Alas syete ng gabi. Tapos na ang aking mga ginagawa. Umalis sandali si Jarred. Hindi man lang nag-abalang magpaalam sakin. Sabagay, Sino ba naman ako para ipaalam pa niya kung saan siya pupunta. Narito ako sa kusina at naghuhugas ng pinggan nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan na nagmumula sa labas ng bahay. Si Jarred na siguro yun. Tinapos ko na ang ginagawang pagsalansan sa mga plato.
Lumabas ako ng kusina at nakita si Jarred na may kasamang babae na pumasok ng bahay. Tiningnan kong mabuti ang babae. Matangkad ang babae, makinis ang balat, mahaba ang buhok na pagkakulot at may maamong mukha. Nagkatitigan kami ni Jarred. Agad akong nag-iwas ng tingin. Bigla ko nalang naramdaman sa aking d****b ang sakit na makitang may iba siyang kasama. Bumuntong-hininga si Jarred. Pinilit ko ang sarili na batiin sila.
"Nandito na pala kayo Sir. Tapos ko na po ang mga gawaing bahay. Pwede na po ba akong umakyat sa taas para makapagpahinga?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanila.
"Sige, pwede ka na magpahinga. Gumising ka nalang ng maaga bukas dahil madami akong ipapagawa sayo." wika niya. Tumango ako at agad umakyat sa hagdan patungo sa aking kwarto. Nasa ikatlong baitang ako ng marinig ang sinabi ng babae.
"Maganda sana kaso katulong naman." wika niya. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sinabing iyon ng babae. Gustong-gusto kong siyang sugurin pero nagpakahinahon ako. Sa pagkakataong ito kailangan kong magpakumbaba dahil ako ay may kailangan. Ako ang may kailangan. Napangiti ako sa isiping iyon.
--
Hindi ko maiwasang titigan ang litrato naming dalawa ni Jarred nong college kami. Ito yung panahon na inlove na inlove kami sa isa't-isa. Subalit ngayon hindi na. Hindi na siya tulad ng dati. Kasalanan ko naman e, dahil nakipaghiwalay ako sa kaniya. Dahil para sa kaniya rin yun, para sa ikabubuti niya.
Dahil nag-aaral pa kami nun at sinabi ko sa kaniya na kailangan namin magfocus sa pag-aaral. Yun ang naging dahilan ko nang mga pagkakataong yun para nakipaghiwalay siya sakin. Tumutol siya sa desisyon kong pakikipaghiwalay sa kaniya at sinabi na hindi niya pababayaan ang pag-aaral huwag ko lang siyang hiwalayan. Oo totoo yun, pero mas mapapasama siya kapag ipinagpatuloy namin ang relasyon namin.
Ibinalik ko ang litrato sa loob ng tokador at nahiga sa kama. Kanina, ilang beses niya akong pinagalitan dahil sa maling pagsasalansan ng mga binili ko. Bakit kailangan niya akong pagalitan kung pwede naman niya akong pagsabiham ng maayos.
He even called me stupid. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Kung parte ng kasunduan ang pahirapan ako. Nagtagumpay siya dahil sa isang araw pa lang na nandito ako sobrang hirap na ang dinanas ko. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Pinunasan ko ang luhang naglandas sa aking pisngi. Kaya ko to. Makakaya ko to!
Nagpasya akong bumaba ng hagdan at magtungo sa kusina para uminom ng tubig. Nang nasa bungad na ako patungong kusina ay parang may nahulinigan akong umuungol. Oh shet! Nakalimutan ko may bisita pala kanina si Jarred.
"Jarred. Oh my, you're so hot." wika ng babae.
Natutop ko ang aking bibig. Anong ginagawa nila. Dahil sa kakuryusidad sumilip ako at laking gulat ko sa aking nakita. Jarred is kissing the girl torridly! Samantalang ang kamay niya ay naglalandas sa katawan ng babae. Hindi ko namalayan tumingin sa direksyon ko si Jarred habang hinahalikan ang babae.
Nanlaki ang mga mata ko. Napasandal ako sa pader. Anong nangyari kay Jarred? Agad akong bumalik sa aking kwarto at isinara iyon. Halos habulin ko ang aking paghinga dahil sa mabilis kong pag-akyat. Nakita ako ni Jarred, ano kayang iniisip niya ngayon? Pwede naman nilang gawin iyon sa kwarto pero bakit sa kusina pa. Di ako makapaniwala sa nakita ko. Jarred changed a lot. He changed a lot.
--
Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Alas-kwatro palang ng umaga. Gusto ko pang matulog pero kailangan ko nang bumangon para ipaghanda si Jarred ng almusal. Lunes ngayon at balik-trabaho na siya. Bumangon ako at nagstrech ng kamay. Hays. Kapag nasa condo ako, anytime pwede akong gumising. Pero ngayon wala na ako sa condo e, nasa poder ako ni Jarred bilang isang katulong.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Tinungo ko ang kusina. Nang marating ko iyon ay nagsalang na ako ng kanin sa kalan. Pagkatapos ko magsalang ay nagtimpla ako ng kape pamapainit ng sikmura. Habang nakaupo at tinitingnan nilulutong kanin ay diko maiwasan na isipin sina Mom at Dad.
Kamusta na kaya sila? Diko na kasi nagawang tawagan sila kagabi. Nakatulog agad ako dahil narin siguro sa pagod. Napagpasyahan ko na tawagan sila mamaya. Nagpriprito ako ng ham nang may magsalita sa likuran ko.
"Nagustuhan ko ang maaga mong paggising. Saktong-sakto." wika niya.
Napangiti ako, kahit papano pala may nagustuhan siya sa ginawa ko. Narinig ko ang mga yabag niya palapit sakin. Nagtungo siya sa basong nakasalansan sa gilid ko. Bumalik siya sa mesa at narinig ko ang kalansing ng kutsara sa mug. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Kailangan kong humingi ng pasensya sa kaniya.
"About kagabi, hindi ko sinasadya na makita ko kayo. Pababa na kasi--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"No need to say sorry, it's okay." wika niya.
Kinuha ko ang ham sa kawali at inilagay iyon sa plato. Humarap ako at nagtungo sa mesa. Biglang nagtama ang aming mga paningin. Nagbaba ako ng tingin. Anong iniisip niya ngayon? Anong nasa isip niya kagabi nang mahuli ko siya? Ibinaba ko ang plato sa mesa at tumalikod muli para kumuha ng kanin.
"Asan na yung babae Sir? Natutulog pa ba siya?" tanong ko. Napansin ko lang kasi dapat nandito na siya at nakikisalo subalit wala pa siya.
"Hinatid ko rin siya kagabi." wika niya at nagsimula nang kumain. Tumango-tango naman ako habang nasa gilid niya at naghihintay ng iuutos niya sakin. Hininto ni Jarred ang pagkain at tiningnan ako.
"May kailangan po kayo Sir?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya.
"Wala, magtungo ka sa kwarto ligpitin mo ang pinaghigaan ko at kunin mo mga damit ko para malabhan mo. Huwag kang gagamit ng washing machine. Gusto ko labhan mo sa pamamagitan ng kamay. Naiintindihan mo ba?" wika niya sakin.
Hindi ko maiwasan mapalunok. Hindi ako sanay maglaba sa pamamagitan ng kamay, nasanay ako washing machine. Pero nang mga pagkakataong yun, hindi ang sarili kong gusto ang dapat masunod. Kundi ang kagustuhan niya.
"Masusunod po." wika ko.
Agad akong lumabas ng dining area at umakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya na nasa pangatlong palapag. Nang marating ko iyon ay agad akong pumasok at niligpit ang pinaghigaan niya. Nang mailigpit ko iyon ay kinuha ko ang mga damit niya at bumaba na nang hagdan. Nakasalubong ko siya sa pagbaba ng hagdan sa pangalawang palapag. Lalampasan ko na sana siya nang magsalita siya.
"Linisin mo rin ang buong bahay Jasmine. Dapat pagdating ko malinis ang bahay. May pintuan sa bandang kanan at sa labas may gripo doon. Doon ka maglaba, sa pagbanlaw gamitin mo na ang faucet na nasa labas din." wika niya at umakyat na ng hagdan patungo sa kaniyang kwarto.
Marahil magbibihis na siya para sa pagpasok sa RSC. Napabuntong-hininga ako. Makakaya ko bang gawin lahat ng ipinapagawa niya sa isang araw lang? Makakaya ko naman siguro. Bumaba na ako ng hagdan at nagtungo sa isang pinto na nasa gilid ng bahay patungo sa labas na sinabi niya.
Nang marating ko iyon ay binanlawan ko muna ang damit at ibinabad. Nang maibabad ko na ay nagtungo ako sa kusina at sa dining area para ligpitin ang mga kalat at pinagkainan ni Jarred. Napalunok ako. Si Jasmine Saderra, isang Civil Engineering.
Ngayon ay katulong na. Napailing ako sa isiping iyon. Buong buhay ko hindi ko naranasan ang ganito. Ngayon lang at sa pamamahay pa ng Ex-boyfriend ko na ang hangarin ata ay paghigantian ako at pahirapan. Hindi ko na kailangan tanungin dahil ramdam ko iyon. Hindi ako manhid.
Natapos na ako sa paglalaba, at sa paglilinis ng bahay bandang alas-kwatro ng hapon. Naupo muna ako sa sofa sa salas para magpahinga. Nakakapagod ngayong araw na ito. Gustong-gusto ko na umakyat sa kwarto para humiga at matulog. Ngunit hindi pa pwede, kailangan ko pang ipagluto si Jarred ng hapunan. Halos mamanhid ang buo kong katawan sa pagod. Isinandal ko ang ulo sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Kahit saglit lang makapagpahinga ako.--"What the hell Jasmine! Wala ka pang naluluto, tapos natutulog ka na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na iyon. Nasilayan ko si Jarred na nakaharap sakin at nanlilisik ang mga mata. Bigla akong natakot sa itsura niya. Tiningnan ko ang orasan na nasa wall. Alas syete na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko. Tumayo ako at bahagyang yumuko."Pasensya na, napasarap ang tulog ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng ganung katagal. Sandali at ipagluluto na kita." wika ko at
Nakaharap ako ngayon sa salamin habang pinagmamasdan ang repleksyon ko suot ang uniporme na bigay ni Jarred sakin. Napanguso ako. Dress siya na stripe may pagka-balloon ang estilo, may bulsa sa harap. Yung mga sinusuot ng mga katulong sa fairytale ganun ang suot ko. Ano bang naisip ni Jarred at ito ang ipinasuot niya sakin?Napabuntong-hininga ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Pababa na ako ng pangalawang palapag ng makasalubong ko si Jarred. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin. Napangiti siya ng makita ako."Bagay mo pala yung uniporme. Mamaya ipagluto mo ako ng pananghalian. Dalhin mo sa office. Dapat ganiyan ang suot mo Jasmine." wika niya tsaka ipinagtuloy ang pag-akyat.Naiwan akong nakatulala. Tiningnan kong muli ang suot kong uniporme. Tsaka napapikit ng mariin. Hindi ito maaari. Hindi ako pwedeng pumunta sa office nang ganito ang suot ko. Pero wala akong magagawa dahil siya ang amo ko at dapat
Alas sais na ng gabi subalit hindi pa dumarating si Jarred. Nagluluto ako ngayon para sa hapunan. Naalala ko ang beaf steak na niluto ko. Nagustuhan kaya niya ang niluto ko? Nasarapan ba siya sa niluto ko? Hays. Malalaman ko rin mamaya pagdating niya.Nagluluto ako ngayon ng adobong manok. One of my favorite. Kailangan kasi kapag nakauwi na siya nakapagluto na ako at tapos na sa mga gawaing bahay. Nakakapagod talaga. Hindi ako sanay sa ganito.Pakiramdam ko magkakasakit ako sa pagod na nararamdam ko. Natigil ako sa pagluluto nang may maulinigan akong yabag papalapit sakin. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Si Jarred na matamang nakatingin sakin. Humarap ako sa kaniya at nginitian siya."Magandang gabi po Sir." bati ko sa kaniya.Hindi man lang siya ngumiti sakin pabalik. Ano pa ba aasahan ko? Malamang ang malamig na pakikitungo niya sakin. Akala ko ayos na kami noong nakaraa
Bigla kong naalala ang mga panahong nasa kolehiyo pa lamang kami ni Jarred. Mga panahon na una kaming nagkakilala. Panahon na mahal na mahal pa niya ako. Yung ako yung babaeng nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon. Napangiti ako habang inaalala ang mga pagkakataong iyon.COLLEGE DAYS,"Jasmine. Look! May bagong mukha!" wika sakin ni Celine at kinalabit ako.Mula sa ginagawang pagrereview sa note ay napabaling ang tingin ko sa unahan kong saan nakatingin si Celine. Nakita ko ang isang lalaki na patungo sa kinauupuan namin. Hindi maikakaila na gwapo talaga siya. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong nagbaba ng tingin.Pakiramdam ko bigla akong nahiya. Natigilan ako. Bakit naman ako mahihiya? Ako? si Jasmine Saderra? Mahihiya? Hindi pwede. Kunwari nagreview nalang ako sa notes ko at hindi na muling tiningnan ang lalaki."Oy! Tiningnan ka niya." wika ni Celine sa ak
Nasa hardin ako nang paaralan nang mga pagkakataong yun. Nakaupo sa isa sa mga upuan na may mesa at sinasagutan ang assignment namin mamaya. Isa ito sa gusto kong parte ng paaralan. Tahimik at payapa. Medyo malayo kasi ito sa compound nang paaralan. Nagsusulat ako sa aking notebook nang lumapit sakin si Jarred.Hindi ko siya pinansin. Naiisip ko pa rin yung babae na kasama niya sa Gee Mall. Oo, at wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan. Umupo siya sa tabi ko at idinantay ang kamay sa mesa."Napakaseryuso natin ngayon ah?" puna niya sakin.Huminto ako sa pagsusulat at liningon siya. Binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti ngunit diko yun masuklian, naiinis pa rin ako. Napansin ata iyon ni Jarred dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bumuntong-hininga siya."May problema ba Jasmine? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakatanda ko okay lang naman tayo dib
NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya.Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon dahil bumaling siya sakin."Heart, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin habang titig na titig saking mga mata. Umiling ako."Napuwing lan
Naputol ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Si Jarred ba ang kumakatok? Ano sadya niya? Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad si Jarred sa aking harapan. Pulang-pula ang mata nito. Nakainom ba ito?"Sir Jarred? Bakit po?" tanong ko. Pumasok siya sa kwarto at nagulat ako nang bigla nalang niya ako isinandal sa pader. Pinakatitigan niya akong mabuti. Lumunok muna ako."Sir ba--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya."Bakit Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" wika niya sakin. Naaamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan."Dahil kailangan, Jarred." wika ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya nang mapakla."Hindi ko alam kung ano mayroon sayo. Dahil ha
- Jasmine Point Of View -Abala ako sa paghahanda nang agahan ni Jarred nang may tumikhim sa aking harapan. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan kung sino iyon. Nagtama ang aming mga mata. Matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pangatugan ng tuhod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Iba pa rin talaga ang epekto sakin ni Jarred. Takot ba itong nararamdaman ko?"Good Morning ulit Sir. Kain na po kayo." wika ko. Lumapit siya sa mesa at umupo. Tumayo ako sa gilid para maghintay ng iuutos niya. Tiningnan ako ni Jarred."Yes Sir. May kailangan po ba sila?" tanong ko."Join me. Sabay na tayo kumain. Mas masarap kumain kapag may kasama." wika niya. Sabagay, gutom na rin naman ako. Among oras na rin kasi."Salamat po Sir." wika ko at umupo sa harap niya. Nagsimula na akong kumuha ng kanin at ulam nang magsalita siya."Linggo ng