Share

02: BLAME

You don't know what might happen in the future if you don't think the consequences of your actions.

Yhurlo's Pov:

"What the hell were you thinking, huh!?" He furiously shouts in front of me which made me quiver. Mixture of pure fear and nervousness was all I can feel right at the moment. Nakakatakot talaga magalit si Papa dinaig pa ang gutom na leon, parang kapatid ko lang. Palihim akong napailing sa aking naisip tsaka nanatili na lamang na tahimik. 

You should shut your mouth up, Yhurlo because this shit is all your fault!

"Your sister nearly died! It's that what you want?" He growled. His eyebrows made a line and his forehead wrinkles after crossing his arms. I aggressively shook my head before looking straight into his glaring eyes. I saw how the tip of his nose turned into red because of anger. His breath was ragging while tightly squeezing his both knuckles as if he's playing slime. His well-ironed and clean, white lab coat wrinkles because he's clenching his hands while holding the sleeves of his coat. 

Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng kapatid ko tuwing nagagalit. Parang mga mababangis na hayop na anumang oras ay lalapain ka dulot ng matinding pagkagutom. Bakit ba ang tapang-tapang nilang tignan, pero ako hindi? Siguro dahil hindi naman talaga ako ganyan magalit.  

"That's not what I expected to happen, Dad." I calmly explained before letting out a heavy sigh. I should remain calm as I could. Wala akong mapapala kung pati ako ay magagalit. He sarcastically scoffed after hearing the words that I've said. 

"What are you expecting to happen?" He blurted out using his ringing voice. Palihim akong napangiwi nang maramdaman ang biglaang pagtaas ng mga balahibo sa aking batok matapos umalingawngaw sa buong silid ang nakakatakot at malakas niyang boses. "Do you think she can handle herself? Do you think she can rescue herself knowing that your sister suffers a lot? Did you think she'd go home with no scars? Huh, Yhurlo!" Father hysterically retorted together with his wide, sharp eyes before sitting on his swiveling chair. He annoyingly massaged the bridge of his nose while continuously mumbling different curses to his self. 

Sa lahat ng habit at mannerism ni Papa, ito ang pinakagusto ko. Kahit galit na galit na siya ay hindi niya ako kailanman nagawang murahin. Oo't nakakatakot siyang magalit, dinaig niya pa nga ang dinasur, pero ni minsan ay hindi niya ako sinubukang saktan at pagbuhatan ng kamay. Parati niyang kinokonsedera ang lahat ng rason, dahilan at paliwanag ko kahit na hindi naman ito gano'n kalalim. He's the best Dad, and I'm happy because I have him, but at the same time guilty because Shan didn't know his existing. 

"Don't you want to say anything?" He snapped before looking at me using his sharp-rounded eyes. 

"I'm just trying to help her," I answered and glanced at him. Huminga ako ng malalim tsaka inipon ang hangin sa bibig upang ipalobo ang pisnge bago ito dahan-dahang pinakawalan nang sa gayon ay maibsan ang bigat at kaba na nararamdam. "Gusto ko lang bumawi sa kanya." Pagpapatuloy ko pa at inayos ang stethoscope na nakasukbit sa aking leeg. 

"In that way?" He asked. He looked at me as if I'm the dumbest person in the world to answer him with a shallow excuse. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na hindi mo na dapat siya ginugulo?" nagtitimping aniya tsaka inis na pinasadahan ng daliri ang sariling buhok. 

"Hindi ko siya ginugulo, Paps." Pagtatangol ko pa at umiling nang umiling. 

"Paulit-ulit na lang ba tayo, Yhurlo?" Tanong niya, halatang binalewala ang sinabi ko tila sawang-sawa na sa mga nangyayari. Hindi ako sumagot at hinayaan siya na tanggalin ang suot na lab coat tsaka nilagay sa rack bago ulit tumingin sa akin, pero gamit ang ibang ekspresyon ng kanyang mukha. I saw how his fuming mad eyes turned into so soft marshmallow expression. I know that he's frustrated and all, but despite that, he still managed to remain his poise and stop his emotions just to remain calm. "Ako lang ang pwedeng bumawi sa kanya, hindi ikaw. Ako ang may pagkukulang, hindi ikaw. Ako ang maraming maling nagawa sa kanya, hindi ikaw! How many times do I have to tell you, huh? How many times do I have to tell you that this is not your fault?" Hirap na hirap niyang sinabi habang naiiyak na tumingin sa aking mga mata. His eyes were very gentle and frail. Sa kabila ng pagiging malakas at matapang niya sa panlabas na anyo, ay hinding-hindi nakakatakas sa mga mata ko kung paano siya nasasaktan at nagsisisi sa mga nangyari. 

I immediately avoided my eyes when I saw him secretly wiping off his tears. I can't bare to see my father, crying, hurting and begging me to stay away from my sister. Alam kong tama naman siya. Alam kong hindi ko na dapat siya ginugulo dahil kung tutuusin ay siya naman iyong may pagkukulang sa kapatid ko, pero hindi maatim ng mga mata kong nakikita siyang parang kinakawawang tuta sa kalye. Everytime I see him looking like that, palagi kong nakikita ang kapatid ko sa kanya. Parehong-pareho sila ng ugali. Hiding themselves behind the mask to show that they're strong even when they are really dying inside, begging, yelling and shouting for help. I hate it when I see them like that. I don't want them to pretend whenever I'm with them. I want them to untangle the mask that they've been wearing and show me who they really are. 

"I'm sorry, Dad." Was all I can say. Gusto ko na lang na umalis. Hindi ko kinakaya na makita siyang ganyan. "I'll go check on her if she's okay." I simply added. He looked at me for a second before nodding his head while massaging the bridge of his nose, trying to calm his self down.  

Hindi na ako umimik pa at mabilis na lumabas sa loob ng kanyang opisina para puntahan ang kapatid ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. If only Mom was still here, I guess the situation wouldn't be the same. 

"Buhay siya, Jake." Rinig kong puno ng pag-asa at pananabik na sinabi ng kapatid ko kay Jake bagay na siyang ikinatigil ko sa paglalakad. 

My eyes immediately flew to her direction only to see the blood that continuously flowing like a faucet down to the floor. I saw how my sister's eyes speak. Her miserable, desolated eyes says it all. She's hoping and praying that Jake would agree, hoping that what she had said is not just an illusion. Para siyang kandilang unti-unting umuupos sa bawat segundong pananahimik sa kanya ni Jake. She's hurting inside, like Dad. She wanted to let out the pain in her heart. She wanted to untangle the mask that she's wearing, but above all, she's frighten to show it. My heart hurt seeing her how miserable, distressed and exhausted on the life she had. 

Kung hindi ko lang sana siya tinulungan sa mga plano niya sana'y hindi na kami aabot sa ganito. Hindi na sana siya magdudusa ng ganito. Hindi na sana siya nahihirapan na paniwalain ang sarili na buhay ang lalaking tumulong sa kanya. That police man. I know that somehow, he made my sister happy and loved. He shows my sister that being brave is not just by fighting alone, being brave is letting out the pain that you're carrying and showing yourself to the world without using a mask to pretend. I'm very thankful to that boy because he never failed Shan to show his love to my sister even though it costs his own life. All I can say is that I'm such a stupid brother to let my own sister fight on her own. May pangako-pangako pa akong nalalaman, hindi ko rin naman pala tutuparin. 

Shane Heirera's Pov:

 

"Why would you do such a thing to your daughter!" Naiiyak sa galit kong pagsigaw sa kanya habang patuloy na hinahampas ang kanyang d****b gamit ang nakakuyom kong mga kamao. As usual, he didn't answer me and remain calm as he could. He gave me a cold gaze which made me mad even more. I was so annoyed seeing him like he doesn't even care. "I wonder where your conscience would take you." I groused before looking straight into his eyes.

His brown sharp eyes meets my teary eyes. Gustong-gusto ko siyang saktan hanggang sa maglupasay at mawalan siya ng malay. Gustong-gusto ko siyang sigawan hanggang sa mamanhid at mabingi ang kanyang mga tainga. Naiinis ako na sa tuwing kinakausap ko siya ng ganito ay bumabalik siya sa dating siya. Iyong asawa ko na maalagain, mapagmahal, maaruga at maunawain ay biglang nawala. Gaano ba siya kagalit sa anak ko at bigla na lang siyang nagkaganyan. Ang sarap niyang pagsasampalin hanggang sa mamula at dumugo ang pisnge niya pero hindi ko ginawa. I love him so much that I can't even regret knowing him. I wiped my own tears before glaring at him. Kung hindi ko siya madadaan sa paiyak-iyak ko, pwes susumpain ko na lang siya hanggang sa magkatotoo. 

"I'm sure that one day, you'll regret everything. Everything that you've been doing to my daughter! Her sufferings, pain, cries, sacrifices and even her dignity will be paid off by your conscience. You're such a heartless wicked man." I swore to all evils that this man in front of me will regret everything that he has been doing. I can't hurt him, but swear I can forget my love for him just to protect my child even if it means hurting him. 

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya matapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Para siyang inatake ng heart attack sa sobrang pagkagulat. Hindi niya ata inaasahang kaya ko siyang pagsalitaan ng gano'n. I'm so sick of him! Nakakasuka siyang tignan na tipong gugustuhin ko na lang na harapin ang mga pulubi kaysa sa mabahong pag-uugali niya. I was about to grab my bag on his desk, but immediately stopped when his phone rang. Mabilis na umalingawngaw ang ringtone ng kanyang cell phone sa buong paligid. Ilang minuto akong napahinto bago kinuha ang bag tsaka sinulyapan ng isang beses ang cell phone niya na patuloy na tumutunog bago siya tinignan. 

"You'll never know what will happen in the future." I singsong before giving him a peck on his cheeks and intentionally hit him in his chest with my bag and walked out of his office. Nakita ko siyang mapangiwi matapos maramdaman ang sakit dahilan upang sarkastiko akong mapangisi. 

Kulang pa iyan sa lahat ng ginawa niya sa anak ko. 

Nang tuluyan nang makalabas at makalayo sa opisina niya ay bigla na lamang akong napaupo sa aking paanan at doon ibunuhos ang lahat ng sakit. Hindi ko namalayan kung ilang minuto akong parang kinawawang sisiw na nakaupo sa sahig nang marinig ko ang sunod-sunod na yapak ng aking dalawang anak kasabay ng kanilang nag-aalalang boses. 

"Mommy!" Mangiyak-ngiyak na pagtawag ni Ricko sa akin tsaka dali-daling tumakbo na sinundan naman ni Rhey o kadalasang tinatawag kong Jhero. 

"Anak," I softly spoke and raised my head to looked at my children. They were panting while running fast towards me, worried, anxious and nervous to see me like this. 

I automatically opened my arms to show them that I need a hug. Ricko immediately hugged me, same as what Rhey did. They hugged me as if scared of losing a mother that will love and cherish them. Afraid that I might leave, afraid that I might abandon them. 

Mas lalo akong napaiyak sa nakita dahilan upang maiyak rin sila. I really love my children. I won't and never abandon them just like my parents did. I can do everything just to save and protect them. They are my rest, stress reliever and home. I found my home around their opening arms, I found love in their beating hearts and I found my life in every breath they take. My eyes can't take it whenever I see them suffering and hurting. I may not be a good wife, but I'm sure that I'm a better mother to them. A mother that will do everything no matter what it takes, a mother that will fight for her children, a mother that will pay her own life for her children to be safe and alive. Loving is not just about showing how you really love someone, it's about uniting and helping each other to face and invite the troubles, conflicts and problems in life. Crying, and suffering with your family is much better than being alone. That's why, whatever it takes, I won't leave any of my child hanging and suffering alone in this world. 

 

Unknown's Pov:

"Kamusta ka na, Mr. Heirera?" Nakakalokong tanong ko sa kanya matapos niyang sagutin ang tawag. Marahan kong sinandal ang sarili sa aking swiveling chair tsaka humithit sa hawak na sigarilyo na nasa aking daliri bago ito binuga sa ere. Mabilis na nagkalat sa buong paligid ang makapal na usok sa aking opisina kasabay ng pag-upos ng sigarilyong hawak ko. "Ilang araw ka ng hindi nagpaparamdam ah," dagdag ko pa habang tinataktak ang ilang upos ng sigarilyo sa asul na ashtray. 

"What the hell do you want?" Inis niyang tanong sa kabilang linya dahilan para kumawala ang nakakalokong ngisi sa aking mga labi. 

"Nakalimutan mo na ata ang pinag-usapan natin," may halong pagbabantang sinabi ko sa kanya bago pinatay ang sindi ng sigarilyo tsaka sumandal ng maayos sa swiveling chair. "Ilang araw ka ng tahimik ah. Kamusta na iyong anak mo?" Pang-aasar ko pa at niluwagan ang suot na necktie. Naramdaman kong nanigas ito sa kabilang linya bagay na simple kong ikinatawa. 

"Just tell me what you want!" Nanggagalaiting sigaw niya sa kabilang linya habang habol-habol ang sariling hininga. 

Wala sa sarili kong dinikit ang dulo ng aking dila sa loob ng aking pisnge upang pigilan ang tawang gustong kumawala. 

"May lakad ka ba? Bakit parang atat na atat ka," natatawa kunwaring saad ko pa. Pinagkrus ko ang aking mga binti habang ang kaliwang kamay naman ay nasa ibabaw ng lamesa na mabagal ngunit malakas na tinatapik ang mesa gamit ang mga daliri. Kitang-kita ko ang kakaibang kulay ng aking kuko. 

Iibahin ko na naman ang kulay nito mukhang natatanggal na ang tinta.

"You know what? This is useless! If you don't have to say something important better shut the call off!" Hindi na nakapagtimping aniya sa kabilang linya dahilan upang unti-unting maglaho ang nakakalokong ngisi sa aking mga labi at napalitan ng pagtitiim ng bagang. Humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono na nasa aking tainga bago pinakawalan ang sarkastikong mga ngiti kasabay ng pagbuga ng marahas na hininga. 

"Ipapaalala ko sa'yo, Heirera, tauhan lang kita!" Pagtangis bagang ko tsaka malakas na hinampas ang ibabaw ng lamesa. 

Agad na umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na pagkalabog kasabay ng pagtalsik ng aking mainit na kape mula sa itim na tasa. Wala sa sarili at mabilis ko iyong kinuha tsaka humigop ng kape upang pakalmahin ang sarili. Hindi nakatakas sa akin ang mahina ngunit nakakaloko niyang pagtawa kasunod ng sarkastikong pagbuga ng kanyang hininga. 

"I don't f*ck*ng care whether you're my boss or not!" Bulalas niya. Awtomatiko akong nainis dahil sa pagiging matabil ng kanyang dila. Wala sa sarili kong pinasadahan ng daliri ang buhok ko at napangisi. 

Akala ata nito malulusutan na niya ako, pwes hinding-hindi iyon mangyayari!

Awtomatikong umalingawngaw sa buong paligid ang mabagal ngunit malakas kong pagtawa na siyang ikinatigil niya sa kabilang linya. Nakakaloko akong napangisi matapos ng ilang minuto niyang pananahimik dahil sa biglaan kong pagtawa bagay na mas lalo kong ikinangisi. 

"Baka nakakalimutan mo ang napag-usapan natin, Heirera?" May halong pagbabanta at babala kong sinabi bago umayos sa pagkakaupo. Napansin ko ang biglaang pananahimik niya sa kabilang linya pati ang sunod-sunod niyang pagtikhim, hindi rin nakatakas sa akin ang wala sa sarili niyang pag-ubo dahilan upang mas lalo akong mapangisi, magkahalong pagkainis at galit. "Subukan mong kalimutan iyon, sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas sa mga kamay ko, lalong-lalo na iyang anak mo!" Pagpapatuloy ko pa at walang pasabing pinatayan siya ng tawag. 

Pabagsak kong nilapag ang hawak na telepono sa ibabaw ng lamesa bago sumimsim ng kape. 

"Hinding-hindi mo ako maiisahan, Heirera. Hinding-hindi." Iiling-iling kong bulong sa aking sarili tsaka asar na napabuga ng marahas na hininga bago tumayo at umalis sa loob ng opisina. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status