napapansin akong nakatingin sa akin pero hindi ko na yun pinagbigyan ng pansin. Ikinuwento ni Prime kung saan siya ipinanganak at saan siya nagtago. Kagaya ko rin pala siya na walang alam sa mundo dati.Pero ngayon ay malaki na talaga ang ipinagbago namin. Ang bakas ng pagiging walang alam ay hindi na makikita sa amin. We are educated and mature somehow, pero minsan umaandar pa rin ang pagiging immature ko.Marami na ang natawag at hindi ko alam kung may napili na ba o wala pa. They are only hiring for 3 secretaries pero ang applicants, more than a hundred."Raven Haust?" Tawag sa akin.Napatayo naman ako bigla at tinawag na rin si Prime pero sa ibang interviewer siya naka-assign.Naglakad ako patungo sa interviewer ko na si Miss Zarena at ngumiti ito sa akin."Have a seat." At umupo ako sa upuan sa harap ng kanyang lamesa."Thank you miss." Sagot ko naman rito."Okay, to start I will be asking question in order for me to know if you are qualified with the job. Just give us your honest answer." Nakangiting usal nito sa akin.Napangiti naman ako. "Okay miss.""Tell me about yourself, Miss Haust." Yan ang unang tanong niya sa akin.Muntikan na akong napasimangot dahil ayoko talaga sa tanong na ito. I don't remember why I hated this question, but I really hate it."My name is Raven Haust, and my friends calls me Raven. I am one of the survivor of the almost captivity by the old government. I studied before and was trained inside the fortress for eons. I experienced the last war between Eons and the previous government." Sagot ko rito. I did not make it long dahil wala naman akong masyadong makuwento tungkol sa sarili ko."You were there?" Tanong nito sa akin."I was. It happened in front of my eyes." Tugon ko rito.Ngumiti naman ito. "Glad that you made it. I heard there are lots of casualties in that incident."Tumango naman ako. "Yes miss. There was inevitable.""You graduated as cumlaude in Bachelor of Arts in Political Science from Eurodite University in Moonriver State. You have a nice standing and good grades. But you don't have any work experience yet." Usal nito.Parang gusto ko naman mambara. Fresh graduate nga di ba? Malamang wala pa talagang work experience. Minsan nakakaloko din talaga itong job interview dahil masyadong demanding, hindi naman competitive yun sahod. Underpaid pa nga kung tutuosin."My father did not allow me to work while studying but I am fast learner and with a proper training I will be a good advantage to your company as your ending." Sagot ko naman rito.Mas lalo naman itong ngumiti. "Excuse me." Saad nito at pinulot nito ang reciever na hindi pala nakalagay sa lalagyan. "Sir, I can say the applicant is impressive both records and personality—okay sir—copy." Saad nito at ibinaba na iyon at inilagay na sa lagayan.Teka kanina pa ba ang tawag na iyon? Dahil hindi nagdial si Miss Zarena. Basta pinulot na lang niya iyon at nagsalita. O baka naman required talaga na ganoon bawat interview.Ngumiti naman siya ng malapad sa akin at agad akong kinamayan. "Alright, congratulations and welcome to our family. You're hired and you will be assigned as a secretary of the Head Council—""Huh?" Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Tanggap ako at sa Head Council daw ako magiging secretary?"You heard it correct Miss Haust. The boss was listening from the interview and it was up to him if he will hire you or not and you aced it. So, congratulations!" Nakangiting saad nito sa akin.Napanganga na lamang ako dahil hindi ako makapaniwalang natanggap ako! From this hundred of people applying for the job, ay ako ang tinanggap nila!"Holy—oops, my god thank you miss Zarena!" Tuwang tuwa na saad ko at kinamayan ko siya. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nangyayari."Okay follow me. You need to sign the contract first before going home. The details of your compensation will be discuss there." Anito.Nakangiting tumayo ako at tumayo na rin si Miss Zarena kaya sumunod na ako sa kanya. Sa sobrang tuwa ko ay nakalimutan ko na kung natanggap ba si Prime o hindi. Nawala na talaga yun sa isip ko.Sumakay na kami ng elevator at sabi niya ay sa contract room daw kami pupunta para sa pirmahan. Nakita ko naman na sa HR department kami pumasok at marami akong nakitang mga tao doon na busy sa pagtitipa sa kanilang mga computer at ang iba naman ay nagshishred ng mga papel.May mga napapatingin naman sa amin at alam ko na nag-usisa lamang iyon. May mga ngumiti naman sa akin kaya ginantihan ko rin ng ngiti ang mga ito.Dumerecho kami sa isang silid na frosted glass. Makikita mo sa labas na may tao sa loob pero di mo naman mapapagsino dahil frosted iyon. Pumasok kami doon at nagkataon na wala naman tao."Just wait here Miss Haust, I'll just print the documents that you need to sign for your contract. You can eat the food on the table." Nakangiting saad sa akin ni Miss Zarena.Kiming ngumiti ako rito at tumango. Lumabas ito mula sa contract room at napatingin naman ako sa pagkain. It was nachos and tacos pero hindi naman ako mahilig kumain ng ganoon at tsaka busog pa ako.Tahimik lang akong naghihintay hanggang sa sampung minuto na ang lumipas at nabagot na rin ako kaya kinuha ko na ang cellphone ko. Nagtext na lang ako kay Papa, na natanggap ako. Nagtitipa ako ng mensahe ng biglang bumukas ulit ang pintuan kaya agad kong naitago ang cellphone.Dala-dala ni Miss Zarena ang mga papel na kailangan ko raw pirmahan."Sorry if I took so long on getting this. The boss was still drafting the contract." Saad nito na halatang humingi ng paumanhin dahil natagal ito bago nakabalik.Napakunot naman ang noo ko dahil ang boss daw ang gumawa ng contract. Wala ba silang generic contract? Pero hindi ako nagsalita at tinanggap na lang iyon ng iniabot ni Miss Zarena sa akin ang kontrata na medyo may kakapalan.Lahat ng pagtataka ko ay nawala ng nakapangalan iyon sa akin. Kaya naman pala drafting kasi nakatype talaga ang pangalan ko doon at wala na akong kailangan isulat kundi mga pirma na lang ang gagawin ko.Ipinaliwanag naman sa akin ang magiging trabaho ko at gagawin ko bilang secretary ng Head Council Minister. $2000.00 a month ang sahod ko at sobrang laki nun. Ang alam ko, ang minimum na sahod ay $500 a month lamang. Pero sabi ni Miss Zarena, kaya ganito kalaki ang sahod ay dahil on call din ako. Sasama daw ako sa mga outdoor meetings and even assisting the boss with his personal busines.Bukod sa Head Council Minister ang magiging boss ko, ay marami daw itong negosyo na pinapatakbo. For short, sobrang yaman ng boss ko. Kaya naman pala ang laki ng sahod, dahil hindi lang sa council esklusibo ang trabaho ko.Napapakunot naman ang noo ko dahil may nabasa ako na mga rules. Do's and don'ts ang nakalagay doon. Company rules daw pero nawiweirdohan ako sa mga nakasulat.1. The employee must avoid having a romantic relationship with the co-workers.2. The employee must report his/her whereabouts at all times.3. The employee must only focus on his/her superior.4. The employee must follow all the command and request from his/her superior.5. The validity of the contract depends on the termination of the superior.6. Voluntary resignation or absence without leave (AWOL) will lead to a consequence under the supervision of his/her superior.7. Be loyal and faithful.Ganito ba talaga ang mga kontrata? Sa boss nakafocus ang lahat, parang wala naman para sa kompanya. Di ba dapat, para sa kompanya ang mga rules? Pero hindi na ako nagtanong dahil sekretarya nga ako at si boss ang magiging trabaho ko. Err, rather kay boss ako magtatrabaho. What the hell is that statement? Buti na lang sa isipan ko lang yun dahil napaka-awkward nun kung sinabi ko yun.Kumuha na lang ako ng fountain pen na inilapag ni Miss Zarena at nagsimula na akong pumirma. This is quite a long signature session dahil medyo marami ang papel na nakapatong. Basta pinirmahan ko na lang ang lahat ng may pangalan ko.Medyo nangawit pa ang mga kamay ko dahil sa dami nun. I would love to read the contract but it will take me forever to finish it! Basta ang mahalaga ay malaki ang sahod. Yun naman ang importante sa trabaho at mga guidelines.Natapos na rin ako sa pagpirma at agad iyon kinuha ni Miss Zarena tsaka ang fountain pen. Laking pasalamat ko rin dahil tapos na rin sa wakas ang pagpirma ko doon. Hindi ko naman inakala na magiging ganito pala kahassle yung pagpirma ng kontrata. I thought isa o dalawang papel lang, yun pala ang dami!"Alright Miss Haust... you are now an official employee of EON Council Ministry. Please follow me to take your ID." Saad nito at lumabas na kami sa contract room para pumunta naman sa magpipicture sa akin para sa ID.©️charmaineglorymaeRei's POVNALUGMOK si mama na napaupo sa lumang sofa namin. Humagulgol si Mama kaya lumapit naman ako sa kanya. Nagpakatatag ako, hindi ako pwedeng manghina sa sitwasyon na ito."They've abandoned us, Rei..." Naiiyak na saad ni Mama. Panay ang pahid niya sa kanyang luha."They abandoned us a long time ago, Ma. Mas nakabubuti ang ganito. There is nothing will hold me back, Ma. I will make you proud. I-aahon ko ang pamilya natin sa hirap." Determinadong saad ko kay Mama.Kahit papaano ay napapangiti naman si Mama. "You're too smart, Rei. Nag-aalala ako na baka hindi ka maging normal sa paningin ng iba." Nag-aalalang saad niya sa akin.Napangiti naman ako. "Ma, someone like me might be rare, but we are still normal. I want them to realized what they missed the moment they abandoned us, Ma. They value wealth, fame and power. It will not be easy, but I will achieve them. We will be richer than them until one day, they will regret what they did to us."Tumango naman si Mama. Kaya matapos iy
Paris’ POVLimang taon ang nakalipas…NAKAUPO ako malapit sa may gate habang pinapanood ang mga sundalo na nagjojogging sa labas. Tuwing umaga ginagawa ito ng mga sundalo na naka-aassign sa Cross Valley. Marami din sa mga ito ay mga Cadets kung saan ay mga bagong recruit.Naging libangan ko na ang manood sa kanila habang nagjojogging. Hindi rin biro ang bilang nila dahil buong battalion ang nagjojogging tuwang umaga.“Good morning!” Bati ng mga sundalo habang nadadaanan nila ako. Ngumiti naman ako sa kanila at kumaway. They are very polite and friendly. Hindi sila nakakatakot kagaya ng ibang mga sundalo. Nakakatuwa lang din na marami sa kanila ay nakatira sa Village. Kagaya ng kapitbahay namin na mamaya lang ay dadaan na din dahil kasama ito sa mga nagjojogging tuwing umaga.Hindi nga ako nagkamali. Ilang minuto lang ay nakita ko na dumaan ang kapitbahay namin na seryosong tumatakbo. Nakakunot ang noo nito at wala itong pakialam sa paligid. Dere-derecho lang ito sa pagtakbo hanggang
Paris’ POV12 years ago…NAGLALAKAD ako sa hallway sa loob ng mansyon. Malapit na ang kaarawan ng lolo ko kaya pangiti-ngiti kong tinalunton ang di-carpet sa sahig na kulay pula.Gusto kong ipakita kay Lolo na nasagot ko ang mathematical question na nasa quadro niya. Araw-araw niya itong sinasagutan na noon ay hindi ko maintindihan kung bakit pabago-bago ang sagot niya at paulit-ulit na nangyayari yun.Nitong taon ko lang naintindihan na kaya pala siya paulit-ulit na ginagawa iyon dahil hindi tama ang sagot na nagagawa niya o kaya ay may mali. Kaya naman sinubukan kong mag-aral ng mathematics na kahanay ng sinasagutan ni Lolo. Nakailang libro ako at hindi ko na mabilang bago ako naging pamilyar sa maraming paraan ng Mathematics. Muntik ko ng makalimutan na ginagawa ko pala yun dahil sa ginagawa ni Lolo.I’m aware that I am still five years old. Dati, nagtataka ako kung bakit iba ako sa mga kaedad ko. At the age of 3, I can already fully understand basic information of books when I re
"You don't love someone because they're perfect, you love them in spite of the fact that they're not."- Jodi Picoult⭐️ECLIPSE SIX⭐️Start of the BattleSelene's POV"Nako anak wala ka na bang nakalimutan? Baka may naiwan ka pa. Dala mo na ba ang baon mo? Ang requirements mo?" Di mapakaling tanong ni nanay sa akin. Hindi ito magkanda-ugaga sa pag-aayos ng gamit ko na dadalhin ko sa office ni Halex."Opo nay, nadala ko na po lahat. Wala na ho akong nakalimutan." Sagot ko naman rito at tsaka binitbit ko na ang shoulder bag ko.Nakasuot lang ako ngayon ng isang pink na collared shirt at isang puting maong na pantalon. Nakasuot lang din ako ng rubber shoes at inilugay ko na ang buhok ko."Ang sexy mo pinsan! Nasaan ang justice!?" Parang baliw na sigaw naman ni Jopay na ngayon ay nakasuot ito ng puting tshirt at maong na pantalon.Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang sexy sa suot ko? Oo fitted sa akin ang collared shirt ko at skinny jeans din ang suot ko na kulay puti. Labas na labas
"Love is a really scary thing, and you never know what's going to happen. It's one of the most beautiful things in life, but it's one of the most terrifying. It's worth the fear because you have more knowledge, experience, you learn from people, and you have memories." —Arianna Grande⭐️ECLIPSE FIVE⭐️Closing the DistanceSelene's POV"Ang daming tubig dito sa bahay!" Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Jopay.Kahit ako din naman ay napanganga ako ng inihatid ako ni Halex pauwi sa bahay namin. Nadatnan namin na may nakapark doon na isang tank truck na puno ng tubig at iniipisan yung mga balde at mga lalagyan ng tubig namin.Kahapon pa yun nangyari pero hanggang ngayon ay hindi pa ubos yung tubig. Hindi ko naman inakala na ang sinabi ni Halex na siya na ang bahala ay magpapadala ito ng tanke sa bahay. Usap-usapan pa tuloy sa mga kapitbahay namin ang nangyari din sa akin sa flowing. May mga tsismis na kumakalat lalo na at tinulungan ako ni Halex with all the pabuhat buhat pa s
"Love is like a friendship caught on fire. In the beginning a flame, very pretty, often hot and fierce, but still only light and flickering. As love grows older, our hearts mature and our love becomes as coals, deep-burning and unquenchable." — Bruce Lee⭐️ECLIPSE FOUR⭐️Wavering FeelingsSelene's POVUmagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang