Share

SEVEN

Author: Red Auza
last update publish date: 2026-09-18 05:57:50

Hindi ako mapaniwala na alam ng babaeng ‘yon ang edad ko at petsa nang una namin punta ng Japan. Hindi ko nga maalala na nakwento ko ‘yon sa kanya. Sabagay, madaldal ako noong bata pa dahil bully nga ako. Pero hindi ko expected na maalala niya.

"Dane, hindi ka ba iinom?" tanong ni Zeus kay Dane.

"Kailangan ko matapos 'tong proposal para sa botique."

"Ang workaholic, sana hindi ka na lang sumama."

"Shut-up, Jace. Uminom ka riyan kung gustong mo. Tss!"

"Oks,"

Nandito kami sa bar ni Zeus. Halos la
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   THIRTY-TWO

    "Jace!" sabay-sabay nilang sigaw pero hindi ako nakinig sa kanila. Tinungo ang kwarto at nakita ang isang yaya na may kargang bata. 'Siya ba? Siya baa ng anak ko? Siya na ba si Umami ko?'"Jace, umalis ka…""Hayaan mo siya, Margot, alam na niya ang totoo kaya pabayaan mo siya. Isa pa may karapatan siya sa anak niya." boses ni Maggie. 'So, si Umami nga ito? Ang anak ko nga ito.' Patuloy na umiyak ang bata na hawak ng yaya. Hindi ito tumigil at mas lumakas pa ang iyak nito. Nakatingin sa akin ang yaya na pilit pinapatahan ang bata."Akin na ang bata." Tumingin sa akin ang yaya at tumingin sa likod ko. Parang nag-alangan ito sa sinabi ko. "Ibigay mo sa akin ang anak ko.""Ma'am?" tanong niya habang nakatingin sa likod ko."Ibigay mo sa kanya si Umami," utos ni Maggie. Patuloy pa rin na umiiyak ang anak ko nang iabot siya sa akin ng yaya. Nanginginig ang kamay ko nang mahawakan ko si Umami pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko.Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang mahawakan ko

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   THIRTY-ONE

    "Iiyak ka na lang ba diyan magdamag? Kasi kung oo, aalis na ako dahil wala akong planong saksihan ’yang kahinaan mo.” Napaangat ako ng tingin kay Dylan. Akala ko umalis na siya matapos sabihin sa akin ang totoo tungkol sa anak ko."Ano, wala kang gagawin at magmukmok ka na naman? Tangina! Ano ka, pinaglihi sa kalungkutan at lagi na lang nagmumukmok?" tanong niya."Gusto ko makita ang anak ko," Bigla akong nabuhayan ng loob at hindi ko alam kong bakit. “Kung totoong buhay siya ay gusto ko siyang makita.”"Wise decision, tumayo ka na diyan at ihahatid kita.""No, kaya ko na. Salamat sa tulong pero kaya kong harapin ang asawa ko para makita ang anak ko," sabi ko at tumayo. "Banned ka pa sa subdivision. Sa opisina lang hindi. Kaya wag ka na mahiya. Ako lang 'to si Dylan Damon Dy na handang tumulong sa mga nangangailangan at maasahan sa oras ng kagipitan.""Bakit mo ba 'to ginagawa?" Hindi ko alam kung ano’ng trip niya sa buhay at bakit niya ako tinutulungan. Hindi naman kami magkaibigan

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   THIRTY

    Padabog kong sinara ang pintuan at tinungo ang kusina. Mabuti na lang at nakauwi pa ako nang maayos kahit na gumegewang na ang sasakyan ko sa daan. Akala ko nga may sumunod sa akin na pulis dahil ang daming bumusina sa akin. Hinihintay ko rin na may sumugod ditong pulis pero wala naman.Gusto ko na nga ibangga ang kotse ko kanina pero ayaw ng guardian angel ko. Naiinis ako sa nangyayari sa buhay ko. Nakakapunyeta na ang nangyayari. Deserve ko ba talaga ang putanginang sakit na ’to?"Putangina niyong lahat!" Binasag ko halos lahat gamit dito sa kusina. Pinagsusuntok ko lahat ng nakikita ko at binabalibag ang iba. "Mga gago kayo!" Wala na akong makitang matino sa mga gamit ko. Kinuha ko ang kutsilyo at sinaksak ang ibang gamit. Binasag ko ang mga appliances at mga lahat ng makita ko. Hanggang sa magsawa ako at hinagis ang kutsilyo. Nakatayo ako habang nakadungaw sa lababo.’Tangina! Kung hindi lang ako napangaralan ng nanay ko na masamang magpakamatay baka kanina ko pa sinaksak ang sar

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   TWENTY-NINE

    "Kung mang-aasar ka lang, mabuti pa umalis ka na." Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagdala sa tarantadong Dylan na ’to dito sa bahay ko. Bigla na lang siyang sumulpot sa kusina at sa likod siya dumaan. Hindi naman kami close at nagsuntukan pa nga noong isang linggo. Tapos nandito siya? Akala ko siya ang may gusto kay Margot. Nagselos pa ako sa kanya tapos kaibigan niya pala ang kasintahan ng asawa ko."Balita ko pinirmahan mo na raw ang annulment noong isang linggo. Nagpatulong sa abogado namin ang abogado ni Margot."Feeling close at epal ang kingina."So? Tulungan niyo para matapos na. Para makahanap na rin ako ng iba.""Alam mo mabilis ma-po-proseso ni attorney ‘yon at viola, annulled ka na. Happily free na si Margot, habang ikaw dakilang sad boy.”"Ano bang pakialam ko sa kanya?" Gumagawa ako ng cup noodles nang bigla siyang dumating dito. “Bakit ka pa ba nandito?”Hindi niya sinagot ang tanong ko. “Sabi ni Wallace nagkita kayo sa mall noong isang linggo tapos nakita

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   TWENTY-EIGHT

    "Ouch, masakit, Dane.""Kung hindi ka ba naman gago, makipagsapakan ka na lang, sa kapatid ko pa." Pinindot lalo ni Dane ang labi ko. Ginagamot niya ang sugat ko matapos ko siyang puntahan sa opisina niya para ibalita ang nangyari."Nang-iinis, eh.""Alam mo naman palang nang-iinis, pinatulan mo pa. Alam mo naman na mahilig mambwesit ‘yon." Pinindot niya pa lalo ang sugat ko kaya napangiwi ako."Dahan-dahan naman, Dane.""Ang sabi ko sa’yo, supresahan mo para malaman mo kung ano tinatago ni Margot sa’yo. Hindi ko sinabing makipagbugbugan ka sa kapatid ko." Kasalanan ko ba na malakas mang-inis ang kapatid niya. Mukha palang ay nakakapikon na. Ang sarap sampalin ng sapatos."Bakit kasi ayaw niyo na lang sabihin sa akin kung ano tinatago ng asawa ko sa akin?" Narinig ko ang pagbuntonghininga niya saka umupo sa tapat ko. "Alam mo ba na gustong-gusto namin sabihin sa’yo. But as I said, we no rights to do that." Sumandal ako sa upuan habang napapailing.Sus, puwede naman nilang sabihin n

  • Denial Series: I Won't Fall For Her   TWENTY-SEVEN

    "Home sweet home." Binagsak ko ang katawan sa kama at nilibot ang tingin sa buong paligid. Kung ano ang hitsura ng bahay nang iwanan ko ay ganoon pa rin ito. Mukhang hindi talaga inuwian ni Margot kahit isang beses. Wala na talaga siyang pakialam dito.Ang sabi ni Blaze ay pinare-schedule na ni Margot ang pag-alis nila at sinabay na rin ito sa ticket na pinabili ni Dane. Wala na akong plano na pigilan siya kung ‘yon ang gusto niya. Isa pa ay gago lang ako pero may isang salita. Kahit pa sabi nila may dapat akong malaman pero ayaw naman nilang sabihin kung ano kaya wala na akong pakialam. Habang nandito pa sila at hindi pa nakakalayo ay susundin ko muna ang gusto ni Dane na i-surprise visit si Margot. Sunod-sunuran muna ako pero hindi ko pa rin siya pipigilan. If she wants to go, then bye na lang.Dahil wala na rin naman akong gagawin ay mabuti pa na matulog na lang muna ako. Gabi na rin naman at wala akong balak gumala. Nasanay na rin kasi ako sa Cagayan na nasa bahay lang. Hindi ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status