Share

01: ILLUSION

Waking up means accepting the cruel reality. Reality that has an opening door, but doesn't have an exit.

•••

Pawis na pawis ang noo ko habang habol-habol ang sariling hiningang nakasapo ang isang kamay sa aking sentido. Nanginginig ang aking katawan at nanlalamig ang aking kalamnan. Wala sa sariling kong kinapa ang bandang uluhan ko para lamang kapain kung may sugat ba ako doon. Nang makitang wala naman ay wala sa sarili akong napahinga ng malalim tila nabunutan ng malaking tinik tsaka dahan-dahang pinalibot ang paningin sa kabuoan ng silid. 

Isang napakakinis, maputi at sementadong pader ang unang bumungad sa aking mga mata. Malaking itim na tv screen at dalawang long sofa na may isang maliit na kayumangging coffee table mula sa di-kalayuan sa akin. Isang malawak na bintanang silhouette na kitang-kita ang napakaganda at napakaaliwalas na pinaghalong asul at dilaw na kalangitan. Dahan-dahan kong binaling ang aking paningin sa maingay na makinang nasa gilid ko. Sobrang ingay nito na para bang nasa construction site ako. Awtomatiko kong nakita ang mga iba't-ibang aparatong nakakabit sa palapulsuhan, likuran ng siko at gitnang daliri kasabay ng pag-alingasaw ng mga kemikal na nakatarak sa mga hose na iyon. Ilang beses akong napakurap  upang gisingin ang sariling diwa tsaka sunod-sunod na napalunok matapos makita ang puting kamang hinihigaan ko. Napapantiskulang napatingin ako sa damit na aking sinusuot tsaka hindi makapaniwalang napabuga ng marahas na hininga.  

Minsan ko pang pinasadahan ng paningin ang buong paligid tsaka wala sa sariling napahawak sa aking sentido nang maramdaman ang biglaang pagkirot nito kasabay ng pagpasok ng alaala sa aking isipan. 

.-. --- --- -- / --- -. . / -. .. -. . / ..-. --- ..- .-.

Kunot-noo at salubong ang mga kilay akong napatitig sa kawalan matapos kong maalala ang mensaheng iyon na natanggap ko sa kung sino. Hindi malinaw sa aking isipan ang kanyang mukha pero nasisiguro kong kasama siya sa panaginip ko, pero nakakapagtaka kung bakit malinaw na malinaw sa aking alaala ang mensaheng nakasulat sa papel samantalang ang taong nagbigay sa akin no'n ay hindi man lang mahagilap ng aking isipan. Marahas akong napabuga ng mabigat na hininga bago pinasadahan ng mga daliri ang sariling buhok habang sinusuri sa isipan ang nilalaman ng kakaibang mensahe.

"Putangina!" Naiinis kong bulong sa aking sarili tsaka napabalikwas ng bangon. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labing napatingin ako sa malaking itim na telebisyon sa aking harapan tsaka dali-daling pinalibot ang paningin sa loob ng kwarto. Aksidenteng dumapo ang mga mata ko sa pintuan ng silid, kung nasaan ako. "Room 193," wala sa sarili kong pagbabasa matapos kong pagmasdan ang karatula sa taas ng pintuan. 

.-. --- --- -- / --- -. . / -. .. -. . / ..-. --- ..- .-.

"I need to go, see you there."

Bigla na namang pumasok sa aking isipan ang mensaheng iyon kasunod ng hindi maipaliwanag at kataka-takang mga salita. Gulat na gulat akong napatingin sa pintuan ng aking kwarto. Habol hininga at hindi ako makapaniwalang napasinghap tsaka mariing pinikit ang mga mata upang pakalmahin ang sarili. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa tuwing iniisip ko ito. 

"Zach," nanghihina kong bulong sa hangin at mahigpit na kinuyom ang aking kamao sa ilalim ng puting bed sheet. Muli akong inis na napasabunot sa sarili ko tsaka ngali-ngaling tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan bago mabilis na inalis ang mga aparatong nakadikit sa aking katawan at dali-daling tumayo sa higaan upang lumabas sa loob ng silid. "Room 194," katabi lamang ng silid na'to ang nakasulat sa mensaheng iyon. 

Bigla akong natalisod matapos matapakan ang bakal na malapit sa kamang hinihigaan ko dahilan para inis ko itong sipain paalis sa aking daraanan at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan tsaka padabog na binuksan ito habang sapo-sapo ang sariling palapulsuhan dahil sa dugong patuloy na rumaragsa pababa sa aking kamay dulot ng marahas na paghablot ko sa karayom na nakatarak sa akin. Agad akong nagpalinga-linga sa buong pasilyo ng ospital para hanapin ang sa tingin ko'y kwarto ni Zach. Hindi naman ako nagkamali sa naisip dahil mabilis ko itong nakita mula sa di-kalayuan. Akmang tatahakin ko na ang daan papunta sa kwartong iyon ngunit mabilis ring natigilan.  

Napahinto ako sa paglalakad kasabay ng paninigas ng aking katawan nang maramdaman ko ang dalawang matitipunong brasong nakapulot sa aking bewang mula sa aking likuran. 

"Saan ka pupunta?" tanong niya na ngayo'y sinusubukan akong pigilan sa pagpupumiglas. 

Hindi ko siya sinagot tsaka padarag na tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin na para sana pigilan ako sa pag-alis. Mabilis akong nakawala mula sa kanya pero agad ring napahinto nang hawakan niya ang aking palapulsuhan. Hindi nakatakas sa mga mata niya ang dumudugo kong palapulsuhan na ngayon ay hindi na maawat sa pagragsa ng napakaraming dugo na bumababa sa aking kamay papunta sa puti at sementadong sahig ng pasilyo. 

"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas kong sigaw sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa akin, halatang hindi alintana ang sakit at pagkirot ng aking sugat.

"What the fuck, Shan?" Hindi makapaniwalang pagmumura niya kasunod ng pagsalubong ng kanyang mga kilay at galit na galit ngunit nag-aalalang tumingin sa akin. "Dumudugo ang kamay mo! Tangina saan ka ba pupunta?" Hindi na napigilan niyang asik nang hindi ko man lang siya pinakinggan. 

"Si Zach," agad kong tugon at wala sa sariling napatingin sa silid ng Room 194. Wala sa sariling sinundan niya ng paningin ang aking tinitignan dahilan upang makita ko ang biglaang panlalaki ng kanyang mga mata. "Nandyan siya," dagdag ko pa na ang paningin ay nakatuon sa pintuan, kung nasaan si Zach. "Buhay siya, Jake." Pagkukumpirma ko pa at sabik na sabik ngunit naiiyak na binaling muli ang paningin kay Jake. 

Mas lalong lumaki ang kanyang mga mata kasabay ng pag-awang ng kanyang mga labi tsaka gulat na gulat na napatingin sa akin. Umiling siya nang umiling tila hindi alam ang sasabihin. Wala sa sarili siyang napaatras kasabay ng pagluwag ng pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan dahilan upang mabilis kong mabawi ang aking kamay mula sa kanya. Gulat na gulat pa rin siya at hindi makapaniwala. 

Tatalikuran ko na sana siya nang biglang natigilan dahil sa matangkad na lalaking nakaharang sa aking harapan. Nakasuot siya ng surgical scrubs at plantsadong puting lab coat habang ang kanyang asul na stethoscope ay kaswal na nakasabit sa kanyang leeg.  Maayos na nakapusod ang kanyang pompadour haircut na slicked-back sides. Hindi ko aakalaing doktor ang isang 'to. 

Hinarang niya ang kanyang katawan sa aking dadaanan tsaka salubong na salubong ang mga kilay na tumingin sa akin. Pinanliksikan ko siya ng mga mata bago dumaan sa kabilang banda ng pasilyo upang talikuran din siya dahilan upang iharang niyang muli ang kanyang sarili. Lumiko ulit ako sa kabilang banda ng pasilyo upang subukang dumaan ngunit madali niya akong naharangan. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming parang nagpapatintero sa pasilyong iyon bago inis at galit na galit na tumingin sa kanya. 

"Ano ba!" Buong lakas kong sigaw sa pagmumukha niya nang hindi na makapagtimpi. "Umalis ka sa harapan ko!" Dagdag ko at padarag na tinulak siya. 

"You're not going anywhere," mariing utos ni Yhurlo sa akin. Masamang-masama at nanliliksik ang mga mata niya tila nagagalit sa ginagawa ko. "Bumalik ka sa kwarto mo." Mariing pag-uutos niya pa nang sinubukan ko ulit na umalis. Inirapan ko siya bilang tugon tsaka wala sa sariling napasulyap sa kamay kong patuloy pa rin na dumudugo bago ulit tumingin sa kanya. 

Hindi ko maintindihan kung bakit ako natatakot sa mga tingin niya, kung bakit ako natatakot na makitang nagagalit siya sa akin. Iyong pakiramdam sa tuwing nagagalit sa akin ang mga kapatid ko ay parang nararamdaman ko rin sa kanya. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga bagay-bagay na alam kong ilusyon lang naman. Dulot lang siguro ito ng matinding pangungulila na nararamdaman ko kina Ricko. Hindi ko na iyon pinansin at marahas na inilingan ang sarili upang tanggalin ang mga iniisip, at tsaka pa, hindi dapat ako natatakot sa kanya tulad ng takot na nararamdaman ko sa mga kapatid ko. 

"Tumabi ka dyan-" hindi ko na natapos pa ang mga sasabihin ko nang bigla niya akong inalsa na parang sako tsaka dali-daling naglakad pabalik sa aking kwarto at dire-diretsong pumasok sa loob. 

"Lock the door." Rinig kong utos niya kay Jake na kanina pa tahimik. Nagpatuloy lamang ako sa pagpupumiglas habang siya naman ay mahigpit na mahigpit akong hinahawakan. Gusto ko siyang sapakin at saktan pero hindi kaya ng konsensya ko. Nagpatuloy na lamang ako sa pagpupumiglas hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa kwarto. Dahan-dahan niya akong binaba sa kama kasabay ng pagtunog ng paglock ni Jake sa pintuan mula sa labas dahilan upang samaan ko siya ng tingin. "Give me your hand," mahina at nagtitimpi niyang sinabi matapos ng ilang subok niyang pagkuha sa kamay ko dahil sa patuloy na pagdudugo nito.

Pakiramdam ko nga ang putla-putla ko na ngayon dahil ramdam na ramdam ko ang unti-unting panghihina ng buo kong pagkatao at panlalamig ng katawan ko. Ilang minuto kaming matalim na nagtititigan sa isa't-isa hanggang sa tuluyan na akong sumuko bago napapabuntong-hiningang kusang inabot na lang sa kanya ang kamay. Sinamaan niya pa ako ng tingin ng isang beses bago mabilis na inabot ang aking kamay. Palihim ko siyang inismiran at napairap tsaka napabuga ng mabigat at malalim na hininga. 

Maya-maya pa ay tumingin ulit ako sa kanya para lamang makita na marahan niyang nililinisan at dahan-dahang ginagamutan ang sugat ko bago eksperto itong nilagyan ng malinis na gauze pad. Nanatili lamang akong tahimik na tulalang pinagmamasdan ang bawat galaw niya hanggang sa matapos ito. Malalim akong napabuntong-hininga tsaka binasag ang nakakabinging katahimikan.

"Ayaw ko ng mabuhay," mahinang bulong ko sa hangin pagkatapos ng mahabang katahimikan tsaka napabuga ng mabigat na hininga. Naramdaman ko nang matigilan siya sa ginagawa bago ako nag-aalala at puno ng pangamba ang mga matang tinignan. 

"Shan," awtomatikong pagtawag niya sa pangalan ko na ngayo'y nakaawag na ang mga labi dulot ng matinding pagkagulat. Tinignan ko rin siya pabalik at umiling nang umiling tsaka mapaklang napangiti. 

"Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kanya 'yon." Nakatulalang saad ko pa at napahinga ng malalim. 

Kasalanan ko ito. 

Hindi dapat iyon nangyari sa kanya kung hindi niya sinalo ang balang iyon. Para sa akin dapat ang balang iyon, hindi sa kanya. Napakasama ko at hinayaan ko siyang gawin 'yon. Napakasama ko at nagawa kong patayin ang taong mahal ko. Hindi ako karapat-dapat na mabuhay, hindi ako karapat-dapat na maging masaya, wala akong karapatan na magalit sa kanya dahil lamang sa ginawa niyang pagligtas sa akin. Sarili ko dapat ang sisisihin ko. Sarili ko dapat ang nakakaranas no'n. Ako dapat ang patay ngayon kung nagawa ko lang na makita ang balang 'yon. Wala akong natanggap na sagot sa kanya at tanging pag-aalala at awa lamang sa kanyang mga mata ang aking natanggap. 

Huminga ulit ako ng malalim bago nagsalita, "Wala akong kwenta." dagdag ko pa at dismayadong inilingan ang sarili bago pinunasan ang mga luhang nakatakas na sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin sana ang sarili, pero mas lalo lamang lumakas ang aking pag-iyak lalo na no'ng makita ko ang luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. 

Nasasaktan ako na makitang umiiyak siya ng dahil sa akin. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

"Come here," utos niya at dahan-dahang hinila ang kamay ko para yakapin ako. Mahigpit na mahigpit niya akong niyakap na para bang mas nahihirapan siya sa sitwasyon na meron ako. "Don't say that. You're worth it." Pagpapatuloy niya pa at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin kasabay ng mga mabibilis niyang h***k sa aking sentido upang pagaanin ang kalooban ko.

Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak sa d****b niya. Binuhos ko ang lahat ng sakit na pinapasan ng buo kong pagkatao, iniyak ko lahat ng emosyong pinipigilan ko, nilabas ko lahat ng bigat ng dinadala ng puso ko.

Nasasaktan ako. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao. Nagsisisi ako kung bakit nangyari sa kanya iyon. Nagsisisi ako kung bakit niya pa ako nakilala. Nagsisisi ako kung bakit niya pa ako minahal. Hindi ako karapat-dapat. Hindi dapat ako minamahal. Hindi dapat ako inaalagaan. Hindi dapat ako pinapahalagahan. Hindi dapat ako pinoprotektahan. 

Napakasama kong tao para patayin ang taong mahal ko. Wala akong karapatang maging masaya matapos kong gawin sa kanya 'yon. Hindi ako pwede maging masaya dahil iyon naman talaga dapat ako bago ko siya makilala. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status