Share

Chapter 4: The Agreement

Penulis: Miss Thinz
last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-17 19:35:18

Farah’s POV

            “You want to negotiate with me?” tanong ni Lance habang nakangisi. Hindi ko na tinapos na basahin ang nilalaman ng kontrata dahil kinikilabutan ako sa mga nilalaman niyon. Halos magkabuhol-buhol ang paghinga ko sa kaba habang binabasa iyon. Ngayon ay naiiyak na naman ako dahil hindi ako makapaniwalang mapapasok ako sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ako puwedeng tumanggi dahil ayokong mangyari sa akin ang sinapit noong sa babaeng pinatay ni Lance kanina. Pero paano kung magsawa na siya sa akin at wala na akong pakinabang sa kaniya? Paano kung…? Napapikit ako sa tinutungo ng isipan ko dahil siguradong malagim ang kasasapitan ko kung sakali.

            “Y-yes. I want to negotiate,” lakas-loob kong sambit. Kailangan kong maging matatag dahil hindi madali ang papasukin kong sitwasyon. Nanayo ang lahat ng mga balahibo sa katawan ko sa uri ng tinging ipinupukol niya sa akin.

            “What is it, baby?”

            Titig na titig ito sa akin kaya lalo akong naasiwa. Napalunok ako bago muling nagsalita.

            “Puwede mo bang idagdag diyan na kapag nagsawa ka na sa akin ay pakakawalan mo na ako at hindi na guguluhin kahit kailan?” garalgal ang boses na pakiusap ko. Hindi ako sigurado kung papayag siya sa hiling ko pero kailangan ko pa ring subukan. Marahan itong tumawa kaya natakot na naman ako.

            “Fine! Any more you want to add?” he stated and asked. Hindi ko maiwasang makahinga ng maluwag sa pagpayag niya. At least, my safety pin pa rin ako kung sakali.

            “No more. I just want to ensure my safety and my family’s,” mabilis na sagot ko.

            “Just remember that there will be punishment for every rule you break,” saad nito. Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago tumango. Iisipin ko na lang na ito lang ang tanging paraan at pasalamat na lang akong hindi niya ako pinatay.

            Pagkatapos niyang iayos ang kontrata ay iprinenta na niya ito sa tatlong kopya at saka kami nagpirmahan. Naginginig ang kamay ko habang pumipirma dahil hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng pinasok kong ito. Bahala na. Ang mahalaga ay ligtas ako at walang masamang mangyayari sa kahit na sinong miyembro ng pamilya ko.

            “P-puwede na ba akong umuwi? Saka anong oras na ba?” tanong ko sa kaniya.

            “You’re going to sleep here, and you should call your mom now to inform her that,” dominanteng utos nito.

            “D-dito ako matutulog? P-pero–”

            “Do as I say because I don’t want any more arguments. I am tired and hungry already,” he demanded authoritatively. Wala akong nagawa kung hindi tawagan ang mommy ko at sabihing bukas na ako uuwi. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa ng kung ano-ano. Maganda rin na lumaki kang mabuting anak dahil malaki ang tiwala sa iyo ng mga magulang mo na hindi ka gagawa ng kalokohan. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang kalagayan ko ngayon? Napabuntong hininga na lang ako at biglang napahawak sa tiyan ko nang tumunog ito. Hindi pa nga pala ako kumakain.

            Bahagya pa akong nagulat nang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang isang may edad na babae. Naka-uniform ito ng pangkatulong at tumingin sa akin.

            “Ipinatatawag po kayo ni sir. Kakain na raw po,” magalang na sabi nito.

            “Ho? Ay, sige po!” medyo nauutal na sagot ko. Tumango lang ito at saka tumalikod upang umalis. Nasa taas pala kami. Hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng bahay na ito. Isa itong literal na mansyon! Napakalawak at napakalaki rin ng hagdanan na ang dulo ay natatapatan ng higanteng chandelier. Carpeted ang hagdan na kulay Maroon habang ang kabuuan ng marangyang sala ay puti at beige ang kulay. Lumingon pa sa akin ang katulong dahil siguro napahinto ako sa gitna ng hagdan. Kinabahan tuloy ako kaya binilisan ko ang pagbaba. Mula sa hagdan ay lumiko kami pakanan hanggang marating namin ang glass na pintuan. At pagbukas niyon ay bumungad sa akin ang maluwang na dining area. Ang haba ng lamesa! Parang bente o higit pang tao yata ang kaya nitong makarga. Nasa dulo noon si Lance na nakatingin sa akin na seryoso ang mukha. Sinenyasan niya akong maupo sa kanang bahagi niya. Tahimik lang akong sumunod.

            “Y-your house is nice,” hindi ko napigilang papuri. Tipid siyang ngumiti sa akin.

            “This is the biggest among my ten mansions. I’m glad you like it,” he said. Grabe mayroon siyang sampung mansyon? Gano’n siya kayaman? Kaya siguro puwede niyang gawin ang lahat ng gusto niya dahil marami siyang pera. At kasama na nga roon ay ang pumatay ng tao. Nanghilakbot na naman ako sa isiping iyon kaya bahagyang nanginig ang mga labi ko.

            “Kumain na tayo. Then, I will take you to your room. You can redecorate it soon if you want,” kasuwal na sabi nito. Tumango lang ako at nagsimula nang sumandok ng pagkain. Dahan-dahan lang ang bawat kilos ko dahil natatakot akong magkamali. Baka kasi magalit siya at kung ano pang gawin niya sa akin kapag. Kaya nga naiyang pumatay, manakit pa kaya.

            “Tell me more about yourself,” sabi nito. Napapitlag pa ako dahil nakasentro lang ang isip ko sa pagkain.

            “Ahm… pangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo,” kiming sagot ko. nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko sa kaniya.

            “And then?” he asked, while chewing his food.

            “A-ano pang gusto ninyong malaman, sir?” alanganing tanong ko.

            “Call me Lance. Do you have a boyfriend?” diretsahang tanong niya. Kinabahan na naman ako dahil ang seryoso ng mukha niya sa tanong na iyon. Umiling ako.

            “Wala na ngayon. Naghiwalay na kami two months ago,” tugon ko. tumango-tango lang ito.

            “Based on my research, you have two parttime jobs right now. Is that correct?” patuloy niyang tanong. Dumagundong ang dibdib ko. Pinaimbestigahan na pala niya ako. Mabuti na lang hindi ako marunong magsinungaling, kung hindi baka nalintikan na ako.

            “Yup! Kailangan ko kasing tulungan ang mommy ko sa mga gastusin sa bahay at sa pag-aaral ko,” sabi ko. Patagilid ko siyang tiningnan para makita ang reaksyon niya. Maliban sa naka-kunot ang noo niya ay blangko ng kahit anong emosyon ang mga mata niya.

“Beginning tomorrow, quit your jobs and let me handle all the finances that you need,” he declared. Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Siya na ang bahala sa lahat ng gastos ko? Ano ako sa tingin niya p****k?

            “What? But–”

            “No buts! You will only be serving me and nothing else,” he said with finality. Sa tono ng boses niya ay wala ng makapagpapago ng desisyon niya.

            Bigla akong nanliit dahil doon. Mula ngayon ay isa na akong babaeng bayaran. Gagamitin niya ang katawan ko at pagkatapos ay bibigyan niya ako ng pera. Gusto ko na namang maiyak dahil bigla akong naawa sa sarili ko. Bakit parang biglang ang lupit ng kapalaran sa akin? May nagawa ba akong masama dati? May naagrabyado ba akong tao noon?

            Kahit nagbabadya na ang pagpatak ng mga luha ko ay pinigilan ko ang sariling umiyak. Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya dahil lalo lang niyang mamaliitin ang pagkatao ko. Ang kailangan ko ngayon ay lalong magpakatatag at huwag ang umiyak at maging mahina.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Thelma Sagiro
ay iba rin hahaha
goodnovel comment avatar
Antonette Lavino
nakakakilig grabe hahahhaa
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
huwag kang matakot kay lance farah dahil hindi ka nya sassktan kunwari lang ang pinapakita nyang galit sayo ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Desired by the Billionaire Heir   FINAL CHAPTER

    Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 58

    “Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 57

    The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 56 In His Arms

    “Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 54 Confronting the Truth

    “Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa

  • Desired by the Billionaire Heir   Chapter 53 Darwin’s Evil Deeds Revealed

    “Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status