“Lia… alam kong ikaw ‘yan. Maiintindihan naman kita, eh. Kaya sana sabihin mo na sa akin ang totoo at tigilan mo na ang kagaguhang ito. Tutulungan naman kita, eh! Kaya sana umamin ka na! Ikaw si Lia Reed, hindi si Ria Collins!” mahina ngunit mariing wika ni Austin. Pilit pa rin niyang tinatatak sa isipan ng babaeng kaharap niya ang totoong pagkatao nito. “Ikaw ang best friend ko, Lia. Nasasaktan ako sa ginawa mong pagpapanggap. Alam mo bang halos bumagsak na ang katawan ni Tito Liam? Tutulong naman ako, Lia! Sabihin mo lang kung ano ang problema mo. Maawa ka sa amin. Napakasakit para sa amin ang biglaang pagkawala mo.” Biglang nabasag ang boses niya.“Stop! I told you to stop because I am not, Lia!” nanghihinang wika ni Lia. Halos maubos na ang lakas niya sa pagpupumiglas makawala lang sa pagkakahawak ni Austin sa kaniya. Napapikit siya at napadasal. “Sana dumating si Leon… Sana mailigtas niya ako at mailayo sa kamay ni Austin. Kagaya nang parati niyang ginagawa. Hindi p’wedeng mabuk
Patungo na sana sa mansyon ni Donya Rehina ang mag-asawa pero dahil sa nangyari ay kinailangan nilang umuwi. Nagdumi kasi ang damit ni Leon dahil sa naging away nila ni Austin kanina. Higit sa lahat, sugatan at puto gasgas din ang mukha at katawan nito. Paano pa sila aattend ng party kung gano’n ang hitsura ng bagong upong chairman.Hindi maiwasang magsungit ni Lia sa tuwing maaalala niya ang nangyaring kaguluhan sa restaurant kanina.**Flasback**“Lia!” anas ni Austin! Bigla na lang siyang naglakad papalapit kay Lia, dahilan upang mapaatras ito. Sa bawat hakbang niya papalapit dito ay siya namang paghakbang nito paurong, palayo sa kaniya. Nang tumama ang likod ni Lia sa pader ay biglang nanlamig ang buong katawan niya dahil sa kaba. Hindi niya inaasahang magtatagpo sila ni Austin sa pagkakataong iyon.Sinubukang hawakan ni Austin ang mukha ni Lia ngunit mabilis na tinapik ni Lia ang kamay nito. “What do you think you’re doing, sir?” kunot-noong wika niya.“Sir?” naguguluhang wika ni
Habang nagmamaneho pauwi si Leon ay napansin niyang tahimik lang ang asawa niyang si Lia. Kumunot ang noo niya nang makitang tila yata malalim ang iniisip nito. ‘What is she thinking? Iniisip ba niya ang nangyari kanina? Nag-alala ba siya sa lalaking ‘yon?’ that thought is driving him mad. Hindi niya alam bakit pero hindi niya gustong may ibang lalaking iniisip ang asawa niya. Tumikhim siya at pasimpleng nagtanong, “are you okay, wifey?” Tumingin si Lia sa kaniya, her eyes are glittering with sadness and pain. “No. I’m not okay. Paano ako magiging okay, Leon? Masakit para sa akin makitang nagdudusa at nagluluksa ang mga taong malapit sa buhay ko. Masakit makita sa mga mata nila na nangungulila sila sa ‘kin.” Agad nanubig ang mga mata ni Lia. “Nasasaktan akong nahihirapan si papa, si Kira at… si Austin.” Hindi niya maipaliwanang kung bakit gano’n na lamang kabigat ang pakiramdam niya ngayon. Siguro ay marahil sa nangyaring komosyon kanina, noong pinipilit siyang umamin ni Austin
Ilang saglit pa ay nagpasya na si Lia na umalis at bumalik sa sasakyan. Kung saan naabutan niya si Leon na naghihintay sa kaniya sa loob. Nang binuksan niya ang pinto ng kotse ay nagtama ang mata nilang dalawa at napangiti si Lia. Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi. Napangiti si Leon nang makitang maaliwalas ang ekspresyon ni Lia at halatang nasa maayos na mood ito. “So…” sambit ni Leon at tiningnan si Lia na pasakay na sa passengear seat. Nang maayos na naikabit ni Lia ang seatbelt ay lumingon siya kay Leon at matamis na nginitian ang asawa niya. “You should’ve seen it yourself, Leon," napapantastikuhang wika ni Lia nang alalahanin ang ekspresyon nina Owen at Kiana sa nangyari. Ngumiti si Leon. “Mukhang maganda nga ang nangyari at hindi mo maalis ang ngiti sa labi mo, ah.” Napahagikgik si Lia. Giliw na giliw naman si Leon sa ekspresyon ng asawa. Nang kumalma si Lia ay muli siyang bumaling kay Leon. “Hah!” bumuga pa siya ng hangin bago mag-umpisang magkwento. “Alam mo ba
Nanigas pareho sina Kiana at Owen. Pareho silang kabado at hindi alam kung ano ang sasabihin dahil gulat na gulat sila sa pagsulpot ng matanda. “Kayo nga iyon! Nakita ko kayong naghuhukay sa gitna ng gubat at matapos noon ay may nilagay kayo roon,” nanginginig pang wika ng matanda. “What are you talking about, old man? Sementeryo ito. Hindi ka dapat dito namamalimos,” maarteng wika ni Kiana. “Manong umalis na ho kayo rito. Bawal po ang mamalimos dito sa sementeryo. Kakalibing lang ng ex-fiancee ko at sana respetuhin niyo iyon,” magalang na paalala ni Owen. Umiling ang matanda. “Hindi ako namamalimos!” Wala namang pakialam si Kira, dahil abala siya sa paglingkis kay Austin. Si Austin naman ay pinagmamasdan ang bawat kilos ni Liam. Natatakot itong baka bumigay ang katawan ng matandang lalaki dahil sa stress at pagod. Alam din ni Austin kung gaano kahalaga kay Lia ang kalusugan ng ama nito. Nais niyang iparamdam kay Liam na kahit wala na ang anak nito ay may mag-aalaga pa rin di
Matapos ang misa ay nagtungo na sila sa sementeryo. Maraming tao ang maghahatid sa pekeng “Lia” sa huling hantungan, ang mga taong natulungan ni Lia, mga trabahante mula sa Reed Company at ang mga kasamahan nito sa hospital ay naroon rin. Habang inaantay ng lahat na matapos ang huling pabasa ng pari para kay Lia ay nag-iiyakan na ang lahat dahil unit-unti nang inayos ang kabaong nito para mailagay sa hukay. Nakaupo sa pinakaharap sina Owen, Kiana, Kira, Austin at Liam. Silang lima ang nasa unahan. Sina Kiana at Owen ay patuloy pa rin sa pagpapakitang gilas. Patuloy pa rin ang dalawa sa pag-iyak. Tila ba hindi sila nauubusan ng luha. Tumayo ang lahat nang matapos ang pari sa pagsasalita. At dahan-dahan nang inilagay sa hukay ang kabaong ni Lia. Mas lalong lumakas ang iyak ng lahat. Kasabay noon ang malungkot na musika na mas nagpabigat pa sa damdamin ng mga naroroon. “Lia! Paalam kapatid ko. Mahal na mahal kita,” atungal ni Kiana, halos maglupasay na siya nang magtapon ng bula