Share

48.1: “Me,”

"Zach, this is my Dad and Dad this is Zach-" naputol ang dapat na pagpapakilalang sasabihin ni Shan nang makita sa gilid ng mga mata ang agresibong pagbangon ni Zach.

Mabilis na bumaling si Shan sa gawi ng binata sa pag-aalalang baka mapa'no na naman ito ngunit agad ring natigilan matapos makita ang salubong na mga kilay at ang panliliksik ng mga asul nitong mata habang tiim-bagang na nakatitig sa kanyang ama. Parang si Shan ang kinabahan nang makita ang ganoong ekspresyon ni Zach.

"You're the one who raped and killed my sister." Pang-aakusa nito at mariing kinuyom ang mga kamao dahilan para magusot ang hawak nitong puting kumot.

"Zach!" Gulat at pasigaw na pagsaway ni Shan sa binata kasabay ang pagkunot ng noo, pero kahit gano'n pa man ay hindi niya pa rin maiwasang isipin na maaaring may katotohanan nga ang sinabi nito.

Base pa lang sa reaksyon at ekspresyon ng mukha nito simula nang makita ni Zach ang ama niya ay talagang makikita mo ang galit at hinanakit nito.

"Dad?" Pagbali
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status