Share

Gratitude

Natapos na ako sa paglalaba, at sa paglilinis ng bahay bandang alas-kwatro ng hapon. Naupo muna ako sa sofa sa salas para magpahinga. Nakakapagod ngayong araw na ito. Gustong-gusto ko na umakyat sa kwarto para humiga at matulog. Ngunit hindi pa pwede, kailangan ko pang ipagluto si Jarred ng hapunan. Halos mamanhid ang buo kong katawan sa pagod. Isinandal ko ang ulo sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Kahit saglit lang makapagpahinga ako.

--

"What the hell Jasmine! Wala ka pang naluluto, tapos natutulog ka na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na iyon. Nasilayan ko si Jarred na nakaharap sakin at nanlilisik ang mga mata. Bigla akong natakot sa itsura niya. Tiningnan ko ang orasan na nasa wall. Alas syete na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko. Tumayo ako at bahagyang yumuko.

"Pasensya na, napasarap ang tulog ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng ganung katagal. Sandali at ipagluluto na kita." wika ko at bahagyang iniyuko ang ulo. 

"Ayaw ko na mangyari ito Jasmine. You're irresponsible!" sigaw niya. Napakagat-labi ako. Gustong-gusto ko idepensa ang sarili ko, pero alam ko na hindi pwede dahil ang kompanya ang nagkasalalay. Tumango-tango ako bilang pagtugon. Wala na akong magawa kundi ang tumango nalang kahit naaapakan ang ego ko.

"Opo, hindi na po ito mauulit." wika ko. Pagkasabi ko niyon ay umakyat na siya sa hagdan para magtungo sa kaniyang kwarto. Agad akong nagtungo sa kusina para magluto.

Habang nagluluto diko maiwasan ang pagtulo ng aking mga luha. Nasasaktan ako sa mga ipinapakita niya sakin. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng palad ko. Kaya ko pa naman ang sarili ko. Pero kapag diko na talaga kaya aalis na ako dito. 

Matapos magluto at ipaghanda si Jarred ng hapunan ay umakyat ako sa hagdan patungong pangalawang palapag sa aking kwarto, may gagawin lang ako. Nakasalubong ko si Jarred. Nagtama ang aming mga mata subalit agad akong nagbaba nang tingin. Lalampasan ko na sana siya subalit hinawakan niya ang aking kamay. Tiningnan ko iyon at inilipat ang tingin sa kaniya. Mataman siyang nakatingin sakin.

"Bakit Sir? May kailangan po ba kayo?" wika ko. Agad naman niyang binitawan ang aking kamay.

"Sabayan mo na ako kumain Jasmine, para may kasabay ako." wika niya.

 Tumango ako at sinundan siya sa pagbaba ng hagdan at tinungo ang dining area. Sabay kaming kumain. Walang nagsasalita saming dalawa habang kumakain. Tanging tunog ng kobyertos na tumatama sa babasaging plato ang maririnig.

"Gusto ko lang humingi ng sorry sa inasal ko kanina. Hindi ko sinasadya, marahil ay pagod lang ako kaya nasabi ko yun." wika niya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang titig niya. Himala! Marunong palang humingi ng sorry ang isang Jarred Raqueza. Akala ko nakalimutan niya na ang bagay na yun. Ngumiti ako sa kaniya. Wala namang dahilang para diko siya patawarin.

"Ayos lang yun. May karapatan ka namang magalit kasi kasalanan ko din naman." wika ko. Bakit ba pakiramdam ko mas gumwapo siya sa paghingi ng tawad sakin? Tumayo na siya't umalis sa upuan pero bago siya tuluyang lumabas ng dining area ay lumingon muna siya sakin.

"Nasa kwarto ang uniform mo. Puntahan mo nalang ako dun para kunin mo." wika niya. Bumalik na naman siya sa pagiging masungit. Ayos lang sakin yun ang mahalaga humingi siya ng pasensya. Kahit papano pala may kabutihang parin sa kaniyang puso at hindi kinain ng galit. 

Matapos kumain at makapaghugas ng pinggan ay agad akong umakyat sa hagdan patungo sa pangatlong palapag. Tinungo ko ang kaniyang kwarto. Nang makarating ako ay bahagya iyon nakabukas. Kumatok ako para malaman niya na nasa labas ako. Subalit walang sumasagot. Kumatok muli ako ng dalawang beses.

"Sir?" tawag ko subalit wala pa ring nagsasalita. Itinulak ko ang pinto papasok. Pumasok ako at iginala ang paningin sa kwarto. Nakarinig ako ng marahang pagbukas ng pinto sa gilid ng kwarto. Nang bumukas iyon ay tumambad sa aking harapan si Jarred na tanging pag-ibaba lang ng katawan ay may saplot na twalya. Agad akong tumalikod. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi dapat ako basta-basta pumapasok.

"Pasensya na Sir Jarred. Hindi ka kasi sumasagot kaya pumasok na ako." wika ko. Naghihintay ako na bulwagan niya subalit hindi siya nagsalita. Nakarinig ako ng mga yabag palapit sakin. Napapikit ako. Lalapit ba siya sakin? Naramdaman ko nalang ang paglapat ng kaniyang katawan sa aking likuran. Napahigit ako ng hininga.

Naestatwa ako sa kinatatayuan. Nakita ko ang kamay niya na nasa aking harapan sa may mesa. Nakatapat pala ako sa mesa na hindi ko namalayan dahil sa kabang nararamdaman ko. Kinuha niya ang nakapatong doon na damit na nakalagay pa sa plastic. Marahil bagong bili iyon.

"Humarap ka na Jasmine." wika niya. Sinunod ko ang sinabi niya subalit pinikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita ang katawan niya. Tumawa siya sa inasal ko. Anong nakakatawa doon? Pero infairness, ang sarap pakinggan ng tawa niya.

"Open your eyes. Nakasuot na ako ng damit." wika niya. 

Unti-unti kong idinilat ang mga mata at nakita ko siyang may suot na damit pang-itaas. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko kayang kumilos ng normal kapag di siya nagbihis. Iniabot niya sakin ang tatlong damit ng nakaplastic. Kinuha ko iyon.

"Para saan po ito?" tanong ko. 

"Uniform mo bilang isang kasambahay. Costumize yan. Pwede mo na isuot bukas. Pinalabhan ko na rin yan kaya huwag kang mag-alala." wika niya. Ah. Meron pala ako magiging uniporme bilang isang kasambahay.

"Sige po Sir Jarred." wika ko. Akmang lalabas na ako ng kaniyang silid nang magsalita siya.

"Ayos na ang kompanya niyo. Maayos na ang pagpapatakbo nun." wika niya.

 Tama ba ang narinig ko? Ayos na ang kompanya! Hindi ko napigilan ang sarili binitawan ko ang dala ko at niyakap siya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ko! Bakit ko niyakap si Jarred?! Mukhang nabigla siya sa ginawa ko base yun sa reaksyon ng kaniyang katawan. Agad akong lumayo sa kaniya.

"Pasensya na. Masaya lang ako. Salamat Jarred" wika ko at tumalikod na ako tsaka dinampot ang plastic na nakakalat sa sahig tsaka nagmartsa paalis. Pero bago pa man ako tuluyang nakakalayo ay nagsalita siya.

"I'm doing this because I care for you." wika niya. 

Natigilan ako. Tama ba ang pagkakarinig ko? Lumingon ako pero sarado na ang kwarto niya. Baka guni-guni ko lang ang mga narinig ko. Napatakbo ako pababa patungo sa kwarto. Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong nahiga. Nakakapagod man ang araw na ito pero sobrang sulit dahil sa huli magandang balita ang ihahatid sakin.

 Tinungo ko ang drawer kung saan naroon ang aking cellphone. Bawal kasi gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho. Idinial ko ang numero ni Mom. Ilang ring din ang narinig ko bago niya sinagot iyon.

"Hija. Kamusta ka na dyan?" bungad agad sakin ni Mom. Napakagat-labi ako. Sa totoo lang hindi ako okay pero nang malaman ko ang magandang balita ay gumaan ang pakiramdam ko. 

"Ayos lang naman Mom. Kamusta ang kompanya?" tanong ko sa kaniya.

"Mabuti na anak. Inayos na ni Jarred lahat. Anak, salamat sa sakripisyo mo. Hindi ko alam kung paano namin masusuklian ito." wika niya at nakarinig siya nang mahinang paghagulhol sa kabilang linya. 

"Mom huwag na kayo umiyak. I'm doing this as a gratitude. Dahil sa pagpapalaki sakin ng maayos. Hindi niyo na kailangan suklian dahil tinutumbasan ko lang ang mga kabutihan niyo sakin." wika ko. 

Kahit anuman ang nangyari. Magulang ko parin sila. Ang laki ng sakripisyo nila sakin. Ni hindi ko naranasan na maghikahos. Binigay nila sakin ang mga bagay na gusto ko. It's payback time. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam na kami sa isa't-isa.

 Nakaramdam ako ng pananakit ng katawan. Dahil siguro ito sa ginawa ko maghapon. Humiga ako sa kama. Kailangan ko nang pahinga. Nakakapagod man pero masaya. Ipinikit ko na ang aking mga mata para makatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status