LOGINMarrying My Sugar Baby Lilian “Lily” Barrameda, 20, is an orphaned college student na may malalaking pangarap, matalas na dila, at prinsipyong hindi kayang bilhin ng pera. Sassy, palaban, at ambitious, determinado siyang makaahon sa buhay through her own hard work. Dahil kapos sa pera, pumasok siya sa isang online sugar arrangement with a mysterious man she knows only as H. He gives her a generous allowance in exchange for her time and companionship through chats and video calls. Pero may isang kondisyon ang lalaki: he never turns on his camera. Si Lily lang ang nakikita niya, habang nananatili siyang misteryo sa kabilang screen. Behind that black screen is Henry Almeda, 40, a ruthless billionaire CEO with an active social life and a history of relationships. Cold, strict, and intimidating sa business world, Henry is surprisingly sweet, playful, and caring when he's with Lily online. Despite his experience with women, hindi niya napigilang mahulog sa makulit na dalagang kayang pasayahin ang kanyang mga gabi. Everything changes when Lily starts her OJT at Almeda Corporation and meets her terrifying new boss—Henry Almeda himself. Para kay Lily, he's an arrogant, demanding CEO na parang allergic sa happiness. Pero para kay Henry, siya ang parehong dalagang nagpapangiti sa kanya gabi-gabi. Ang mas nakakatawa? Every night, Lily complains to her mysterious sugar daddy about how unbearable her boss is, completely unaware that she's talking to the very same man. As their connection deepens, jealousy, attraction, and unexpected feelings begin to blur the boundaries of their arrangement. What will happen when Lily discovers that her sweet online sugar daddy is the ruthless CEO she argues with every day? And will Henry risk losing the woman he loves just to keep his identity a secret?
View More“Lily, kung ang kahirapan ay isang subject, feeling ko magna cum laude ka na.”
Napahinto si Lilian Barrameda sa pagnguya ng pandesal. Dahan-dahan siyang lumingon sa kaibigan niyang si Bea, na abalang hinihigop ang iced coffee habang nakaupo sa gilid ng fountain sa campus. “Wow. Good morning din sa'yo, bruha. Sana masarap ulam mo araw-araw.” “Thank you! Sana ikaw rin, kahit asin lang.” “Bea, may pera ako.” “Talaga? Magkano?” “Twenty pesos.” “Ah, okay. Akala ko twenty thousand. Nagulat ako, eh.” Napailing si Lily bago muling kinagat ang pandesal niyang binili sa pinakamurang panaderya sa labas ng university. Welcome to her life. Twenty years old, third-year college student, orphan, at may pangarap na kasingtaas ng mga building na nakikita niya sa business district. Ang problema, ang laman ng wallet niya ay hindi man lang sapat para sa pangarap niyang mag-unang bahagi ng buwan. Her parents died when she was still young. Simula noon, natuto na siyang dumiskarte. Walang nanay na maghahanda ng baon, walang tatay na magbibigay ng extra allowance, at walang kamag-anak na puwedeng tawagan kapag kailangan niya ng pambayad sa tuition. May maliit siyang kuwartong inuupahan malapit sa university. Sa umaga, estudyante siya. Sa gabi, minsan ay gumagawa ng assignments ng ibang estudyante kapalit ng bayad, nagtu-tutor, o tumatanggap ng kung anu-anong sideline. Hindi siya tamad. Sadyang mahal lang mabuhay. “By the way,” sabi ni Bea, “may utang ka pa sa akin na one hundred fifty.” “Alam ko.” “Kailan mo babayaran?” “Kapag mayaman na ako.” “Lily, twenty pesos ang net worth mo ngayon. Baka abutin tayo ng retirement age.” “Don't worry. Sa retirement mo, ako ang mag-aalaga sa 'yo.” “Bakit? Nurse ka?” “Hindi. Magnanakaw ako ng pension mo.” “Gaga!” Sabay silang nagtawanan. Sandali lang ang kanilang kapayapaan. “OMG! Is that Lily Barrameda?” Napatingin sila sa babaeng papalapit sa kanila kasama ang dalawa nitong kaibigan. Si Cassandra Villareal. Daughter of a wealthy businessman, certified campus queen, at babaeng parang allergic sa mga taong hindi kayang bumili ng branded na gamit. Mula ulo hanggang paa, mamahalin ang suot nito. Designer bag, imported shoes, at relo na malamang ay katumbas na ng isang semestre ng tuition ni Lily. Napatitig si Cassandra sa damit ng dalaga. “Girl, where did you buy that dress?” Tumingin si Lily sa sarili niyang suot. Simpleng floral dress na binili niya sa bangketa sa halagang one hundred twenty pesos. “Sa bangketa. Bakit? Gusto mo rin? May sukli pa ako sa tindera.” Natawa ang dalawang kasama ni Cassandra. “Seriously?” Cassandra raised an eyebrow. “You actually wear clothes from the sidewalk?” “Hindi, sa kisame ko binibili. Para unique.” “Lily!” saway ni Bea habang pinipigilan ang tawa. Cassandra crossed her arms. “I'm just curious. Don't you feel embarrassed? I mean, this is an exclusive university. At least make an effort to look presentable.” Tiningnan siya ni Lily mula ulo hanggang paa. Then she smiled. “Thank you for your concern. Pero presentable naman ako. Ikaw, mukha kang resibo ng credit card.” “Excuse me?” “Ang haba kasi ng gastos mo. Nakakapagod tingnan.” Napasinghap si Bea at napahawak sa dibdib. “Lord, kunin Mo na ako. Ayoko nang mabuhay sa mundong ito!” “Shut up!” singhal ni Cassandra. “Bakit? Ikaw ba ang may-ari ng hangin?” sagot ni Lily. Namula ang mukha ni Cassandra. “You're so cheap!” “Correct. Kaya nga hindi ako basta-basta bumibili ng bagay na hindi ko afford.” “Maybe if you weren't so poor, you wouldn't have to wear trash.” Saglit na natahimik si Lily. Hindi dahil wala siyang maisasagot. Kundi dahil may mga salitang kahit gaano ka kapal ang mukha mo, masakit pa ring marinig. Pero hindi siya papayag na makita ni Cassandra ang tama ng insulto nito. Lily tilted her head. “At least, damit ko lang ang cheap. Ikaw, pati ugali mo, mukhang naka-sale.” May ilang estudyanteng napalingon. Ang iba ay napatawa. May isang estudyanteng naglabas pa ng cellphone na parang nanonood ng live entertainment. Cassandra stepped closer. “You think you're funny?” “No. I think you're insecure.” “About you? Please!” “Then why are you so obsessed with my dress?” “Because it's ugly!” “Then stop looking at it, babe. Baka mahawa ka.” “LILY!” sigaw ni Bea, halos maubos ang hininga sa pagpigil ng tawa. Cassandra glared at them before turning away. “Enjoy your cheap little life. Let's see how far your attitude will take you.” Lily's smile slowly faded. “Farther than your daddy's credit card, hopefully.” Nag-echo ang tawanan sa paligid. Cassandra stormed off, habang ang dalawang kaibigan nito ay nagmamadaling sumunod. Nang makaalis ang mga ito, umupo si Lily sa gilid ng fountain at ibinaba ang tingin sa kanyang damit. “Okay ka lang?” tanong ni Bea. “Of course.” “Lily.” “I'm okay, Bea.” Pero hindi niya maiwasang hawakan ang laylayan ng damit niya. Alam niyang luma na ito. Alam niyang hindi ito branded. At alam niyang kung gugustuhin niya, maaari siyang bumili ng mas maganda—kung handa siyang hindi kumain nang ilang araw. She swallowed the lump in her throat. “Someday,” bulong niya, “bibili ako ng damit na kahit magkano, hindi ko kailangang pag-ipunan nang tatlong buwan.” Bea squeezed her shoulder. “Someday, bibilhin mo ang buong mall.” “Hindi naman. Baka magselos ang mall.” “Gaga ka talaga.” Muli silang nagtawanan, pero sa loob-loob ni Lily, alam niyang hindi sapat ang tapang para mabago ang buhay niya. Kailangan niya ng pera. At marami-rami rin. --- Pagsapit ng gabi, nakahiga si Lily sa manipis niyang kutson habang nakatitig sa kisame. Sa tabi niya ay ang laptop na ilang beses nang nagbanta na susuko na sa buhay. Kailangan niyang magbayad ng renta sa katapusan ng linggo, bumili ng mga libro para sa susunod na semester, at magtabi ng pamasahe para sa OJT application niya. Binuksan niya ang banking app niya. Available balance: ₱386.50. “Wow,” bulong niya. “Mayaman na ako. Puwede na akong magtayo ng empire.” Makalipas ang ilang segundo, tumunog ang cellphone niya. BEA: Girl, gising ka pa? LILY: Hindi. Multo ito. Ano kailangan mo? BEA: May itatanong ako. Promise, huwag kang magagalit. LILY: Kung pera, wala ako. Kung chismis, buhay na buhay ako. BEA: May app akong nakita. Sugar dating app. Napaupo si Lily. LILY: Ha? BEA: May mga older men na nagbibigay ng allowance sa girls in exchange for companionship. Chats, calls, dates, depende sa arrangement. May ibang online lang. Matagal na tinitigan ni Lily ang screen. LILY: Bea, mukha ba akong naghahanap ng matandang aasawahin? BEA: Hindi naman. Mukha kang naghahanap ng pambayad sa renta. LILY: Putangina mo HAHAHAHA. BEA: I'm serious. Hindi mo kailangang magmadali. Research mo muna. Be careful sa personal information, meetups, at kung ano mang hinihingi nila. Huwag kang magpadala ng pera sa kahit sino. Napahiga ulit si Lily. Hindi niya kailanman pinangarap na umasa sa pera ng ibang tao. Gusto niyang maging successful sa sarili niyang paraan. Gusto niyang patunayan na kaya niyang makaahon nang hindi humihingi ng limos sa sinuman. Pero minsan, nakakapagod ding maging matapang kapag wala ka nang pambayad sa kuryente. Binuksan niya ang link na ipinadala ni Bea. Isang bagong mundo ang bumungad sa kanya. Mga profile ng lalaking naghahanap ng companionship. Mga babaeng naghahanap ng financial support. Mga arrangement na may kani-kaniyang kondisyon. Lily bit her lower lip. “Hindi naman siguro masama ang makipag-usap,” bulong niya sa sarili. “Basta may boundaries. Walang pilitan. Walang lokohan.” Nag-scroll siya hanggang sa mapunta sa isang profile na walang litrato. Ang username? H. Simple. Walang mukha. Walang personal details. Pero may maikling description. Looking for someone genuine. Someone who can make me smile after a long day. Generous allowance. Online companionship preferred. No camera on my end. Napakunot ang noo ni Lily. “Ha? Sugar daddy na walang mukha?” Napangisi siya. “Serial killer ba 'to o introvert lang?” Dapat ay isinara na niya ang app. Dapat ay natulog na siya at nag-isip ng ibang paraan para kumita. Pero bumalik ang tingin niya sa salitang generous allowance. Tumingin siya sa wallet niyang halos hangin na lang ang laman. Naalala niya ang renta, ang tuition, at ang damit na pinagtawanan ni Cassandra. Then she whispered, “Fine. Let's see what you've got, Mr. No-Face.” Pinindot niya ang message button. LILY: Hi, H. Before anything else, may mukha ka ba o classified government secret ka? Pagkalipas ng ilang segundo, lumitaw ang reply. H: I have a face. Napangiti si Lily. LILY: Good. At least hindi ako makikipag-chat sa multo. H: You're funny. LILY: I'm expensive, too. Joke lang. Depende sa offer. Hindi niya alam na sa kabilang panig ng mundo niya, isang lalaking sanay mag-utos ang napatawa niya sa unang mensahe pa lang. At hindi rin niya alam na ang simpleng chat na iyon ang magiging simula ng isang arrangement na babago sa buong buhay niya. Dahil minsan, ang pinakamalaking pagbabago ay nagsisimula sa pinakamaliit na desisyon. At para kay Lily Barrameda, nagsimula ang lahat sa isang lalaking walang mukha.“ATE LILY! Bilis! Baka maubusan tayo!”Napatawa si Lily habang hinahabol si Lucas na halos tumakbo papunta sa isang tindahan ng mga laruan.“Lucas, hindi naman mauubos ang lahat ng laruan sa mundo!”“But I want to see them first!”“Grabe, parang may hinahabol na deadline!”Nasa likuran nila si Henry, hawak ang dalawang paper bag habang nakangiting pinagmamasdan ang magtiyahin at magpamangkinn na tila mas bata pa sa tatlong taong gulang ang kaniyang pamangkin kapag kasama si Lily.“Lucas, slow down,” paalala niya. “Hindi tayo nagmamadali.”Huminto ang bata at lumingon sa kaniya.“Uncle, si Ate Lily ang nagsabi na bilisan ko!”Napatingin si Lily kay Henry.“Excuse me! Ang sabi ko, bilisan natin dahil excited ako. Hindi ko sinabing tumakbo ka na parang may nanalo sa raffle!”Nagtawanan silang tatlo.Sa kanilang ikalawang araw sa Tokyo, nagpasya silang bumisita sa isang shopping district na puno ng mga tindahan, café, at makukulay na display. Kasama nila si Emily, na tuwang-tuwa sa bawat
Unang araw pa lang nila sa Tokyo, ramdam na ni Lily ang excitement sa bawat sulok ng lungsod.Mula sa malinis na mga kalsada hanggang sa mga tindahang may makukulay na display, halos hindi niya alam kung saan unang titingin. Sa paligid nila ay mga gusaling matataas, mga ilaw na nagsisimulang kumislap kahit hindi pa lubusang dumidilim, at mga taong abala sa kani-kanilang lakad.“ATE LILY! Look!” sigaw ni Lucas habang nakaturo sa malaking display ng mga character sa isang tindahan.“Wow! Ang cute, no?”“Gusto ko niyan!”“Isa lang muna. Hindi pa tayo tapos maglakad.”Napatingin si Lucas kay Henry, umaasang kakampi ito.“Uncle Henry…”“Listen to Ate Lily,” sagot ni Henry, pinipigilang ngumiti.“Traitor!” bulong ni Lucas.Napahagalpak ng tawa si Lily.“Grabe ka, Lucas! Three years old ka pa lang, marunong ka nang magreklamo.”“Because I have rights!”Napahinto si Henry at napatingin sa pamangkin.“Sino nagturo sa iyo niyan?”Ngumiti si Lucas at itinuro si Lily.“Si Ate Lily!”“Of course,”
“Guess what, guys!”Napatingin ang ilang empleyado ng Sterling Communications kay Daniella Corpuz nang pumasok ito sa office na may dalang malaking paper bag mula sa isang mamahaling boutique.“What's the news, Daniella?” tanong ng katrabaho niyang si Trish.“Family vacation!” masayang sagot niya habang inilalapag ang bag sa kaniyang desk. “We're going out of the country this Christmas break. My parents already booked everything.”“Wow! Saan kayo pupunta?”“Switzerland muna, then a few days in Paris.” Inayos ni Daniella ang buhok niya at ngumiti. “My dad wants us to experience a real winter Christmas. You know, snow, luxury hotels, fine dining. The whole package.”“Ang saya naman!”“Of course. We do this almost every year.” Bahagya siyang nagkibit-balikat, na para bang ordinaryong bagay lang ang mamasyal sa ibang bansa tuwing Pasko. “It's our family tradition.”Narinig ni Lily ang usapan habang papunta sa pantry. Hindi niya sinadyang makinig, pero hindi rin naman maiiwasang marinig an
Maaliwalas ang umaga ng Linggo sa bahay ng mga Almeda.Mula sa malawak na bintana ng dining area, pumapasok ang banayad na sikat ng araw. Nasa mesa na ang almusal—pancakes, scrambled eggs, toasted bread, fresh fruits, at mainit na kape. Sa isang sulok, abala si Lucas sa pag-aayos ng kaniyang mga laruan habang paminsan-minsang sumusulyap kay Lily.“ATE LILY! Dito ka sa tabi ko!”Napatawa si Lily habang hinihila ang upuan sa tabi ng bata.“Bakit naman? May important meeting ba tayo, Mr. Lucas?”“Oo!” seryosong sagot nito. “Kakain tayo. Tapos play!”“Wow. Ang dami mong agenda. Parang CEO.”“CEO din si Uncle Henry!”Napatingin si Henry na kararating lang sa dining area, hawak ang tasa ng kape.“Anong pinag-uusapan ninyo?”“Uncle, CEO ka. Ako rin!”Umupo si Henry sa kabilang panig ng mesa. “Sige. Pero kung CEO ka, kailangan mong kumain ng gulay.”Biglang tumahimik si Lucas.Nagtawanan sina Lily at Emily na noon ay papalapit na sa mesa.“Henry, huwag mong takutin ang bata,” sabi ni Emily. “


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.