Share

Destiny 6

"Good to see you here Celestine". mapaklang salubong na bati ni Monica sa dalaga na hindi n'ya agad napansin kanina. Napako kasi ang tingin n'ya sa pinakakisig na lalaking umagaw sa atensyon n'ya. Napaka- masculine tingnan kasi ng boss n'ya sa suot nitong suit na medyo naka bukas ang dalawang butones sa itaas habang may hawak ito ng isang baso ng wine. Kahit dim ang paligid ay agad mo itong mapapansin. Ganun ka lakas ang appeal ng amo n'ya.

"Good to see you too Monica. " pormal na sagot naman ng dalaga sa kanyang step sister.

"I'm glad at nakapasok ka sa kompanya nila Hade". Na sadyang nilambutan nito ang pagkakasambit sa pangalan ng boss.

"Siguro naman pumasok ka ng walang ibang ginawa maliban sa tamang paraan ng pag-apply nito." Malisyosang saad ni Monica na ibig sabihin may mga kakaiba s'yang milagrong ginawa para lang tanggapin sa Williams Group.

"Dati na akong sumusunod sa tamang proseso Monica, and I want to give credit to Mr. Williams' mother for hiring me." sagot naman n'ya sa kausap na natahimik saglit.

"Ladies, let's enjoy the night." Sabat naman ng isang japanese partner nila na agad tumabi kay Celestine.

Binigyan ni Monica si Celestine ng baso ng wine. "Tin this is for you, para maya maya may maiinom ka once magkikipag toss na sila." na ang tinutukoy ang mga japanese partnes nito.

Sanay si Monica sa gamitong party. Lalo pa at s'ya ang kadalasang pambato ng boss n'ya. Gumagawa kasi s'ya ng ibang deal under the table kung hindi napapa tango sa kanila ang mga nililigawang investors.

Nakailang one night stand na ito sa mga piling mayayamang investor para maging madali ang transaction n'ya rito kaya isa s'ya sa pinagkakatiwalaan ng boss niya. She can always use her charm, beauty and body.

Dumating ang boss ni Monica na si Johanson Yale. Imbitado rin ito kahit bigong makuha ang malaking business deal ng mga hapones.

Gwapo rin ang lalaking ito dahil sa Europian blood nananalaytay sa binata. Halos magkasing edad lang ito ni Hayden. Mas matanda lang ito ng tatlong taon sa huli. Pero halos kasing kisig at gwapo rin ito ng binata. Ang kaibahan lang nila ay tahimik na lalaki si Hayden habang napaka babaerong tingnan si Johanson.

Sinalubong agad ito ng beso ni Monica sabay akay nito sa mga kausap.

Nakipagkamayan ito kay Hayden at sa iba pang mga investors bago mapadako ang tingin nito kay Celestine na tahimik lang nakatayo kasama ang assistants ni Hayden.

"Hi gorgeous, may I know your name please?" Tanong nito sa dalaga habang hindi tinatago ang may pagnanasang ngiti nito.

" Hello Mr Yale, Im Celestine, Mr Williams' assistant." pormal na tuyon ni Celestine sa kausap at inabot ang pakikipag kamay ng binata.

Napamura ng mahina si Hayden sa ginawa ni Johanson dahil halos hindi na binitawan ang kamay ng dalaga sa dapat maiksi lang sanang pakikipag-hand shake sa dalaga.

Kilala ni Celestine ang kaharap dahil pinag-aralan din nila ang katauhan nito bago lumipad para sa naturang business deals at nakita na rin ito kanina sa meeting.

"I think your boss will not mind if I ask a dance with you?" sabay lingon ng binata sa boss n'yang si Hayden.

Napansin ni Celestine ang pagtiim ng bagang ng boss bago ito tumango. Agad na dinala si Celestine sa gitna ng dance floor ni Mr Yale kasama ng mangilan ngilan ding sumasayaw.

Hindi gusto ng dalaga ang preskong dating ng mayamang binata habang nakahawak ito sa maliit na beywang n'ya.

Buti na lang at mataas ang pasensya n'ya kaya pinakisamahan pa rin ito ng maayos sa pagsasayaw.

Habang sumasayaw ay napadako ang paningin n'ya mga mata ng boss na tahimik lang nakaupo na katabi ng naka-abre sikong si Monica.

Hindi n'ya makuha ang parang galit na titig nito gayong ito na man ang pumayag na isayaw s'ya sa lalaking karibal sa negosyo.

She excused herself matapos ang isang kanta para bitawan na s'ya ng kasayaw na mukhang wala pa sanang balak tumigil.

Nag-offer ng toss ang pinaka head sa mga japanese investor para sa successful deal nila na sinabayan naman ng lahat.

Habang masaya ang atmosphere sa loob ay biglang nahilo si Celestine. Kahit konte lang naman ang ininum n'yang alak ay parang ang lakas ng tama nito sa kanya. Siguro marahil ay hindi kasi s'ya sanay uminom. Mababa lang ang alcohol tolerance n'ya.

Nagpa-alam lang s'ya saglit sa katabing si Tim at Nick para magbanyo sandali.

Bago lumabas si Celestine ay inabot muna n'ya ang dalang tubig ng waiter dahil parang nanunuyo ang lalamunan ng dalaga. Nag-cr s'ya ng mabilisan pero imbis na mabawasan ay mas lalo pang lumala ang nararamdamang pagkahilo n'ya.

Pabalik na sana ang dalaga sa private box na pinanggalingan n'ya ng may biglang humablot sa kanya at tinakpan ang ilog at bibig nito, dahilan para mawalan s'ya ng malay.

Naalimpungatan si Celestine ng maramdamang nasa loob s'ya ng isang hotel room. Hindi naman ito ang kwarto n'ya. Nung i-check n'ya ang oras ay maaga aga pa kaya sa isip n'ya ay saglit lang s'yang nawalan ng malay. Tatayo na sana ang dalaga ng mapansin n'yang halos hindi maigalaw ang binti at katawan nito.

Naalarma ang dalaga sa posibleng mangyari habang umiinit ang katawan n'ya na parang nilalagnat.

Saka may biglang pumasok na lalaki. Kahit na hirap ang dalaga na imulat ang mga mata n'ya ay nakilala pa nito ang kakapasok lang na si Johanson na may ngiting halimaw sa mga labi.

"What are you doing!" agad na tanong ng dalaga.

"Ssshhh don't worry gorgeous, I'm not here to hurt you, instead I'm here to pleasure you" saka mabilis na naghubad ng suot nitong polo habang humahakbang palapit kay Celestine.

"Don't you dare touch me!" hirap na gumagapang ang dalaga palayo sa higaan pero agad rin naabutan ito ng parang nasasaniban na sa pagnanasa na lalaki.

Umiinit pa lalo ang katawan ni Celestine pero may natitira parin na tamang pag-iisip ang utak n'ya.

Kahit halos wala na s'yang boses ay buong lakas pa rin s'yang sumigaw ng 'tulong' baka sakaling may makarinig sa kanya.

Tumawa ng mala demonyo ang gagong si Johanson dahil sa pagpupumiglas ng dalaga na halata namang tumatalab na ang inilagay na drug pill ni Monica sa alak nito.

"Dont waste your strength darling, I just wanna hear you scream my name for more later". At akmang bubuhatin na sana ng binata si Celestine para ibalik sa kama ng marinig ang malakas na padyak sa pintuan kaya bumukas ito.

Inundayan agad ng malalakas na sipa ni Hayden ang gagong si Johanson habang inaagaw naman ng mga kamay n'ya sa bisig ng lalaki si Celestine.

Binuhat ni Hayden ang dalaga at inilapag sa sofa para bugbugin na naman muli ang demonyong lalaki ng maabutan ito ng dalawang humihingal na si Nick at Tim.

"Tama na sir Hade baka mapatay n'yo". awat ng dalawang assistant kay Hayden dahil basag na ang mukha ng kalaban nito.

Napansin kasi kanina ng binata na mukhang pabarag na tumayo ang assistant n'yang si Celestine papuntang banyo. Kaya ng mapansin n'yang natagalan na ito bako nakabalik ay sinundan agad ito sa banyo pero wala doon ang dalaga.

Kaya kinabahan na s'ya at baka tama ang kutob n'yang may masamang nangyari dito kaya inutusan n'ya si Nick at Tim na hanapin agad ang dalaga habang nagmamadaling hiningi n'ya ang Cctv footage malapit sa pinanggalingan nito.

Saktong palapit na s'ya sa pinto nang madinig ang paghingi ng saklolo ng dalaga.

Hindi maipaliwag ni Hayden ang kabang nararamdaman sa bawat segundong lumilipas na hindi pa nakikita ang dalaga.

Kaya agad nitong pinadyakan ang pintoan ng marinig ang pamilyar na boses.

Buti na lang at naabutan n'ya ito bago naging huli ang lahat.

"Tim! Fix everything." Galit na utos ng binata habang binubuhat si Celestine na medyo napunit na ang damit nito sa bandang itaas.

"Nick! Drive us to the nearest hospital." Nagmamadaling utos nito. Alam n'yang na-drugged ang dalaga dahil sa init ng katawan nito at mapupungay na mata na mas lalong nakaka- akit tingnan.

Pagkasakay nila sa back seat ay kandong pa rin ng binata ang parang nagdidileryo ng dalaga. Masyado ng tumatalab ang nainom nito na gamot.

"Hot!" Reklamo nito kahit naka-on ang aircon kaya pinalakasan ni Hayden ang aircon nila sa sasakyan.

"Drive fast!" utos nito kay Nick na halos paliparin na ang sasakyan nila.

"Im thirsty" muling sambit ng dalaga habang balisa ang mga kamay nito.

Bigla itong napahawak sa batok ng boss n'ya at walang pasintabing hinalikan ang binata.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
يكرر هان
Hays bayad
goodnovel comment avatar
Ronalyn Olimpo Lamela
Bakit ganon my bayad
goodnovel comment avatar
Ronalyn Olimpo Lamela
Next chapter
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status