Share

Deathly Fate Two: Faith
Deathly Fate Two: Faith
Author: charmainglorymae

Prologue

Raven's POV

IT'S BEEN five years had past at ngayon araw na ito ay ang pagtatapos ko sa aking pag-aaral. Pinilit kong bumangon at kinalimutan ang nakaraan ko. Naging matagumpay ako dahil tuluyan na iyon nawala sa puso ko. I no longer have any feeling if I hear his name. It was like a stranger to me.

Napangiti ako habang sinasalubong ko si Papa hawak hawak ang diploma ko. I finished the degree of Bachelor of Arts in Political Science. Gusto ni Papa na sa gobyerno ako magtrabaho kaya ito ang kinuha ko.

Naging mahirap para sa akin ang kursong ito dahil hindi naman ito ang gusto ko. Pero ayokong madisappoint si Papa kaya kinuha ko pa rin ito. Naging doble ang pag-aaral ko at halos nawala na sa akin ang buhay ng isang teenager dahil puro pag-aaral lang ang inatupag ko. But it was all worth it. I graduate as cumlaude.

"I am so proud of you Raven." Bati ni Papa sa akin at nangilid ang kanyang mga luha.

"Thank you Papa... This is for you." Tugon ko sa kanya.

"Ang bilis ng panahon, dalagang dalaga ka na anak." Nakangiting bati sa akin ni Papa.

Ngumuso naman ako. "Papa naman... Baka apo na ang sunod niyong sasabihin, naku wag muna Papa."

Napapailing naman si Papa. "What's wrong with it? Hinihintay lang kitang makagraduate at ang sunod na pangarap ko sayo ay ang mabigyan ako ng apo—"

"Papa! Ni wala ngang nanliligaw sa akin, tapos apo pa talaga ang hihingin niyo." Bara ko naman rito. Simula kasi noong graduating na ako sa kolehiyo ay nagpapahaging na ito. Hindi na daw siya bumabata at gusto na daw niyang makipaglaro sa mga apo niya.

Ang tanong may boyfriend ba ako? Ni walang nagkamaling manligaw sa akin noon kolehiyo pa ako. Napapaisip na nga ako kung pangit ba ang itsura ko at walang nagkakagusto sa akin. Pero wala naman akong magawa, wala din naman akong magustohan sa kanila.

"Baka may humaharang lang sa mga manliligaw mo." Nakataas kilay na sagot naman ni Papa.

Tumaas din ang kilay ko. "Aba at sino naman yan? Tsaka Papa, wala pa sa isip ko yan pag-aasawa na yan. Twenty three pa lamang ako Papa—I'm not ready to build a family yet."

"Pero anak, kung gusto mo ng mag-asawa hindi kita pipigilan. You have my blessings—"

"Papa! Why are we even talking about this thing? Umalis na nga tayo." Nakasimangot na hila ko kay Papa.

Nakakaasar lang kasi na noon nag-aaral pa ako, ni ayaw niya akong magkaboyfriend kahit wala naman nanliligaw sa akin. Ngayon naman na kakagraduate ko lang, halos ipagtulakan na ako nito na mag-asawa. Hindi ko talaga maintindihan si Papa kahit kailan.

Agad na pumanhik kami sa car park at sumakay na kami sa sasakyan namin. Sa isang restaurant kami magcecelebrate dito sa Moonriver.

Marami ng nagbago sa mga nakalipas na taon. I can say that I am no longer the same five years ago. Education changed me on how the way I talk and think.

Even the society has changed. Malaya na ang lahat ng Eons na namumuhay. But the truth of being a legendary was still hidden. Hindi ko naman ginagamit ang kakayahan ko.

Lahat ng tiers ng Eons ay may prebelehiyo sa gobyerno. Commons has a place to work at the council ministry as secretaries, while rare has higher positions like supervisor and epic can be directors. While legendaries, can be one of the head council.

I plan on applying in the council ministry dahil yun ang gusto ni Papa. Wala naman akong nakitang masama para tangihan iyon. Council Ministry is the highest work field of a political science graduate.

Nababalitaan ko rin si Vander. He was known as the Legendary and the only son and Heir of the president, Solomon Cambridge. Pero hindi ako nagkaka-interes na basahin o tingnan ang balita tungkol sa kanya. I no longer care about him.

I am already happy with my life now and I don't want another rock to smash on my head.

Wala akong balita kay Bree at Haze na siguradong nakalimutan na rin ako.

Hindi ko namalayan na narating na pala namin ang restaurant na sinasabi ni Papa. It's called Italiano's. Basi sa pangalan tila hindi ko magugustohan ang mga pagkain rito. It's not that the food is not good, hindi lang talaga ako sanay.

Pumasok na kami sa loob at may nakareserba na pala para sa amin ni Papa. Maraming tao na kumakain doon. Halatang doon din nag seselebra ang iba ng graduation.

May ala-ala sa akin na makulit na sumisiksik at pilit ko naman kinakalimutan. The lady handed us the menu at binasa ko na yun. The name of the food is just crazy.

Pasta e Fagioli

"Pasta e Fagioli." Yun na ang inorder ko dahil sigurado ako na pasta iyon. Natatakot ako sa iba dahil baka hindi ko magustohan.

"Bagna Cuada for me." Usal naman ni Papa na sa totoo lang ay wala akong ideya kung ano yun.

Umorder na rin kami ng juice at nagkukwentohan kami ni Papa at panay naman ang ngiti ko. Habang nag-uusap kami ni Papa ay may umagaw naman sa atensyon ko.

Isang lalaking nakacoat na itim at nakasuot ito ng sombrero at may suot din itong malaking itim na salamin sa mata na halos umukopa na iyon sa buong mukha niya.

Napapakunot noo ako dahil hindi naman mainit dito sa loob para magsunglasses siya. He's alone at his table and sipping some beverage.

Inalis ko na ang tingin ko sa weirdong lalaking iyon. Ibinalik ko ang tingin ko kay Papa na ngayon ay busy sa cellphone niya at tila may katext ito.

Napanguso na lamang ako at kinuha ko na din ang cellphone ko. Papa bought me a new phone. Gift daw niya sa akin dahil graduate na ako. It's iPhone XS Max.

A/N: Syempre her phone should be the same with the writer. Hahaha.

This is a very expensive phone at hindi ko pa rin lubos maisip na ito talaga ang binili ni Papa para sa akin. This cost around $1600.00 and that is too much for a phone! I am already happy for a phone worth $300.00. Pero hindi ko naman pwedeng tangihan ito dahil pinaghirapan ito ni Papa.

Pasimple na lang akong tumingin sa newsfeed ng F******k. I don't have a lot of friends dahil iilan lang din naman ang nakakaalam ng f******k ko. I use a different name on f******k.

Ebony Black. That's my name on f******k and I don't even upload selfies. Puro views lamang ang inuupload ko kaya wala akong masyadong likers. 10 likers is already a lot for me.

Napasimangot lang ako ng makitang wala naman kwenta ang nasa newsfeed. Puro bangayan ng mga celebrities mula sa ibang bansa ang nasa newsfeed. Wala naman akong pakialam sa buhay nila. Mag-away sila hangga't gusto nila basta hindi ako kasali.

"Raven, look." Untag naman ni Papa sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Iniharap naman niya sa akin ang phone niya. Nagfefacebook pala si Papa pero naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang pangalan ng page na nasa screen niya ngayon.

My lovely Raven. Yun ang pangalan ng page at ito ang mas matindi, pictures ko ang mga nakalagay! What the hell?

"A-anong ibig sabihin niyan papa?" Nagtatakang tanong ko at agad akong nagsearch sa search bar at nahanap ko nga ang page na iyon. It is actually a fan page pero hindi ko kilala ang admin!

Nagscroll ako at nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga stolen shots ko at may mga captions pa doon!

Your smile makes my world bright.

I miss you, Raven.

I want to hold you and kiss you.

I miss you so bad.

Ganoon ang mga caption isa isa sa mga pictures. Napatakip naman ako sa aking bibig. Wala akong ideya kung sino man pontio pilato ang gumawa nito. Hindi ko alam na may stalker pala ako!

"Papa, this is not good. They are taking my pictures without my consent! This is a violation of—"

"I don't find it bad. Wala naman offensive comments or captions. Actually matagal ko ng finafollow ang page na ito." Sagot naman ni Papa sa akin at talagang nginitian pa ako na tila hindi ito big deal sa kanya. Well sa akin malaki dahil pagmumukha ko lang naman ang nasa page.

Sa asar ko ay pinangigilan kong pindutin ang private message button at agad akong nagtype ng message doon.

Me: Hoy! Kung sino ka man pontio pilato ka, you are violating my privacy! WHO TOLD YOU TO POST MY STOLEN PICTURES IN THIS UNKNOWN PLATFORM WITHOUT MY KNOWLEDGE? I swear I'm gonna sue you in all courts of Brussella!

Nanggigigil akong sinend iyon. Ni hindi nga ako nagpopost ng picture ko tapos malalaman ko na lang na mag ganito? At ang dami pang likers! Bawat picture 250k likes?! What the hell!

Napamulagat na lamang ako ng biglang nagping ang messenger tone na hudyat na nay bago akong mensaheng natanggap. Agad ko iyon binuksan.

My Lovely Raven: And who are you?

At ang kapal ng mukha, nagreply pa talaga. Humanda talaga sa akin ang stalker na ito.

Me: I am just the girl who happens to be the girl in those pictures you posted without my knowledge! HOW DARE YOU!

My Lovely Raven: Raven?

Me: Don't call my name you stalker!

My Lovely Raven: I miss you... so much...

Napatigil ako sa pagtipa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pakiramdam ko ay totoo ang mensahe na iyon. Kilala ba ako ng taong ito? Malamang, paano niya malalaman na ako yun diba?

Sa sobrang asar ko ay hindi na ako nagreply. Pinatay ko na lang ang phone ko at sakto naman na dumating na ang pagkain namin.

Nginitian ko naman ang waitress na nagserve ng pagkain namin. Agad na akong kumain pagkatapos nun at parang galit galit kami ni Papa dahil hindi kami nag-uusap.

Natapos na din ang selebrasyon namin ni Papa sa Italiano's restaurant at umuwi na kami sa bahay. Sa susunod na lingo ay aalis na ako sa moonriver. Kailangan ko ng pumunta sa Metropolis dahil doon ako magtatrabaho.

May bahay na matutuluyan na rin ako doon sabi ni Papa. Nakahanda daw yun para sa akin. Hindi ko alam na talagang pinaghandaan pala talaga ni Papa ang lahat para sa akin.

"Magpahinga ka na muna Raven, alam kong pagod ka." Puna namam ni Papa sa akin habang patungo ako sa kuwarto ko.

"Yes, Papa." Sagot ko sa kanya.

Agad na pumasok na ako sa aking kuwarto at agad na nagbihis ng pambahay. Binuksan ko naman ang cellphone ko dahil pinatay ko iyon kanina at agad na may napansin akong maraming notification sa f******k icon ko.

Kunot noong binuksan ko iyon at tiningnan ang notification. May isang friend request ako doon at may mga likes ng iisang tao lamang. It was the same person who's requesting to be friends on f******k.

Red Nav. Yun ang pangalan ng account. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin ugaling mag-accept ng hindi ko kilala kaya pinindot ko na ang delete pero aksidenteng ang confirm button ang napindot ko! Ay gaga lang!

Napatakip ako sa bibig ko dahil naging friends na kami ng taong hindi ko naman kilala. Agad na pumunta ako sa profile nito para i-unfriend pero napakunot noo naman ako ng makita ko ang profile nito. Ang picture nito at isang lalaking nakatayo at nakatalikod.

He's wearing a casual black t-shirt at namumutok ang muscle nito sa katawan at halatang matangkad ito kahit sa picture lamang. His bronze skin is giving him an aura of a more manly look. Maitim na maitim ang buhok nito na medyo magulo pa. Napanguso ako dahil wala itong ibang picture bukod doon.

Nagscroll down ako at nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang ako lang ang friend niya! Bagong account? Pero it was stablished naman a year ago. Wala itong kapost-post.

Napabuntong hininga na lamang ako. Naawa ako bigla. Ako na nga lang ang nag-iisang friend niya sa f******k ay i-uunfriend ko pa. Kaya pumunta na lang ako sa newsfeed ko at nagpasyang hayaan ko na lang.

Pero bigla na lang nagping ulit ang messenger ko at nakita ko ang pangalan sa messenger.

Red Nav: thank you 😘

Holyshit! May kasama pang smiley! Napailing ako at hindi ko iyon nireplayan. I have this habit of just seeing the message, but not sending a reply.

Pinatay ko na ulit ang phone ko at inilagay iyon sa bedside table ko. I need to rest and I need to prepare.

©️charmaineglorymae

®️All Rights Reserved

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status