“Daddy, totoo ang sinasabi namin ni Owen. Patay na ang anak mong si Lia. Bakit ba parang ayaw mong maniwala?” natatawang turan ni Kiana habang nagsasalin ng tsaa sa tatlong tasa.
“Hindi totoo ‘yan. Alam kong nagbibiro lang kayo ng Kuya Owen mo. Hangga’t wala akong nakikitang bangkay ng anak ko, hindi ako maniniw—” Napalunok si Liam Reed nang biglang tumabi sa kaniya ang ampon niyang anak na si Kiana. Marahan nitong ibinaba sa mesa ang hawak na tasa at saka hinimas-himas ang kaniyang binti. “Daddy, pinalaki niyo ba akong sinungaling ni mama?” Tahimik lang na nakasandal sa pader si Owen habang humihigop ng tsaang tinimpla ni Kiana. Umiling si Liam. Nangingilid na ang kaniyang mga luha. Ngayon lamang siya nakaramdam ng pagsisisi sa lahat ng mga ginawa niya sa anak niyang si Lia. Kung loloobin man ng tadhana na muli niyang makapiling ang anak ay nais niyang bumawi rito. Alam niyang napakasakit ng mga salitang binitiwan niya rito bago pa man ito mawala sa paningin niya pero alam din niyang mapapatawad siya nito kung sakali mang bumalik ito sa kanilang mansyon. Tumindig ang mga balahibo niya nang biglang bumulong si Kiana sa kaniyang isang tainga. “I only learned how to lie after you rapêd me, daddy. Do you still remember that night?” Nagdilim ang mga mata ni Kiana. Napasigaw sa sakit ang kaniyang ama-amahan nang ibinaon niya ang kaniyang mga kuko sa binti nito. “I told you, Kiana, hindi ko ginawa ang bagay na iyon sa iyo. Mahal kita bilang aking anak. Hindi ko kayang sikmurain ang ganoong gawai—AH!” “Tumahimik ka, tanda!” mahina ngunit mariing sambit ni Kiana. “Sigurado akong ikaw ang nagnakaw ng dangàl ko.” Nang lumapit si Owen sa mag-ama ay biglang ngumiti si Kiana sa matandang Reed. “Patay na ang anak mo kaya ako na lang ang natitirang tagapagmana mo. Nais ko sanang utusan mo ang abogado mo na ipalipat sa akin ang lahat ng ari-arian ng pamilyang ito. Huwag kang mag-alala, daddy, hindi ko pababayaan ang kompanya at a—” SLAP! “Kahit mamatay pa ako, hinding-hindi ko ibibigay sa’yo ang hinihingi mo. Si Lia lang ang may karapatan sa lahat ng mga pinagpaguran naming mag-asawa!” sigaw ni Liam. Marahang tumawa si Kiana. “Sa kabila ng mga pagmamaltrato at pambabalewala mo sa anak mo, sa tingin mo ba ay mapapatawad ka pa niya? Kung bumangon man siya mula sa hukay, sigurado akong hinding-hindi ka niya babalikan dahil sa matinding pagkapoot niya sa iyo!” “Sir Liam, with all due respect, tama po ang anak niyong si Kiana. Kung gusto niyong paboran kayo ng aking pamilya lalong-lalo na ng aking nagbabalik na Uncle Leon, kailangan niyong sundin ang mga sinasabi ng anak niyong si Kiana. Now that Lia’s dead, Kiana will have to step in and take her place. You should be grateful that I still have plans to marry your family despite the fact that Kiana is just your adopted daughter. So, go on. Call your lawyer and transfer everything to your precious daughter,” nakangiting sabi ni Owen. Ibinaba niya ang tasa sa mesa at saka muling umupo ng prente. ‘Kung hindi ko lang kailangan ng pirma ng matandang ito ay tuluyan ko na sana siyang isinunod sa anak at asawa niya!’ sigaw ng isip ni Kiana. “Daddy, ngayon ka pa ba magpapasaway? Wala na ang anak mo. Hindi ba’t noong isang araw lang ay hiniling mo ang kamatayan ni Lia? Dapat ay masaya ka ngayon, hindi ba? You want her dead and now that she is, bigla ka na lamang aakto na parang naging mabuti kang ama sa kaniya? You even favored me a hundred times over your own flesh and blood! Ano? Huwag mong sabihing nakokonsensya ka na ngayon, DADDY?” Tumaas ang dalawang kilay niya. Tumayo siya at naglakad sa kinaroroonan ni Owen. Umupo siya sa tabi nito at walang pagdadalawang-isip na hinalikan ito sa harap ng kaniyang ama! “Mga lapastangan! Mga hayop! Kailan niyo pa iniiputan sa ulo ang anak k-ko?” Napahawak sa kaniyang dibdib si Liam. Mas lalong tumindi ang pagsisising nararamdaman niya sa ngayon! Hindi siya makapaniwalang pagkaka-isahan nina Kiana at Owen ang anak niya! Huminto sa paghahalikan sina Owen at Kiana. Pinadulas ni Kiana ang kaniyang mga daliri sa dibdib ni Owen, dahilan para mapapikit ito. “Daddy, sa tingin mo ba talaga ay minahal ni Owen si Lia? She’s so boring! Manang manamit sa kabila ng pagiging mayaman. Wala rin siyang maramig oras kay Owen dahil halos sa hospital na siya makatira-tira! She can’t even conceive another child after losing one. Sa tingin mo, papayag ang mga Ashton, lalong-lalo na si Mr. Leon na walang magpapatuloy ng lahi nila?” Pinakalma ni Kiana ang kaniyang sarili. “Daddy, I’m doing all of this for you and for our company. I can carry Owen’s children in my womb. I can secure our company’s bright future. Dapat ka pa ngang magpasalamat sa akin dahil may malasakit ako sa pamilyang ito kahit hindi niyo naman ako tunay na kadugo. Common, dad! Call your lawyer NOW.” Ang ma awtoridad na tono ng pananalita ni Kiana ay nagdulot ng kaba at takot sa puso ng matandang Reed. Wala na siyang aasahan ngayon kung hindi si Kiana. Wala na siyang kakayahang patakbuhin ang kompanya dahil matanda na siya at hindi na rin ganoon katalas ang kaniyang pag-iisip para magdesisyon sa mga bagay-bagay. Halos manliit siya sa mga titig nina Owen at Kiana sa kaniya ngayon. “Mr. Liam, I will reconsider our family’s partnership once you follow Kiana’s orders. Besides, she’s doing it for you too. Doctora Lia is a good daughter but Kiana, she’s the best. Imagine, she can sacrifice herself for your own gain?” Hinapit ni Owen ang bewang ni Kiana at saka hinimàs-himàs ang pûwet nito. “Daddy, sige na. Alam mo bang magkakaroon ng pagdiriwang ang mga Ashton para sa pagbabalik ng head of their family na si Leon? Ang uncle ni Owen? Alam mo rin bang si Owen ang nag-iisa niyang paboritong pamangkin? If Leon Ashton has no intention to run their family’s businesses because of his career as a police officer, sino sa tingin mo ang sasalo ng lahat?” Ngumiti si Kiana. “This man will have a lot of money, properties, shares and all forms of wealth in his hands. Kapag asawa na niya ako, tataas ang lebel ng pamilya natin dito sa Riverdale at walang sinuman ang mangangahas na galawin at saktan ka, daddy. Ayaw mo ba no’n?” Patuloy sa paglalandian sina Owen at Kiana sa harap ni Liam. Hindi na sila takot na ipakita rito kung ano ang real score sa pagitan nilang dalawa lalo na ngayon na wala na si Lia! “Mr. Liam, go ahead. Do whatever Kiana demands you to do habang hindi pa nag-iinit ang ulo ko.” Napalingon si Owen kay Kiana na ngayon ay panay ang masahe sa kaniyang hita. Halos maabot na ng kamay nito ang kaniyang pagkalalakí! Napasinghap siya. “Shít! You’re so naughty, babe!” kagat-labing sambit niya. ‘Mga walang hiya! Hindi na nila ako iginalang!’ piping sigaw ni Liam. “Owen, sigurado ka bang nais mong pakasalan si Kiana kapalit ni Lia? Gagawin mong substitute bride ang ba—” Napahinto sa kaniyang ginagawa si Kiana at napatayo. “Substitute bride? Ako? HA! Daddy, hindi mo ba talaga nauunawaan ang nangyayari? Ako ang mahal ni Owen at hindi si Lia!” Napapikit ang nabiting si Owen. Galit na galit na ang bagay sa pagitan ng kaniyang dalawang hita. “Mr. Liam, kahit bumangon pa sa hukay si Lia, si Kiana pa rin ang pipiliin kong pakasalan! Ngayon, kung hindi ka titigil sa mga sinasabi mo at kung hindi mo ibibigay ang nais ng babaeng pinakamamahal ko, umasa kang bukas na bukas ay mababangkarote na ang kompanya mo!” Kitang-kita ni Liam ang galit sa mga mata ni Owen Ashton. Hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan nila ng kaniyang asawa at anak kaya agad niyang tinawagan ang kaniyang abogado para pakalmahin at bigyang kasiyahan sina Kiana at Owen. Nangangatal ang kaniyang mga kamay nang ibinaba niya ang kaniyang mobile phone. “Susunod ka rin naman pala eh, hindi agad kanina,” nakangiting turan ni Kiana. ‘Lia, nagtagumpay ako! Naagaw ko na ang lahat sa’yo. Ngayon, ako naman ang panalo at ikaw ang talunan!’ Tumayo si Owen mula sa pagkakaupo. “If we find Lia’s body, we will give her the best funeral. You did the right thing, Mr. Liam. Now, whether the news about your daughter is true or not, you need to distance yourself from her kung ayaw mong mawala sa iyo ang lahat, kasama na ang iyong iniingatang pangalan at imahe.” “Babalik kami rito kapag magpipirmahan na. Sa ngayon, aalis na muna kami para asikasuhin ang aming nalalapit na kasal,” malapad ang ngiting sambit ni Kiana sabay pulupot ng kaniyang kamay sa braso ni Owen. Walang nagawa si Liam kung hindi ang sumunod sa nais ng dalawa. Yaman at dignidad na lamang ang natitira sa kaniya. Hindi na niya iyon hahayaang mawala hanggang sa huling hininga niya. Tatalikod na sana sina Owen at Kiana sa matandang Reed nang bigla itong nagsalita. “L-Lia…A-anak…” Kapwa nanlaki ang mga mata nina Owen at Kiana sa kanilang narinig. Bigla na lamang nanlamig ang kanilang katawan. Hindi nila magawang gumalaw sa kanilang kinatatayuan.“Mommy, good morning!” bungad ni Leona kay Lia na kakagising lang.“G-Good morning, baby ko. Ang aga mo naman yatang nagising,” wika ni Lia na pupungas-pungas pa.“Breakfast ka na po, mommy. Nagluto po kami ni daddy ng pancakes.” Sumampa si Leona sa kama at yumakap kay Lia. Humalik din siya sa pisngi nito. Yumuko siya pagkatapos at hinalikan ang tiyan ni Lia. “Good morning, baby brother!”Napatawa si Lia at ginulo ang buhok ng anak niya. “Hindi pa nga sigurado kung baby brother ang kapatid mo, malay mo baka baby sister siya.”“No, baby brother po kasi siya, mommy,” giit ni Leona.“Naku, paano mo naman nasabi na baby brother nga?” Ginalaw-galaw pa ni Lia ang kilay niya.“Napanaginipan ko po, mommy.” Sumimangot si Leona. “Ayaw niyo pong maniwala sa akin ni daddy?”Malambing na niyakap ni Lia ang kaniyang panganay. “Oo, na. Ate Leona, ‘wag na ikaw magalit. Nasa’n ba ang Daddy Leon mo?”“May kausap po sa cell phone,” sagot ni Leona.Napabuntong hininga si Lia. “Iyang daddy mo talaga, sabi
Tahimik ang paligid, tila huminto ang lahat. Sa bawat hakbang ni Lia, marahang dumadaloy ang kaniyang belo at mahaba niyang train. Naramdaman niyang bahagyang lumamig ang palad niya, pero hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa bigat ng kaniyang emosyon. Sa harap niya, nandoon si Leon, nakatingin lang sa kaniya, tahimik pero puno ng damdamin.Pawang nag-uusap ang mga mata nina Lia at Leon. Walang salitang binibitawan, pero malinaw ang sinasabi: “Narito ako. Nariyan ka at sa wakas, tayo na. Tayo na hanggang ang ating mga buhok ay maging kulay abo at puti.”Ang bawat hakbang ni Lia ay tila paglalakad niya palayo sa nakaraan – sa sakit, sa pagkakanulo, sa mga gabing nag-iisa siyang umiiyak. At sa bawat hakbang niya papalapit kay Leon, mas lalong lumilinaw ang kinabukasang matagal na niyang pinapangarap.Sa gilid, bahagyang napaluha si Leona habang hawak ang maliit na bouquet. Si Lia, nginitian saglit si Leona. Sa mata ng anak, nakita niya ang dahilan kung bakit niya inilaban ang lahat.
Ang simbahan ng Saint Joseph ay tahimik ngunit sagrado. Sa harap nito, isang dambuhalang arko ng puting rosas, gumamela, at ilang-ilang ang tinayo — simple ngunit elegante, piniling kulay ni Lia mismo. Hindi ito isang kasalang pinuno ng camera ng media o pasabog ng sosyal na pakulo. Sa loob ng simbahan, ang aisle ay binalutan ng puting tela at petals ng bulaklak. Ang altar ay pinanatiling simple ngunit may simbolikong ginto at kahoy. Sa likod nito, may isang krusipihong de-bato na minana pa raw sa mga unang paring Kastila. Nakisama rin ang panahon. Maganda ang sikat ng araw. Hindi masyadong mainit, ngunit hindi rin naman ganoon kalamig. Kaya komportable ang lahat ng mga dumalo sa kasalan nina Lia at Leon.Abala ang wedding coordinator sa pakikipag-usap sa pianista. Sinisiguradong niyang hindi ito magkakamali dahil ayaw niyang mapahiya sa lahat ng naroroon. Kaunti lang ang dumalo sa kasal ngunit mga bigating tao mula sa alta socialidad ang imbitado. Ang pamilyang Ashton at Reed ay pa
“Kumusta raw sina Owen at Kiana?"“Okay na po sila lola, kaso mukhang pareho silang nawala sa katinuan matapos silang hatulan ng guilty ni Judge Jake." "Alam mo, bilib na bilib ako kay Jake. Matalino at may prinsipyo ang batang ‘yon. Sana ay magbago ang desisyon niya at tanggapin niya ang posisyong iniaalok ko sa kaniya. Wala na akong makitang qualified sa nabakanteng posisyon kung hindi siya.”"Kaya nga po lola eh. Siguro naman po, pag-iisipan na po niya iyong mabuti lalo at suportado naman po siya nina Kuya Rolly at Ate Guada. Pero hindi rin daw po nila pipilitin si Jake kung ayaw nitong umalis sa kaniyang field.”“Dapat lang naman. Kapag humindi si Jake, si Lia na lang ang gagawin kong President. Anyway, balita ko nag proposed ka na raw ulit kay Lia? Kailan ang kasal?”"This week po agad, lola.”Ngumiti si Donya Rehina kay Leon. "Good decision. Ang babaeng tulad ni Lia ay hindi lang pang contract marriage, she deserves better. She deserves the best.”"Opo, lola. Pasensya na po kay
Pumalakpak si Kiana. "Wow. Finally, Kira. You're letting your feelings out. Alam ko namang patay na patay ka kay Doc Austin. Matagal na ‘di ba?”Namula ang mga pisngi ni Kira. "Eh ano naman ngayon? At least ‘yong taong gusto ko, single pa. Eh ikaw? Nakakadiri. Sinul0t mo ang ex-fiancé ng kapatid mo. Wala ka na ngang delikadesa, wala ka pang utang na loob.”Tumagos hanggang buto ang mga sinabi ni Kira kay Kiana. Mas lalo siyang nagpuyos sa galit. "At least ako, pinili. Eh ikaw? Friendzone ka dahil wala namang ibang mahal si Doc Austin kung hindi ang kapatid ko. Kawawa ka naman,” mapang-asar na sabi niya.Natahimik si Kira. Pakiramdam niya ay napahiya siya sa lahat ng naroroon hanggang…”Austin…” Hindi niya namalayan ang paglapit ni Austin sa kaniya. Hawak-hawak na nito ngayon ang kaniyang isang kamay.“Let's give it a…t-try?” nakangiting sambit ni Austin habang hawak-hawak ang kamay ng kaisa-isang babaeng ipinagkatiwala ang sarili nito sa kaniya.Siniko ni Lia si Kira. “Umoo ka na." Tu
“May anak ka na?" galit na galit na sigaw ni Kiana kay Owen.Umiling si Owen. “Wala. Baka nagkamali lang sila. ‘Di ba sabi nila na hindi ako ang ama ng batang ‘yon. Saka wala akong anak at never pa akong nagkaan—” Natigilan siya sa pagsasalita. Buti na lang at napigilan niya agad ang sarili niya dahil kung hindi, malalaman ni Kiana na hindi siya ang ama ng batang ipinagbuntis ng yumaong kapatid nito noon.“Ano bang nangyayari? Sino ba ang batang ‘yon?" bulong ni Kiana habang hinihi.mas ang rehas.Napatingin si Kira kay Lia. “Anong ibig nilang sabihin? Hindi si Owen ang ama ni Leona? Ibig bang sabihin, hindi ang kriminal na ‘yon ang nakachuchu mo, five years ago?” bulong niya sa kaniyang kaibigan.Kumunot ang noo ni Lia. "Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan.”"Teka. Hindi ka ba siguradong si Owen ang nakachuchu mo noon?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Kira.Napaisip si Lia. “Actually…I didn't get the chance to see his face.” Bigla siyang napaharap kay Kira nang hampasin nito a