Share

Chapter 5

Dumating ang nakatakdang pagmamanhikan ng dalawang pamilya. Ang gusto sana ng pamilya ni Lyvette, sa bahay na lamang ganapin ang lahat kagaya ng nakagawian. Subalit mapilit ang mga Dela Vega. Sa pagkakataon na ito naman daw sana ay hayaan silang sa side naman nila ganapin ang lahat. Sa huli, napapayag ang mga Castillo.

The venue where the pre-wedding tradition will commence is at Casa dela Nobleza, one of the luxury hotels in the list of luxurious establishments the Dela Vega’s owned. It was seated on a man-made island located not far from the Metro. 

Moments later, a Rolls Royce arrived accompanying them through the highly-guarded entrance. Nagkatinginan ang magkapatid habang nagmamasid sa lugar. Manghang-mangha si Lyvette sa ganda ng paligid. Nakakapunta naman sila sa mga high end na lugar pero hindi ganoon ka-sosyal. 

Finally, they reached the entrance of the hotel. At its front, there was a fountain that caught Lyv’s attention. At the center of it was a big statue of a golden lion. The synchronized combination of lights and water adorned it. Nawiwili niyang pinagmasdan ang sayaw ng tubig at ilaw.

Pagbaba ng magarang sasakyan, agad silang sinalubong ng isang lalaki. Kung titingnan, nasa edad 60 na ito subalit elegante pa rin ang tikas. Nakasuot siya ng isang magarang suit.

“Welcome to Casa dela Nobleza. My name is Georgie and I am Madam Anastacia dela Vega’s secretary. Follow me this way please.”

Walang imik silang sumunod sa lalaking nagpakilalang sekretarya ng lola ni Sandro. Patuloy pa rin sila sa pagsulyap at pag-oobserba sa paligid. 

It’s ceiling was adorned with swarovski crystals. Para itong maningning na mga bituin kung titingnan. The walls and pillars are made out of gold! Or perhaps some gold leafs to make it look like it. Naalala tuloy ng dalaga ang isang sikat na hotel sa Dubai. Sigurado siyang nalilinya sa mga listahan ng mga nangungunang luxury hotels sa buong mundo ang Casa dela Nobleza. 

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa restaurant kung saan gaganapin ang lahat. Nakita ni Lyv ang pagtaas ng kamay ng isang matandang babae upang kuhanin ang kanilang atensyon. Nakasuot pa ito ng puting guwantes at bestidang gaya ng isang makabagong maharlika. Sa isip ng dalaga, ito na marahil ang Madam Anastacia na tinutukoy ng kanyang kuya, ang lola ni Sandro.  Subalit ang pumukaw ng atensyon ng babae ay ang lalaking nakatayo sa tabi niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon!

Napakasimple lamang ng kanyang suot; isang puting long sleeves na nakabukas ang dalawang butones na tinernuhan ng isang itim na tailored trousers. His brown shoes and same colored belt completed the look. Lalong na-enhance ang kulay ng kanyang mga mata. Sa paningin ni Lyv ngayon, para na siyang bida sa isang Mexicanovela na paboritong pastime ng kanyang mommy noong bata pa siya. With that looks and body, it wouldn’t be hard to secure a job as a model or actor. 

Nang makalapit, kinamayan ng kanyang Kuya si Madam Anastacia. Pagkatapos, agad itong humahap sa kanya at hinaplos ang kanyang tiyan. Nagulat man sa ginawa ng ginang ay nanatiling kalmado ang dalaga. Nakita niyang namutawi ang isang matamis na ngiti mula dito bago nagwikang, “You must be, Lyvette. Napakaganda mo, hija. Sigurado akong magiging artistahin ang magiging apo ko sa inyo.” 

“Salamat po,” nahihiya niyang komento. 

Pagkatapos ay ipinakilala na ng matandang Dela Vega ang napakagwapo nitong apo, “ This is Alessandro Francisco Simeon Fernando Rodriguez Dela Vega, my grandson. Sandro, these are the Castillo’s; Atty. Dimitri Castillo and his sister Lyvette.”.

Sandro shook hands with Tri. And then, his gaze moved towards the lady. 

Lub-dub!

She felt a sudden change in the beating of her heart. The sound was quite familiar. Ganitong-ganito ang nararamdaman niya kapag nakikita at nakakasama niya si Aylo. The only difference is, the feeling was more intense. It felt like something inside of her was longing to see his presence. And when she finally did, a sense of satisfaction enveloped her being. Pakiramdam niya ay kumpleto na ang kanyang gabi. 

It must be the baby. Tama. The child must be sensing his dad was around. 

Can it?

“Hi, Lyvette. Good to see you,” he said in a formal manner while offering his hand for a shake.

“Hello, Sandro. Good to see you too,” mahina niyang usal sabay abot sa kamay nito. 

When his hand touched hers, the images of that night came flooding. Only this time, she could only see the two of them making love. Bumalik ang kuryenteng ipinaramdam nito sa kanya habang nagsasanib ang kanilang katawan. Nakaramdam ang dalaga ng pag-iinit tainga. Agad niyang binitiwan ang kamay nito at bahagyang napayuko. 

Come on, Lyvette! Dito mo pa talaga naisip ‘yan! Nakakahiya! she scolded herself.

“Let’s cut the formalities and eat. I’m starving,” bigkas ng ginang. Sa muling pagkumpas ng kanyang kamay, sunud-sunod na pumasok ang mga servers. Each of them are carrying different serving trays. Isa-isa na nilang inihain ang mga pagkain. Mayroong isang lalaking nakatayo sa dulo ng mesa habang sinasabi kung ano ang pangalan ng mga nakahaing pagkain.

“I made sure to not include food with strong odors for you, hija. Nabalitaan ko kasing napaka-sensitive ng ilong mo ngayon.” Si Madam Anastacia.

“Nag-abala pa po kayo, Madam. Hindi na po kailangan. Okay lang po ako,” nahihiyang tugon ni Lyv.

“No, hija! Kailangang masigurado ang kapakanan mo at ng apo ko. Tama lang na mag-adjust kami sa mga pangangailangan mo.”

“Maraming salamat po, Madam-”

“Mamita. Call me Mamita from now on,” putol ng ginang sa sasabihin niya. Napansin naman ng dalaga ang bahagyang pag-igting ng panga ni Sandro subalit hindi siya nagpahalata. 

Hindi ba nito gusto na tawagin niyang Mamita si Madam Anastacia?

Makalipas ang ilang sandali ay natapos na rin sila sa kumain. After they gave compliments to an awesome menu, Tri broke the silence and proceeded to business. 

“So Madam Dela Vega, when do you plan to schedule the date of their wedding?” 

Napatungga ng wine si Sandro sa narinig. Hindi ito nakalagpas sa paningin ng dalaga dahilan upang bahagyang mapakunot ang kanyang kilay. 

Ayaw din ba niya sa ideya ng kasal na ito? May girlfriend kaya siya? sunud-sunod na tanong ng  dalaga sa kanyang isip.

“The sooner, the better Atty. Castillo. Excited na akong makasama ang kapatid mo sa iisang bubong,” ani ni Madam.

May kaunting lungkot na naramdaman ang dalaga. Subalit parte talaga iyon ng pag-aasawa. Kailangan na niyang sanayin ang sarili na hindi muling makasama ang kanyang Kuya sa bahay. Doon naman papunta ang lahat. 

As if naman na may magagawa siya upang pigilan ang nangyayaring ito.

“Kung ganoon, I’ll leave you to that. Hiling ko lang sana, wag nang enggrande. Ayaw kong ma-stress sa dami ng tao ang aking kapatid. Alam n’yo naman na kakatapos lang ng nangyari. I just don’t want anything that could trigger her trauma. Sana maintindihan ninyo, Madam.” Pakiusap ni Tri sa matanda. 

“Naiintindihan ko, Atty. Castillo. Makakaasa kang gagawin ko ang lahat para masiguro ang kaligtasan ng iyong kapatid at ng kanyang dinadala,” she assured, Bahagya pa itong tumingin kay Lyv at ubod ng tamis na ngumiti. 

Talagang lahat ay gagawin ni Madam Anastacia para sa kanilang tagapagmana. Seryoso talaga siyang siguraduhin ang kapakanan ng mag-ina. Ang reyalisasyon na ito ang nagpakalma sa dalaga. Ang isiping tanggap na tanggap ng matandang Dela Vega ang pagpasok niya sa kanilang pamilya ay nagpapataba ng kanyang puso. 

“Salamat Madam. Since mukhang plastsado na ang lahat, I think it is time for us to let the two of them know each other a bit. Would you mind joining me at another table and let Sandro and Lyv have time of their own?” 

“Of course, Atty. Castillo. The pleasure is mine,” matamis na tugon ng matanda. 

Isang makahulugang tingin ang ipinukol ng ginang kay Sandro. Bahagya lang itong tumango bilang pagtugon. Isang ngiti naman ang isinukli ni Lyv nang hawakan ng kanyang Kuya ang kanyang kamay bilang panandaliang pamamaalam. 

Ilang sandali pa, naiwan na ang dalawa sa lamesa. Kapwa sila tahimik at nagpapakiramdaman. Si Sandro ang bumasag sa katahimikang namamayani sa kanilang dalawa.

“Can I ask you a certain question, Lyv?” 

“Of course,” she answered. “Ano ba ‘yon?”

Sandro looked tense. But after heaving a sigh, he spilled it out. “Do you harbor any romantic feelings towards me?”

Lub-dub!

There goes her heart again! Truth is, she no longer knows where that irregular heartbeat is coming from. Ang alam lang niya, si Sandro lang ang nakapagbigay ng ganoong feeling sa kanya. Gusto niyang paniwalaan na pregnancy hormones lang ang rason kung bakit naghuhurumentado ang kanyang puso. Wala namang ibang pwedeng maging dahilan hindi ba?

Hindi alam ng dalaga kung paano magre-react. She was definitely caught off guard with that question. She began to play with her fingers. Bahagya pa siyang nagbaba ng tingin dahil sa hiya. 

Paano ba siya dapat tumugon? Siguro nga at may nag-uugnay sa mga buhay nila sa pamamagitan ng batang nasa sinapupunan niya pero sapat na ba iyon para sabihing dapat siyang magbigay ng espasyo sa kanyang puso para sa binata? Sapat na bang dahilan iyon para tuluyang kalimutan si Aylo? Ang binatang pinangakuan niya ng kanyang puso? 

“Ahmm.. Nagulat din ako sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin itong kasal-kasal na ito,” pag-amin ng dalaga. “Hindi ko alam kung saan makakarating ‘tong usapan na ito pero ang totoo, hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman para sa’yo. At isa pa..ahmmm..may minamahal na kasi ako. ”

Sandro’s eyes twinkled. Hindi alam ni Lyvette kung para saan ang ningning na iyon. Nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita, “So ibig sabihin half-hearted ka sa kasal na ito, tama ba?”

Bahagya siyang tumango. Hindi pa rin naman lubos na natatanggap ng dalaga ang set-up na ito. Kagaya ng lahat ng involve, nag-a-adjust pa rin siya. 

Nang makita ang sinseridad sa sinasabi ng dalaga, napangiti ang binata, “Phew, that’s a relief,” he uttered. 

“Ha?”

“I mean you’re not harboring any feelings for me. I was kinda relieved knowing that.”

“What do you mean, Sandro?” naguguluhang tanong ng dalaga. Ano bang sinasabi niya?

“You see, I was forced into this by Mamita as well. In fact, I already have a girlfriend of 10 years at siya lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. I am also doing this for the sake of our child. Pero hindi ko rin kayang manatili sa isang kasal ng walang pagmamahal.”

Titig at tango lamang ang isinagot ng dalaga. To his point, he was right. Napakahirap nga namang manatili sa isang pagsasama na walang namamagitang pagtitinginan sa isa’t-isa. Para kang ibon na tinanggalan ng layang lumipad. 

“If you may, Lyv. I have a proposal for you. I assure you that this would be the key to get out of this situation and get back our freedom that was stolen from us by that demon.”

Freedom. That last word got Lyv’s attention. “What is it?”

“A contract marriage,” walang pag-aalinlangang sagot ng binata. “Let’s get married then separate a year after.”

“You mean paglabas ng bata?” tanong ng dalaga. Nagsisimula na siyang maintindihan ang ibig ipahiwatig ng kausap.

“Yes. After the child is born and baptized, we will arrange an annulment. That way, we would not be jailed in this loveless marriage and will be free to marry the persons we truly love.”

Maang na napahinto ang dalaga. Kung tutuusin, pabor nga naman sa kanilang dalawa ang suhestyon ni Sandro. Sa oras na mabinyagan ang kanilang anak, solido na itong magiging isang Dela Vega. Maghiwalay man sila, hindi magiging illegitimate ang kanilang anak. Iyon lang naman ang habol ni Madam Anastacia, ang masiguradong magpapatuloy ang kanilang angkan. Maibibigay niya ang gusto ng matanda nang hindi sinasakripisyo ang kanyang pang habambuhay na kaligayahan. 

Makakabalik na siya sa ruta na gusto niyang tahakin sa buhay. Makakasama na rin niya si Aylo ng walang halong guilt sa puso. 

“So what do you think?” Hindi namalayan ng dalaga na napatagal ang kanyang pag-iisip. Nang magbalik ang kanyang kamalayan, natanaw niya ang matinding pag-aalala sa mukha ni Sandro. Tila ba natatakot itong malaman ang kanyang magiging sagot base sa kanyang paggalaw at sa tono ng kanyang pananalita. 

“Pumapayag ako,” walang gatol na sagot ng dalaga. “Magpakasal tayo at—”

Naputol ang sasabihin ng dalaga dala ng ingay na nagmumula sa cellphone ng binata. Nang makita kung sino ang tumatawag, nagbago ang ekspresyon nito. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala at pag-aalinlangan na sagutin ito. 

“Can you excuse me for a second? I need to take this very important call,” paalam ni Sandro. Dahil mukhang urgent ang tawag, tumango si Lyv bilang pagsang-ayon. Nagpasalamat ito bago lumayo sa lamesa. Sinundan naman ito ng tingin ng huli. 

He took a couple of steps away from the table. Ilang segundo pa ang lumipas at nag-iba ang awra ni Sandro. Hindi naririnig ng dalaga ang kanilang pinag-uusapan ngunit tanaw na tanaw niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

He looked agitated. His eyes are filled with worry and fear. Napahawak pa ito sa kanyang ulo. He looked serious enough to sense that something was definitely wrong. 

Maya-maya pa ay ibinaba na ni Sandro ang telepono at humahangos na bumalik sa lamesa. Nag-iwas ng tingin ang dalaga. Ayaw nitong isipin ng lalaki na nakiki-chismis siya sa pribadong buhay nito. Masyado pang maaga para sa bagay na iyon. Mukhang natanaw rin nila Madam Dela Vega at Atty. Castillo ang ikinilos ng binata dahilan upang bumalik na rin ito sa kanilang lamesa. 

“Everything okay, Sandro?” tanong ng matandang Dela Vega.

“There’s an emergency that I need to attend to. Are we done for tonight, Mamita? If so, I need to go.” Seriousness was written all over his face. Indeed, an urgent matter is really happening. 

“Yes, hijo. I think we are done with our discussions. Can you tell me what’s going on?” sagot naman ng matanda. Nag-aalala na rin ito sa nangyayari. 

“I’ll call you later to discuss the situation. I’ll ask Georgie to take you home.” H*****k pa ito sa sa kanyang lola bago bumaling sa magkapatid. “I am sorry for this but I really have to go.”

Iyon lang at humahangos siyang tumakbo palabas ng restaurant. Puno naman ng pag-aalala ang matandang Dela Vega. Kalaunan, nagpaalam na rin ang magkapatid na Castillo sa matriarka. Pumayag naman ito at nangakong mananatili ang pakikipag-ugnayan  sa kanila para ayusin ang ilan pang mga bagay tungkol sa kasal. Sa ganoong paraan natapos ang kanilang gabi. 

 Habang papauwi, hindi maiwasang isipin ni Lyvette si Sandro. Ano kaya ang nangyari sa kanya? 

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Missy F
ouch..mas importante ung gf
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Sana matututunan ni Sandro na mahalin si Lyvette
goodnovel comment avatar
Rhea Balbido Garcia Tepora
d kaya magbago ang pakikitungo ni madam kay lyv pag nailabas na ang bata at matutunan din kayang mahalin ni sandro c lyv...ang dami kung tanung hehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status