Ngumiti si Lia pabalik na siyang kinagulat ng grupo. “It’s alright. Baka malabo lang ang mga mata mo. I understand. Ahmm, sa tingin ko ay tenured employee ka na rito. For sure, malaki na ang sahod mo. Try to have an eye check-up. Mura lang naman ‘yon. And oh, magpagawa ka na rin ng salamin.”Mas lalong nagngitngit sa galit ang babae. Imbes na maglakad diretso ay huminto siya sa harapan ni Ria at saka matalim itong tiningnan. “Akala mo kung sino!” sigaw ng babae sa harapan ni Ria. “Tama ka r’yan, Carol!” pagsang-ayon naman ng babaeng katabi nito.Mapanuyang ngumisi si Carol. “As if hindi namin alam na nakipagsiping ka lang naman sa isa sa mga apo ni Donya Rehina kaya ka naluklok sa posisyong mayroon ka ngayon. Kasi kung hindi mo ginawa ‘yon ay napakalabong maging VP ka!” “Tingnan mo naman ang suot niya!” sabat ng isa pang empleyado. “Halatang nang aakit!” Napataas ang kilay ni Lia at tingnan ang sarili. “What? Mapang-akit ba ang damit na ‘to?” inosenteng tanong niya. Humalakhak si
Hindi makatingin ng diretso kay Leon si Owen ngunit hindi naman niya maalis ang tingin niya kay Ria na simple at pormal na office attire lang ang suot pero hindi talaga niya mapigilan ang kaniyang sarili na pagnasaan ito. Hapit na hapit sa bewang nito ang pencil skirt na suot nito.“Ano kaya ang mararamdaman niya kapag hinawakan ko ang katawan niya—” Napaigtad si Owen nang biglang mag-ring ang cell phone niya mula sa bulsa. Agad niya iyong kinuha at napalunok nang makita niya kung sino ang biglang tumawag–si Kiana. ‘Gan’yan ba kabilis ang instinct ng mga babae? Magnanasa pa lang ako sa iba, tumatawag na agad.’Pinatay ni Owen ang cell phone at muli itong ibinalik sa kaniyang bulsa. “Owen,” tawag ni Donya Rehina. Agad namang lumapit si Owen sa Lola niya. “Bakit po lola?” “Isn’t it time to work? Kailangan mong i-train ang Auntie Ria mo. Paalala ko lang sa'yo na huling chance mo na ito. Kapag gumawa ka pa ng kalokohan o ng kahihiyan, aalisin na kita sa posisyon mo. Maliwanag ba?” wika
“Wala nang ibang agenda para sa araw na ito. Magtutuloy-tuloy ang review ng mga dokumento simula ngayon. I’m trusting you all to remain focused and professional. The meeting was adjourned,” pinal na wika ni Leon.Agad na lumapit si Leon kay Lia. Inaasahan niyang sasalubungin siya ni Lia nang yakap pero nabigo siya. Hindi ito lumapit sa kaniya. Nginitian niya si Lia pero pinanlakihan lang siya nito ng mata. “Leon!” saway ni Lia. “What? What’s wrong with talking to my wife?” malambing na wika ni Leon sa asawa saka tuluyang lumapit dito. Hinapit niya ang bewang nito at saka sumulyap sa mga naroon. Nakatingin halos ang lahat sa mag-asawa. Natutuwa sila sa dalawa dahil sa pagpapakita ng mga ito ng affection sa isa’t-isa. Sumulyap saglit si Lia sa mga taong naroon. Kitang-kita niya ang tuwa sa mata ni Donya Rehina. Mukhang nakalimutan na nito ang issue na sinabi ni Leon. Nakita rin niya ang iilang hindi natutuwa sa PDA na ginawa nila ni Leon kanina. Nangunguna roon si Owen na ngayon ay
Muli ay nagkaroon ng ingay sa maliit na silid iyon. Nagbulong-bulungan ang lahat ng naroon. Maliban na lang kina Donya Rehina, Owen, at Guada. ‘Ano na naman kayang sasabihin ni Uncle Leon? Unang araw pa lang ay masyado na siyang pabida!’ inis na wika ni Owen sa kaniyang isipan. Muli ay napasulyap siya kay Ria–ang asawa ng Uncle Leon niya. ‘Hindi talaga maipagkakaila ang gandang mayroon ang asawa ni Uncle Leon. Sayang at hindi natuloy iyong plano ko noong nakaraan. Masyadong maraming sagabal. Mabuti na lang at napakiusapan ni Papa Rolly si Lola Rehina na huwag akong alisin sa p’westo ko. Mabuti na lang at minimal lang ang naging parusa sa akin ni lola dahil sa tulong ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa lahat kung kumalat agad-agad ang videos at photos ko noong gabing iyon. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang gumawa noon sa akin. Kapag talaga nalaman ko kung sino sila, humanda sila sa akin.’ Napahawak siya sa ulo niyang wala ng kahit isa
Kumatok si Leon sa pinto ng kwarto ni Lia. “Wifey, gising ka pa ba?”Nakahiga na si Lia. Nakatagilid siya at ginawa niyang unan ang kaniyang isang braso kahit marami namang available na unan sa malaki at malambot niyang kama. Narinig niya ang pagkatok ni Leon sa pinto pero hindi siya tumugon sa tawag nito. Gusto niya munang mapag-isa. Gusto na niyang mamahinga. Naubos ang kaniyang enerhiya sa kaka entertain ng mga bisita sa party kanina.“Tulog na siguro siya. P'wede ko kaya siyang tabihan?" ani Leon sa kaniyang sarili.“Mama, miss na miss na kita." Biglang tumulo ang mga luha ni Lia. Agad siyang bumangon. Tiningnan niya ang kaniyang sarili sa vanity mirror. Muli niyang narinig ang boses ni Leon “Mukhang tulog ka, wifey. Hindi ko na aabalahin ang pagtulog mo. Good night,” malumanay na sambit ni Leon."Mama, nagpakasal na nga pala po ako pero isa lamang itong kasunduan, mapapaso at mapapaso ang kasal pagdating ng araw. Huwag mo na po akong alalahanin ha. Nas maayos naman po akong tir
Pinagbuksan muna ni Jake ng pinto ng sasakyan si Patricia bago niya tuluyang binitiwan ang kamay nito. Nakayuko siya habang hinahabol ang kaniyang hininga.Hindi muna pumasok ng sasakyan si Patricia. Nakatitig lang siya sa kaniyang nakatatandang kapatid.“Kuya…” Halata sa mga mata ni Patricia ang lungkot. "Hindi ko alam na may sama ka pala ng loob kina mama at papa. Sorry kung hindi man lang kita naipagtanggol sa kanila noon, kung nanahimik lang ako at—”Nag-angat ng tingin si Jake. Humakbang siya palapit kay Patricia at saka hinawakan ang magkabilang balikat nito. “You don't have to say sorry. Wala kang kasalanan sa akin. You're too young to comprehend what's going on before."“Pero kuya–" “Patty, pumasok ka na sa loob ng sasakyan. Uuwi na tayo.” Pagkasabi noon ay tahimik na naglakad si Jake patungo sa driver's seat.Nakatingin pa rin si Patricia sa kaniyang nakatatandang kapatid. His face screams independence and strength. Ni minsan, kahit noong bata pa lang siya ay hindi niya naki