Share

Kabanata 86

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-05-28 09:56:47

“Did you see that? That's what a competent surgeon is all about," Leon said, smiling before he tapped the general surgeon’s shoulder.

“Doctor Kang, mauna na po ako sa inyo. Wala pa po kasi akong tulog eh. Straight po kasi ang shift ko buhat kahapon," paalam ng anesthesiologist na si Ronnie.

Pinandilatan ni Doctor Kang si Ronnie pero walang nagawa ang mga mata niya dahil lumabas na ito ng tuluyan habang naghihikab. May susunod pa siyang operasyon at kailangan niya ng tulong nito kaso ay uuwi na ito para matulog.

“So, ikaw pala si Doctor Kang…”

"O-Opo, chairman. Tawagin niyo lang po ako kapag may ipag-uutos po kayo,” nakayukong sambit ni Doctor Kang.

"I will assign you to monitor that patient’s condition. The identity of that patient should not be disclosed to anyone. Wala ring dapat makaalam tungkol sa babaeng surgeon na nag-opera kanina. Kapag may nakaalam na iba, ikaw ang babalikan ko. Siguraduhin mo ring aalagaan mo ng maayos ang pasyente dahil kapag may nangyaring hindi maganda rit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sue Emblawa
hayyyyy ang ganda2x talaga ng story na ito......... pero nakakanerbyos din hahahha pigil ko ang hininga ko habang nagbabasa.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 90

    “Ako po si Adaline. Isa ako sa naging pasyente ni Ate Lia. Na diagnose ako na may sakit sa atay. Nang mapadpad ako sa hospital kung saan nagtatrabaho si Ate Lia ay kinakailangan ko ng operasyon ngunit hindi sapat ang pera ni mama. Kaya sana binabalak ni Mama na magpa discharge na lang ako at babalik na lang kapag may sapat na ipon na kami. Pero si Ate Lia… Hindi siya pumayag na umalis ako sa hospital. Kinausap niya si mama na hindi ako p'wedeng umalis at kinakailangan ko agad ng operasyon habang hindi pa kumplikado masyado ang sakit ko. Pero pinaintindi ni mama sa kaniya na hindi sasapat ang pera niya para mapa operahan ako. At nang araw na iyon ay sinabihan ni Ate Lia si mama na bukas na lang daw ako magpa discharge… Pero kinabukasan, nabalitaan na lang namin ni mama na nakaschedule na ako for operation. At wala na raw akong babayaran na doctor’s fee. Iyong balanse naman daw ay si Ate Lia na raw ang bahala. Noong una nagalit pa ako sa kaniya kasi hindi ko maintindihan kung bakit niya

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 89

    Napaluha ang lahat sa narinig. Alam nilang may mabuting puso si Lia dahil napakadaming tao na ng natulungan nito. Kahit saan man ito magpunta ay kahit sino ang nangangailangan ay tinutulungan nito. “Nais ko rin po sanang magbigay ng mensahe,” wika ng isang lalaking biglang dumating sa harapan. Nakatungkod ang lalaki. May edad na siya at medyo mapuputi na rin ang mga buhok niya. Inabot ni Beth ang mikropono sa kaniya.“Magandang araw ho sa inyong lahat. Ako si Mario. Tulad ni Beth, isa rin ho ako sa natulungan ni Ma’am Lia. Naaksidente ho ako noong nakaraang limang taon. Isa ho akong delivery rider dati at nabangga ho ako ng isang kotse. Napuruhan ho ang binti ko. Tinakbuhan rin ho ako noong nakabangga sa akin. At sa lugar na kung saan nangyari ang insidente ay walang cctv kaya wala ho akong naging laban. Ang sabi ng doktor, hindi na raw ako makakalakad. Gumuho ang mundo ko. Paano na lang ang mga anak ko? Paano na ang pag-aaral nila kung hindi ako makakapagtrabaho? Kung magiging imba

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 88

    Umupo si Kira sa tabi ni Austin. Katatapos lang niyang mag-asikaso ng mga dumating na bisita. Karamihan sa mga iyon ay mga empleyado ng kumpanya ng mga Reed. Sumandal siya sa upuan at saka lumingon-lingon. Kumunot ang noo niya nang hindi niya makita ang ama ng best friend niya.“Austin, bakit wala pa yata rito si Tito Liam?”"Hindi ko rin nga alam eh. Hindi ko pa rin Kanina ko pa siyang tinatawagan, hindi naman siya sumasagot.” Muling kinuha ni Austin ang kaniyang cell phone. Idinayal niya ulit ang numero ni Liam pero hindi talaga ito sumasagot."Austin, hindi kaya may nangyaring masama kay tito?” hinuha ni Kira.Kinabahan si Austin sa sinabi ni Kira. Tumikhim siya bago magsalita, “Hindi naman siguro. Baka late lang. Let’s just hope that nothing happened…that Tito Liam is okay. Subukan ko na lang tawagan ulit.”“Subukan ko ring tumawag sa mansyon. Baka umuwi roon si tito para matulog kasi ilang gabi na rin siyang puyat eh. Kung nandoon man siya ay susubukan kong ipagising sa isa sa mg

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 87

    Nang maramdaman ni Lia ang paggalaw ng taong nakamasid sa kaniya ay napaatras siya. “S-Sino ka? A-Anong kailangan mo sa akin? B-Bakit ka naririto?" sunod-sunod na tanong niya.Lumalakad lang palapit kay Lia ang taong iyon. Hindi pa rin ito nagsasalita. Patuloy lang sa pag-atras si Lia hanggang sa mapasandal na siya sa pinto ng cubicle.“Sino ka? Bakit hindi mo sagutin ang mga tanong ko?" nahihintakutang tanong ni Lia. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Halos hindi na siya makahinga nang maramdaman niyang nasa harapan na niya ito.“We need to get out of here." Nang marinig ni Lia ang boses na iyon ay bigla na lamang siyang napaupo. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Pilit niyang ikinakalma ang kaniyang sarili.“We have no time."Napaiyak na lang si Lia sa sobrang takot. Nanlalambot ang kaniyang mga tuhod pero pinilit pa rin niyang tumayo. Inipon niya ang lahat ng natitira niyang lakas sa kaniyang dalawang kamao at saka siya naglakad palapit sa nagsalita. Pinaghahampas niya ang di

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 86

    “Did you see that? That's what a competent surgeon is all about," Leon said, smiling before he tapped the general surgeon’s shoulder.“Doctor Kang, mauna na po ako sa inyo. Wala pa po kasi akong tulog eh. Straight po kasi ang shift ko buhat kahapon," paalam ng anesthesiologist na si Ronnie.Pinandilatan ni Doctor Kang si Ronnie pero walang nagawa ang mga mata niya dahil lumabas na ito ng tuluyan habang naghihikab. May susunod pa siyang operasyon at kailangan niya ng tulong nito kaso ay uuwi na ito para matulog.“So, ikaw pala si Doctor Kang…”"O-Opo, chairman. Tawagin niyo lang po ako kapag may ipag-uutos po kayo,” nakayukong sambit ni Doctor Kang."I will assign you to monitor that patient’s condition. The identity of that patient should not be disclosed to anyone. Wala ring dapat makaalam tungkol sa babaeng surgeon na nag-opera kanina. Kapag may nakaalam na iba, ikaw ang babalikan ko. Siguraduhin mo ring aalagaan mo ng maayos ang pasyente dahil kapag may nangyaring hindi maganda rit

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 85

    Dire-diretso si Lia sa pagpasok sa operating room. Agad niyang tiningnan sa echocardiogram ang lagay ng puso ng kaniyang papa. ‘Confirm. Cardiac tamponade nga. Paano nagkaroon nito si papa? He's healthy and he's not even involved in an accident to have a trauma. He has no penetrating chest trauma or blunt chest trauma.’“Chairman, sino po ang babaeng ‘yon? Alam niyo bang bawal mag opera ang isang doktor kung hindi siya resident at kung hindi siya ina-allowed ng hospital na mag opera? Maaari po siyang mawalan ng lisensya!"“I am the new Chairman and I am giving my permission for her to conduct the operation. Higit sa lahat, mas mahalaga pa rin ang buhay ng pasyente." Tiningnan ni Leon ang general surgeon. “What I can't allow is to watch someone as incompetent as you to operate the patient. You can't even tell what's going on. Hahayaan na lang ba nating mamatay ang pasyente?" Tumaas ang kilay niya.Hindi nakasagot ang general surgeon. Wala siyang laban sa Chairman. Wala siyang nagawa ku

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status