Share

CHAPTER 3. Meet Sky

Hindi muna ako dumiretso sa kinaroroonan ni Simone, mas minabuti ko munang pumasok sa loob ng kwarto para maayos ang aking sarili. Naisipan kong palitan ang aking damit sabay dagdag pa ng lipstick ko.

"Kathy!" Napatigil ako sa paglagay ng lipstick ng marinig ko ulit ang malakas na sigaw ni Sky. Napabuntong hininga ako.

"Kathy! Lumabas ka riyan, hindi ka makakawala sa akin, naririnig mo?!" galit na sigaw nito.

Napapikit nalang ako sabay kagat labi. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. Isang galit na awra ang nakita ko kay Sky, bakas sa mukha nito ang sobrang inis sa narinig niya kanina kay Ate Monica.

"Ano ba Sky?! Hindi mo ba talaga ako titigilan?! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na maghiwalay na tayo! Hindi na ako masaya sa'yo Sky, sawang-sawa na ako sa ugali mo. Palakihin mo muna 'yang pagkalalake mo bago ka magpakita sa akin muli!" sigaw ko.

Hindi na siya nakaimik pa kaya lumakad na ako palabas ng kwarto. Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko inasahan. Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa buhok ko at malakas na hinila iyon.

"Napaka landi mo talagang babae ka! Lahat na ginawa ko para lang magstay ka sa akin, hindi ko hahayaan na mapunta ka sa iba Kathy, akin kalang!" galit na galit na sabi ni Sky.

Napangiwi ako sa sobrang sakit ng anit ko. Pilit akong kumakawala kay Sky pero napaka lakas ng pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Sky, bitawan mo ako! Nasasaktan ako!" Halos mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang sakit. Naamoy ko pa ang alak na mula sa kanyang hininga. "Tulong! Tulong!" sigaw ko pa.

Tumawa naman si Sky na parang isang demonyo. "Walang tutulong sa'yo Kathy, i can use my miney to kill you para lang hindi ka mapunta sa iba." Biglang nabasag ang boses ni Sky. "Hindi naman ako nagkulang sa'yo hindi ba?! Ginawa ko ang lahat para sa'yo, marami na akong iginastos na pera para sa luho mo!" Itinulak niya ako ng malakas at nauntog ang ulo ko sa isang matigas na bagay.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at malakas na umiyak.

"Aray ko Sky, anong ginawa mo!" sabi ko sa kanya habang humahagulgol sa iyak. Nakita ko naman na bihlang nataranta si Sky sa ginawa niya sa akin.

"Kathy, hindi pa ba kayo tapos mag-usap-"

Napatigil si Ate Monica sa pagsasalita ng makita niya ang kalagayan ko habang hawak ang aking ulo na nauntog.

"Ano ang nangyari sa'yo?! My God, your bleeding!" ani ni Ate Monica habang nakatingin sa ulo ko.

Doon ko lang napansin na may likidomg tumutulo sa aking ulo pababa sa aking mukha. Dahan-dahan kong kinuha ang aking kamay para tingnan ang likidong iyon. Kulay pula na likido na mula sa aking ulo. Biglang nanginig ang katawan ko dahil may phoebia ako sa dugo.

"A-ate M-monica!" kinakabahan na sambit ko.

"Look, Sky, anong ginawa mo kah Kathy?! Umalis ka dito ngayon din dahil kong hindi ay tatawag ako ng mga pulis. Napaka basagulero mo!" galit na sigaw ni Ate Monica sa kanya.

Sa tagal namin ni Sky na magkarelasyon ay ngayon niya lang ako nasaktan ng ganito. Hindi ko inakala na magagawa sa akin ito ni Sky, dala siguro ng selos at galit niya kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili.

"K-kathy, sorry hindi ko sinasadya." Nanginginig ang boses ni Sky habang papalapit sa akin.

Tumayo naman kaagad si Ate Monica at itinulak si Sky palayo sa akin. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Umalis kana dito ngayon din!" sigaw pa ni Ate Monica.

Unti-unti na ring dumadami ang mga tao sa paligid. Sa lakas palang ng boses ni Ate Monica taob ang sound system namin. 

Kaagad na tumakbo si Sky palabas ng club. Inalalayan ako ni Ate Monica na tumayo mula sa sahig.

"I told you Kathy, hiwalayan mo na ang lalaking iyon. Sagabal lang siya sa trabaho mo at makaperwisyo! Tingnan mo ang ginawa niya sa'yo?!" ani ni Ate Monica.

Hindi lang ako sumasagot at patuloy lang sa pag-iyak. Hindi pweding magkaroon ng sugat ang noo ko dahil maaring masira ang trabaho ko. Hindi na ako maganda kapag ganoon ang nangyari.

"Halika kana at kailangan nating lagyan ng betadine ang sugat mo!" ani pa ni Ate Monica.

"B-baka mamatay ako nito Ate Monica, baka malalim ang sugat ko! Hindi pa ako pweding mamatay, walang magbibigay ng pampagamot ni Nanay!" nauutal kong sabi habang umiiyak.

Sinampal naman ako ni Ate Monica. "Gaga, ang liit lang ng sugat mo. Hindi ka nga namatay sa mga mallaaking t**i na bumabaon diyan sa poke mo eh!" sagot naman niya sa akin.

Hindi na ako sumagot at sumunod nalang sa likuran ni Ate Monica. Napatigil ako ng makita ko si Simone sa aking harapan habang nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at patuloy lang sa aking paglakad.

Nang madaanan ko na siya ay bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"What happened? Are you alright?!" sunod-sunod niyang tanong. He touched my face gently. Kitang-kita ko sa mukha nito ang pag-alala niya sa akin.

"Okay lang ako, pasensiya kana kung hindi na kita binalikan may inasikaso-"

"It's okay, your bleeding. Kailangan malagyan ng gamot ang sugat mo. Okay lang ba na sasama ako sa'yo at ako ang gagamot?" aniya.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko akalain na mag-iinsist siya sa akin ng ganito.

Nakaramdam ako ng giya kay Simone, halatang mabait siya at matalino.

"Huwag na, okay lang ako," sagot ko naman sabay ngiti sa kanya.

Hinawakan ni Simone ang aking kamay. "You're not okay, i heard na sinaktan ka ng boyfriend mo? Ang tunay na lalaki ay hindi nanakit ng babae kaya kung ako sa iyo hiwalayan mo na 'yun. Ang gago niya, mabuti nalang at hindi ko siya naabutan dahil kung nakita ko siya babasagin ko ang mukha niya," seryosong sabi ni Simone sabay pakita ng kanyang kamao sa akin.

Napangiti naman ako. Parang biglang nawala ang sakit ng noo ko dahil kay Simone. "Ikaw talaga, napaka funny mo. Okay lang talaga ako Simone, huwag kang mag-alala sa akin. Alam mo nahihiya talaga ako sa'yo kasi ito ang trabaho ko tapos ikaw napaka disente mo, huwag ka nang bumalik sa lugar na 'to Simone. Hindi bagay ang lugar na 'to para sa'yo," malungkot na sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon, natatakot ako na baka magising nalang ako balang araw na inlove na sa kanya. Hindi ako maaring mainlove kahit kanino man dahil makakasira iyon sa trabaho ko. Ito nalang ang inaasahan ko para sa pampagamot ng Nanay ko.

"Ahmmm...excuse me lang ha, Kathy, kanina pa dumudugo 'yang noo mo. May plano kapa bang gamutin 'yan?!" nakataas kilay na tanong sa akin ni Ate Monica.

Sumulyap muna ako kay Simone at nahuli ko siyang nakatitig lang sa akin. 

Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglakad. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bakit ba ganito ako pagdating sa lalaking 'yun? Parang sa unang kita palang namin ay may kung anong bagay na naramdaman ako para sa kanya.

"People change, remember what i told you kanina. I'm willing to pay Kathy, be my prostitute. I'm wiiling to pay a thousands, million or billion kapalit ay ang habang buhay mong pagsilbi sa akin sa kama," ani ni Simone.

Hindi na ako sumagot pa at dumiretso nalang sa loob ng kwarto para magamot ang noo kung dumudugo.

Pagkapasok namin ay pabagsak akong umupo sa upuan habang si Ate Monica naman ay hindi mawala nag ngiti sa kanyang mga labi.

"Bakit po kayo nakangiti? Masaya po ba kayo dahil ito ang nangyari sa akin?" tanong ko sa kanya.

Bigla siyang pumalakpak at umupo sa tabi ko.

"Kathy, ikaw talaga ang swerte ko dito sa club na ito. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng lalaking iyon? Handa siyang magbayad kahit malaking halaga para lang maging prostitue niya," nakangiting sabi ni Ate Monica.

Napangiwi ako sa sobrang sakit ng noo ko. Nakita naman iyon ni Ate Monica kaya dali-dali niyang kinuha ang first aid kit sa itaas ng aparador at ginamot ang sugat ko.

"Napansin ko lang Katya, bakit wala kang imik habang nagsasalita ang lalaking 'yun kanina? Hindi mo ba siya type? Ang gwapo niya ha at makisig pa ang katawan plus halatang mayaman. Kaya kung ako sa'yo ay hindi na ako mag-iinarte. Kung ako nga lang ang type niya hmmm kahit walang bayad papatulan ko siya," ani ni Ate Monica at halatang kinikilig pa.

Mas malandi pa si Ate Monica kaysa sa akin. Tsk.

Napabuntong hininga naman ako at inisip ang sinabi sa akin ni Simone.

Hinayaan ko lang si Ate Monica na magsalit nang magsalita. Masakit kasi ang ulo ko kaya parang nawala ako sa akung sarili. Natatakot ako na baka ano ang mangyari sa akin, mabuti na nga lang talaga at hindi gaanong malalim ang sugat sa noo ko. 

"Katya, kanina pa kita kinakausap. Natapos ko na nga ang paglagas ng bandage diyan sa noo mo pero nakatulala ka pa rin. Ano ba ang iniisip mo?" ani ni Ate Monica.

Tumayo ako sa aking inuupuan. "Uuwi na ho ako sa boarding house ko. Gusto ko na pong magpahinga at baka bukas ay hindi muna ako papasok." Kinuha ko ang aking bag sa loob ng drawer. Medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa nangyari.

"Oh sige, ikaw ang bahala. Pero nais ko lang sana ipaalala sa'yo ang offer ng lalaking 'yun. Kathy, malaking tulong ito sa nanay mo at malaki ang kikitain mo. Perahan mo ang lalaking iyon, halata pa naman na type ka niya!" sabi pa ni Ate Monica.

"Ate, hindi ko naman ipinagkakaila na mapagsamantala ako sa mga costumer ko. Pero kay Simone? Hindi ko magagawa 'yun sa kanya. Minsan na niya akong tinulungan na madala sa ospital si Nanay kaya may utang na loob ako sa kanya. Hindi ko pagsasamantalahan ang kayaman o pera niya!" sabi ko naman.

"Wow!" Isang malakas na sampal ang natamo ko mula kay Ate Monica. "Kung makapag salita ka akala mo talagang malinis ka. Kaya nga galit na galit si Sky sa'yo dahil pinirahan mo lang siya e. Pati 'yung ibang boyfriend mo dati hindi ba?! Huwag ka nga magsalita na parang ang bait mo Kathy, dahil lahat ng mga kalalakihan na dumaan diyan sa poke mo ay inipotan mo sa ulo para magkapera ka sa kanila!" ani naman ni Ate Monica.

Bigla naman aking nainis sa sinabi niya. Hindi nakakatuwa na marinig iyon. Alam naman niya kung bakit ko ito ginagawa.

"May rason kung bakit ko iyon ginagawa Ate Monica! Hindi naman kasi ako katulad na kati lang talaga ang dahilan kung bakit ka naging pukpok. Kita mo, pati sarili mong anak ay ibinenta mo sa foreigner para lang magkaroon ka ng pera. Nagpapaka pota ako para sa Nanay ko, dahil kahit anong sikap ko na makahanap ng magandang trabaho ay hindi ako pinalad. Si Sky, mahal ko naman talaga siya noon, pero nang dahil sa ugali niya kaya na turn off ako. Ayaw kong magkaroon ng asawa na basagulero kaya nawalan ako ng gana sa kanya. Bakit ba atat ka na tanggapin ko ang inooffer sa akin ni Simone?!" Tumawa ako sa kanya. "Dahil pati ikaw makikinabang? Di'ba? Kung iisipin dapat nga mas malaki ang kinikita ko kompara sa'yo e dahil sarili ko ang ginagawang pulutan ng mga costumer dito. Eh, ikaw? Tamang bunganga kalang naman. Hindi ka ata naawa sa mga kababaihan na nagtatrabaho dito dahil ang iniisip mo ay pera, pera, pera!" sabi ko sa kanya sabay labas ng kwarto. Tumulo ang mga butil ng luha mula sa akung mga mata. Hindi ba dapat hindi ako umiiyak? Ginusto ko din naman ito ah, pero bakit parang nagsisi na ako ngayon?

Wala naman among choice dahil wala akong mapapasukan na trabaho. Kung maging kasambahay man ako hindi naman kasya ang sasahurin ko kada buwan para sa pangangailangan ni Nanay at ng mga kapatid ko. Sinubukan ko naman mag apply sa mga Kompanya pero walang tumatanggap sa akin dahil hindi naman ako nakapag tapos. May kalidad kasi ang hanap nila pagdating sa mga Kompanya.

Sa sobrang sama ng loob ko kay Ate Monica ay hindi ko na namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada. Mabuti nalang at marunong magbusina ang driver ng kotseng nasa harap ko ngayon kaya nakatakbo pa ako papunta sa gilid.

Naka steady lang ang kotse sa harapan ko. Biglang bumukas ang bintana ng driver seat at isang napaka gwapong anghel ang aking nakita.

"Get in, ihahatid kita!" aniya.

"S-Simone," mahinang sambit ko sa kanyang pangalan.

Ngumiti siya sa akin. "Halika na." Bumaba siya sa driver seat para buksan ang pintuan na nasa tabi niya at pilit niya aking pinapasakay.

Wala na akong nagawa pa at sumunod nalang. Pakiramdam ko sobrang nalunod na ako sa kapogian at kabaitan ni Simone. 

Madame Marites

Hello, ang storya ja ito ay tungkol sa babaeng prostitute at sa lalaking mayaman. Huwag na pong magbasa ang mga taong sensetive. Maraming salamat😊

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status