‘Lia? Pinatay na namin siya ni Owen. Imposibleng makaligtas pa siya sa lalim ng hukay na ‘yon. Isa pa, walang nakakaalam ng lugar na pinaglibingan namin sa kaniya kung hindi kami ni Owen. Hindi kaya…’ Marahang nilingon ni Kiana ang kaniyang kasintahan. Namilog ang kaniyang mga mata. ‘Hindi kaya may inutusan si Owen na magligtas kay Lia dahil mahal pa niya ang babaeng ‘yon?’
Nagsalubong ang mga kilay ni Owen nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Kiana habang nakatitig sa kaniya. ‘Anong problema ng isang ‘to? Ginawa ko naman nang maayos ang ipinagawa niya sa akin! We kidnappéd and killed Lia. Kung nakaligtas man siya, hindi ko na kasalanan ‘yon. Hindi ko na kasalanan na pinaboran siya ng pagkakataon at ng nasa Taas. Bakit ang sama ng tingin ng isang ‘to sa akin?’ Tila nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata sina Kiana at Owen. Kapwa sila dismayado at kinakabahan sa nangyayari. Huminga sila nang malalim at saka magkasabay na nilingon ang direksyon kung saan nakatingin si Liam. “L-Lia…” Napahawak sa kaniyang tiyan si Kiana. Kasunod noon ay ang malakas niyang tawa. Si Owen naman ay natulala nang makita niya ang imahe ni Lia na nakatayo sa may pintuan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata. Wala na siyang makitang Lia pagkatapos. Nakahinga siya nang maluwag. Niluwagan niya ang kaniyang necktie at saka muling umupo sa couch. “Daddy, kinakain ka na ng konsensya mo. Nakikita mo si Lia kahit ang totoo, patay na naman talaga siya. Sinabi na naman namin ni Owen sa'yo na WALA NA ANG ANAK MO, WALA NA SI LIA. Tanggapin mo na lang na tayong dalawa na lang ang natitira," puno ng kumpiyansang turan ni Kiana. “Hindi. Sigurado ako. Nakita ko si Lia. Nakita ko siya kanina. Nangingilid pa nga ang mga luha niya eh," giit ni Liam. Humakbang si Kiana palapit sa kaniyang ama. Hinawakan niya ang balikat nito. “Daddy, hindi kawalan sa atin si Lia. Matigas ang ulo niya hindi katulad ko na masunurin sa bawat utos mo. Ilang beses niya akong sinaktan, daddy, dahil sa inggit at mga walang kwentang dahilan. Naging mabuti ako kay Lia pero nuknukan nga yata ng sama ang anak mong ‘yon. Tama ka, daddy. Masyadong na spoiled ni mommy si Lia. Hindi ka na nga niya iginagalang at inirerespeto, daddy eh. And I'm glad that you chose to protect me against her since she always bullies me. Huwag kang mag-alala, daddy. Aalagaan kita at palalaguin ko ang kompanyang pinagpaguran at pinaghirapan niyo ni mommy.” “Pa-pasensya ka na kung na offend o nasaktan man kita kanina, Kia. Nagulat lang ako sa dala mong balita. Nakalimutan ko ang lahat ng mga hirap at sakit na dinanas mo kay Lia noon. Hindi dapat kita pagdamutan at pagdudahan dahil minahal mo kami nang higit pa sa tunay mong mga magulang. Tulad ng palagi kong sinasabi, inampon ka namin para maramdaman mong mahalaga ka at may nagmamahal sa'yo. Patawarin mo si daddy. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin ng mommy mo. Maraming salamat sa pagtitimpi at pagpapatawad mo sa ugali ni Lia. Simula ngayon, dito na lang ako sa bahay. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Alam kong hindi mo kami bibiguin ng mommy mo. Pasensya ka na rin kung palaging kinakampihan ng mommy mo si Lia noon. Masyado niya lang mahal ang anak namin kaya nakalimutan na niya ang pinagkaiba ng tama sa mali,” litanya ni Liam. Niyakap ni Kiana si Liam. Ngumisi siya pagkatapos. ‘Gan’yan nga, daddy. Paniwalaan mo ulit lahat ng sasabihin ko. Kapag hindi ka naging pasaway, baka buhayin pa kita ng matagal-tagal. Hangga't may pakinabang ka, hindi na muna kita ililigpit. Napakatanga mo lang para balewalain ang mga sinasabi sa'yo noon ni Lia. Napakadali mong paikutin. Paniwalang-paniwala ka talaga na sinasaktan ako ng anak mo. B0b0!’ “Mr. Reed, I'm glad that you apologized to Kia. In return, I will spread my people to look for Lia’s remains. After ng libing niya, siguro naman, p'wede na kaming magpakasal ni Kia,” ani Owen habang nilalaro ang hinubad niyang necktie.“Mommy, good morning!” bungad ni Leona kay Lia na kakagising lang.“G-Good morning, baby ko. Ang aga mo naman yatang nagising,” wika ni Lia na pupungas-pungas pa.“Breakfast ka na po, mommy. Nagluto po kami ni daddy ng pancakes.” Sumampa si Leona sa kama at yumakap kay Lia. Humalik din siya sa pisngi nito. Yumuko siya pagkatapos at hinalikan ang tiyan ni Lia. “Good morning, baby brother!”Napatawa si Lia at ginulo ang buhok ng anak niya. “Hindi pa nga sigurado kung baby brother ang kapatid mo, malay mo baka baby sister siya.”“No, baby brother po kasi siya, mommy,” giit ni Leona.“Naku, paano mo naman nasabi na baby brother nga?” Ginalaw-galaw pa ni Lia ang kilay niya.“Napanaginipan ko po, mommy.” Sumimangot si Leona. “Ayaw niyo pong maniwala sa akin ni daddy?”Malambing na niyakap ni Lia ang kaniyang panganay. “Oo, na. Ate Leona, ‘wag na ikaw magalit. Nasa’n ba ang Daddy Leon mo?”“May kausap po sa cell phone,” sagot ni Leona.Napabuntong hininga si Lia. “Iyang daddy mo talaga, sabi
Tahimik ang paligid, tila huminto ang lahat. Sa bawat hakbang ni Lia, marahang dumadaloy ang kaniyang belo at mahaba niyang train. Naramdaman niyang bahagyang lumamig ang palad niya, pero hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa bigat ng kaniyang emosyon. Sa harap niya, nandoon si Leon, nakatingin lang sa kaniya, tahimik pero puno ng damdamin.Pawang nag-uusap ang mga mata nina Lia at Leon. Walang salitang binibitawan, pero malinaw ang sinasabi: “Narito ako. Nariyan ka at sa wakas, tayo na. Tayo na hanggang ang ating mga buhok ay maging kulay abo at puti.”Ang bawat hakbang ni Lia ay tila paglalakad niya palayo sa nakaraan – sa sakit, sa pagkakanulo, sa mga gabing nag-iisa siyang umiiyak. At sa bawat hakbang niya papalapit kay Leon, mas lalong lumilinaw ang kinabukasang matagal na niyang pinapangarap.Sa gilid, bahagyang napaluha si Leona habang hawak ang maliit na bouquet. Si Lia, nginitian saglit si Leona. Sa mata ng anak, nakita niya ang dahilan kung bakit niya inilaban ang lahat.
Ang simbahan ng Saint Joseph ay tahimik ngunit sagrado. Sa harap nito, isang dambuhalang arko ng puting rosas, gumamela, at ilang-ilang ang tinayo — simple ngunit elegante, piniling kulay ni Lia mismo. Hindi ito isang kasalang pinuno ng camera ng media o pasabog ng sosyal na pakulo. Sa loob ng simbahan, ang aisle ay binalutan ng puting tela at petals ng bulaklak. Ang altar ay pinanatiling simple ngunit may simbolikong ginto at kahoy. Sa likod nito, may isang krusipihong de-bato na minana pa raw sa mga unang paring Kastila. Nakisama rin ang panahon. Maganda ang sikat ng araw. Hindi masyadong mainit, ngunit hindi rin naman ganoon kalamig. Kaya komportable ang lahat ng mga dumalo sa kasalan nina Lia at Leon.Abala ang wedding coordinator sa pakikipag-usap sa pianista. Sinisiguradong niyang hindi ito magkakamali dahil ayaw niyang mapahiya sa lahat ng naroroon. Kaunti lang ang dumalo sa kasal ngunit mga bigating tao mula sa alta socialidad ang imbitado. Ang pamilyang Ashton at Reed ay pa
“Kumusta raw sina Owen at Kiana?"“Okay na po sila lola, kaso mukhang pareho silang nawala sa katinuan matapos silang hatulan ng guilty ni Judge Jake." "Alam mo, bilib na bilib ako kay Jake. Matalino at may prinsipyo ang batang ‘yon. Sana ay magbago ang desisyon niya at tanggapin niya ang posisyong iniaalok ko sa kaniya. Wala na akong makitang qualified sa nabakanteng posisyon kung hindi siya.”"Kaya nga po lola eh. Siguro naman po, pag-iisipan na po niya iyong mabuti lalo at suportado naman po siya nina Kuya Rolly at Ate Guada. Pero hindi rin daw po nila pipilitin si Jake kung ayaw nitong umalis sa kaniyang field.”“Dapat lang naman. Kapag humindi si Jake, si Lia na lang ang gagawin kong President. Anyway, balita ko nag proposed ka na raw ulit kay Lia? Kailan ang kasal?”"This week po agad, lola.”Ngumiti si Donya Rehina kay Leon. "Good decision. Ang babaeng tulad ni Lia ay hindi lang pang contract marriage, she deserves better. She deserves the best.”"Opo, lola. Pasensya na po kay
Pumalakpak si Kiana. "Wow. Finally, Kira. You're letting your feelings out. Alam ko namang patay na patay ka kay Doc Austin. Matagal na ‘di ba?”Namula ang mga pisngi ni Kira. "Eh ano naman ngayon? At least ‘yong taong gusto ko, single pa. Eh ikaw? Nakakadiri. Sinul0t mo ang ex-fiancé ng kapatid mo. Wala ka na ngang delikadesa, wala ka pang utang na loob.”Tumagos hanggang buto ang mga sinabi ni Kira kay Kiana. Mas lalo siyang nagpuyos sa galit. "At least ako, pinili. Eh ikaw? Friendzone ka dahil wala namang ibang mahal si Doc Austin kung hindi ang kapatid ko. Kawawa ka naman,” mapang-asar na sabi niya.Natahimik si Kira. Pakiramdam niya ay napahiya siya sa lahat ng naroroon hanggang…”Austin…” Hindi niya namalayan ang paglapit ni Austin sa kaniya. Hawak-hawak na nito ngayon ang kaniyang isang kamay.“Let's give it a…t-try?” nakangiting sambit ni Austin habang hawak-hawak ang kamay ng kaisa-isang babaeng ipinagkatiwala ang sarili nito sa kaniya.Siniko ni Lia si Kira. “Umoo ka na." Tu
“May anak ka na?" galit na galit na sigaw ni Kiana kay Owen.Umiling si Owen. “Wala. Baka nagkamali lang sila. ‘Di ba sabi nila na hindi ako ang ama ng batang ‘yon. Saka wala akong anak at never pa akong nagkaan—” Natigilan siya sa pagsasalita. Buti na lang at napigilan niya agad ang sarili niya dahil kung hindi, malalaman ni Kiana na hindi siya ang ama ng batang ipinagbuntis ng yumaong kapatid nito noon.“Ano bang nangyayari? Sino ba ang batang ‘yon?" bulong ni Kiana habang hinihi.mas ang rehas.Napatingin si Kira kay Lia. “Anong ibig nilang sabihin? Hindi si Owen ang ama ni Leona? Ibig bang sabihin, hindi ang kriminal na ‘yon ang nakachuchu mo, five years ago?” bulong niya sa kaniyang kaibigan.Kumunot ang noo ni Lia. "Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan.”"Teka. Hindi ka ba siguradong si Owen ang nakachuchu mo noon?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Kira.Napaisip si Lia. “Actually…I didn't get the chance to see his face.” Bigla siyang napaharap kay Kira nang hampasin nito a