Share

24 - What he forgot?

Gusto kong tumulong kay Manang Rita pero mukhang walang balak ang matanda na utusan ako. Hindi naman ako makagalaw dahil hindi ko naman alam kung ano ang pwede kong gawin na papayagan niya ako.

"Pinapatawag ka ni Sir," ani ni Joana na kapapasok lang ng kusina. Matapang pa rin ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

Ano naman kaya ang problema ng isang ito. Tila may galit na agad sa akin wala pa naman akong ginagawa sa kan'ya.

"Bakit raw kaya?" tanong ko.

Nandito na kasi kanina si Alejandro, wala naman itong nabanggit.

"Pumunta ka na lang sa office niya. Ang dami mo pang tanong," yamot na sagot nito.

"Joana," singit ni Manang Rita habang may pagbabanta ang tinging ibinibigay sa huli. "Kadarating pa lang ni Katarina ngayong araw. Maging mabait ka sa kanya."

Hindi naman umimik si Joana pero nakita ko itong umismid muna sa akin bago lumabas ng kusina kaya lihim akong napairap. Kung ano man ang problema niya sa akin wala akong alam at dahil wala naman akong ginagawang masama kaya w
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jae Y
Thanks Author ... More update please ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status