Nasa hardin ako nang paaralan nang mga pagkakataong yun. Nakaupo sa isa sa mga upuan na may mesa at sinasagutan ang assignment namin mamaya. Isa ito sa gusto kong parte ng paaralan. Tahimik at payapa. Medyo malayo kasi ito sa compound nang paaralan. Nagsusulat ako sa aking notebook nang lumapit sakin si Jarred.
Hindi ko siya pinansin. Naiisip ko pa rin yung babae na kasama niya sa Gee Mall. Oo, at wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan. Umupo siya sa tabi ko at idinantay ang kamay sa mesa.
"Napakaseryuso natin ngayon ah?" puna niya sakin.
Huminto ako sa pagsusulat at liningon siya. Binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti ngunit diko yun masuklian, naiinis pa rin ako. Napansin ata iyon ni Jarred dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bumuntong-hininga siya.
"May problema ba Jasmine? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakatanda ko okay lang naman tayo diba?" tanong niya sakin. Lumamlam ang mga mata niya na tanda na nalulungkot siya. Umiling ako.
"Wala naman Jarred. Madami lang siguro ako iniisip o baka pagod lang ako." wika ko at nag-iwas ng tingin. Ayaw ko makita niya sa mga mata ko na nagsisinungaling ako.
"Naiintindihan ko. Sige bibigyan muna kita ng space. Hindi muna kita lalapitan o kakausapin. Mag-iingat ka." wika niya at umalis na.
Gustong-gusto ko siyang pigilan at sabihin na kaya ako nagkakaganito dahil sa nakita ko siyang may kasamang babae sa Gee Mall. Na nagseselos ako. Pero natatakot ako na baka pagtawanan niya ako dahil sa inaasta ko. Muli akong napabuntong-hininga. Nahihirapan tuloy ako ngayon.
Iwinaksi ko ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan. Mas maganda na rin siguro ito para hindi na ako mas mapalapit sa kaniya at baka tuluyang mahulog ang loob ko sa kaniya at mas malala pa. Hindi niya ako saluhin. Nanlumo ako sa isiping iyon. Ipinilig ko ang aking ulo at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nang matapos ako ay iniligay ko ang mga gamit ko sa bag at agad na tumayo. Nagtungo ako sa susunod kong klase na kung saan katabi ko si Jarred. Nang makarating ako sa tapat ng classroom ay agad akong pumasok sa loob at nakitang kakaunti palang ang mga estudyante sa loob.
Nagtungo ako sa aking upuan na nasa likuran at naupo. Kinuha ko sa bag ko ang isang pocket book at nagbasa. Pampalipas-oras. Ngunit natigil ako sa pagbabasa nang pumasok si Jarred sa classroom. Nagtama ang aming mga mata. Nagbaba ako ng tingin at itinuloy ang pagbabasa. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya. Nakita ko sa gilid nang aking mga mata ang pag-upo niya sa tabi ko. Napakagat-labi ako at sinulyapan siya. Natigilan ako nang makitang nakatitig siya sakin.
"Pwede na ba kitang makausap ngayon Jasmine?" wika niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa. Ngumiti ako sa kaniya.
"Oo naman. Pasensya ka na kanina. Wala lang kasi talaga ako sa mood." wika ko. Di ko rin naman siya matitiis. Malakas kaya siya sakin!
"Nakita kita sa Gee Mall kahapon." wika niya.
"Ahm. Oo, naisipan ko kasing mamasyal. Nakita rin kita kahapon. May kasama kang babae papunta kayo sa Cletore. Girlfriend mo?" tanong ko. Tinitigan niya ako na wari'y inaarok kung ano ang nararamdaman ko ng mga pagkakataong yun.
"May kwenento na ba ako na may girlfriend na ako?" tanong niya sakin habang titig na titig sa mga mata ko. Umiwas ako nang tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya sakin.
"Wala naman. Baka private ay." wika ko.
"Yun ba ang dahilan kaya mo ako iniiwasan kanina?" tanong niya sakin na ikinagulat ko. Tumingin ako sa kaniya.
"Jarred, hindi ako nagseselos sa babaeng yun. Kung girlfriend mo man siya ayos lang sakin. Walang kaso sakin yun." wika ko at nginitian siya. Yung ngiti na pilit lang. Pero sa kaloob-looban ko. Winawasak at naninikip ang puso ko dahil sa mga sinabi ko.
"Oo nga naman. Paano ka nga ba naman magseselos e, wala ka namang nararamdaman para sakin." wika niya. Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ano ibig niyang sabihin? Sasagot na sana ako kaso dumating na Proffesor namin. Naguguluhan tuloy ako sa sinabi niya.
Hindi na kami nag-usap ni Jarred pagkatapos niyon dahil umalis na siya agad sa classroom pagkatapos ng klase na hindi man lang nagpaalam sakin. Ano bang nangyayari? Hindi naman kami ganito dati? Pakiramdam ko tuloy ayaw niya na ako maging kaibigan. Dahil ba sa babaeng yun? Sa isiping iyon diko maiwasang masaktan.
-
Kinaumagahan. Napagdesisyunan ko na kausapin si Jarred at gusto kong maliwanagan ang mga katagang sinabi niya sakin. Halos di ako makatulog kagabi dahil sa kaiisip dahil dun. Kaya nagtungo ako sa Music Room sa pangalawang palapag ng paaralan kung saan siya kadalasang tumatambay para magreview dahil sa tahimik na atmospera nito.
Hinihingal ako nang makarating doon. Agad kong ipinihit ang doorknob at itinulak iyon. Agad na bumungad sakin ang liwanag na nagmumula sa loob ng Music Room. Tiningnan ko ang paligid subalit walang Jarred akong nakita. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang mesa na may mga notebook.
Nandito si Jarred. Pumasok ako sa loob at iginala ang paningin sa loob. Napapitlag ako nang may magsalita sakin sa aking likuran.
"Jasmine? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sakin. Humarap ako sa kaniya at tinitigan ko siya. Nanlalalim ang mga mata niya na katanuyan na kulang siya sa tulog. Bakit naman? May iniisip din ba siya kagabi ko gaya ko?
"Ahm. May tatanungin lang sana ako Jarred." wika ko.
"Ano yun?" tanong niya. Pinangungunahan ako nang takot. Pero nandito na rin lang naman ako. Sasabihin ko na ang gumugulo sa aking isipan.
"Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo sakin kahapon, Jarred?" tanong ko habang titig na titig sa kaniya. Sinalubong niya ang titig ko sa kaniya.
"Jasmine. Kapag sinabi ko ba ito sayo lalayuan mo ba ako?" tanong niya sakin. Napakunot-noo ako. Anong ibig niyang sabihin? Bakit ko siya lalayuan?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Gusto kita Jass. Simula nang makita kita gusto ko lagi kitang kasama. Kapag kasama kita nawawala lahat nang problema ko. Kapag kasama kita buo na ang araw ko. Kaya ginawa ko ang lahat para mawala ka sa sistema ko. Sa isip at sa puso ko. Pero natatagpuan ko parin ang sarili ko na iniisip kita. Hindi ko kaya. I'm sorry Jass. Hindi ko sinasadya na maramdaman ito sayo. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Alam ko naman na walang katugon ang nararamdaman ko para sayo. Sana kahit ganun man, maging magkaibigan pa rin tayo."
Hindi ko maiwasan magbunyi sa mga sinabi niya. Gusto ako ni Jarred! Pareho kami ng nararamdaman. Pareho namin gusto ang isa't-isa. Lumapit ako sa kaniya hanggang sa isang dangkal nalang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Kinulong ko ang mukha niya gamit ang mga palad ko. Hinayaan niya lang ako sa ginawa ko. Pinakatitigan niya ako.
"Gusto rin kita Jarred. Gustong-gusto." wika ko. Biglang nagliwanag ang mukha niya at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya.
"Totoo?" paniniguro niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Sa hindi inaasahan. Bigla niya akong hinalikan sa labi na ikinabigla ko. This is my first kiss.
"Please, kiss me back Jasmine." pagmamakaawa niya sakin.
"Hindi ako marunong Jarred." wika ko.
"I will teach you. Just open your mouth." wika niya. Gusto ko rin naman na h***kan niya ako. Gusto ko matikman ang h***k ng isang Jarred Decano. Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Ibinuka ko ang aking bibig at sinalubong ang h***k niya. Nagpaubaya ako nang mga sandaling yun.
NAGING kami ni Jarred ng palihim. Dahil hindi namin pwede sabihin ito sa iba lalo na sa magulang ko dahil alam kong tutol sila sa pagkakaroon ko ng nobyo habang nag-aaral ako. Kahit ganun man, masaya ako kahit palihim lang ang sekreto namin hanggang sa sa isang araw natuklasan nang mga magulang ko ang inililihim ko.
Araw iyon ng Linggo at walang pasok. Kaya ang ginawa ko nagreview ako para sa nalalapit na pagsusulit. Iniwan ko sandali ang cellphone ko sa salas at kumuha nang isang basong tubig sa kusina. Pagbalik ko, hawak na ni Mommy ang cellphone ko. Nagulat ako kaya agad akong nagtungo sa kaniya para kunin ang cellphone ko.
"Sino itong Heart?" tanong niya sakin habang nanlilisik ang mga mata niya.
"Wala Ma. Kakilala ko lang po." wika ko. Kinakabahan na ako nang mga sandaling iyon. Baka nabasa na ni Mommy ang laman ng cellphone ko. Heart ang tawagan namin ni Jarred.
"Heart ang tawagan ninyo? Niloloko mo ba ako Jasmine? Kelan ka pa natutong magsinungaling sakin! Sino ito?" galit niyang tanong sakin. Huli na ako. Kaya wala akong nagawa kundi aminin ang lahat.
"My. Please, hayaan niyo na po ako. Nasa wastong gulang naman na ako para magkaroon ng katipan." nagmamakaawang wika ko.
"Sino ba ito?" tanong niya sakin.
Nag-aalangan akong sabihin ang pangalan ni Jarred. Alam ko ang kayang gawin ng aking Ina. May mataas siyang posisyon sa paaralan at kayang-kaya niyang tanggalin si Jarred sa pagiging Scholar nito. At yun ang hindi ko gagawin. Mas gustuhin ko pang maghiwalay kami kaysa mawala ang pangarap niya.
"Si Jarred Decano po." wika ko at yumuko. Kahit ganito si Mommy ay nirerespeto ko siya. Sila pa rin ang dahilan kung bakit mayroon akong magandang buhay ngayon.
"No! Break him. Or else, ako mismo ang maghahanap sa lalaking yan at kung Scholar yan. Patanggalin ko ang Scholar niya sa paaralan." wika ng aking Ina.
"No My. Don't do that. Mahalaga para sa kaniya ang pag-aaral. Huwag niyo naman po sanang tanggaling iyon sa kaniya." pagmamakaawa ko.
"Okay. Break him at sa France mo itutuloy ang pag-aaral mo." wika niya sakin at umalis na sa aking harapan. Nanghihinang napaupo ako sa upuan na nasa salas. Anong gagawin ko ngayon?
NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya.Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon dahil bumaling siya sakin."Heart, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin habang titig na titig saking mga mata. Umiling ako."Napuwing lan
Naputol ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Si Jarred ba ang kumakatok? Ano sadya niya? Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad si Jarred sa aking harapan. Pulang-pula ang mata nito. Nakainom ba ito?"Sir Jarred? Bakit po?" tanong ko. Pumasok siya sa kwarto at nagulat ako nang bigla nalang niya ako isinandal sa pader. Pinakatitigan niya akong mabuti. Lumunok muna ako."Sir ba--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya."Bakit Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" wika niya sakin. Naaamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan."Dahil kailangan, Jarred." wika ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya nang mapakla."Hindi ko alam kung ano mayroon sayo. Dahil ha
- Jasmine Point Of View -Abala ako sa paghahanda nang agahan ni Jarred nang may tumikhim sa aking harapan. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan kung sino iyon. Nagtama ang aming mga mata. Matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pangatugan ng tuhod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Iba pa rin talaga ang epekto sakin ni Jarred. Takot ba itong nararamdaman ko?"Good Morning ulit Sir. Kain na po kayo." wika ko. Lumapit siya sa mesa at umupo. Tumayo ako sa gilid para maghintay ng iuutos niya. Tiningnan ako ni Jarred."Yes Sir. May kailangan po ba sila?" tanong ko."Join me. Sabay na tayo kumain. Mas masarap kumain kapag may kasama." wika niya. Sabagay, gutom na rin naman ako. Among oras na rin kasi."Salamat po Sir." wika ko at umupo sa harap niya. Nagsimula na akong kumuha ng kanin at ulam nang magsalita siya."Linggo ng
"WHAT?! Ginawa yun sayo ni Jarred?!"Gulat na sambit ni Celine matapos kong ikwento sa kaniya ang mga nangyari sakin sa mansiyon ni Jarred sa loob ng isang linggong pagiging katulong niya. Wala akong itinira, lahat sinabi ko. Si Celine lang ang bukod-tanging tao na pinagkakatiwalaan ko at napgsasabihan ko nang mga hinanakit ko sa buhay. Tumango ako bilang pagsang-ayon."Pero nitong mga nakaraang araw naman naging ayos naman ang pakikisama niya sakin. Pakiramdam ko nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya huwag mo na alalahanin Bes." wika ko."Dapat lang! Dahil kung hindi talagang malilintikan siya sakin. Susugurin ko siya sa opisina niya! Kilala mo ako Jas." wika niya na parang nangigigil. Naiintindihan ko naman siya. Bilang kaibigan, nandun yung pagmamalasakit niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil."Ayos lang ako Bes. Huwag mo na ako alalahanin. Isang taon lang naman ang pagtratrabaho ko sa kaniya. Mabilis lang lilipas
Jarred Point Of ViewKitang-kita ko sa mga mata ni Jasmine ang sakit sa mga sinabi ko. Lalo na noong makita ko na tumulo ang kaniyang mga luha. Gusto Kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa inis na nararamdaman. Bakit ko ba siya sinigawan? Ano ba ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon sa kaniya? Dahil ba sa nagseselos ako na makita siyang kasama niya si Vince?"Sh*t!" wika ko at tumalikod na ako at iniwan siya.Tinungo ko ang mini-bar nang aking kwarto at uminom. Nakaka-ilang inom palang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang si Sean ang tumatawag. Isa sa mga matalik kong kaibigan bukod kay Vince. Sinagot ko ang kaniyang tawag, iniligay iyon sa aking tainga para pakinggan ang sasabihin niya."Jarred, come here! Nandito ako sa Day & Night Club. Have some fun lalo at linggo naman. Join me! Hindi daw makakapunta si Vince, dahil may gagawin daw siya." wika niya.Nang m
Nang makarating ako sa mansiyon slash bahay ko, ipinasok ko agad ang sasakyan sa loob at ipinark iyon sa may garahe. Nang maipark ko ang sasakyan, lumabas ako at tinungo ang pintuan, nang mabuksan ko iyon. Nagulat ako sa nakita nang makapasok ako. Napabuntong-hininga ako tsaka ko nilapitan si Jasmine.Nakatulugan na niya ang paglilinis nang bahay. Nasa sofa siya nakaupo at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Ilang oras na kaya siyang nakatulog na ganiyang ang posisyon? Hindi ba siya nahirapan? Muli akong napabuntong-hininga. Bakit ba nagiging mabait ulit ako? Diba kaya ko nga siyang ginawang katulong ay dahil sa gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang pahirapan. Pero babae pa rin siya. F*ck!Pero bakit nagiging malambot na ang puso ko pagdating sa kaniya? Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko dapat maramdaman ang mga bagay na ito, dahil nakakasira ito sa aking plano. Pero ngayon na nakikita ko siyang nahihirapan. Kahit ngayon lang maging mabait ako sa kaniya. Ka
Jarred Point Of ViewKanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon. Iniisip ko ang ginawa ko kagabi. Tama ba ang ginawa ko? Bakit nagiging malambot na ako sa kaniya? F*ck! Naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Hindi pwede ito. Hindi pwede! Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama.Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo nang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Napakunot-noo ako nang makita na si Beatrice ang tumatawag. Ano na naman ang kailangan niya? Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang inis. Marahan akong napabuntong-hininga tsaka sinagot ang tawag at iniligay iyon sa aking taenga."Babe! Good Morning!" matinis niyang bati sa akin. Kailangan kong maging sweet sa kaniya baka isipin niya na nag-iiba na ang pagtingin ko sa kaniya."Good Morning din Babe. Oh? Napatawag ka?" tanong ko sa kaniya sa pinalambing na boses."I miss you Babe. Pupunta ako mamaya sa opisina mo. Oka
Jasmine'sPOV Pagkatapos kong maglinis ng bahay at maihanda ang pananghalian ni Jarred. Nagtungo ako sa kwarto tsaka tinungo ang banyo para naligo. Nang matapos maligo, lumabas ako ng banyo at nagbihis. Plain black shirt at ripped jeans ang aking isinuot. Hindi ko naman kailangan magpaganda dahil maganda na ako. Napangiti ako sa isiping iyon. Nagbubuhat lang ng sariling bangko. Inilugay ko ang hanggang bewang kong buhok at lumabas ng kwarto. Nang makababa ako, nagtungo ako sa kusina para kunin ang inihanda kong pananghalian ni Jarred na nakalagay sa paper bag. Binitbit ko iyon at lumabas ng bahay. Nagulat ako nang madatnan ko si Khael na nakatayo sa gilid ng pintuan. Anong ginagawa niya dito? Si Jarred ba ang sadya niya? Pero imposible iyon, dahil alam niya kung anong oras pumapasok si Jarred. Lumingon siya sa gawi ko. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader at hinarap ako. "Jasmine." wika niya habang titig na titig sa akin. Nagul