Share

Chapter 49 (Part 2)

Imposible. Maaaring nananaginip lamang siya! 

Mariing tiningnan ng estrangherong binata si Goryo. Tinapunan niya siya ng isang mapanuring tingin mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mga paa, bagay na ikinailang ng binata. 

Aaminin niya, nakaramdam siya ng panliliit. Sapat na ang mga tingin nito upang mapagtanto niyang hindi ito naniniwala sa mga pananalita ng dalaga. Sino ba naman ang nasa tamang pag-iisip na sasakyan ang mga salitang iyon ng babae? Sino ba siya kumpara sa anak ng kanyang amo?

Nagbaba ng ulo si Goryo. Sa suot pa lang niya, hindi maikakailang naghihikahos sila sa buhay. Bakas kasi sa suot niyang lumang polo at kukupasing pantalon ang kanilang kahirapan. Nang marinig ng ina na sasama siya sa baylehan sa bayan, agad itong naghalungkat

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status