Share

Chapter 25.2

Tulad ng sinabi ni LJ ay sa kanya ako sasabay ngayon pauwi. Kaya naman nang matapos makapagpaalam ng guro namin ay tinignan ko siya. Kita kong nagtipa siya sa phone niya at ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin sa akin kasabay ng pag-ilaw ng phone ko dahil may natanggap na mensahe.

LJ: I'll wait for you in the Parking Lot.

Scarlet: Ok!

"Guys, mamaya, ah? Sa Haven's tayo!" paalala ni Rave sa mga kaklase namin. Bar ang lugar na tinutukoy niya.

"Sure! See you! Especially you, birthday girl!"

Napangiti ako at tumango sa mga kaklase lalo na nang batiin ulit nila ako tungkol sa kaarawan ko.

Kinuha ko ang bag ko at binitbit ito sa braso. "Rave, thank you talaga!"

"No problem! Si Danna ang nagsabi sa akin. Bale siya ang nagplano."

Malungkot akong napangiti. Si Danna at ang mga kaibigan ko... miss ko na sila!

"'Wag kang mali-late, ha? Party mo 'yon!"

Humalakhak ako sa paalala niya at tiniis ang kirot sa gilid ng labi ko. Ayaw kong mag-alala sila kaya kinapalan ko nalang ang lips
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status