Share

04: FALSE HOPES

Sometimes, good people are the bad ones and bad people are the good ones. You will never know what kind of person you'll interact.

Author's Pov:

Umaga, tanghali hanggang hapon sadyang napakatahimik ng kwarto ni Shan, paano ba naman kasi hindi pa lumalabas ang araw at nagsisimula pa lang sa pagtitilaok ang mga manok ay wala ng tao sa kanyang kwarto. Maagang-maaga pa ay nakaparada na ang kanyang sasakyan sa gilid ng police station, kung nasaan nagtatrabaho si Zach. Umaasa siya na baka makikita niya rito ang binata kahit na ang alam niya'y napakaimposible niyong mangyari.

'Mali ba ang umasa kahit alam mo ng una pa lang ay wala ka na talagang pag-asa? Mali bang magbaka-sakaling isipin na makikita kong muli ang taong mahal ko? Mali bang magkunwari na hindi siya tuluyang nawala sa mundong ito? Gustong-gusto ko ng tanggapin ang nangyari, pero sa tuwing sinusubukan ko doon naman ako ginugulo ng puso ko. Pinapaniwala at ginagawang tanga na baka posibleng buhay pa nga siya.' Bulong ng dalaga sa kanyang isipan. Pumangalumbaba at napahinga ng malalim tsaka pinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng manobela habang ang mga mata'y nakatuon lamang sa labas ng sasakyan.

Simula kaninang umaga ay hindi siya kumain, tanging tatlong boteng tubig lamang ang laman ng kanyang tiyan kaya hindi malabong manghina ito dahil sa matinding pagkagutom. Alam niyang siya na ang pinakatangang nabubuhay sa mundo dahil umaasa pa rin siya na sana, ang inaakala niyang patay ay nabuhay. Talagang napakaimposible, pero nasa mas pipiliin niyang mabuhay sa pekeng katotohanan kaysa tanggapin ang malupit na realidad.

Hindi namalayan ng dalaga kung ilang oras siyang nakapangalumbaba sa kanyang manobela nang makaramdam siya ng antok. Humikab pa ito ng isang beses habang nakapikit ang mga mata bago inayos ang pagkakasandal sa manobela ng sasakyan tsaka napagdesisyonang umidlip muna.

Isang malakas at sunod-sunod na pagkatok ang gumising sa mahimbing na tulog ng dalaga. Dahan-dahan ngunit inis na nag-angat ng ulo si Shan mula sa pagkakasandal sa manobela tsaka iminulat ang mga mata kasunod ng mahabang paghikab bago pupungay-pungay ang mga matang napatingin sa taong patuloy na kumakatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Nanliit ang kanyang mga mata matapos mamataan kung sino ang nagdidistorbo sa tulog niya at wala sa sariling napailing bago binaba ang salamin ng bintana upang marinig ng malinaw ang mga sinasabi nito.

"Hey! What are you doing here?" Nakakunot-noong bungad sa kanya ni Rychll tsaka bahagyang lumapit sa nakabukas na bintana upang mas makita siya.

She's wearing her usual uniform. Gray blue short sleeve shirt with vertical white pin stripes. A pant with side piping and a black low-cut shoes with four holes and has a one and a half heels. Her pistol belt tightly hugs her waist, flexing the curve of her body.

Tinanggal ni Rychll ang suot na police field cap para mas makita ng malinaw si Shan. Hindi ito sumagot at nanatili lamang na nakatingin sa harapan tila walang kausap.

"Hoy!" Sigaw niya sa gilid ng tainga ng dalaga pagkatapos ng ilang segundo ay wala pa ring natatanggap na sagot.

Walang emosyon siyang sinulyapan ni Shan bago siya pinakatitigan ng matagal tsaka ulit binalik ang paningin sa harapan, tila may hinihintay na kung sino dahilan upang mapatingin rin roon si Rychll, pero agad rin namang binalik ang paningin kay Shan nang makitang walang tao.

"Ano ba ginagawa mo rito? Magpapa-blotter ka ba?" pagbibiro pa ni Rychll. Agad na napairap si Shan sa sinabi nito tsaka umayos sa pagkakaupo bago sinandal ang sarili sa upuan. Inirapan rin siya ni Rychll at napabuga ng marahas na hininga. "Hinahanap mo si Zach no?" May halong pang-aasar na tanong ni Rychll pagkatapos niyang titigan ng matagal si Shan.

Hindi nakatakas sa mga mata ni Rychll kung paano siya ngiwian ni Shan na para bang naririndi at naiinis sa presensya niya dahilan upang mapangiwi rin ito.

'I also don't like her presence. It's a tie.' Pagkausap ng dalaga sa sarili at inilingan ang sarili.

"I bet you still haven't heard the news. If you're waiting for him well, you don't have to. Zach's dead, you know." Patuloy na pang-aasar pa ni Rychll kay Shan tsaka palihim na natatawang inilingan ang sarili dahil sa sinabi. Napakagat labi si Rychll upang pigilan ang sarili na h'wag bumungisngis matapos makita ang pagkuyom ng kamao at pagtatagis bagang ni Shan. Nanliliksik ang mga matang tinignan ni Shan si Rychll na ngayon ay ilang dangkal lang ang layo mula sa kanyang kotse. "What? Isn't it real?" tanong pa kunyari ni Rychll. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Shan tsaka siya nanliliksik ang mga matang tinitigan.

Akmang magsasalita ulit si Rychll ngunit agad ring natigilan matapos paandarin nito ang makina ng kanyang sasakyan tsaka walang pasabi at mabilis na pinaharurot ang kotse palayo sa kanya dahilan upang maiwan siyang nakatanga. Muntikan na siyang masama sa kotseng iyon kung hindi mabilis na nakagalaw ang katawan niya upang lumayo sa kotse ni Shan. Malapit na siyang madisgrasya mabuti na lang at hindi niya dinungaw si Shan sa bintana kundi paniguradong nadali na siya nito. Ilang beses na napakurap si Rychll habang naninigas ang katawan na tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Shan habang pinoproseso sa utak ang mga nangyari. Muli niya pang tinignan ang kotse ni Shan na ngayo'y naglalaho na sa kanyang paningin tsaka inis na napabuga ng marahas na hininga habang nanliliksik ang mga mata. Inis niyang inismiran ang sarili at asar na asar na pinasadahan ng daliri ang maayos na nakapusod na buhok.

"Fuck you, Shan!" Nanggagalaiti sa galit niyang buong sigaw sa malawak at tahimik na kalsada dahilan upang magtinginan at magtaka ang mga taong naglalakad at ang kanyang mga katrabaho. Hindi niya iyon pinansin tsaka padarag na sinuot muli ang police cap at nagdadabog na bumalik sa loob ng police station.

MABILIS na dumiretso si Shan sa kanilang mansion matapos siyang asarin at inisin ni Rychll kanina. Hindi na niya nagawang makapagtimpi matapos iyong sabihin ni Rychll, mabilis at walang pasabi niyang pinaharurot paalis ang kanyang sasakyan nang makitang nagsisimula na naman siyang asarin nito. Alam niyang hindi tama ang ginawa niya, pero hindi niya naman iyon gagawin kung alam niyang malalagay sa panganib ang buhay nito. Napakaimmature na isipin na dahil lang roon ay nagawa na niyang saktan ng gano'n ang dalaga. Hindi siya iyong mga gano'ng tipo ng tao.

Agad na nagtungo si Shan sa kanilang dinning hall nang makaspasok sa main door ng mansion.

Malalim na ang gabi at madilim na ang kalangitan at hindi niya maitatangging gutom na gutom na siya. Simula kaninang umaga ay walang ibang laman ang kanyang tyan kundi ang tatlong bote ng tubig na binili pa niya sa convenience store na malapit sa tinitirahang condo. Doon niya napiling bumili, nagbabaka-sakali na namang makikita o makasalubong si Zach.

Binuksan ni Shan ang pintuan ng kanilang dinning hall at agad na pumasok. Didiretso na sana siya sa dinning table upang kumain ngunit agad ring napatigil matapos makita kung sino ang mga naroon.

Unang bumungad sa kanya ang napakalakas at masayang halakhakan ng kanyang buong pamilya. Ang kanyang ina na masayang pinagsisilbihan ang kanyang ama at mga kapatid. Si Rhey na tatawa-tawa at ngingiti-ngiting nakikipag-usap kay Ricko na ngayon ay mas lalong sumingkit ang mga mata dahil sa hindi maputol na ngiti samantalang si Erick naman na sabik na sabik at buong atensyong nakatuon sa kanyang dalawang anak na masayang nag-uusap tila ngayon lamang nagkita matapos ng ilang taon nilang hindi pagsasama. Wala sa sariling sunod-sunod na napalunok ang dalaga tsaka ilang beses na napakurap habang naninigas ang katawang nakatingin sa kanila.

"Ang saya-saya nila na wala ako." Mahinang bulong ng dalaga sa sarili at wala sa sariling napahinga ng malalim tsaka mabilis na pinunasan gamit ang sariling palapulsuhan ang ilang butil ng luhang nakatakas sa kanyang mga mata. Akmang aalis na sana siya ngunit agad ring napahinto nang biglaan siyang tinawag ni Ricko.

"Ate!" Malakas na tawag sa kanya at napatayo pa sa kinauupuan matapos makitang paalis na siya.

Lahat ay natigil sa kanya-kanyang ginagawa tsaka sabay-sabay na napalingon sa gawi kung saan nakatingin si Ricko. Hindi nakatakas sa mga mata ni Shan kung paano kumunot ang noo ng kanyang ama kasabay ng pagsalubong ng mga kilay nito, tila nagtataka kung bakit siya narito.

Didiretso na sana si Shan palabas ng dinning hall nang hinawakan siya ni Ricko sa kamay upang pigilan siya tsaka walang pasabing hinila papunta sa bakanteng upuan.

Nakangiti niyang ginayak paupo ang kanyang Ate bago naupo na rin sa sariling upuan.

"Kain ka na, Ate." Kaswal pa na pang-aaya ni Ricko habang nilalagyan ng kanin at ulam ang kanyang plato.

Napatigil lang ito nang maramdaman ang biglaang pananahimik ng lahat tsaka kunot-noo at nagtatakang tinignan sila.

Wala sa sariling napaubo si Shane upang bawasan ang pagkailang sa pagitan ng kanyang asawa at anak. Nginitian niya si Shan tsaka hinimas ang buhok bago pinagsalin ng tubig sa baso.

Kung kanina ay sobrang maingay ang buong silid, ngayon naman ay hindi na halos mapantayan ng pipi dahil sa matinding katahimikan na pumapagitna sa lahat, lalong-lalo na sa mag-ama. Ang kaninang masayang tawanan at hagikhikan ay napalitan ng tahimik na pagnguya at sunod-sunod na pagtikhim upang pagaanin ang paligid.

Pagkatapos kasi ng nangyaring sagutan kahapon ay mas nahirapan silang pakisamahan si Shan. Gustong sisihin nilang lahat si Erick, pero hindi nila ginawa. Hinahayaan na lamang nila si Shan sa mga gusto at ayaw nitong gawin dahil baka napapagod na ito kakasunod sa mga utos at payo ng kanyang ama kahit pa labag naman ito sa kanyang kalooban na gawin.

Isang malakas na tikhim ang nakapagpatigil sa pag-iisip ng lahat tsaka sabay na napatingin sa gawi Erick.

"Tomorrow morning, Rage will bring you to my office to guide you on how to manage and hold our businesses." Maawtoridad at baritonong tinig na utos ni Erick kay Shan tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Lahat ay nanatiling tahimik at nakatikom ang mga bibig habang hinihintay ang magiging tugon ng dalaga. Walang ni isa sa kanila ang nagtangkang basagin ang katahimikan lalo na nang makita nilang ngumisi si Shan, sa unang pagkakataon simula nang makauwi ito galing sa hospital. Napatigil si Erick sa pagkain tsaka kunot-noong napatingin kay Shan.

"Wala ka talagang konsensya 'no? Sa huli ako pa rin ang sunod nang sunod sayo," naiiling na sinabi ng dalaga at mapaklang natawa.

Hindi siya pinansin ni Erick at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Ilang minuto pa ay muli na namang nagsalita si Erick.

"Jake begged me to postpone the wedding, so it is rescheduled next year." Pagbabasag ni Erick sa nakakabinging katahimikan pagkatapos nguyain ang huling kutsara ng kanin at ulam bago ininom ang tubig na sinalin kanina ng kanyang asawa sa baso tsaka pinunasan ang gilid ng labi at tumingin kay Shan.

Tinigil ni Shan ang pagsubo ng pagkain sa bibig at binaba ang kutsara sa kanyang plato. Nag-angat siya ng paningin upang tignan ng diretso sa mga mata si Erick ng puno ng panunuya ang ekspresyon ng mukha.

Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib tsaka padabog na sinandal ang likuran sa sandalan ng upuan at napabuga ng marahas at mabigat na hininga bago sarkastikong napangisi dahilan upang tignan siya ng lahat. Iiling-iling niyang tinignan muli ang kanyang ama na ngayo'y kunot ang noo at salubong ang mga kilay na pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon niya.

"Such a selfish man." Mahinang bulong ng dalaga sa sarili ngunit rinig na rinig ng buo niyang pamilya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Erick at mabilis na nag-init ang ulo kasabay ng pagtaas ng kanyang kumukulong dugo bago tinignan ang dalaga gamit ang nanliliksik niyang mga mata. Pulang-pula na ang mukha nito na para bang anumang oras ay pwede ng sumabog. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan upang duruin si Shan gamit ang nanginginig sa galit na hintuturo.

"How dare you-" naputol ang mga dapat na sabihin ng kanyang ama dahil sa biglaang pagtayo ng dalaga.

Naiwang nakaturo kay Shan ang nanginginig na hintuturo ni Erick sa ere dahilan upang minsanan niya itong sulyapan bago tumingin ulit ng ilang segundo sa ama tsaka pinasadahan ng walang emosyong ekspresyon sina Ricko, Rhey at ang ina niya.

"Tapos na akong kumain," aniya at pinunasan ang gilid ng labi gamit ang bimpo sa lamesa habang ang mga mata'y diretsong nakatingin kay Erick.

Aalma pa sana ang kanyang Ina ngunit mabilis na siyang tumalikod at nagmamadaling naglakad paalis sa loob ng dinning hall.

Naririnig ni Shan ang iilang tawag ng kanyang dalawang kapatid pati ng kanyang Ina, pero hindi iyon naging dahilan upang huminto siya sa paglalakad. Naiwang tulala at hindi makapaniwalang nakatanaw naman si Erick sa papalayong bulto ng kanyang anak, halatang hindi alam ang sasabihin o magiging reaksyon.

Shane Heirera's Pov:

"What did you do to my daughter? What did you do to Shan?" I sobbed while hitting him on his chest using my fists.

I'm so mad, frustrated and all. I want to yell and shout at him, but my strength says no. I don't have enough courage to do that. My body is just weaker than before after I witnessed how Shan changed.

My both eyes saw what my daughter really feels. She's hurting and suffering something in the things that I didn't know. It's like she wanted to burst into tears, cry out loud, scream all the pain in her heart. She badly needed our help, but I-we don't know how to approach her like how we approach her like the old days. I want to help my daugther, but I don't know how.

Sa tuwing nakikita ko siyang gano'n ay nasasaktan ako. Mga salita at kilos niya na para bang ayaw na niyang mabuhay ay siyang nagpapadurog ng puso ko. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nagawang pagsalitaan ng anak namin ang asawa ko, ibig sabihin lang kasi no'n ay may ginawa si Erick na hindi nagustuhan ni Shan. Hindi naman kasi marunong magsalita ng gano'n ang anak ko lalo pa't kadugo niya, pero ngayon tila hindi na siya natatakot na pagsalitaan ng gano'n ang kanyang Ama. Nasisigurado kong hindi magkakagano'n si Shan kung hindi siya ginawan ng kung ano ni Erick. Napakawalang kwenta niyang Ama sa oras na malaman kong si Erick ang may dahilan ng lahat kung bakit siya nagkakaganito.

I will never forgive him.

"That f*cking police man." Rinig kong nanggagalaiti sa galit na bulong ng aking asawa dahilan upang mapaangat ako ng paningin.

His both eyebrows immediately made a line and his cheeks were starting to turn into red because of the plain madness. His eyes were sharp as a knife and his teeth were clenching, while his right hand that was combing my hair stopped mid-air.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan at nagtataka kong tanong sa kanya tsaka marahang pinunasan ang luha sa aking pisnge gamit ang puting panyong hawak ko.

"I need to go," imbis na sagutin ang tanong ko ay bigla na lang siyang nagpaalam.

Hindi na ako nakapagsalita nang masuyo niyang dinampian ng mabilis na halik ang noo ko tsaka nagmamadaling pumunta sa kanyang lamesa para kunin ang susi ng sasakyan.

"Where are you going?" I confusedly asked.

My forehead wrinkles when I saw him how he manage to wear his jacket in a manly way before walking towards me, giving two pats on my head.

"Saan ka pupunta?" Nalilitong tanong ko ulit nang makalapit na siya sa pintuan habang ako nama'y naiwang nagtataka at nalilito sa mga ikinikilos niya.

"I'll be back." Sa halip na sagutin ang tanong ko ay iyon lamang ang sinabi niya dahilan upang maiwan ako sa tahimik na silid na mag-isa at walang alam sa mga nangyayari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status