Share

Chapter 2. The Ml meet the FL

"Ano ba 'yan bakit ang stress ng itsura mo? Ayusin mo nga ang make-up mo Katya!" galit na sabi sa'kin ng nagmamanage sa akin.

Paano mugto ang aking mga mata sa sobrang iyak tapos hindi pa maganda ang mood ko kaya ang itsura ko ay hindi madrawing.

"May problema kasi ako Ate," sabi ko.

"Wala akong pakialam sa problema mo ang mahalaga sa akin malaki ang kita mo ngayong gabi. Kunsabagay, ikaw din naman ang kawawa kung mas gusto mong isipin ang problema mo kaysa mag focus sa trabaho mo. Tandaan mo na dito ka nakakahanap nang pambili ng gamot para sa Nanay mo," sabi sa akin ni Ate Monica. Hanggang kailan talaga walang makakatalo sa pagka m*****a ni Ate Monica. Akala mo kung makaasta ay hindi rin siya naging bayaran. Kaya nga siya nakapag patayo ng sarili niyang bar dahil naka chamba siya sa costumer nitong foreigner dati.

Siya ang mas nakakatanda sa amin at siya na rin ang boss namin dito sa bar.

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Kailangan ko ng pera kaya dapat marami aking costumer na makukuha ngayon. Inayos ko ang aking make-up at mas lalong pinula ang aking lipstick. Kailangan na mas maganda ako sa lahat.

Pagkalabas ko palang ay madaming lalaki na ang nakatingin sa akin at tinuturo ako. Nakatayo lang ako habang nakasandal sa may pader at naghihintay na tawagin ni Ate Monica.

May hawak pa akong sigarilyo para mas lalong magugustuhan ako ng mga lalaki. Pero hindi naman talaga ako naninigarilyo bale props ko lang iyon.

"Katya, pumunta kana sa table 4 mayroon ka ng costumer," tawag sa akin ni Ate Monique.

Sinunod ko naman siya pero ng makarating ako sa table 4 ay napaatras ako ng makita ko ang itsura ng aking costumer. Mahaba ang baba, pango ang ilong at payat. Big ew!

Nakatitig pa siya sa legs ko tapos napakagat labi pa, dahil sa wala aking choice tumabi nalang ako sa kanya.

Ngumiti pa siya sa akin kaya pinilit ko din na ngumiti sa kanya na may halong pandidiri.

"Ang sexy at ang ganda mo." Hinaplos nito ang braso ko.

Kinuha ko naman kaagad ang kamay niya at inilapag sa lamesa sabay ngiti sa kanya. "Inom muna tayo, mamaya na tayo maglandian kapag medyo lasing na ako ha. Kailangan ko kasing uminom para pumogi ka sa paningin ko!" sabi ko.

"Haplos lang naman bawal ba iyon?" tanong naman niya sa akin.

"Actually, hindi iyon bawal kung may pambayad ka!" Ngumingiti pa rin ako sa kanya para maglabas siya ng pera. May dinukot siya sa bulsa nito at inilabas ang kanyang pitaka. Pasimple aking sumulyap para makita kung may laman ba talaga iyon.

Nagningning ang aking mga mata ng makita ko ang libo-libong pera sa loob ng pitaka niya.

Hinawakan ko naman siya sa kamay at inlapag iyon sa hita ko.

"Ano ba ang trabaho mo? Bakit ang dami mong pera?" malandi kong tanong.

"Basta, huwag mo ng tanungin. Ano ba ang gusto mo? You want drink?" tanong naman nito.

Tumango ako sa kanya at pinilit na ngumiti. Isa lang ang paraan para makuha ko ang gusto ko na hindi niya ako nagagalaw.

Nakakadiri talaga ang itsura niya bukod sa pangit na mabaho pa ang hininga.

Nag-order ako ng ladies drink tapos pinagdadagan ko pa ang kanyang inumin. Pinainom ko siya nang pinainom hanggang sa yumuko nalang siya sa taas ng mesa. Dahan-dahan kong kinuha ang kanyang wallet. "Lord, sana mapatawad niyo ako kailangan ko lang talaga ng pera ngayon para kay Nanay,"

Pagkatapos kong makuha iyon pumunta ako ng banyo at kinuha ang lahat ng pera. Binilang ko ito, halagang diyes mil ang aking nakuha. Ipinasok ko ito sa aking bra tapos itinapon ko ang kanyang wallet sa basurahan at lQ1umabas ng banyo.

Pagkalabas ko ay nagkakagulo na. Nakita ko ang lalaking ka table ko kanina. Hawak siya ng mga pulis habang natutulog.

"A-anong nangyari?!" tanong ko kay Jaycel na aking kasamahan.

"Magnanakaw daw ang lalaking iyan," sabi ni Jaycel.

"Ahh! Mabuti nalang at nahuli siya ng mga pulis 'no? Dapat lang siyang mabulok sa kulungan," sabi ko naman.

Oh di'ba? Grasyaa! May diyes mil na ako kaya surebol na ang pambili ko ng gamot ni Nanay. Hindi naman siguro ako pagagalitan ni Lord dahil ninakaw din naman ng lalaking iyon ang pera...siguro.

Bumalik na ako sa room namin at naghintay na tawagin ulit ni Ate Monica. Ganoon kami kapag walang costumer tabang tambay lang sa room habang naghihintay.

"Katya, mayroon kang bagong costumer!" tawag sa akin ni Ate Monica.

Dali-dali naman akong tumayo at nagpabango tapos inayos ang aking buhok.

Sumunod ako kay Ate Monica. "Saan ho ang ka table ko?" tanong ko sa kanya.

"Sa number 16, ang gwapo kaya goodluck! Tiyak na mapapabigay ka talaga nito," sabi niya sa akin.

Pumunta ako sa table 16 at may nakita akong lalaki na nakaupo doon. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil ang dilim tapos nakatalikod pa ito.

"Hello po," bati ko at nilambingan ang aking boses.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Parang gusto king magpalamon sa lupa ng makita ko siya. Pareho kaming nagulat na dalawa.

"Ikaw?!" sabay pa kaming nagsalita.

Tinakpan ko ng aking kamay ang aking mukha.

"Sandali lang Sir at may kukunin lang ako." Humakbang na ako palayo sa kanya pero hinabol niya ako at dinala sa may upuan.

"Are you working here?!" nakakunot-noo nitong tanong. Tumango ako.

Parang matunaw ako sa sobrang hiya sa kanya.

Siya ang lalaking tumulong sa amin para dalhin si Nanay sa ospital.

"But why? Alam ba ng Pamilya mo na dito ka nagtatrabaho?!" tanong niya ulit.

Medyo may pagka slang siyang magsalita ng tagalog, mukha siyang foreigner talaga. Noong una hindi ko gaanong napansin iyon kasi nag-eemote ako sa nangyari kay Nanay.

"Basta, by the way thank you nga pala ulit sa pagdala kay Nanay sa ospital," sabi ko sa kanya.

Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. "Ano, itatable mo ba ako?!" tanong ko ulit.

Nakatingin lang ako sa bibig nitong sobrang sexy at sa ilong nitong matangos. He looks perfect for me.

"Yeah, umupo ka." Itinuro niya sa akin ang isang upuan na sa kanyang tabi.

Umiinit na ang akung mukha sa sobrang hiya. Ano kaya ang iniisip ng lalaking ito sa akin? Siguro iniisip niya na madumi aking babae, well hindi ko naman ipinahkakaila na hindi maganda ang trabaho ko pero may reason naman kung bakit ako napunta dito.

Napayuko ako habang nakatitig siya sa akin.

"Huwag mo akong titigan ng ganyan nahihiya ako," sabi ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang legs ko. "What if, bilhin nalang kita at ako nalang ang palaging costumer mo? Payag kaba?" pabulong nitong sabi habang pinipisil ang legs ko.

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay nakikilabotan ako. Ang lakas nang tibok ng puso ko at nakakabingi. Naamoy ko ang kanyang hininga na sobrang mabango at pati ang kanyang perfume ay nakakalunod sa sobrang bango. Hindi ako nakagalaw sa aking inuupuan, sa dinami-daming lalaki na nakatable ko at nahawakan ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"T-talaga ba?!" nauutal ko naman na sagot.

Tumango naman siya sa akin kaya napangiti ako. Saktong napatingin ako sa aming paligid at nakita ko si Sky kaya tinakpan ko ang aking muka gamit ang aking kamay. Sumandal din ako sa balikat ng lalaking katabi ko para matabunan niya ang aking mukha.

"Ako nga pala si Simone," pakilala nito sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Nakipag shake hands naman ako sa kanya. Ang init ng kanyang palad, pakiramdam ko mayroong kuryente na dumaloy sa aking buong katawan.

"B-bakit ka napadpad dito?" tanong ko naman. Pasulyap-sulyap pa rin ako sa kinaroroonan ni Sky, nakita ko siyang nakaupo habang nagmamasid sa paligid. Alam ko na hinahanap niya ako at kapag makita niyang may ka table akong ibang lalaki tiyak na magagalit na naman siya. Si Sky ay ang boyfriend ko. Ilang beses na akong nakipag break sa kanya pero ayaw niya. Mayaman naman siya at galanti sa pera kaso nga lang hindi magaling sa kama kaya nauumay ako.

"Actually, hindi naman ako sanay pumunta sa ganitong lugar. Niyaya lang ako ng kaibigan ko na si Dean." Itinuro niya sa akin ang sinasabi niyang kaibigan. Nakita ko naman ang lalaking matangkad at gwapo pero may balbas. "May problema lang kasi ako kaya gusto kong makalimutan," dagdag pa ni Simone.

"Ah, ako nga pala si Kathy." Ngumiti ako sa kanya. Tinitigan ko siya ng husto, napaka perfect ng kanyang mukha.

Hindi niya pa rin inaalis ang kanyang kamay sa legs ko at gumapagapang ito papasok sa suot kong maong na palda, napaigtad naman ako. "Ah, cr lang muna ako saglit ha." Sabay tayo ko at dire-diretsong lumakad.

Pagkapasok ko sa cr ay kaagad akong naghilamos. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nakakapanibago naman, hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang mabingi pa ako sa lakas nang tibok ng puso ko. Ito na ba ang sinasabi nila na Love At First Sight?

Nagulat ako ng may biglang kumalagpag sa pintuan ng banyo. Dali-dali ko naman binuksan para makita kung sino iyon.

Nanlaki ang aking mga mata ng tumambad sa aking harapan si Sky at galit na galit.

"Kanina pa ako nandito bakit hindi kita nakita?! Saan ka galing? Nakipag table ka naman ba sa iba?!" galit nitong sabi.

Sanay na naman ako na ganito umasta si Sky sa akin. Ang paliwananag niya ay nagseselos daw siya kaya iniintindi ko nalang. Kung hindi lang siguro dahil sa pera niya kahit ayaw niya pang makipag hiwalay sa akin talagang ibabasura ko siya.

"Ano ba naman Sky, nagsisimula kana naman. Ang dami king problema tapos dadagdag kapa?! Ang Nanay ko nasa ospital, ikaw nalang ang inaasahan ko na makaintindi sa sitwasyon ko pero heto ka at inaaway na naman ako." Nagkunwari akong malungkot.

Natahimik naman siya dahil sa sinabi ko.

"Naoperahan ang Nanay ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang pambayad dito. Siguro, maghahanap ako ng mayaman na costumer ngayon para mataas ang TF ko," sabi ko sa kanya.

"Hindi! Huwag kang maghanap ng ibang costumer, saang ospital ba inoperahan ang Nanay mo? Ako na ang bahalang magbayad sa mga bills niyo doon. Okay? Huwag ka ng mag overthink. Pasensiya kana kasi hindi ako nakapunta kagabi, busy lang kasi ako sa mga gawain ko sa bahay," ani nito. Niyakap niya ako ng mahihpit sabay halik sa aking leeg. Palihim naman akong napangiti.

"I miss you!" pabulong nitong sabi.

Niyakap ko din siya ng mahigpit kailangan ko siyang sakyan para hindi na ako mamroblema sa babayarin namin sa ospital. Gusto kong masurvive pa si Nanay kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya. Kung kinakilangan na ibenta ko pati ang kaluluwa ko gagawin ko para sa kanya.

Naalala ko si Simone, alam ko na naghihintay siya sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Sky.

"Bakit ka nandito? Baka magalit ang mga magulang mo dahil wala ka doon sa bahay niyo. Alam ko naman na strict ang parents mo," sabi ko.

"Nagpaalam naman ako sa kanila kaya huwag kang mag-alala. Mag-enjoy tayo ngayong gabi para mabawasan ang problema mo." Ngumiti siya sa akin ng malapad.

"Kahit na, baka isipin nila na bad influence ako sa'yo," sabi ko rin. Kailangan niyang umalis para makabalik ako kay Simone.

"Bakit parang pinapaalis mo ako? May tinatago kaba sa akin Kathy?!" Bigla naging seryoso ang kanyang mukha.

"Katya, hinahanap kana ng costu-"

Hindi na natuloy ni Ate Monica ang sasabihin niya ng makita niya si Sky na nakahawak sa akin.

"Ano?! May costumer ka? Hindi ba sinabi ko sa'yo na huwag kang mag table na kahit kaninong lalaki?!" galit nitong sabi. Bumaling ang tingin niya kay Ate Monica. "Napag-usapan na natin ito hindi ba? Ako lang ang pweding mag table kay Kathy. Kahit hindi ako pumupunta dito binabayaran naman kita Monica ah!" sigaw niya pa kay Ate Monica.

"Binabayaran mo nga ako pero hindi pa sapat. Malakas si Kathy dito kaya hangga't dito siya nagtatrabaho wala kang magawa, magtatrabaho siya kapag sinabi ko!" pagalit din na sigaw ni Ate Monica.

"Ay ganun!" Tinangka niyang lapitan si Ate Monica pero hinawakan ko siya sa braso.

"Ano ba Sky, kung talagang mahal mo ako tanggapin mo kung ano ang trabaho ko. Alam mo naman na ito lang ang bumuhay sa akin, sa amin ng mga kapatid at sa Nanay ko hindi ba? Ikaw kasi, sinabihan na kita na pumunta ka dito lagi para hindi na ako maghanap ng ibang costumer pero nasaan ka sa tuwing kailangan kita?!" sigaw ko sa kanya.

Hindi na siya nakasagot. Binangga ko siya ng malakas at padabog na umalis sa kanyang harapan. Honestly, hindi ko naman siya inaaway dahil doon sa hindi niya pag punta lagi. Iniisip ko kasi si Simone.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status