登入Dalawang taon nagdusa si Caitlyn Salvante sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Akala niya ay wala ng pag-asang makabalik pa sa kanyang pamilya at dating buhay… Ngunit nailigtas siya. Sa muling pagbabalik ay binigla siya ng balitang ikakasal na ang lalakeng iniibig sa kanyang kapatid na si Fiona. Napagtanto niyang marami ang nagbago, maging ang pakikitungo ng kanyang mga magulang at dalawang kapatid. Pinandirihan at kinasuklaman sa isang bagay na hindi naman niya ginusto. Pakiramdam ni Caitlyn, isang malaking pagkakamali ang muling bumalik sa kanyang pamilya kaya umalis siya at palihim na pinakasalan si King Ezekiel Sanchez, isang doctor at tiyuhin ng dating nobyo na si Jude Gonzales.
查看更多Abril 9, 20XX
Ito ang araw na hinding-hindi makakalimutan ni Caitlyn.
Galing na sila ng kapatid niya sa birthday party ng isang kaibigan at pauwi na ng gabing iyon nang masiraan ang sasakyan.
Na-flat ang gulong kaya kinailangan palitan ng driver nilang si Lito.
Naghintay lang sa loob ng kotse sina Caitlyn at Fiona, pasilip-silip sa ginagawa ng driver. Ngunit nang makitang tila nahihirapan ito lalo na at hawak nito sa isang kamay ang flashlight ay napagpasiyahan na ni Caitlyn na tumulong.
“Wait, sa’n ka pupunta, Ate?” pigil agad ni Fiona habang hawak ang braso ng kapatid.
“Tutulungan ko lang siya para makaalis na tayo rito.”
“Ehh! Natatakot ako, Ate!”
Napangiti si Caitlyn sabay hawak sa pisngi nito. “‘Wag kang matakot, kasama mo naman ako.”
“Kahit na, nakakatako pa rin. Don’t leave me, sasama ako!”
Nagpakawala ng hangin si Caitlyn saka lumabas, na agad sinundan ng kapatid.
Mabilis naman niyakap ni Fiona na braso nito. “Ba’t ba kasi tayo dumaan dito? Ang dilim-dilim tapos wala pang ilaw, parang hunted,” may halong pagrereklamo ang kanyang boses.
Hindi naman pinansin ni Caitlyn ang sinabi ng kapatid at nilapitan si Lito. “Kuya, tulungan ko na kayo.” Saka niya kinuha ang hawak nitong flashlight.
“Salamat, Miss,” ani Lito.
“Mabilis lang bang magpalit ng gulong, Kuya? O, gusto niyong tumawag na ‘ko ng mekaniko?”
“Oo, Miss, madali ko lang ‘tong matatapos,” sagot ni Lito habang inaalis na ang nabutas na gulong.
Mayamaya pa ay hinihila ni Fiona ang braso ng kapatid sabay bulong, “Naiih* na ‘ko, Ate.”
“Seryoso?!” nawindang si Caitlyn, sa isang iglap ay nataranta at nagpalinga-linga sa paligid.
Kasalukuyan silang nasa lugar na madilim, may naglalakihang puno at talahib. Malinaw na walang kabahayan sa paligid.
Biglang tinuro ni Caitlyn ang isang puno. “Do’n ka na lang…” nabitiin sa ere ang salita matapos mapansin ang paparating na sasakyan.
“Hindi ko na talaga kaya, lalabas na!” ani Fiona na biglang tumakbo palayo.
Eksakto naman na padaan na ang sasakyan, isang puting van…
Nang walang ano-ano ay tumigil pagkatapat sa tumatakbong si Fiona. Biglang bumukas ang pinto at hinila ang dalaga, pilit siyang pinapapasok sa loob.
“Ahh!!!”
Pagsigaw ng kapatid ay agad tumakbo si Caitlyn upang iligtas ito.
“Fiona!”
Tumakbo na rin palapit si Lito upang saklolohan ang dalaga.
Ngunit huli na, dahil sa kagustuhang mailigtas ang kapatid ay si Caitlyn ang hinablot ng dalawang lalakeng nasa loob ng van.
“Ate!” sigaw ni Fiona ngunit nagsara na ang pinto ng sasakyan saka humarurot palayo. “Ate!” hiyaw niyang muli ngunit ilang sandali pa ay may sumilay na kakaibang ngiti sa labi.
Samantalang sa loob ng van ay nagpumiglas si Caitlyn, ginamit niya ang buong lakas makawala lang sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. “Pakawalan niyo ‘ko!” Kahit natatakot ay malakas pa rin ang loob niya, hindi siya maaaring sumuko dahil iyon na lamang ang tangi niyang magagawa.
Sa sobrang likot ng dalaga ay nainis na ang isang lalake at sinuntok ito sa tiyan. Biglang nanghina si Caitlyn, hindi agad nakahinga at parang gusto niyang maiyak sa sobrang sakit ng ginawa sa kanya.
Sinamantala ng dalawang kidnapper ang panghihina ni Caitlyn saka ginapos ang kamay nito at binusalan ang bibig upang hindi makapag-ingay. Tinakpan din ng sako ang ulo nito gaya ng inutos sa kanila upang hindi magamit ni Caitlyn ang lokasyon at malito kung saan dadalhin.
AKALA ni Caitlyn, hindi siya magtatagal sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Na ilang araw lang din ay maliligtas siya dahil tiwala siyang hindi titigil ang kanyang pamilya para mahanap siya.
Ngunit hindi ganoon ang nangyari…
Dalawang taon siyang nabilanggo, ikinadena sa kulungan kasama ng mga baboy.
Sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti siyang nawawala ng pag-asa.
Halos mabaliw siya sa lungkot at pangungulila. Araw-araw, minu-minuto niyang naiisip ang dating buhay at pamilya.
Pinalaki siyang parang isang tunay na prinsesa ngunit matapos ng masaklap na kapalaran.
Parang gusto na lang niyang mawala sa mundo dahil pagod na pagod na siya, hindi na niya kaya ang nangyayari sa buhay niya.
Lalo na at makailang ulit din siyang muntik-muntikan ng gahas*in.
Gabi-gabi niyang pinapanalangin na kung hindi naman siya makakaalis sa masaklap na buhay… tapusin na lang sana ang kanyang paghihirap.
Hanggang sa dumating ang pag-asang kay tagal na niyang inaasam.
Nagkaroon ng sunog sa lugar kung saan siya ikinulong at kinadena. Dahil doon ay nakahingi siya ng tulong sa bumbero na agad tumawag ng pulis.
Nahuli ang mga dumukot kay Caitlyn at pagkatapos ay dinala siya sa malapit na ospital upang mabigyan ng medikal na atensyon ang kanyang kondisyon.
“Ahm… a-anong nangyari sa inyo, Ma’am?” tanong ng nurse na siyang unang tumingin kay Caitlyn. Kung wala marahil suot na mask ay baka nasuka na ito.
Palinga-linga naman sa paligid si Caitlyn, hindi pa rin makapaniwala na wala na siya sa kulungan ng baboy…
Malaya na siya! –sigaw ng kanyang isip.
Sa isang iglap, bigla siyang naluha. Humikbi matapos magbalik sa alaala ang lahat ng mapapait na karanasan sa loob ng dalawang taon.
“A-Ayos lang kayo, Ma’am?” natatarantang tanong ng nurse, akmang lalapit upang alamin kung may iniinda itong sakit. Ngunit hindi naman magawang hawakan dahil sa dami ng skin disease. Kaya dali-dali siyang kumuha ng disposable gloves.
Eksakto namang dumating ang doctor na titingin sa dalaga.
Nagsuot ito ng gloves saka sinuri ang balat ni Caitlyn dahil iyon ang mas kapansin-pansin sa dalaga bukod sa sobrang payat nito dahil sa malnutrition.
May kasamang pulis si Caitlyn ng sandaling iyon na nasa malapit, nakabantay. At sa halip na ang dalaga ang tanungin ng doctor ay lumingon ito sa pulis.
“May I ask what happened to her?” tanong ng doctor dahil umiiyak si Caitlyn, nasisiguradong hindi ito makakausap nang maayos.
Lumapit ang pulis at bumulong malapit sa tenga ng doctor na unti-unti naman nanlalaki ang mga mata. Pagkatapos ay gulat na may halong awang tiningnan si Caitlyn.
“Kumuha ka nga ng tissue at ibigay mo sa kanya,” utos ng doctor sa nurse.
Pagkatapos maibigay ang tissue sa emosyonal na si Caityn ay nagpasalamat siya.
Marahan at may ingat na tinapik ng doctor ang balikat ng dalaga. “Don’t worry, hindi malala ang skin condition mo at tiyak na gagaling kapag natutukan. Magsi-set ako ng schedule, bumalik ka ulit dito sa makalawa. Sa ngayon ay bibigyan kita ng vitamins at magpahinga ka.”
“S-Salamat… maraming salamat,” ani Caitlyn.
Pagkatapos matingnan ng doctor ay hinatid siya ng pulis pauwi sa tahanan na matagal na niyang gustong uwian.
Ngunit sa kanyang pagbabalik ay isang nakakabiglang balita ang sasambulat sa kanya…
Dahil si Jude, ang kanyang nobyo ay ikakasal na kay Fiona!
MABILIS ang lakad ni Amara habang palinga-linga sa paligid. Sinisilip ang mga halaman na nadadaanan at mga sulok-sulok ng gusali.Si Shaina naman na kasama niya at nakabuntot ay napapakamot na lang sa ulo. "Ano bang hinahanap mo? May nawala kang gamit? Alahas?""Hindi," iyon lang ang sinabi ni Amara. "Natatandaan mo 'yung pusa rito? Ilang araw ko na kasing 'di nakikita, gusto ko sanang pakainin.""'Yung itim na pusa ba? Oo nga, 'no?"Tumingin si Amara sa langit, makulimlim at nagbabadyang bumuhos ang ulan. "Tinanong ko 'yung guard pero ilang araw na rin daw na hindi niya nakikita.""Baka naman lumipat lang ng ibang lugar or may umampon…?" ani Shaina."Malabo, dito na 'yun sa campus lumaki at lagi kong binibigyan ng pagkain kaya 'di 'yun aalis. Pero kung may umampon man, sana lang aalagaan siya ng mabuti."Magdadalawang taon na sa campus ang pusa na pinangalanan niyang Star dahil may white spot ito sa noo na parang bituin. Maliit pa lang iyon nang mapapadpad sa lugar. Gusto nga sanang
NAIWAN ang dalawa sa sala, si Matthew na unang beses makapasok sa pamamahay ng landlord ay nilibot ang paningin sa paligid. Hinihintay niyang kumilos si Amara para dalhin siya sa dining area pero nakatayo lang ito, para bang naghihintay.Kaya tinitigan niya ito, kinurap-kurap ang mata at pagkatapos ay saka lang kumilos. Pakiramdam niya tuloy ay hind siya welcome, nagdadalawang-isip na tuloy siyang mag-stay.Kahit gusto niyang tanungin si Amara kung may problema ba o may nagawa siyang mali ay hindi naman niya magawa.Nang bigla itong humarap, mabuti na lamang ay napapreno siya bago pa sila magkabungguan. "B-Bakit?"May talim sa tingin ni Amara. "Sir, pwede bang i-secret lang natin 'yung tungkol sa guidance office?""Oh… 'yun lang ba? Walang problema."Napahugot ng hininga si Amara, nakahinga siya nang maluwag. "Thank you." Pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad.Naabutan nilang naghahain ng pagkain ang katulong. Biglang nahiya si Amara na hinahayaan niya lang ang mga ito sa harap ng
PAGKATAPOS ng pangalawang klase sa hapon ay bumalik muna si Matthew sa faculty room para magpahinga. May isang oras siyang break bago ang susunod na klase.Pagdating ay naabutan niyang kumakain ng snacks ang co-teachers."Sir Matt! Kain tayo, may donut pa rito," aya ng isa.Ngumiti siya, kahit hindi gutom ay lumapit pa rin siya at nakikain. Nakakahiya naman tumanggi lalo at bago lang siya roon."Nabanggit mong taga Pasay ka, 'di ba? Ba't ka lumipat dito?""'Di ko pa kayang bumalik. Nagandahan na 'ko sa lugar."Ngumiti ang co-teachers, tila ba proud sa narinig."Naku, ang daming pwedeng pasyalan 'pag stress ka sa trabaho," saad pa ng isa.Tumango-tango naman si Matthew. "Lagi nga ako sa beach, do'n ako nag-stay ng ilang buwan bago lumipat sa malapit.""Sa'n ka pala nagsi-stay ngayon?"Bigla naman kinantyawan ng mga kasama ang tanong nito, "Ikaw Mary, ah? Para-paraan.""Uy, hindi! Parang nagtatanong lang. Issue kayo," depensa nito pero halata sa mukha ang hiya.Ngumiti lang si Matthew h
LUNCH BREAK, mag-isa si Amara dahil kailangan umuwi ni Shaina habang si Jonathan naman ay kasama ang kaklase. Inaya naman siya pero mas gusto niyang mapag-isa, hindi siya iyong tipo ng tao na nakikihalubilo.Kung iisipin, kaunti lang talaga ang circle of friends niya at dalawa lang ang itinuturing niyang malapit na kaibigan.Maingay sa loob ng cafeteria, may nagtatawanan sa katabing table at kung ano-ano pa. Habang siya ay mag-isa sa four-seater table nang biglang umupo si Gio, kasama si Ryan.Matalim na tingin agad ang pinukol ni Amara sa dating kasintahan. "Ano na naman ang kailangan mo?""Wala," ani Gio habang nakangisi. "Nakita kasi kitang mag-isa. Nasa'n pala ang mga kaibigan mo?"Hindi niya sinagot ang tanong dahil para saan pa? Wala na itong bilang sa buhay niya."Don't talk to me," anas niya at nagpatuloy sa pagkain. Medyo binilisan niya para makaalis na siya agad."I miss you."Nabilaukan si Ryan nang marinig iyon. Samantalang natigilan naman si Amara, kinuha ang baso ng tubi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
評論更多