Share

Destiny 5

Sa pangatlong araw ng meeting nila ay sinimulan na ng tatlong assistants ni Hayden ang kanya kanyang misyon habang kausap rin niya ang malalaking shareholders.

Nakapag-close na s'ya ang ilang deals bago pa mananghalian. After ng lunch, mga pasado alas dos pa lang ay napansin n'yang wala ng kausap si Celestine. Mag-isa itong abala sa kaka-input ng details sa sariling laptop.

"How's your business deals Ms Garcia?" tanong agad ng binata, buti na lang ay maliliit lang na shareholders ang ibinigay n'ya rito sakaling wala ito ni isang napa- oo.

"Hi Mr. Williams." Parang nabigla pa ito sa paglapit n'ya. "They all agreed to have business with us sir, so I emailed right away the content of our deals to their respective emails." masigla at masayang sagot nito habang nagpipindot pa sa keyboard ng laptop nya.

'Wow'. Napa arkong wow ang bibig ni Hayden dahil hindi n'ya akalain na napakabilis nitong nakapagclose ng deal kahit baguhan ito at nagfollow up pa agad sa copy ng deals nila. Ina- under estimate n'ya lang talaga ang kakayanan ng babaeng kaharap kaya sa tuwing nagawa nito ang pinagagawa n'ya ay lubos ang paghanga nya rito.

"Good". Tanging naging tugon ni Hayden kay Celestine. Saka tiningnan ang dalawa pa n'yang assistants na hindi pa tapos.

"If you dont mind Mr Williams, can I help Tim or Nick so we can finish early?. saad ng dalaga.

"I also read the details of those shareholders since we already talked about it before our flight here". dagdag pa ng dalaga baka pansin nito ang pagdadalawang isip ng boss.

"Okay, go ahead and good luck". Saka mahinang tinapik ang balikat ni Celestine bago tumalikod upang ipagpatuloy ang sarili ding gawain n'ya.

Parang nakuryente si Celestine sa ginawa ng boss. Iba na talaga 'pag ganoon ka gwapo at kabango ang kausap mo, tapik pa lang ay magsitayuan na ang balahibo mo. Sa saya? Napangiti ng lihim ang dalaga dahil sa naisip n'ya at agad dinalohan sina Tim at Nick na parehong ring successful ang kanya kanyang tasks.

Natapos nila ang araw ng maaga at napaka-succesful pa, wala ni isang transaction ang sinayang nila. Ganun din ang boss nilang si Hayden bitbit nito ang tagumpay at wala man lang tinira para sa rival nitong Yale Int.

Kaya nagpatawag ang ka business deal nila ng closing party kinagabihan.

Namo-mroblema ngayon si Celestine habang papauwi sila ng hotel dahil hindi n'ya ito napaghandaan. Puro formal suit ang dala ng dalaga.

Ding.. dong...

Biglang tumunog ang door bell sa kwarto ng dalaga.

Nang buksan ito, ay si Nick ang nakita n'yang may bitbit na paper bags.

"Tin, pinapaabot ni boss. Suotin mo daw to mamaya sa party", at may ngiti itong kasama ng parang nang aalaska.

"Salamat, buti na lang at maalalahanin din pala ang masungit na boss natin dahil wala sana talaga akong maisusuot." sabi naman ng dalaga at tinanggap ang dala nitong paper bags.

"Naku mabait naman talaga ang boss natin, galante pa. Masungit lang tingnan yan pero busilak ang puso n'yan. Sige na para makapagbihis ka na. Kakatukin ka na lang namin ulit mamaya." Sabi ni Nick na umalis na.

Napalula si Celestine ng mabuksan ang mga laman ng branded na mga paper bags. Puro ito mamahalin na damit, sandal, sling bag at make up set. Ang sarap naman mamigay ang gwapong boss n'ya kaya hindi s'ya nagdalawang isip na i-text ito.

Celestine: Thank you so much for these stuffs Mr. Williams but these are too much. I hope it is ok with you that I'll just pay some of these stuffs in terms through salary deduction?

Hayden: Never mind that, It's my way of compensating you for the job well done.

Mabilis na man na reply ng boss n'ya. Mabuti pa sa text mahaba haba pa ang reply kesa sa personal na mabibilang lang sa daliri ang salita nito.

Nagpahinga ng konti ang dalaga saka naligo muli at nagsimula ng magbihis. 8 pm ang party nila kaya naghaponan nalng sila sa kani kanilang room bago pupunta sa naturang selebrayon.

Mabuti na lang at may alam si Celestine sa pagmake up dahil na rin sa kakanuod dati ng mga make up tutorials sa youtube.

Konti lang ang inilagay n'yang make up dahil hindi s'ya sanay na makita ang mukha na may makapal na kolorete.

Sinundo na s'ya ni Tim bandang 7:45 upang bumaba na para makaalis na sila patungo sa selebrasyon na inihanda ng mga Japanese business partners nila.

Pagkapasok ni Celestine sa nag-aantay na sasakyan ay excited ang mata n'yang makita ang gwapong boss. Kaso bigo s'ya dahil nauna na pala ito sa venue.

"Nauna nang umalis si boss at Nick dahil bilin nito na 'wag ka daw madaliin." Panimula ni Tim baka napansin nito ang dismayado n'yang mukha.

"Kumatok lang ako kakina kasi ipapaalam ko lang sana sayo na aantayin lang kita sa lobby and to let you take your time, kaya nabigla ako ng makitang handa ka na rin pala." mahabang paliwanag ni Tim sa tahimik pa ring dalaga.

"Ganun ba, mabilis lang din naman ako mag-ayos kaya hindi ako natagalan." Natatawa na wika ng dalaga.

Lage kasi iniisip ng mga kalalakihan na mabagal ang mga babae. Hindi naman lahat, sadyang 'girl on the go' s'ya lage.

Konting ayos lang ok na.

Bumukas ang private box ng hotel na ginanapan ng party nila at kitang kita ni Hayden ang pagpasok si Celestine. Hindi n'ya akalain na pati sa ganitong party ay on time pa rin ito. Sinadya n'yang mauna sa venue dahil alam n'yang laging nahuhuli ang mga kababaihan sa ganitong party na ang pag-uusapan.

Parang huminto ang mundo ng binata nang makita nito ang suot na old rose velvet spaghetti strap dress na bigay n'ya. He just randomly pick it sa isang sikat na brand ng shop dahil mabilisan lang n'yang binilhan ito dahil alam n'yang wala itong naihandang damit para sa party dahil hindi rin n'ya ito naabisuhan na posibleng may party kung mag-imbeta ang host partners nila.

Lutang na lutang ang makikinis at mapuputing balikat nito at ang bandang dibdiban. May mataas pala na tabas ng slit ang bandang kaliwang side nito na hindi nya napansin kanina kaya exposed ang mahahabang legs ng dalaga na pinagpyistahan naman ng tingnan ng maraming business partners niya.

Sakto lang ang make up nito na nakapagpa enhance lalo sa maamong mukha ng dalaga.

'Tame yourself Hayden. Babae lang yan. At marami ka pang makikitang higit pa sa kanya.' sulsol n'ya sa sariling isipan.

Nabaling ang atensyon ni Hayden dahil sa mahinang yugyug ng katabing si Monica. Inimbitahan rin kasi ito ng isang japanese na shareholder na mukhang interesado rito.

"Hayden, who is she?" tanong ng maarteng dalaga. Hanggang ngayon bumubuntot pa rin ito sa kanya sa t'wing makikita s'ya nito.

"She's Celestine, one of my assistants." sagot ng binata na ibinalik ang tingin sa papalapit na dalaga kasama si Tim.

Napanganga si Monica sa narinig. "Celestine Garcia?" Manghang tanong ng dalaga kay Hayden.

"You knew her?" pasimpleng balik tanong na binata.

"Of course! She is my ugly step sister. She is the nerd girl in our school before remember? Hindi makapaniwalang sagot ng dalaga habang obvious ang panibugho sa mga mata nito.

Maganda si Monica pero ordinaryo lang itong tingnan kung maitatabi sa natural na ganda ni Celestine. Kahit halos wala na itong suot sa kakarampot na tela ng damit nito, ay mas nakakabighani pa rin sa mata tingnan ang step sister nitong si Celestine. Pareho man silang sexy pero mas matangkad at mas ka-aya aya ang aura ng dalagang assistant n'ya. Kaya milya milya ang layo ng babaeng katabi n'ya ngayon sa babaeng nasa harapan n'ya na si Celestine.

'You are only drunk dude'. reklamo ng utak ni Hayden dahil parang nag-iinit ang katawan n'ya habang tinititigan ang palapit na assistant.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status