Share

Manipulate

NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya.

Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon dahil bumaling siya sakin.

"Heart, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin habang titig na titig saking mga mata. Umiling ako.

"Napuwing lang ako Heart." wika ko. Ngumiti siya sakin at ibinalik muli ang tingin sa ginagawa.

"Mag-review na tayo. Malapit na ang exam. Mag-second semester na. Two years nalang gragraduate na tayo. Maturupad na ang mga pangarap natin." wika niya tsaka ibinaling ang tingin sakin at muli akong nginitian.

"Kaya nga e." wika ko at ngumiti rin sa kaniya. Mabuti nalang hindi niya napansin na pilit lamang ang ngiting iyon.

Mukhang masaya siya ngayon. Ayaw ko naman na mawala ang sayang iyon dahil sa sasabihin ko. Hahanap nalang ako ng tyempo. Nang ibang pagkakataon para sabihin sa kaniya ang desisyon ko. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at ipinagpatuloy ang ginagawang pagrereview.

DUMATING ako sa bahay nang pasado alas-sais ng gabi. Bukas na ang exam namin kaya ginabi ako ng uwi dahil nag research pa ako sa Library. Minsan kasi may mga tanong sa exam na wala sa mga pinag-aralan. Kaya kailangan talaga self-study. Dahil yun ang pinakamahalaga sa lahat.

Nang makapasok ako, nadatnan ko si Mommy na nasa salas at nakaupo habang nakaharap sa kaniyang laptop. Abala na naman siya sa negosyo. Lumapit ako sa kaniya at nagmano. Hindi naman siya magagalit sakin dahil ipinaalam ko naman sa kaniya na gagabihin ako nang uwi dahil bukas na exam namin. Secured naman ang paaralan. Sinisiguro nito ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

"Good evening po My. Akyat na po ako sa taas. Magbibihis lang po ako." akmang ihahakbang ko na ang aking mga paa patungo sa hagdan nang magsalita si My.

"Nakipaghiwalay ka na ba sa kaniya?" tanong niya sakin. Bumaling ako sa kaniya. Nakatuon pa rin ang tingin niya sa laptop nito.

"Hindi ako pwede nakipaghiwalay sa kaniya My. Exam namin bukas, ayaw ko na madistract siya. Pagkatapos ng exam, sige po makikipaghiwalay po ako sa kaniya." wika ko at napalunok. 

Gustong-gusto kong umiyak. Gustong-gusto kong sumbatan si Mommy dahil sa ginagawa niya sakin. Para akong robot na sinusunod lahat ng gusto niya. Pati damdamin ko hawak nila. Pero wala akong magawa.

 Kung magrerebelde ako. Saan ako pupunta? Nasa kanila parin ang kinabukasan ko. Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng sama ng loob. Wala namang masama sa ginagawa namin. Inspirasyon pa nga namin ang isa't-isa. Mula sa ginagawa niya iniangat niya ang tingin niya sakin.

"Siguraduhin mo lang Jasmine. Dahil pagkatapos nang semester na ito. Sa France ka na mag-aaral. Naiintindihan mo?" wika niya. Doon na naubos ang pasensya ko. Bakit pa kailangan kong mag-aral sa France? Gagawin ko na nga ang gusto niya tapos sa France pa ako mag-aaral.

"No My! Hindi ako mag-aaral sa France! Dito ako magtatapos!" sigaw ko. Alam kong mali ang ginagawa kong pagsagot-sagot. Pero hindi na tama e. Minamanipula nila ang buhay ko!

"Mag-aaral ka sa France sa ayaw at sa gusto mo!" wika niya. 

Nagpapadyak ako paakyat sa pangalawang palapag ng bahay patungo sa aking kwarto. Nang makarating ako doon agad akong nahiga at ibinuhos ang luha na kanina ko pa tinitimpi. Ano ba ang mali na magmahal sa lalaki na mahirap lamang? 

Iniisip ko palang na hihiwalayan ko na si Jarred ay nasasaktan na ako. Yun pa kayang sa France ako mag-aaral? Hindi ko makakaya yun na di siya makita nang dalawang taon. Akala ko nagbibiro si My nang sabihin niya na sa France ako mag-aaral. 

Pero hindi pala! Ang balak ko kasi makikipaghiwalay ako sa kaniya na nag rason ko ay mag-aral muna kami. Tsaka namin itutuloy ang relasyon namin pagka-graduate namin. Tiyak na iisipin niya na gusto ko siyang iwan at layuan. Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang makarinig ako nang mahinang pagkatok sa pintuan nang aking kwarto.

"Bukas po iyan." wika ko. Maging ang boses ko ay matamlay at walang sigla. Sino ba naman ang sisigla sa mga nangyayari? Narinig kong bumukas ang pintuan subalit hindi ako tumingin doon. 

"Iha. Pinatawag ka sakin ng Mommy mo. Bumaba ka na daw. Kumain ka na daw." wika niya.

 Ang katulong nila na si Nay Beteñia. Nag-iisang katulong lang namin. Hindi naman masyadong madami ang ginagawa niya sa bahay. Mukhang napansin niya na may prinoproblema ako dahil lumapit siya sakin at umupo sa gilid nang aking kama. Kilala na ako ni Nay Beteñia, dahil siya ang nagpalaki sakin simula bata pala lamang ako. 

Alam niya kapag masaya ako, kapag malungkot at kung may problema ako. Kaya tinawag ko na rin siyang Nay Betenia kasi parang mas nanay ko pa siya kaysa kay Mommy na walang ibang ginawa kundi ituon ang atensyon sa negosyo kasama ni Daddy. Hinawakan niya ang kamay ko.

"May problema ba Anak?" tanong niya sakin. Bumuntong-hininga ako at bumangon mula sa pagkakahiga. Tiningnan ko si Nay Beteñia. Nandoon ang pag-aalala sa kaniyang mga mata nang makita na mugto ang aking mga mata. Na lagi kong nakikita kapag pinapagalitan ako ni Mommy.

"Opo Nay, meron po." wika ko. Hindi ko kailanman kaya magsinungaling sa kaniya. Dahil kapag nasabi ko ang problema ko kay Nay Beteñia, gimagaan ang pakiramdam ko. At alam niya rin kung nagsisinungaling ako o hindi.

"Pag-usapan natin yan mamaya. Sa ngayon, bumaba ka muna at kumain na tayo. Baka magalit si Mommy mo kapag di mo sinunod ang utos niya." wika niya tsaka hinawakan ang pisngi ko at nginitian ako.

"Anuman yang problemang dinadala mo Anak. Malalampasan mo yan. Matapang ka diba?" wika niya tsaka tumayo. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya. Lumakas ang loob ko dahil dun. Tumayo na rin ako. Nakatalikod siya kaya niyakap ko siya mula sa likod.

"Salamat Nay Beteñia. Salamat po sa pagpapalakas mo ng loob sakin." wika ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa beywang niya.

"Walang anuman Anak. Halika na. Para mapag-usapan na natin iyang problema mo." wika niya. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at sabay kaming naglakad palabas ng kwarto.

NANG marating namin ang Dining Area. Naupo ako sa upuan na kaharap ni Mommy at ni Daddy. Tumingin sila sakin. Nilagyan ko ng kanin ang aking plato at kinuha ang ulam para lagyan ang aking plato. Tumikhim si Daddy kaya napatingin ako sa kaniya. Ibinaba niya ang kutsara na isusubo na niya sana. 

"Kamusta ang maghapon mo Jasmine?" tanong sakin ni Daddy. 

"Ayos naman po. Bukas na po ang Final Exam namin Daddy." wika ko.

"Pagbutihin mo Jasmine. Kasi, sa next semester sa France ka na mag-aaral. Inaayos na namin ang mga papeles mo para sa paaralan na papasukan mo doon." wika ni Daddy. Linunok ko muna ang aking kinakain bago nagsalita. Tiningnan ko si My na nakatingin sakin.

"Hindi po ako mag-aaral sa France." pinal na wika ko. Nakita kong tumaas ang kilay ni Mommy. Kapag ganun ang ginagawa niya alam kong naiinis na siya. Pero di ko siya pinansin. Karapatan kong mamili ng paaralan na papasukan ko.

"Mag-aaral ka sa France sa ayaw at sa gusto mo!" may diing wika ni Mommy. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata para pigilin ang sarili na sigawan sila. 

"Ano ba ang pagkakaiba ng Edukasyon sa France at sa Pilipinas My? Yes. Sabihin na natin na mas magagaling mga guro doon. The most important is makapagtapos ako diba? My. Ayaw ko doon. Mas komportable akong mag-aral dito kaysa sa ibang bansa. Please My, don't do this to me." pagmamakaawa ko. Umiling si Daddy samantalang si My ay napabaling ang paningin sa ibang direksyon.

"Ayaw man namin gawin ito Jasmine. Pero kailangan. Para makalimutan mo ang nararamdaman mo kay Jarred. Wala kang mapapala sa kaniya. Ang nababagay sayo ay ang isang lalaki na may mamanahin sa mga magulang. Baka nga pera lang ang habol niya sayo." wika nang kaniyang Daddy. 

What? Hindi ko maiwasang napakunot-noo. Bakit ganito mag-isip ang mga magulang ko? Hindi ko maiwasang mapailing. Iba talaga nagagawa ng pera, binabago ka niya pati pag-uugali. Yes, lumaki ako na nabibigay lahat nang gusto ko. But, Hindi ako mag-iisip ng ganun sa kapwa ko. Lalo at kilala ko si Jarred. Ayaw ko na makipagsagutan pa kaya tumayo ako sa mula sa pagkakaupo at umalis sa kanilang harapan. I can't believe this!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status