"Hindi. Okay lang na magpakasal na kayo kahit hindi pa natin nakikita ang bangkay ni Lia. We shouldn't delay our partnership Mr. Ashton. Kailangang-kailangan na nating maumpisahan ang mga nakalatag na mga proyekto. Lia’s not around anymore so Kia will handle everything.” Pinunasan ni Liam ang kaniyang mga luha. Hindi niya maintindihan kung bakit tuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya. Marahil ay tama nga si Kiana. Nakakaramdam lang siya ng pagsisisi at pangungulila sa kaniyang anak. ‘Lia, patawarin mo si daddy. Patawarin mo ako kung hindi kita napalaki ng maayos at kung hindi kita natulungan. Hindi ko pa alam ang mga detalye kung bakit ka namatay pero sana naman, hindi mo kinuha ang sarili mong buhay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nalaman kong nag suicidé ka. Nais pa sana kitang kausapin kung bakit palagi mo na lang sinasaktan at pinagsasalitaan ng masasakit na salita si Kiana. She's been good to you. Marahil ay nagseselos ka na sa kaniya dahil pinapaburan ko siya madalas. Lia, I just want you to think about doing and saying the right thing. Mali na kampihan kita dahil dugo at laman kita lalo na at ikaw naman ang may kasalanan. Hay, anak. Sobrang durog na durog ang puso ngayon kaya siguro patuloy ang pagpatak ng aking mga luha.’
“Daddy, stop crying." Suminghot si Kiana at nagkunwaring nagpunas ng luha. “Kahit palagi akong inaaway ni Lia, namimiss ko pa rin siya. Handa naman akong magparaya sa kaniya, daddy. Handa akong masaktan kung iyon ang ikagagaan ng loob niya. Handa akong saluhin lahat ng galit niya. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin, daddy. Ginawa ko naman ang lahat para maging kaaya-aya sa paningin niya, para maging isang mabuting kapatid. Ganunpaman, sobra pa rin pala akong nasasaktan sa pagkawala niya. Mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pagmamahal kaysa sa galit.” Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniyang ama-amahan. “Daddy, kailangan nating makita ang bangkay ni Lia. Mahal ko pa rin siya bilang kapatid. Kahit masama ang pakikitungo niya sa akin, hindi ko pa rin siya kayang kasuklaman. Nagsisisi ako na nawala si Lia na hindi kami in good terms, daddy." “Tahan na, Kia. Wala kang pagkukulang. Wala kang kasalanan. Si Lia ang may problema, hindi ikaw. Hayaan mo at tutulungan tayo ni Owen sa paghahanap sa kapatid mo. Tulad ng sabi mo kanina, tayo na lang ang natitirang magkapamilya. Ayokong umiiyak ang anak ko,” kalmadong sambit ni Liam. "Daddy…I…I am sorry," ani Kiana sa nakakaawang tono. “For what, Kia? May nagawa ka bang ikagagalit ko?" nagtatakang tanong ni Liam. “Naniniwala na ako sa'yo, daddy. Naniniwala na ako na hindi ikaw ang gumahàsa sa akin ng gabing iyon. Patawarin mo ako kung pinagbintangan kit—-” Niyakap ni Liam si Kiana na ngayon ay umaarteng umiiyak. "It's okay, anak. I understand you. Sshh. Stop crying,” awang-awang sambit ni Liam. Tuwang-tuwa si Owen sa kaniyang nasasaksihan. Napakagaling talagang mag manipula ni Kiana. Wala na siyang masabi sa galing nitong umarte! “Lia, sigurado ka bang nais mong iligtas ang daddy mo sa kamay ng kinakapatid mo? Mukhang hindi naman siya nagluluksa sa pagkawala mo," mahinang sambit ni Leon habang nakasandal sa pader. Pinahid ni Lia ang kaniyang mga luha. Hindi niya mahanap ang tamang salita para sagutin ang katanungan ni Leon. Nanghihina siya pero unti-unti rin niyang naihakbang ang kaniyang mga paa. “Tara na sa city hall,” aniya. Tumaas ang dalawang kilay ni Leon. Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at saka tahimik na sinundan na si Lia palabas ng mansyon ng mga Reed. ‘I had enough. Starting tomorrow, I am no longer a Reed. Isa na akong Ashton. Patay na si Lia…’ sigaw ng isip ni Lia habang naglalakad palabas sa naging tahanan niya sa loob ng dalawang dekada at walong taon.Parehong tahimik sa loob ng sasakyan sina Lia at Leon.‘I can't believe na hanggang dulo, si Kiana pa rin ang papaburan ni daddy. He handed her the company without a second thought. He still believes all the words that came out of her mouth. Maybe, Kia lied to me. Hindi naman niya siguro lalasunin si daddy dahil hindi ito sagabal sa mga plano niya at sumusunod ito sa mga gusto niya. Maybe, she told me that because she wants to torture me even more. Daddy, how can you believe a stranger over your own daughter? Bakit ang lambot ng puso mo pagdating kay Kiana? Bakit hindi mo pinapakinggan ang mga paliwanag ko bago ka mamili ng kakampihan sa aming dalawa ni Kiana? Bakit…B-bakit mas mahal mo pa ang ampong babaeng ‘yon kaysa sa tunay mong anak?’Pasulyap-sulyap si Leon sa tahimik na si Lia. Sigurado siyang malalim ang iniisip nito. Nais niya sanang basagin ang katahimikan pero mas pinili na lamang niyang mag focus sa pagmamaneho.‘Bakit ba si mommy pa ang nawala? Napaka-unfair ng mundo sa a
“I really thought that Lia was alive. I don't know but I saw her reflection in daddy's eyes earlier.” Kiana massaged her forehead while thinking about the scene earlier at their mansion. Pagkatapos nilang kausapin at pilitin si Liam na ilipat sa kaniya ang mga ari-arian nito ay agad silang dumiretso sa kompanya para mag-reyna-reynahan at mag-hari-harian doon."Akala ko nga rin eh. I also saw her pero the moment I blinked my eyes, she's gone. Maybe, we saw her because of guilt and your dad saw her because of regret.” Marahang inalis ni Owen ang mga kamay ni Kiana na nagmamasahe sa noo nito. Minasahe niya ang mga balikat nito at saka hinalikan ng mabilis sa buhok nito.“Siguro nga tama ka. Anyway, we succeeded in our plan. Daddy's attorney is now preparing the papers for the transfer of his assets to my name.” Ngumiti si Kiana. "That calls for a celebration.”Tumayo si Kiana at humarap kay Owen. Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa batok nito at malagkit itong tiningnan. May sasabihi
“Hija, tanggapin mo ito bilang regalo ko sa kasal niyo ng apo ko." Iniabot ni Donya Rehina ang isang kwintas na batbat ng diyamante, sapiro at batong emerald kay Lia. Ito ay isang family heirloom ng mga Ashton na nagmula pa sa kanunu-nunuan ni Donya Rehina.Napako ang mga mata ni Lia sa kwintas. Hindi niya napigilang mapatitig dito dahil sa kaakit-akit nitong anyo. Unang tingin pa lang, alam ng milyones ang halaga. “Pasensya na po, Donya Rehina pero hindi ko po matatanggap ang bagay na ‘yan. Masyado pong mahal a—”Pilit na ibinigay ni Donya Rehina ang heirloom kay Lia. "Ano ka ba? Mapapangasawa ka na ng head ng family ng mga Ashton kaya nararapat lamang na sa iyo mapunta ang kwintas na ito. Huwag ka nang mahiya dahil higit pa sa halaga nito ang pagpasok mo sa aming pamilya. Buong akala ko talaga ay wala ng pag-asang mag-asawa pa si Leon pero heto at ilang minuto na lamang at ikakasal na kayo. Ayoko talagang mapunta kay Owen ang mga negosyo ng aming pamilya dahil busayak at hindi siya
“Ano? Ikinasal na ang Uncle Leon mo?” bulalas ni Kiana.Hinilot ni Owen ang kaniyang sintido. "I thought he's gay. Hindi ko akalaing kakagat siya sa gusto ni lola.”"Paano na? I mean, paano ka na? Kaka appoint pa lang sa'yo ni Donya Rehina bilang President ng Ashtons Group. Madedemote ka na naman as VP?" histerikal na sambit ni Kiana.Huminga nang malalim si Owen.“Owen, hindi mo p'wedeng hayaan ang lola mo na ibigay na naman sa paborito niyang apo ang posisyong pinaghirapan mo. Your uncle left years ago to pursue his chosen career. What happened? Bakit siya muling nagbalik? Para sindakin at sirain ka? Goodness! You should do something!" Umupo si Kiana sa couch at saka dinampot ang kopita na may lamang red wine. Agad niya iyong nilaklak. “You can't let him take what's yours, Owen. Paano na ang mga balak nating projects? Mabubulilyaso lahat! Also, we took a lot of funds to put it som—”“P’WEDE BANG TUMAHIMIK KA MUNA, KIANA? MAS LALO AKONG HINDI MAKAPAG-ISIP NG MAAYOS DAHIL SA KATATALAK
“Who killed who?” Nagulantang ang magkapatid na sina Owen at Jake nang biglang pumasok sa silid ang kanilang tiyuhin. Takang-taka naman si Kiana kung bakit biglang namutla ang dalawa. ‘Who the hell is this old, hot man? His build is almost perfect. Matured na pero mukhang masarap pa rin.’ Napalunok si Owen. "U-Uncle…" Nanlaki ang mga mata ni Kiana. ‘Uncle? So siya si Leon? God! He's so fúcking handsome!’ Inayos niya ang kaniyang buhok at saka naupo nang maayos. Mas lumiyad din siya para lalong lumitaw ang kaniyang dibdib. “Uncle, what are you doing here?" Jake asked. Tumawa si Leon. “Am I not allowed to be here?" Diretso siyang naglakad patungo sa couch at saka naupo roon. Tumalim ang tingin niya kay Owen. ‘This bàstard!’ Lumipat ang tingin niya kay Kiana nang mapansin niyang kakaiba ang ikinikilos nito. ‘Ito? Itong babaeng ito ang ipinalit niya kay Lia? He's blind! Napakalaki ng agwat ng ganda ni Lia sa babaeng ito.’ Napangibit siya nang biglang nagkagat-labi si Kiana. ‘Gr
“Uncle, okay lang ba kung sabay na tayong maglunch mamaya? Let's talk about life. Matagal-tagal ka ring nawala eh,” aya ni Owen. "I'm sorry but I already have plans with my wife later,” diretsong tugon ni Leon. Nagkatinginan sina Owen at Kiana. "Uhm, uncle…" “What is it?" Busy na naman si Leon sa kaniyang cell phone. Hindi niya mapigilang mapangiti habang ka chat si Lia. Huminga muna ng malalim si Owen bago muling nagsalita. “Kailan ka babalik sa duty mo?" "Duty?” pagkukunwari ni Leon. Ang totoo, alam na niya ang nais iparating ni Owen. Sa mukha pa lang nito noong nakita siya nito kanina ay alam na niya ang tumatakbo sa isip nito at iyon ay tungkol sa mga negosyo ng kanilang angkan. Alam niyang nangangamba itong agawin niya ang posisyon nito bilang presidente ng Ashtons Group. “I heard, you're a police officer. No wonder your body is almost molded perfectly. Owen is pertaining to your duty as one of our country’s servants,” Kiana uttered. "Owen, hindi ko alam na may sp
“I’m home.” Mula sa kusina ay sumilip si Lia. Nakasuot pa siya ng apron habang may hawak na sandok. “Patapos na akong magluto." Napangiti si Leon. Hinubad niya ang kaniyang suit at saka umupo sa couch. “Hayaan mo ng si yaya ang gumawa niyan. Magpahinga ka na.” “Anong yaya? Wala tayo sa mansion mo, Mr. Ashton. We’re here at my apartment,” ani Lia habang patuloy sa pagluluto ng tanghalian. Lumabas si Lia sa kusina at agad na naghayin. “Pasensya ka na, ito lang ang naluto ko.” Agad siyang umupo sa tapat ni Leon at inabutan ito ng plato, kutsara at tinidor. “Thank you.” Napako ang mga mata ni Leon sa mga pagkaing nakahayin. Hindi niya akalain na maalam palang magluto si Lia. “The foods looks edible and delicious.” Tumaas ang isang kilay ni Lia. “Edible talaga ha? Don’t worry, Mr. Ashton, hindi naman kita papakainin ng plastic o aluminum,” sarkastikong wika niya. Napatawa si Leon. “I’m just kidding. I’m just surprise that you can cook, given na isa kang Reed.” “Natuto ako n
“Lia, anak, patawarin mo si daddy sa lahat ng mga pagkukulang ko sa'yo. Patawarin mo ako kung palagi kitang nasisigawan at napagsasalitaan ng masasakit na salita noong nabubuhay ka pa. Ang nais ko lang naman ay maging kasing buti at kasing galing ka ni Kiana pagdating sa negosyo. Hindi ko maunawaan kung bakit medisina ang kinuha mo. Hindi ko rin makalimutan na wala kang nagawa noon para isalba ang buhay ng mommy mo kahit kilala ka bilang isang mahusay na doktor. Sana, kung nasaan ka man ay masaya ka na. Sana ay kasama mo na ang anak mo at ang iyong mommy,” naluluhang sabi ni Liam habang hinahaplos ang litrato ng anak niyang si Lia. Nasa may veranda siya. Inaabangan ang pagdating ng bangkay ng kaniyang nag-iisang anak na babae. Napatayo sa kaniyang swivel chair si Liam nang biglang bumukas ang gate. Buong akala niya ay sina Kiana at Owen ang dumating pero nagkamali siya. “Tito Liam!" Kumaway si Dr. Austin dito. Kasama niya ang nurse na si Kira. “Dr. Austin!" Sinalubong ni Liam ang
“So what do you think?” tanong ni Leon sa asawa.Iginala ni Lia ang mga mata sa salas. Napangiwi siya nang makita ang mga furnitures na naroon at ang mismong pagkakaayos ng mga ito. Hindi siya magaling sa pag-aayos o tungkol sa mga trends pero hindi maipagkakaila na hindi na maganda ang mga furnitures na nasa salas ni Leon at higit sa lahat, outdated na. “Do you want me to be honest?” tanong ni Lia. Napatawa si Leon dahil kahit mismo siya ay alam na outdated at hindi maganda ang ayos ng mga furnitures sa salas ng kaniyang lihim na villa. Hindi niya kasi ito naaasikaso pero nililinis naman ito ng mga caretaker. “You can be honest. Wala namang pumipigil sa iyo. At isa pa, alam kong hindi maganda ang ayos dito sa loob,” biro pa ni Leon. “Wala na. Alam mo naman pala eh.” Ngumisi pa si Lia para asarin si Leon. “So, what do you want to do?” Humakbang si Leon papalapit kay Lia. Napakurap si Lia. Pakiramdam niya ay biglang nag slow motion ang lahat. At bawat salita ni Leon ay tila ikina
“Hmm,” wika ni Lia nang buksan ang paper bag. May dalawang sandwich roon at fries. “Thank you, Leon.” Napahinto siya sa pagsasalita. “Tayo lang namang dalawa rito kaya okay lang naman sigurong tawagin kita sa pangalan mo." Tumango si Leon. “O-Oo naman. Hubby and wifey are just our endearment when people are around. Anyway, y-you’re welcome. Now eat, baka nagwawala na ang mga bulate mo sa tiyan,” natatawang sabi niya.Pabirong umirap si Lia. “Wala akong kahit isang bulate sa tiyan, ano! Ikaw ba, hindi ka pa nagugutom?” “Marami naman akong nakain kanina sa restaurant at saka baka kulang pa sa iyo ‘yan–” “Hindi ako masiba, ‘no! Tig-isa na lang tayo nitong sandwich. Baka isipin mo ang damot ko,” biro pabalik ni Lia. “I can’t eat, Lia. Nagmamaneho ako.” Ayaw pa rin talagang kumain ni Leon. Busog na busog pa siya dahil sa dinner kanina.Ngumisi si Lia. “Problema ba ‘yon?” Kinuha niya ang isang sandwich at saka binuksan. “Hindi ka naman siguro maarte at maselan, hindi ba?”“Of course not
Nakatuon ang atensyon ni Leon sa daang tinatahak ngunit panaka-naka siyang sumusulyap kay Lia na nakatingin naman sa bintana. Kasalukuyan silang naglalakbay patungo sa secret villa niya. Hindi na p'wedeng manatili si Lia sa dati nitong tirahan dahil kina Kira, Austin at Liam. Kailangan nila ng ibayong pag-iingat para wala ng makaalam na buhay pa si Lia kaya napagpasyahan nilang lumipat ng tirahan – iyong walang nakakaalam, malayo sa mga matang maaaring makadiskubre ng lihim nilang dalawa.Kailangan makasiguro ni Leon na safe silang dalawa ni Lia kaya dadalhin niya ito sa kaniyang lihim na hideout. Siya lang ang nakakaalam kung saan iyon at piling-pili lamang ang mga tauhang kinukuha niya para pagsilbihan siya. Tanging si Lia pa lamang ang iuuwi niyang babae roon. Contracted wife man niya ito, wala na siyang pakialam. All he cared about is her safety and welfare.“Lia?” hindi mapigilang tawag ni Leon sa asawa. “Hmm?” wika ni Lia ngunit ang mga mata niya ay nanatili pa ring nakatitig s
“Jake, paupuin mo na muna ang bisita mo," alok ni Donya Rehina. Iniba niya ang usapan dahil ramdam na ramdam na niya ang init sa bawat salitang binibitiwan ng kaniyang mga apo at ng bagong salta sa kanilang pamilya.“Naku, hindi na po, chairwoman. Dumaan lang naman po ako dahil may ibinigay po sa akin si Jake. Hindi rin po ako magtatagal kasi kailangan ko pong bumalik agad sa chapel. Nakaburol po kasi ang best friend ko roon,” ani Kira."I'm sorry for your lost, hija. Alam kong hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay kaya hindi na kita pipiliting manatili rito,” may pusong sabi ni Donya Rehina."Sobrang sakit po talagang mawalan ng best friend," nakayukong sabi ni Kira. Nag-angat siya ng tingin at tinapunan ng tingin si Jake. “Pasensya ka na kung kailangan ko nang umalis." “I understand. Ingat ka." Bumesó si Jake kay Kira.“Ate Kira, dito ka na muna. Please stay for at least ten minutes more. Wala akong makausap dito eh," singit ni Patricia.“I'm sorry, Patty. Bawi na lang ako next
‘Ki-Kira?! A-Anong ginagawa mo rito?!’ Bahagyang napakapit sa kaniyang upuan si Lia nang magtama ang mga mata nila ng pinakamatalik niyang kaibigan na babae. Nais niyang aminin dito ang lahat pero wala siyang pagpipilian kung hindi ang manahimik at sundin ang planong inilatag ni Leon sa kaniya. Siya ang unang may pakana ng pagpapanggap na iyon kaya hindi p'wedeng siya mismo ang mag-aalis ng maskarang pinili niyang isuot.“Wifey, do you know her?" Si Leon na mismo ang siyang bumasag sa katahimikan ni Lia. Batid niyang kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isip nito.Nakangiting umiling si Lia. “I only see her tonight, hubby. Ikaw, do you know her?” Mapaglarong ibinalik niya ang tanong sa kaniyang asawa.“Nope," matipid na tugon ni Leon. Sumandal siya sa upuan at saka tinitigan si Jake. ‘Jake has a sharp mind. I'm curious if he already knew about Lia’s identity.’Nagtama ang mga mata nina Kira at Lia pero laking pagtataka ni Lia nang hindi man lamang siya pinaghinalaan ni Kira. Maliban
"Mama!” Hindi makapaniwala si Guada na ipinagkatiwala ni Donya Rehina ang kanilang mga negosyo sa isang dating profiler! Napakaraming taon na ang ginugugol niya sa kumpanya pero hindi pa rin siya bigyang pansin ng matandang Ashton! Hanggang CEO na lamang ba siya ng isa sa mga companies nito?“My decision is final. Ang sinumang tututol sa pasya ko ay malayang makakaalis sa mga kumpanya ko,” anunsyo ni Donya Rehina.Natahimik sina Guada at Rolly. Wala silang nagawa kung hindi ang magtatatakar nang palihim sa ilalim ng mesa.“Lola, hindi ko po yata matatanggap ang regalo niyo. Wala po akong alam sa pagnenegosyo. Hindi po ako qualified na maging vice president ng Ashton's Group of Companies. Maybe you can give it to someone else who's more capable than me," pagtutol ni Lia. Ang totoo, gustong-gusto niya ang naging pasya ng matanda kaso siyempre, hindi naman niya p'wedeng ipakita sa lahat na pabor siya sa desisyon nito lalo na at balak niyang kunin ang loob ng mag-asawang Rolly at Guada.“
“Mama, pasensya ka na talaga sa ikinilos ng mga bata kanina. Marahil ang nadala lang sila ng bugso ng kanilang mga damdamin. Maging kami nga po ay nagulat din dahil kamukhang-kamukha ni Ria ang aking paboritong mamanugangin sana na si Lia eh. I hope you will understand the—”“Guada, this has nothing to do with what happened earlier. Nangyari man o hindi ang nangyari kanina ay sasabihin ko pa rin ito sa inyo," ani Donya Rehina."Hindi na ako magugulat kung papalitan niyo po si Owen bilang President ng Ashton Group. Sa ilang taon niyang pamamahala, wala namang pagbabago sa estado ng mga kompanya natin. Sa halip na tumaas ang gross profit, bumaba pa,” mahinang wika ni Jake. Napangibit siya nang biglang tinapakan ng mama niya ang kaniyang paa. Aangal sana siya nang minulagaan siya nito.“I second the motion," pagsang-ayon naman ni Patricia.“Isa ka pa," suway ni Guada.“Bakit po, mama? Tama naman kasi ang sinabi ni kuya. Wala naman talagang matinong nagawa si Kuya Owen sa loob ng ilang ta
“Le-Leon…Ibig kong sabihin, h-hubby…” Nauutal na si Lia dahil hindi pa rin binibitiwan ni Leon ang kamay niya. Tapos na siyang kumain at hinihintay na lamang niyang matapos ang iba pa para makapaghanap na siya ng bagong apartment. Hindi na kasi siya p'wedeng bumalik sa dati niyang inuupahan dahil sigurado siyang pupunta roon sina Austin at Kira sakali mang mabalitaan ng mga ito ang pagkamatay niya. Napag-alaman din niyang humanap pa ng bangkay sina Owen at Kiana para palabasing patay na talaga siya. Sa tulong ng magkakapatid na Gray ay nagkaroon sila ng mata ni Leon sa ginagawa ng pamangkin nito at ng ampon niyang kapatid.“Bakit, wifey? May gusto ka pa bang kainin?" Kumindat si Leon kay Lia. Uulitin pa niya sana ang linya niya kanina kaso natatakot siyang mabato na siya ng kutsara o ng kung anumang kubyertos ng kaniyang Kuya Rolly.Umiling si Lia. Tiningnan niya ang kamay ni Leon na nakahawak pa rin sa kamay niya. Nakalagay sa kanilang nilagdaang kontrata na bawal hawakan ang isa’t-i
“Wifey, may gusto ka pa bang kainin na wala sa plato mo maliban sa akin?” nakangising tanong ni Leon.Nasamid sina Jake, Patricia, Guada at Rolly sa sinabing iyon ni Leon. Hindi sila makapaniwala na ang seryoso at istriktong si Leon ay magsasalita ng gano’n.“Leon, pigilan mo muna ang sarili mo. Kung nabitin ka sa inyong honeymoon ay magsabi ka lamang sa akin at bibigyan ko kayo ng libreng ticket at accomodation kung saang bansa niyo gustong magbakasyon. Basta siaiguraduhin niyo lamang na pagbalik niyo ay may laman na ang matres ni Ria,” nakangiting turan ni Donya Rehina.Halos mailuwa ni Lia ang kinakain niya. Hindi niya alam kung sasakyan ba niya ang kapilyuhan at kapilyahan ng mag lola.Saka lamang ulit napansin ni Leon ang sirang dress ni Lia. Hinubad niya ang kaniyang coat at isinuot iyon sa kaniyang asawa. “I’m sorry, wifey. I forgot that your dress is ruined. After this dinner ay sasamahan kitang mamili ng mga bagong damit kahit saan mo gusto.”Uminom ng malamig na tubig si Lia