Share

33: BROKEN PIECES

Broken pieces were made to be one, shattered glass were made to be cleaned, two pieces that were apart were made to unite. Once these unite, it can be the most dangerous fight.

Author's Pov:

"Shan, Anak! What the fuck is happening there!" Hindi na mapakaling sigaw ni Erick sa kabilang linya habang pabalik-balik sa kanyang upuan.

Uupo ito at tatayo sa tuwing lilipas ang mga segundong hindi nakakatanggap ng sagot.

Maya-maya pa ay isang malakas na impit ng sigaw ni Shan ang umalingawngaw sa buo niyang opisina dahilan para magsimulang tumaas ang kanyang pangamba't takot sa maaaring nangyayari sa anak.

"Anak, please answer me!" Tila maiiyak na si Erick dahil sa takot habang patuloy na tinatawag ito.

Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya pagkatapos ng malakas na sigaw ni Shan kasunod nito ay ang pagkalabog ng katawan na para bang nabagsak ito sa lupa.

Doon na mabilis na gumalaw si Erick tsaka dali-daling hinablot ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status