Paglabas ko ng banyo ay wala na si Steve. Hirap pa akong maglakad dahil medyo masakit pa ang maselang bahagi ko. Tapos tumakbo pa ako kanina papunta sa banyo, kaya para akong napunit!
“Excited naman s'ya masiyadong makipagusap sa parents ko. Iniwan ba naman ako rito! Ang hirap kayang maglakad. Buwisit!” reklamo ko habang maingat na naglalakad palabas ng kuwarto. Panay ang ngiwi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kahit pagbaba ng hagdan ay nahihirapan ako. Bakit ganito?! Kangkang na ako, p*nyeta! Naabutan ko ang parents ko sa sala nina Rose, at seryoso ang mga mukha. Nandoon na rin si Steve na nakaupo sa tapat nina Daddy habang hinihilot ang kaniyang sintido. Hang-over siguro. Pinilit kong umayos nang lakad nang tumingin na sa gawi ko sina Daddy. Umupo ako malapit kina Daddy at Mommy. Narito rin si Rose. Nasa trabaho siguro ang parents n'ya kaya wala rito. Mabuti naman kung ganoon dahil mas nakakahiya. “Are you my daughter's boyfriend?” my Dad asked Steve. Walang emosyon namang tumingin si Steve sa amin. “No,” malamig nitong sagot na nagpakunot sa kilay ni Daddy. Tiningnan ako nito nang nagtataka. “He's not your boyfriend?” Naniningkit na ang mga mata ni Daddy na ibig sabihin ay nagsisimula nang magalit. “N-no, Dad,” kinakabahan kong sagot sabay yuko sa mga kamay ko na nasa kandungan. Napahilot ito sa kaniyang batok, inalis ang kaniyang salamin at napahawak sa kaniyang ilong. Ang mga ganitong galawan ni Daddy ay nagpapahayag nang pagkairita. Bumuntonghininga pa ito."Well, even if you're not her boyfriend, you need to marry her."Agad akong napatingin kay Daddy matapos n'ya itong sabihin."What?" Magkasalubong na ang kilay ni Steve. "Why would I?""Anong klaseng tanong 'yan, hijo? Kinama mo ang anak ko na hindi mo naman pala girlfriend in the first place. And now, you're asking me why? Seriously?""That was just a one-night stand, Sir. It's normal-""For you, but not for us. As her parents, I want you to marry her because of that one-night stand," maawtoridad na utos ni Daddy sa kaniya.Tiningnan ako nang masama ni Steve. Mga tingin na naninisi na naman."Dad, we can talk about this without me marrying him.""Are you insane? Do we have to wait until you confirmed that you're pregnant?""But, Dad, I'm not pregnant-""Hindi pa, Czes... Hihintayin pa ba natin na magbuntis ka muna bago nito panagutan ang ginawa n'ya?""But I have a girlfriend. I can't marry your daughter..." Steve said."Marry her o idedemanda kita sa ginawa mo sa anak ko?""Dad...""What? Why? Ginusto n'ya rin ang nangyari, Sir. Bakit may demandahan?""She's drunk," sagot ni Daddy."I'm drunk, too...""And I don't care! Just marry her or see you in the court, boy. End of discussion."Tumayo na si Daddy kaya tumayo na rin si Mommy."Mommy..." tawag ko kay Mommy na nakikiusap."You know your Daddy's word, Czes. You made a mistake, and face the consequences.""Let's go, Czes."Nauna na silang lumabas ng bahay nina Rose na nananahimik lamang."I won't marry you!" matigas na sabi ni Steve sa akin bago ako nilampasan palabas."I'm sorry, B, hindi ko alam na-""It's okay, Rose." Ngumiti lamang ako rito bago s'ya tinalikuran. Nagpasalamat muna ako rito bago tuluyang sumunod kina Mommy.Sobrang tahimik ang naging biyahe namin pauwi sa bahay. Pero sa loob-loob ko ay sobra na akong kinakabahan. Alam kong may kasunod pa na sermon pagdating sa bahay.Kaya naman nang makarating kami ay isang napakalalim na buntonghininga ang aking ginawa bago lumabas ng sasakyan."Let's talk," seryosong sabi ni Daddy habang napasok kami sa aming bahay, kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila ni Mommy.Pumasok ito sa kaniyang office rito sa bahay at naupo sa kaniyang swivel chair. Kami ni Mommy ay naupo sa dalawang upuan na nasa harap ng kaniyang table. Hindi ako tinitingnan ni Mommy sa mata mula nang dumating kami. Alam ko naman na masama ang loob nila dahil sa nangyari."What now, Czes?" umpisang tanong ni Daddy. Nakatingin lamang ako sa aking mga kamay. "Kagagraduate mo lang ng college, 'di ba? Tapos, ano? Imbes na nagtatrabaho ka sa company natin, heto at kailangan mong magpakasal.""Dad, puwede naman po na huwag nang magpakasal-""Nag-iisip ka ba?!" galit na tanong ni Daddy na ikinatahimik ko. "Kabobohan na nga ang ginawa mong 'yon kagabi sa hindi mo naman pala boyfriend, tapos gusto mo hayaan na lamang namin na takbuhan ng loko na 'yon ang responsibilidad n'ya?!" Galit na galit si Daddy, samantalang hindi naman nagsasalita si Mommy."Pero, Dad, wala naman s'yang responsibilidad sa akin. Pareho po naming hindi sinasadya 'yon.""Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ka ba talaga nag-iisip? Nasaan na ba ang utak mo, ha, Czes?!"Sa tuwing may nagagawa akong hindi gusto ni Daddy, lagi akong nakaririnig ng masasakit na salita mula sa kaniya. Gusto n'ya laging tama, gusto niya perfect. Dahil nag-iisa akong anak, pasan ko lahat ng pressure mula sa mga magulang ko."I'm sorry..." mahinang tugon ko."Kung bigla kang mabuntis, akala mo ba makakatulong ka pa sa company natin? At kung mabuntis ka at hinayaan natin na iwan ka ng lalaki na 'yon, isang malaking kahihiyan ang ginawa mo! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Ha?!"Narinig ko na naman ang mga salitang 'yon, kung ano ang masasabi ng ibang tao.Palagi na lang nilang iniisip ang masasabi ng iba, pero hindi nila naisip tanongin kung okay ba sa akin. Minsan, hinihiling ko na sana, nagkaroon ako ng kapatid."Pero, may girlfriend po s'ya. Ayoko pong makasira ng relasyon-""Sana naisip mo 'yan bago ka nakipag-sex sa hindi mo kilala! Matagal mo na bang ginagawa 'yan, ha, Czes? Ang makipag-sex sa hindi mo kilala?!""No, Dad, hindi po..." mabilis kong sagot."Siguraduhin mo lang, Czes, dahil nakakahiyang magkaroon ng anak na p****k!""Calvin!" saway ni Mommy kay Daddy.Parang sinaksak ako nang paulit-ulit dahil sa narinig. Dahil sa isang pagkakamali, lalong bumaba ang tingin sa akin ni Daddy. Hindi na nga s'ya proud sa akin, nagkaroon pa s'ya lalo ng dahilan para ikahiya ako.Palagi kong pinipilit ang sarili ko na makibagay sa mundo na gusto ni Daddy.Mahirap…napakahirap...I need to pretend to be perfect just to flatter him. I need to be someone for me to meet his expectations. But, deep down in me, I'm really tired-emotionally and mentally."Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo ang lalaking 'yon. Wala akong pakialam kung may girlfriend s'ya. Huwag n'yong idahilan sa akin na aksidente lang 'yon. Parehas n'yo iyong ginusto! Gasgas na ang dahilan na aksidente lang. Kung okay sa inyong mga kabataan ang one-night stand; kung normal lang 'yon sa inyo; iba sa mga magulang mo! Hindi magandang tingnan na maraming lalaki ang nagpapakasasa sa katawan mo! Dahil nakakarumi iyon ng pagkatao! Hindi 'yon dapat ipinagmamalaki!"Natigilan naman ako sa narinig.Alam ko naman ang ipinupunto ni Daddy.Pero bakit hindi s'ya naniniwala na first ko si Steve? Bakit parang ang rumi-rumi na ng tingin nila sa akin?Tumingin ako kay Mommy. Nakita ko itong nakatitig nang malungkot sa akin. Bigla na lamang nanubig ang aking mga mata dahil sa tingin n'ya."I'm sorry, Mom... I'm sorry..." sabi ko at nag-unahan na sa pagbagsak ang aking mga luha.Umiling-iling si Mommy. "You disappointed us. Why, Czes? Why? Nagkulang ba ako bilang ina?"Nanlaki ang aking mga mata sa tanong ni Mommy, lalo na nang makita ko ang luhaan nitong mga mata."No, Mommy... No..." Mabilis akong lumapit kay mommy at lumuhod. S'ya lang ang kakampi ko noon pa man. Ang makita s'yang ganito ka-disapointed ng dahil sa akin ay sobrang sakit. Ang makitang umiyak ang iyong ina ay sobrang sakit!"Then, why? This is not my dream for you. You promised me, you'll reach that dream for us.""I'm sorry, Mommy... I'm really sorry... Please don't cry, Mom..." umiiyak kong sabi habang nakatingala kay Mommy. Nakaluhod pa rin ako sa paanan niya habang nakaupo pa rin si Mommy."Ikaw na lang ang mayroon kami, ikaw na lang ang pag-asa namin. Pero heto ka ngayon, kailangan magpakasal nang maaga.""Mom, puwede naman po na hindi magpakasal. Puwede pa naman pong ituloy ang pangarap natin. Mommy, please...""At gusto mong maging disgrasiyada? No! ginusto mo 'to, kaya panindigan mo."After that, they left me.I cried out loud. This is painful.Seeing your mom like this is really painful. Because of my wrong actions, they are treating me like a stranger.I deserve their cold treatment towards me.But, my mom doesn't deserve to have a daughter like me. Hindi n'ya deserve ang magkaroon ng anak na kagaya ko. She's been always there everytime na pinipilit kong maging ibang tao para kay Daddy. Nand'yan s'ya para pagaanin ang loob ko. Pero sama ng loob ang isinukli ko."I'm sorry... I'm really sorry, Mom... I'm sorry...sorry..." bulong ko habang umiiyak nang nakaupo sa malamig na sahig at mag-isa.Alam kong wala nang magagawa ang mga iyak ko, ang mga paghingi ko ng tawad. Pero gusto ko pa ring malaman nila na pinagsisisihan ko ang nangyari. Dahil naging dahilan ito para lumayo ang loob sa akin ni Mommy. Naging dahilan ng mas lalong pagkawala nang amor sa akin ni Daddy.Simula nang maikasal ako, hindi na ako kinumusta pa ng mga parents ko. Kahit si mommy manlang sana, kahit text o tawag manlang sana. Pero wala . . .Napagdesisyunan ko na puntahan na lamang sila sa bahay dahil baka busy lamang ang mga ito. Itinaon ko talagang linggo para siguradong nasa bahay sila. Dahil 'yon ang araw na walang pasok ang mga office workers.Hindi ko na naman nakita si Steve paglabas ko. Malamang ay maaga itong umalis para sa panibagong babae dahil walang trabaho. Hindi naman 'yon natigil sa bahay kahit rest day. Sanay na ako . . .Nag-drive ako papunta sa subdivision namin sa San Lorenzo, katabi lang ng Village nina Amirah sa San Carlos. Pagkarating ko ay ang katulong ang sumalubong sa 'kin, si Manang Aira.“Hija, napadalaw ka? Ang tagal mo na hindi nabisita ah! Kumusta ka na?” Masayang bungad sa 'kin ni manang na s'yang lagi kong kasama sa bahay.Naglakad kami nang sabay patungo sa loob ng bahay.“Okay lang po, manang. Kayo po?”“Okay naman kami rito, hinahana
Ilang araw na akong pabalik-balik sa hospital para magpa-check kung buntis nga ako. And yes, I'm pregnant. I'm four weeks pregnant. Masayang-masaya ako sa nalaman, sa tuwa ko ay agad kong pinuntahan ang kaibigan sa Isla Haven. “A!!” masigla kong bati sa kaibigan pagkarating ko sa rest house nito.“B?” nagtataka nitong tawag sa 'kin. “Napadalaw ka?” agad itong lumapit sa 'kin at niyakap ako. Ganoon din naman ang ginawa ko sa kaniya.“I have a good news!” masayang-masaya kong balita rito na lalo niyang ipinagtaka.“Good news? Kailan ka pa nagkaroon ng good news sa buhay?” agad ko itong inirapan nang pabiro.“Bastos ka kausap! Pero, ngayon mayroon na. Hindi ka ba masaya?” “M-Masaya naman. Ano ba 'yon?”Hinila ko ito palapit sa kaniyang sala at pinaupo sa sofa bago huminga nang malalim. Ang aking mga ngiti ay hindi na mabura sa labi. Nawiwirduhan naman akong tinignan ng aking kaibigan.“A . . .” Tawag ko sa pangalan niya, naghihintay naman ito ng kasunod. “I'm pregnant!” Nakan
“Why are you here? May problema?” Amirah asked. Nandito kasi ako ngayon sa resort niya sa Isla Haven para bisitahin siya. Ilang araw pa bago ako pumunta at sinigurado na wala na akong galos o pasa.“Ikaw nga dapat kong tinatanong. Bakit ka nandito? Ilang araw ka na raw hindi umuuwi ah!” Bigla itong natahimik sa aking sinabi. Nakaupo kaming dalawa sa buhanginan sa ilalim ng puno malapit sa dagat.“They want me to marry someone,” saad nito. “Sinabi na sa 'yo?”“No, I just accidentally heard them. They're talking about the family of the guy who they want me to marry with.” Tumingin ito sa 'kin na may malulungkot na mata. “Now, I really understand your situation. Like you, I'm started to hates my parents.” She said with sad voice.“A . . .” Tawag ko sa pangalan nito bago ko ito niyakap. “H'wag kang pumayag, please . . .”Ayokong maranasan niya ang mga nararanasan ko ngayon. Maaaring hindi sila pareho nang lalaki, pero hindi pa rin niya ito kilala. Hindi niya alam ang puwedeng m
Ilang araw na akong hindi kinokontak ng kaibigan ko na si Amirah. Hindi ako sanay nang ganito kaya napagpasyahan ko na puntahan siya sa bahay nila sa San Carlos. Pero bigo ako dahil ilang araw na raw ito hindi umuuwi sabi ng kaniyang mommy. Umuwi muna ako dahil hapon na rin naman. Napagpasyahan ko na Bukas na lamang siya pupuntahan sa kaniyang resort at baka nandoon lang ito. May problema siguro ang isang iyon.Pagkarating ko sa bahay ay nagluto lamang ako ng gabihan kahit hindi naman ako sigurado kung dito kakain si Steve. Maghapon ito laging wala dahil sa trabaho sa company nila, tapos uuwi siya rito ay gabi na at lasing pa.Kumain ako ng mag-isa pagpatak ng gabi dahil mukhang wala na namang plano na rito kumain si Steve. Habang nagliligpit ako ng aking kinainan ay bigla namang may kumatok sa pinto. Katok na para bang gusto nang sirain ito.Siguradong si Steve na 'to . . .Agad akong tumungo sa pinto para pagbuksan ang lalaki. Lasing na lasing na ito na siyang bumungad sa '
Masakit na katawan ang nararamdaman ko bago ko dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa 'kin ang amoy ng hospital at ang maliwanag nitong ilaw. Sa pagdilat ng aking mga mata ay agad na may lumapit sa 'kin.“Hey! May masakit ba?” Nag-aalalang ang tinig nito.Dahan-dahan ko itong tinignan upang malaman kung sino. Nagbabakasakali na si Steve ang aking unang makikita. Pero . . .“A-Asher . . .” tawag ko sa lalaking kasama ko ngayon sa kuwarto.“May masakit ba sa 'yo? Gusto mo ba tawagan ko ang doctor? Wait lang—”“H'wag na . . .” putol ko sa kaniyang sinasabi dahil mukha itong natataranta. “Okay na ako, medyo masakit lang ang katawan ko.” Nanghihina kong saad sa kausap. Tinitigan ako nito ng ilang segundo, ito na naman ang hindi ko mabasang ekspresyon ng kaniyang mukha.“Gusto mo bang itawag ko 'to sa parents mo? O sa kaibigan mo?”“No! H'wag . . .” mabilis kong sagot.“Why?”“Ayoko silang maabala, ayoko silang mag-alala . . .” kahit na kaibigan ko lang ata ang tot
Tumagal lang kami ng ilang oras sa bahay ng parents ni Steve bago nagpaalam sa mga ito na uuwi na.Ang pag-uusap naman namin ni Asher ay hindi na rin naman tumagal, dahil biglang lumapit sa amin si Steve. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero para silang may alitan na magkapatid dahil sa tinginan nilang dalawa. Hindi ko na lamang pinansin pa.“Bisitahin n'yo naman kami ng madalas dito sa bahay,” wika ng mommy ni Steve. Hindi ko alam kung kailan pa ba kami naging close para maging ganito siya. Samantalang alam naman naming lahat na kasal lang sa pilit ang nangyari sa 'min ng kaniyang anak.Umaasa pa rin talaga sila . . .“Kapag hindi na busy, mommy,” nakangiting sagot naman ni Steve.“O sige. Mag-iingat kayo.”“Salamat po, happy birthday po ulit.” Sabi ko naman.“Salamat, hija. Hindi na nagpunta ang mommy at daddy mo. Busy raw kasi sila.” Hindi naman na bagong balita 'yon. Lagi naman talaga silang busy.Ngumiti na lamang ako.“Sige na, mom. Pakisabi na lang kay daddy na umuwi na kami.”
“Be ready, we're leaving in an hour.” Sabi ni Steve bago ito umakyat sa kaniyang kuwarto.'Yon lamang ang sinabi nito pagkapasok at hindi manlang ako tinignan. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Pero may hint na ako na tungkol ito sa family gathering kaya naghanda na rin ako.Nag-bodycon dress ako na dark blue at stilettos na black. Pinatungan ko lamang ito ng black coat. Itinaas ko ang aking buhok na naka-pony. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang aking sling bag.Paglabas ko ay saktong labas lang din naman ni Steve. Saglit lamang itong napatingin sa akin bago ako nilampasan at naunang bumaba ng hagdan. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kaniya.Nagdire-diretso ito sa kaniyang sasakyan kaya sumunod ulit ako at naupo sa passenger seat. Pagkasakay ko ay agad niya itong pinaandar kahit hindi ko pa naikakabit ang aking seatbelt.“Saan tayo pupunta?” tanong ko rito habang nagkakabit ng seatbelt.“My mom's birthday.” Maikling sagot nito.Tss. Hindi manlang si
Pinalampas ko ang nangyari nang araw na 'yon. Nanahamik ako, wala s'yang narinig mula sa 'kin. Wala rin naman itong binanggit na kahit ano nang araw din na 'yon.Balik kami sa normal na parang walang nangyari. Ibig kong sabihin sa normal namin ay . . . nagpapakaasawa ako sa kaniya, at hindi naman ako nage-exist para sa kanya. 'Yon ang normal para sa pamumuhay namin bilang mag-asawa. Nagkakasabay kami kumain kung minsan, pero para lang kaming magkaibang tao na nagkasabay sa isang resto. Walang nagsasalita, kahit kumusta ay wala. Still okay for me . . .Akala ko okay na, hindi na s'ya umuuwi ng lasing dahil dito na s'ya nag-iinom sa bahay. Not until, one night he came with a girl . . .Natigilan ako nang pagbuksan ko ng pinto si Steve at makitang may kasama ito. Hindi lang basta kasama dahil pagbukas ko ng aming pinto ay naghahalikan pa ang mga 'to. Titig na titig ako sa kanilang dalawa na halos kainin na ang isat’t-isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal ang tingin sa kanila g
Ang balak kong gigising ng maaga para hindi maabutan ni Steve ang nangyari ay hindi ko nagawa. Dahil nagising ako na wala na sa tabi ko ang binata. Hindi ko tuloy alam kung ano ang naging reaction niya nang malamang ako ang kasiping niya kagabi. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama, binalot ang sarili sa comforter ni Steve. Napapikit ako sa isiping baka nandidiri na sa' kin ngayon si Steve dahil hindi si Nicole ang nakatabi niya.Napamulat ako dahil sa pagbukas ng pinto sa banyo. Doon, lumabas ang hinahanap ko. Nakatabing lamang ito ng towel sa pambaba at walang saplot pang itaas. Itinaas ko naman lalo ang comforter habang napapalunok sa kaba.Walang emosyon ako nitong tinignan habang nagtutuyo ito ng kaniyang buhok.“Ano pang ginagawa mo r'yan? Bakit hindi ka pa magbihis at bumalik sa kuwarto mo?” Malamig nitong tanong bago pumasok sa loob ng kaniyang walk-in-closet.Nanlulumo naman akong nagbihis habang nasa loob pa s'ya. Pagkatapos ko magbihis ay lumingon pa ako sa pina