Share

03: CHANGED

Letting someone manipulate you can ruin your life. Learn to say no, be the controller of your own race and invite the obstacles on your competition.

Author's Pov:

May mga taong nagbabago, hindi dahil gusto nila, kundi dahil iyon ang sa tingin nila ang dapat na gawin. Pakiramdam nila'y sila ang dapat umako ng mga kasalanan at kakulangan ng iba. Iyong tipong hindi mo naman dapat talagang isiping responsibilidad mo ang bagay na iyon dahil ang totoo, nakokonsensya ka lang sa nangyari. Nakokonsensya ka na isiping imbis na ikaw iyong nakakaranas ng paghihirap at pagdudusa, ikaw pa iyong masayang-masaya sa buhay na mayroon ka kahit alam mo naman talagang hindi ka karapat-dapat roon. Ang konsensya kasi ay dadalhin ka kahit saang sulok ng iyong isipan. Minsa'y napapahinto ka na lang sa gitna ng daan at mapapaisip kung tama ba iyong ginawa ko? Dapat ba akong humingi ng paumanhin? Karapat-dapat ba akong maging masaya kahit na alam kong ako dapat iyong naghihirap ngayon? Maiiyak, magsisisi at malilito ka na lang sa mga tingin mo'y posibleng tama, pero wala ka ng magagawa kundi ang ipagpatuloy ang buhay dahil hindi naman hihinto ang mundo dahil lang sa problema mo.

"Take care, Shan!" Paalam ni Yhurlo habang kinakaway ang kamay sa ere. Nakakailang take care na ito at ni isa doon ay hindi binigyang pansin ni Shan.

Hindi ulit siya pinansin ng dalaga at diretsong naglakad papasok sa loob ng kotse ni Jake na parang walang narinig na salita mula kay Yhurlo. Minsan pang nagkatinginan sina Yhurlo at Jake sa isa't-isa bago sabay na napailing. Marahang tinapik ni Yhurlo ang balikat ni Jake na ngayon ay hindi na mawari ang gagawing pakikitungo kay Shan.

"Take care of her." Paalala ulit ni Yhurlo rito at muli pang tinapik ang kanyang balikat. Mabilis na kumunot ang noo ni Jake sa naging asta nito tsaka siya napapantiskulang tinignan.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa kanya? Pababayaan?" Prangkang saad ni Jake habang hindi na maipinta ang mukha dulot ng magkahalong pagkainis at pagkapikon kay Yhurlo. Hindi niya maintindihan kung bakit alalang-alala ito kay Shan.

May gusto ba siya rito? Hindi na lamang iyon pinansin ni Jake tsaka padarag na tinanggal ang kamay ni Yhurlo na nakapatong pa rin sa balikat niya bagay na ikinatawa ni Yhurlo. Natatawang tinaas ni Yhurlo ang dalawang kamay at umatras ng ilang hakbang tila natutuwang makitang napipikon si Jake ng dahil sa kanya.

Inismiran lamang siya ni Jake bago naglakad papunta sa kotse niya habang dala-dala ang mga damit ni Shan na nakalagay sa itim na bag.

Noong mga panahong nagpapagaling si Shan sa hospital ay inaalagaan siya parati ni Yhurlo. Mula sa pagkaing pinapakain niya hanggang sa gamot na iinumin ng dalaga ay kailangang alam niya. Sa tuwing tinitignan naman niya ang kalagayan ni Shan ay palagi nitong sinisiguradong gumagaling ang kondisyon nito kahit hindi naman ganoon kalala ang sugat na mga natamo ni Shan. Si Jake naman ang bumibili at nagbibigay ng mga kakailanganin ni Shan kasama na rito ang damit, pagkain at mga personal stuff, maliban na lang sa mga undergaments na si Aling Hulya ang nag-iimpake. Sinserong inaalagaan ni Jake si Shan na tipong marinig niya lang na umubo ito ay matataranta na't tatawagin agad si Yhurlo.

Ganoon ang naging takbo ng apat na araw sa buhay ni Shan sa loob ng hospital. Wala siyang ibang ginawa kundi ang pabayaan ito sa mga ginagawa sa kanya. Nawawalan na rin kasi siya ng ganang makipag-usap at makipag-away sa kung kanino man, at hindi na rin siya gaanong palasalita. Kung dati'y tahimik naman talaga siya, ngayon ay mas dumoble pa ang kanyang pananahimik. Isa lang ang palatandaan nila para malaman kung nagugustuhan ba ni Shan ang ginagawa nito sa kanya. Kapag tinanong mo ito o kinausap nang hindi sumasagot, ibig sabihin ay ayos lang iyon kay Shan, pero kapag nama'y tinanong mo ito tapos nagsalita, tiyak na hindi sang-ayon si Shan rito. Minsan nga'y may pagkakataong naiinis na sila dahil hindi man lang sila binibigyang pansin ni Shan, hindi man lang binibigyang halaga ng dalaga ang mga ginagawa sa kanya, pero sa tuwing naiisip nila ang dahilan kung bakit ito biglang nagkaganito ay mapapatikom na lamang sila sa kanilang mga bibig tsaka pipiliting intindihin ang sitwasyon nito.

Pagkatapos ilagay ni Jake ang itim na bag sa back compartment ay agad na itong dumiretso sa driver's seat tsaka pinaandar ang makina bago pinaharurot ang sasakyan nang hindi nagpapaalam kay Yhurlo bagay na ikinailing na lamang nito. Hindi niya alam kung nagseselos ba sa kanya si Jake o naiinis lang talaga ito sa presensya niya.

Inis na napangisi si Jake at umismir sa kawalan matapos makita sa side mirror na naglalakad na pabalik si Yhurlo sa loob ng hospital pagkatapos ay wala sa sariling napatingin siya sa rear view mirror upang tignan si Shan.

Apat na araw na ang nakalilipas mula no'ng lumabas ito sa sariling silid upang sabihin sa kanya na buhay raw si Zach, apat na araw na ang nakalilipas mula no'ng makita niya kung paano iyakan at pagluksaan ng dalaga ang pagkawala ni Zach, apat na araw na mula no'ng masaksihan mismo ng mga mata niya kung gaano kamahal at kahalaga ni Zach sa buhay ng dalaga. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang nahihirapan ito, nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang apektadong-apektado ito sa pagkawala ni Zach, ibig sabihin lang kasi no'n ay sobrang mahal ni Shan si Zach, bagay na hindi kayang ibigay sa kanya ng dalaga.

Napaiwas ng paningin si Jake nang bigla siyang tinignan ni Shan kasabay ng pagkawala ng ilang butil ng kanyang luha na mabilis naman nitong pinunasan gamit ang likod ng kanyang palad. Nakita iyon ni Shan pero parang wala itong pakialam sa kanya dahilan upang mapakla siyang matawa sa sarili. Ano pa nga ba ang aasahan niya, may mahal ng iba si Shan kaya dapat lang na idistansya niya ang sarili niya. Marahas niyang ipinilig ang kanyang ulo tsaka tinuon na lamang sa pagmamaneho ang buong atensyon.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa makarating na sila sa mansion ng mga Heirera. Mabilis na bumaba si Jake mula sa driver's seat at agad na nagtungo sa back compartment upang kunin ang itim na bag. Akmang papasok na sana siya sa main gate ng mansion ng mga Heirera pagkatapos kunin ang bag ngunit agad ring napahinto nang makitang hindi man lang gumagalaw sa loob ng sasakyan si Shan. Blangkong nakatitig lamang ito sa malaking mansion dahilan upang tignan rin ito ni Jake. Wala namang pinagbago ang mansion nila kaya hindi alam ng binata kung bakit nakatitig roon si Shan na para bang ayaw na ayaw ng pumasok sa loob.

Kakatukin na sana nito ang bintana ng back seat door ngunit napahinto nang bumukas ito at lumabas mula roon si Shan suot-suot ang walang emosyon at malamig nitong ekspresyon. Sunod-sunod at wala sa sariling napalunok si Jake nang maramdaman ang bigat ng impak ng ekspresyon ni Shan dahilan upang sulyapan siya ng dalaga na mabilis naman niyang ikinaiwas ng tingin. Hindi na siya pinansin ni Shan at nauna ng naglakad papasok paloob na agad naman niyang sinundan.

"Belated Merry Christmas and advanced Happy New Year, Ate!" Isang magiliw at masayang pagbati ni Ricko ang unang bumungad sa kanilang dalawa pagkapasok na pagkapasok nila sa salas.

Napakaganda at nakakahalinang ngiti naman sa mga labi ang ibininungad ni Rhey tsaka ng kanyang ina. Araw ngayon ng ikaladalawang-put siyam ng Disyembre at malapit na nga'ng magbagong taon at apat na araw na rin ang nakakalipas simula no'ng mawala sa mundong ito ang taong pinakaminamahal ng dalaga. Nawala ito sa mismong pagdiriwang ng pasko, nakakatawa ngang isipin dahil imbis na siya'y nagdiriwang sa araw ng pasko, siya pa tuloy ay nagluluksa dahil sa pagkawala ng taong mahal niya.

Walang emosyon ang mukhang tinignan sila ng dalaga tsaka sila walang ganang tinitigan bago dumapo ang mga mata sa hawak nilang mga nagtitingkadang regalo at umiwas muli ng paningin. Sabay na nagkatinginan sina Ricko at Jake sa isa't-isa dahil sa inasta ni Shan tsaka napipilitan na lamang na tumawa upang bawasan ang pagkailang, samantalang ang ina naman ni Shan ay wala sa sariling napatikom ng bibig bago sinulyapan ng tingin si Rhey na ngayon ay napapabuntong-hininga sa hindi malamang kadahilanan.

"Ate, hindi ka namin napuntahan kasi ayaw ni Dad." Nakangusong pagkausap ulit ni Ricko sa kanyang nakakatandang kapatid, kapagkuwan ay napangiti na lang rin. "Namiss kita, Ate!" aniya at walang pasabing sinunggaban ng yakap si Shan bagay na ikinagulat ng dalaga.

Tatanggalin na sana nito ang yakap ni Ricko sa kanya ngunit agad ring napatigil nang maramdaman ang mahigpit na yakap ng kanyang ina at nakakatandang kapatid.

Yakap na matagal na niyang gustong maramdaman, yakap na nagpapagaan sa kanyang kalooban, yakap na nakakapagpawala sa mabigat na problemang palaging dinadala ng kanyang puso, yakap na hinding-hindi mahihigitan ng kahit na sino. Ilang beses na napakurap si Shan tsaka palihim na pinunasan ang ilang butil ng luha na nakatakas sa kanyang mga mata bago mabilis at padarag na tinanggal ang yakap sa kanya ng kanyang pamilya dahilan upang matigilan ang mga ito tsaka hindi makapaniwala ngunit nasasaktang tinignan si Shan.

'Natatakot ako na kapag niyakap nila ako ng gano'n ay baka mawala rin sila sa akin, katulad ng nangyari kay Zach. Ayaw ko ng mangyari iyon kaya hangga't maaari ay iiwasan ko.'

Tinanguan lamang silang lahat ni Shan bilang tugon habang ang paningin ay nakatuon sa ibang direksyon, halatang iniiwas na makipagtitigan sa mga mata nila.

"Ate?" Mahinang pagtawag sa kanya ni Ricko na muntik nang maging bulong sa sobrang hina. Biglaan itong nanghina matapos siyang ipagtulakan ng kanyang Ate, pakiramdam niya'y ayaw na siya nitong makasama at mayakap.

Hindi nakatakas sa mga mata ni Ricko kung paano siya irapan ng nakakatandang kapatid animo'y diring-diri sa kanya. Ilang beses na napalunok si Ricko at sunod-sunod na napakurap habang mariin na kinakagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling emosyon bago wala sa sariling napakapit sa dulo ng manggas na suot ng kanyang ina. Kahit ang ina at nakakatandang kapatid ng dalaga ay litong-lito na sa mga ugaling pinapakita sa kanila. Hindi ganito ang dalaga nang umalis ito sa mansion nila kaya't nagtataka sila at nasasaktan sa mga inaasta nito ngayon na para bang isa silang napakawalang kwentang bagay para ipagtulakan.

"Ate, gusto mo bang kumain? Hinanda ni Mommy ang paborito mong kare-kare!" Sinubukan ulit ni Ricko na kausapin si Shan gamit ang magiliw nitong tinig kahit halata naman sa mukha nito na nasasaktan at naninibago siya sa dalaga.

Awtomatikong tumingin sa kanya si Shan matapos iyon sabihin ni Ricko tsaka siya pinakatitigan ng matagal. Ngingiti na sana si Ricko dahil akala niya'y papayag at kakausapin na siya ng dalaga pero agad ring naglaho ang mga ngiting gustong ipakita nang walang pasabi siyang talikuran ni Shan na para bang wala itong kausap bagay na ikinatanga ni Ricko.

Walang nagawang makapagsalita sa kanila na kahit ang ina ni Shan ay hindi magawang pagaanin ang kalooban ng anak na si Ricko dulot sa matinding pagkagulat.

'My daughter can't resist Ricko, so why is she acting like that?' Hindi makapaniwala ngunit nalilitong bulong ng isipan ng ina ni Shan sa sarili.

"Shan!" Isang napakalakas at maawtoridad na boses na nanggaling sa likuran ng lahat dahilan upang sabay-sabay silang magulat tsaka natitigilang napatingin sa kanilang likuran, maliban lamng kay Shan na ngayo'y naiwan sa ere ng ikatlong hagdan ang paa at napahinto sa paglalakad papuntang ikalawang palapag. "Where are you going?" tanong ni Erick sa dalaga pagkatapos ng ilang minutong pananahimik ng lahat.

Nakasuot ito ng asul na long sleeves button-ups at plantsadong abong wrinkle-free chinos kapares ng isang double monk straps. Maayos na nakasuklay patalikod ang kanyang itim at makintab na buhok habang hawak-hawak sa kaliwang kamay ang susi ng sasakyan. Diretso itong nakatingin sa likod ni Shan, halatang hinihintay ang magiging tugon nito sa kanya.

Hindi mawari kung anong ekspresyon ang nangingibabaw sa mukha ni Erick lalo na no'ng mapansing hindi man lang nagulat ang dalaga sa kanyang presensya. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Erick kasabay ng pagkunot ng kanyang noo pati ang paghigpit ng pagkahawak niya sa susing dala habang sarkastikong napangising tumingin kay Shan na ngayo'y nagpatuloy na sa paglalakad animo'y walang narinig na salita sa kanya.

"You did a great job. Thank you for killing Drex," biglaang pagsasalita ni Erick gamit ang pang-aasar nitong tinig habang ngingisi-ngising tinignan ang likuran ng dalaga.

Awtomatikong napatigil si Shan sa paglalakad at nanigas sa kanyang kinatatayuan kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata at ang pag-awang ng kanyang mga labi.

"You're such an obedient daughter." Tatango-tangong dagdag pa ni Erick at mas lalong napangisi, halatang natutuwang asarin ang anak bagay na ikinainis ng dalaga.

Mahigpit na napakuyom ng mga kamao si Shan. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagbalik sa kanyang alaala kung paano nawalan ng hininga ang taong mahal niya sa kanyang harapan. Marahas niyang ibinuga ang mabigat at malalim na hininga at nagtatagis bagang niyang iminulat muli ang mga mata bago nanliliksik ang mga matang hinarap si Erick na ngayon ay hindi pa rin matanggal ng nakakalokong ngisi sa mga labi.

"Masaya ka na?" tanong ni Shan sa kay Erick tsaka siya maayos na hinarap ng dalaga. Mabilis na naglaho ang nakakalokong ngisi sa mukha ni Erick tsaka napakunot ng noo dahil sa sinabi nito bagay na sarkastikong ikinangisi ni Shan at iiling-iling siyang tinignan. "Killing two persons at a time?" Dagdag pa ni Shan at bumaba ng tatlong hagdan upang mas mapalapit sila sa isa't-isa. Marahan at dahan-dahang pinasadahan niya ng palad ang hawakan ng hagdan habang walang emosyong nakatingin ng diretso sa mga mata ni Erick.

Halata sa mata ng kanyang ama ang magkahalong pagkagulat at pagtataka. Marahas siyang napabuga ng mabigat at sarkastikong hininga at pinakawalan ang walang emosyon niyang tawa.

"Talaga ba? Nagulat ka sa sinabi ko? Saan ba sa sinabi ko ang nagpagulat sayo? Iyon bang nakapatay ako ng dalawang tao, o kaya iyong nagawa na naman kitang pasiyahin dahil pumatay ako ng tao?" Kunwaring tanong ni Shan, halatang nagpapanggap lamang na walang alam kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang saktan ang lalaking nasa harapan niya.

Sabay-sabay na nagsinghapan ang lahat tsaka nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labing napatingin kay Shan, samantalang si Jake naman ay kitang-kita ang pag-aalala sa dalaga. Hindi binigyang pansin ni Shan ang mga reaksyon ng iba at nanatili lamang ang mga matang nakatuon sa nanliliksik na mga mata ng kanyang ama tsaka wala sa sariling pinatunog ang dila sa loob ng bibig dulot ng matinding pagtitimpi na h'wag saktan ang lalaking kaharap niya.

Tinignan ni Shan mula ulo hanggang paa ang kanyang ama ng may halong pang-iinsulto bago tumingin ulit ng diretso sa mga mata ni Erick. "Hindi lang ako nagkasala dahil sa kaaway mo," Panimula niya at tinignang muli ang kabuoan ng kanyang ama kasabay ng pagngiwi. "Pati ang taong mahal ko ay nagawang kong patayin ng dahil sa'yo." Prangkang saad niya pa gamit ang kalmado at walang emosyong tinig tsaka pinakawalan ang nakakadiring mga tingin bago siya walang pasabing tinalikuran at dire-diretsong naglakad paakyat sa ikalawang palapag.

"Shan!"

"Ate,"

"Anak,"

Wala sa sarili at sabay-sabay nilang pagtawag sa dalaga habang gulat na gulat at hindi makapaniwala pa ring nakatanaw lamang sa papalayo nitong bulto. Wala ni isa sa kanila ang nakagawang gumalaw sa kinatatayuan, wala ni isa sa kanila ang nakagawang iproseso ng mabilis sa sariling mga utak ang mga salitang lumabas sa bibig ng dalaga, lalong-lalo na si Erick na ngayon ay hindi na magawang makapagbigkas ng isang salita dahil sa pagkawalan ng boses at pagkatuyo ng lalamunan.

'Shan never dare to say words like that to me.' Hindi makapaniwalang bulong ni Erick sa kanyang isipan tsaka wala sa sariling napatingin ulit kung saan nakatayo kanina si Shan at sunod-sunod na napakurap sa kawalan upang gisingin ang sariling diwa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status