Bigla kong naalala ang mga panahong nasa kolehiyo pa lamang kami ni Jarred. Mga panahon na una kaming nagkakilala. Panahon na mahal na mahal pa niya ako. Yung ako yung babaeng nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon. Napangiti ako habang inaalala ang mga pagkakataong iyon.
COLLEGE DAYS,
"Jasmine. Look! May bagong mukha!" wika sakin ni Celine at kinalabit ako.
Mula sa ginagawang pagrereview sa note ay napabaling ang tingin ko sa unahan kong saan nakatingin si Celine. Nakita ko ang isang lalaki na patungo sa kinauupuan namin. Hindi maikakaila na gwapo talaga siya. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong nagbaba ng tingin.
Pakiramdam ko bigla akong nahiya. Natigilan ako. Bakit naman ako mahihiya? Ako? si Jasmine Saderra? Mahihiya? Hindi pwede. Kunwari nagreview nalang ako sa notes ko at hindi na muling tiningnan ang lalaki.
"Oy! Tiningnan ka niya." wika ni Celine sa aking taenga bahagyang may tili sa kaniyang boses. Napaikot ang aking mata sa sinabi niya. Kapag talaga may mga gwapo mabilis ang mga mata ni Celine. Boyfriend niya ang isang Varsity Player na si Jack Escuadra.
Hindi naman maipagkakaila na maganda talaga ako hindi naman sa nagbubuhat ako ng bangko, pero yun ang totoo. May mga kumukumbinse sakin na sumali sa mga Beauty Contest at iba pa. Subalit hindi ko gusto ang mga ganung bagay. Pinagtutuunan ko ng pansin ang pag-aaral dahil ito ang gusto ko. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil hindi nila pinilit na kumuha ako ng Kursong Business Management, dahil ang aming pamilya ay may negosyo.
Yun ay ang Saderra's Coffee Factory. Na ngayon ay matagumpay at namamayagpag sa industriya. Nag-iisa lang akong anak. Kaya nasusunod lahat ng luho ko. Mapa-damit, bag, gadget ay nabibili ng magulang ko. Wala pa akong hiniling na hindi nila naibigay. Kaya ang iba nakikipagkaibigan sakin dahil may hindi magandang motibo. Kaya mas gusto kong kaibigan si Celine na simula High School ay kaibigan ko na. Kilalang-kilala ko na siya.
Napatingin ako sa tabi ko nang umupo doon ang lalaki. Kinurot ako ni Celine na marahil ay kinikilig ngayon. Hindi man kailangan tanungin. Alam ko na scholar ito ng paaralan. Dahil makikita iyon sa kung paano siya kumilos at ang bag niya at hindi kagaya ng iba na talagang mamahalin. Pero hindi ako kagaya ng iba na sa pera tumitingin, sa panloob ako tumitingin ng pagkatao. Pero kadalasan bigo akong makahanap ng kaibigan na totoo.
Minsan nakipagkaibigan ako sa isang kaklase namin na mahirap lamang. Pinahawak ko sa kaniya ang bag ko dahil magccr ako. Wala kasi noon si Celine dahil nagkasakit ito. Paglabas ko wala na ang babae at nakita sa labas ng CR ang bag ko at nang tingnan ko sa loob ay wala na ang pitaka ko na kung saan may 5,000 na naroon. Hindi ko na sinabi sa magulang ko ang nangyari dahil panigurado magagalit ang mga ito. At baka ipahanap pa ang babae.
Kay Celine ko nalang sinabi iyon. At nagalit siya. Subalit, sinabi ko na huwag nalang niya intindihin dahil baka nangangailangan talaga ng pera. Natigil ang pag-iisip ko nang may kamay na nakalahad sa aking harapan. Tiningnan ko ang nagmamay-ari niyon. Nakangiti siya habang nakatitig sakin.
"Jarred Decano pala. 18 years old. Ikaw? Ano pangalan mo?" tanong niya sakin. Nag-aalangan ako kung tatanggapin ko ba ang pakikipagkamay niya sakin. Pero sa huli tinanggap ko rin iyon. Ayaw ko nanan maging bastos sa kaniya.
"Jasmine Saderra. 18 years old. Taking up Civil Engineering. Civil Engineering ka din ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling siya.
"No. BS in Business Administration. Ganda naman ng course mo." wika niya at ngumiti sakin. Bigla ako nakaramdam ng pagkailang sa ngiting iginawad niya. Bakit ganito bigla ang naramdaman ko? O sadyang naiilang lang ako dahil lalaki siya. Baka nga ganun. Isinawalang-bahala ko nalang ang naramdaman ko at nginitian siya.
Yun na ang naging umpisa nang aming pagkakaibigan. Nandyan na tinutulungan niya ako sa mga assignments, projects at iba pa. Basta sa subject na pareho kami. Hindi ko maiwasan kiligin sa ginagawa niya. At unti-unti nagkakaroon na siya ng puwang sa aking puso.
"Hoy! Tulala ka dyan! Iniisip mo si Jarred nuh?" wika ni Celine nang nasa bahay nila ako at gumagawa kami ng thesis. Tiningnan ko siya. Nakapaskil na naman sa kaniyang labi ang nang-aasar na ngiti.
"Hindi ah! Iniisip ko lang itong thesis, medyo mahirap kasi." pagdadahilan ko sa kaniya.
Subalit hindi siya naniwala. Itinaas pa niya ang kilay na wari'y sinasabi na hindi dapat ako nagsisinungaling sa kaniya. Napabuntong-hininga ako. Wala na akong lusot sa kaniya. Kilalang-kilala na niya ako simula pa man.
Alam niya kapag may gusto ako sa isang tao. Kaya hinding-hindi ko siya maloloko. Lalo na nitong mga nakaraang araw lagi ako nagpapaalam sa kaniya na magpapaturo ako kay Jarred. Kaya alam ko na kahit magsinungaling ako. Hindi uubra sa kaniya.
"Oo. Crush ko siya." wika ko sa kaniya. Bigla kong tinakpan ang taenga ko dahil sa lakas ng tili niya. Ano bang nangyayari sa kaniya. Parang takas mental lang.
"Hindi na nakapagtataka na magkagusto ka sa kaniya. Masipag, matalino at gwapo. Alam mo yun? Complete package na. Diba?" wika niya sakin at may pacute pa na nalalaman. Tinapik siya nito.
"Bakit di mo sabihin na gusto mo siya este crush mo siya?" tanong nito bigla nang hindi ko pa man nasasagot ang una niyang sinabi.
"Natatakot ako Celine. Baka iwasan niya ako kapag nalaman niya na crush ko siya. Ililihim ko muna itong nararamdaman ko." wika ko kay Celine. Mahirap na magsabi ng nararamdaman lalo kapag di mo ramdam o nararamdaman na gusto ka rin niya. Baka mawala pa ang pagkakaibigan namin at ayaw kong mangyari yun.
NASA library ako ng mga bandang alas tres ng hapon para magbasa. Vacant kasi namin at si Celine hindi ko kasama dahil magkaklase lang naman kami sa isang subject. Nang makita ko ang hinahanap ko ay agad kong kinuha iyon at nagtungo sa isang sulok kung saan may bakanteng mesa. Nang makarating ako doon ay agad akong naupo. Habang nagbabasa at may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Pwede ba ako makiupo?" tanong niya.
Biglang lumakas ang pintig ng puso nang napagtanto kung kanino galing ang ang boses na yun. Napakagat-labi ako. Titingnan ko ba siya o sasagot ako habang ang mga mata ko nasa binabasa ko? Ipinasya ko rin na tingnan siya. Nang tingnan ko siya ay natulala ako. Kahit nakasalamin siya hindi pa rin iyon nakabawas sa taglay niyang kagwapuhan. Mas lalo pa nga iyon nagpadagdag sa sex appeal niya. Ano ba itong sinasabi ko? May pa-sex appeal na akong nalalaman!
"May dumi ba ako sa mukha Jasmine?" malambing niyang tanong sakin. Agad akong umiling.
"Hm. W*--la. Sige pwe--de ka na maupo." kandautal kong sabi.
Umupo na siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Napabuntong-hininga ako. Bakit pakiramdam ko hindi ako makahinga ngayong magkalapit kami sa isa't-isa. Pero masaya ako dahil kasama ko siya ngayon. Itinuloy ko ang pagbabasa at itinuon ko ang atensyon doon. Pero di ko kaya dahil hindi ako makapag-concentrate dahil sa presensya niya.
"Vacant mo?" tanong niya sakin habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata.
"Oo vacant ko. Kaya nandito ako para magbasa-basa. Pampalipas-oras." wika ko. Tumango lang siya at itinuloy ang ginagawang pag-gather ng impormasyon sa libro na nakalahad sa kaniyang harapan. Pinakatitigan ko siya. Hindi ko maiwasan humanga sa kaniya dahil sa dedekasyon niya sa pag-aaral. Kaya hindi maipagkakaila na matataas ang nakukuha niyang marka.
Hindi lingid sa kaniya ang katayuan namin sa buhay. Hindi namin ginawang hadlang iyon sa aming samahan. Mas naging solido pa nga ang saamhan namin. Bigla siyang nag-angat nang tingin kaya nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Napamulagat ako at agad na ibinalik ang tingin sa binabasa. Bigla siyang natawa ng mahina. Tiningnan ko siya at nakita ko siyang nakangiti habang nagsusulat. Ano naman nginingiti-ngiti niya?
LINGGO. Walang pasok. Kaya naisipan ko mamasyal sa Mall. Inihatid ako ng aming driver na si Kuya Vicco sa tapat ng Mall. Ayaw kasi ni Mom na gamitin ko ang kotse ko dahil baka daw mapano ako. I'm already 18 years old.
Alam ko na ang ginagawa ko. Sa katunayan may Student Liscence na ako. Kaso ayaw niya talaga. Mas safe daw kapag ihahatid nalang ako at baka atakihin pa daw siya sa nerbiyos dahil sa labis na pag-aalala. Kaya hinayaan ko nalang. Ganon talaga siguro kapag nag-iisang anak.
Nang makababa na ako sa kotse at agad akong pumasok sa loob ng Mall. Pagkapasok ko doon. Bumili ako ng ice cream na naka-cap. Naghanap ako ng pwesto na mauupuan. Nang makahanap ako sa bandang gilid ay agad akong nagtungo doon at naupo. Habang kinakain ko ang ice cream ay namataan ko ang isang lalaki na mukhang pamilyar sakin.
Medyo malayo pa sila sakin. Pero kilala ko kung sino iyon. Si Jarred Racqueza. Anong ginagawa niya dito kasama ang babaeng iyon? Kasintahan ba niya ito? Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng d****b. Sobrang sakit na para bang minamartilyo iyon. Anong ginagawa niya sa lugar na ito kasama ang isang napakagandang babae?
Nasa hardin ako nang paaralan nang mga pagkakataong yun. Nakaupo sa isa sa mga upuan na may mesa at sinasagutan ang assignment namin mamaya. Isa ito sa gusto kong parte ng paaralan. Tahimik at payapa. Medyo malayo kasi ito sa compound nang paaralan. Nagsusulat ako sa aking notebook nang lumapit sakin si Jarred.Hindi ko siya pinansin. Naiisip ko pa rin yung babae na kasama niya sa Gee Mall. Oo, at wala akong karapatang magselos pero hindi ko mapigilan. Umupo siya sa tabi ko at idinantay ang kamay sa mesa."Napakaseryuso natin ngayon ah?" puna niya sakin.Huminto ako sa pagsusulat at liningon siya. Binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti ngunit diko yun masuklian, naiinis pa rin ako. Napansin ata iyon ni Jarred dahil biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Bumuntong-hininga siya."May problema ba Jasmine? May nagawa ba akong mali? Sa pagkakatanda ko okay lang naman tayo dib
NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya.Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon dahil bumaling siya sakin."Heart, umiiyak ka ba?" tanong niya sakin habang titig na titig saking mga mata. Umiling ako."Napuwing lan
Naputol ako sa pagbabalik-tanaw dahil sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto. Napabuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan para buksan iyon. Si Jarred ba ang kumakatok? Ano sadya niya? Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad si Jarred sa aking harapan. Pulang-pula ang mata nito. Nakainom ba ito?"Sir Jarred? Bakit po?" tanong ko. Pumasok siya sa kwarto at nagulat ako nang bigla nalang niya ako isinandal sa pader. Pinakatitigan niya akong mabuti. Lumunok muna ako."Sir ba--" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya."Bakit Jasmine? Bakit mo ako iniwan?" wika niya sakin. Naaamoy ko ang alak sa kaniyang hininga. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang dahilan kung bakit ko siya iniwan."Dahil kailangan, Jarred." wika ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya nang mapakla."Hindi ko alam kung ano mayroon sayo. Dahil ha
- Jasmine Point Of View -Abala ako sa paghahanda nang agahan ni Jarred nang may tumikhim sa aking harapan. Nag-angat ako nang tingin at tiningnan kung sino iyon. Nagtama ang aming mga mata. Matiim siyang nakatitig sakin. Hindi ko maiwasang pangatugan ng tuhod dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Iba pa rin talaga ang epekto sakin ni Jarred. Takot ba itong nararamdaman ko?"Good Morning ulit Sir. Kain na po kayo." wika ko. Lumapit siya sa mesa at umupo. Tumayo ako sa gilid para maghintay ng iuutos niya. Tiningnan ako ni Jarred."Yes Sir. May kailangan po ba sila?" tanong ko."Join me. Sabay na tayo kumain. Mas masarap kumain kapag may kasama." wika niya. Sabagay, gutom na rin naman ako. Among oras na rin kasi."Salamat po Sir." wika ko at umupo sa harap niya. Nagsimula na akong kumuha ng kanin at ulam nang magsalita siya."Linggo ng
"WHAT?! Ginawa yun sayo ni Jarred?!"Gulat na sambit ni Celine matapos kong ikwento sa kaniya ang mga nangyari sakin sa mansiyon ni Jarred sa loob ng isang linggong pagiging katulong niya. Wala akong itinira, lahat sinabi ko. Si Celine lang ang bukod-tanging tao na pinagkakatiwalaan ko at napgsasabihan ko nang mga hinanakit ko sa buhay. Tumango ako bilang pagsang-ayon."Pero nitong mga nakaraang araw naman naging ayos naman ang pakikisama niya sakin. Pakiramdam ko nagbabago na ang pakikitungo niya sa akin. Kaya huwag mo na alalahanin Bes." wika ko."Dapat lang! Dahil kung hindi talagang malilintikan siya sakin. Susugurin ko siya sa opisina niya! Kilala mo ako Jas." wika niya na parang nangigigil. Naiintindihan ko naman siya. Bilang kaibigan, nandun yung pagmamalasakit niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil."Ayos lang ako Bes. Huwag mo na ako alalahanin. Isang taon lang naman ang pagtratrabaho ko sa kaniya. Mabilis lang lilipas
Jarred Point Of ViewKitang-kita ko sa mga mata ni Jasmine ang sakit sa mga sinabi ko. Lalo na noong makita ko na tumulo ang kaniyang mga luha. Gusto Kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa inis na nararamdaman. Bakit ko ba siya sinigawan? Ano ba ang pumasok sa isip ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon sa kaniya? Dahil ba sa nagseselos ako na makita siyang kasama niya si Vince?"Sh*t!" wika ko at tumalikod na ako at iniwan siya.Tinungo ko ang mini-bar nang aking kwarto at uminom. Nakaka-ilang inom palang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang si Sean ang tumatawag. Isa sa mga matalik kong kaibigan bukod kay Vince. Sinagot ko ang kaniyang tawag, iniligay iyon sa aking tainga para pakinggan ang sasabihin niya."Jarred, come here! Nandito ako sa Day & Night Club. Have some fun lalo at linggo naman. Join me! Hindi daw makakapunta si Vince, dahil may gagawin daw siya." wika niya.Nang m
Nang makarating ako sa mansiyon slash bahay ko, ipinasok ko agad ang sasakyan sa loob at ipinark iyon sa may garahe. Nang maipark ko ang sasakyan, lumabas ako at tinungo ang pintuan, nang mabuksan ko iyon. Nagulat ako sa nakita nang makapasok ako. Napabuntong-hininga ako tsaka ko nilapitan si Jasmine.Nakatulugan na niya ang paglilinis nang bahay. Nasa sofa siya nakaupo at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Ilang oras na kaya siyang nakatulog na ganiyang ang posisyon? Hindi ba siya nahirapan? Muli akong napabuntong-hininga. Bakit ba nagiging mabait ulit ako? Diba kaya ko nga siyang ginawang katulong ay dahil sa gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang pahirapan. Pero babae pa rin siya. F*ck!Pero bakit nagiging malambot na ang puso ko pagdating sa kaniya? Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko dapat maramdaman ang mga bagay na ito, dahil nakakasira ito sa aking plano. Pero ngayon na nakikita ko siyang nahihirapan. Kahit ngayon lang maging mabait ako sa kaniya. Ka
Jarred Point Of ViewKanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon. Iniisip ko ang ginawa ko kagabi. Tama ba ang ginawa ko? Bakit nagiging malambot na ako sa kaniya? F*ck! Naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Hindi pwede ito. Hindi pwede! Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama.Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo nang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Napakunot-noo ako nang makita na si Beatrice ang tumatawag. Ano na naman ang kailangan niya? Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang inis. Marahan akong napabuntong-hininga tsaka sinagot ang tawag at iniligay iyon sa aking taenga."Babe! Good Morning!" matinis niyang bati sa akin. Kailangan kong maging sweet sa kaniya baka isipin niya na nag-iiba na ang pagtingin ko sa kaniya."Good Morning din Babe. Oh? Napatawag ka?" tanong ko sa kaniya sa pinalambing na boses."I miss you Babe. Pupunta ako mamaya sa opisina mo. Oka