ログイン“You’re back and alive” walang ganang sagot ni Uncle Thad
Huling dinig ko sa pag uusap nila ng lalaki Parang may kakaiba sa kanya wala syang emosyon o imahinasyon ko lang iyon? Urrrggghh! never mind, ang mahalaga maayos kong napagsilbihan si Uncle Kagat labi kong sambit sa aking isipan Nagbihis lang ako ng red tank top and black pajama *knock *knock Tumingin ako sa pintuan dahil sa marahang katok na iyon “Tanya.. Pinapatawag kana ng Tiyo mo” si manang Salve isa sa mga nag mamanage ng bahay “Sige po manang… papunta na po!” Sigaw ko Dali dali akong pumunta sa dining area Isang mahabang antique table ang tumambad sa akin. ‘Siguro kapag ibinenta ko ito, mahal ito,’ sa loob-loob ko noong una kong makita ang mga muwebles sa bahay na ito. Sinuyod ko ng tingin ang kahabaan ng lamesa at natanaw ko sa dulo si Uncle Thad. Sa isang gilid naman ay ang lalaki kanina. Huh? Anong ginagawa niya rito? Lumapit ako sa kanila at naupo sa aking pwesto. “Ahem!” pagsisimula ko upang basagin ang katahimikan. Tanging tunog lang kasi ng mga kubyertos ang naririnig ko. “So… sino siya, Uncle Thad?” Hindi ako pinansin ng lalaki. “Aodhan,” tipid na sagot ni Uncle Thad. (Ay-dhan) Napatigil ako sa paghihiwa ng steak at napatingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Alam ko ang negosyo ni Uncle, at si Aodhan? O.M.G. Ang kanang kamay ni Uncle. Siya ang literal na umubos sa isang buong clan ng Yakuza! Don’t tell me, sa loob ng isang buong taon, ang lalaking ito…? Habang busy ako sa pag-aaral, siya naman ay busy sa pagpatay dahil idineploy siya ni Uncle sa Japan! Napatitig ako sa kaniya, sinusubukang i-absorb ng utak ko ang impormasyong kaka-drop lang ni Uncle Thad. Si Aodhan. “The Reaper” na usap-usapan sa underground society. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na tinidor. Walang kaibuturan ang kaniyang mga mata—madilim, malamig, at walang kahit anong emosyon na parang isang blangkong pader. Kung titingnan mo siya ngayon na seryosong humihiwa ng mamahaling steak, iisipin mong isa lang siyang corporate executive o tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Hindi mo aakalaing ang mga kamay na ‘yan ay kayang pumatay ng dose-dosenang tao nang walang kurap. “You’re staring,” malamig na saad niya. Hindi man lang niya ako tiningnan pero alam kong ako ang kinakausap niya. Boses pa lang, parang dumaan na ang talim ng kutsilyo sa leeg ko. “A-ah…” Bigla akong nauutal. Nasaan na ‘yung tapang mo self?! “Tumingin lang! Hindi pwedeng humanga sa… interior design ng mukha mo?” Narinig ko ang mahinang tawa ni Uncle Thad sa dulo ng mesa, halatang naaliw sa kaastigan ko na biglang natunaw. “He will be staying here for a while,” kaswal na sabi ni Uncle Thad sabay higop ng wine. “Bukas ang simula ng bagong semester mo, tama? Aodhan will accompany you.” “Ha?!” Halos maibuga ko ang nginunguyang karne. “Accompany? As in bodyguard? Uncle, sa university ako papasok, hindi sa war zone! Bakit kailangan ko ng isang duguang assassin sa tabi ko?!” “He cleaned up his look, didn’t he?” dugtong ni Uncle na parang wala lang. “At hindi siya pupunta don bilang assassin. He enrolled as a regular student. Blockmate mo siya.” Doon na talaga ako napatayo sa upuan ko. Tiningnan ko si Uncle, tapos tumingin ako kay Aodhan na ngayon ay dahan-dahan nang nagpupunas ng bibig gamit ang table napkin, tila sanay na sanay sa marangyang pamumuhay. Isang Yakuza executioner… mag-aaral ng Business Management? Magdadala ng high-end laptop sa umaga, tapos high-caliber pistol sa gabi?! “Do you have a problem with that?” sa wakas, tumingin na sa akin si Aodhan. Ang kaniyang mga mata ay tila nagbabanta. Parang sinasabi nito na isang maling salita ko pa, ako ang susunod na itutumba niya pagkatapos ng buong clan sa Japan. Napalunok ako at dahan-dahang naupo pabalik. Lord, proteksyonan niyo po ang GPA ko… at ang buhay ko. “W-wala naman.. He he” mautal utal kong sagot sa kanya Minsan sumasama ako sa underground spot ni Uncle, kaya updated ako sa mga chika . Alam ng lahat ang tungkol sa The Reaper—na walang iba kundi itong lalaking kaharap ko ngayon. Personally trained ni Uncle ang taong ‘to, as in si Uncle ang mismong nag-mould sa kaniya. At doon ako biglang na-realize… wait lang. Kung ang taong ‘to na si Aodhan ay kayang umubos ng isang buong clan ng Yakuza nang solo-flight… paano na kaya si Uncle Thad? Anong klaseng raid boss ang nag-alaga at nagpaamo sa isang tulad ni Aodhan? Like, anong ginawa niya para maging top-tier katakutan sa buong illegal world? Napakapit ako nang mahigpit sa kutsilyo ko habang pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa. Sa dulo ng mesa, si Uncle Thad na chill na chill habang humihigop ng mamahaling alak. Sa tapat ko naman, si Aodhan na blangko ang mukha na parang walang niresbak na clan sa Japan habang tinatapos ang steak niya. Mukha silang mga normal na aristocrats sa isang P*******t-worthy na mansyon. Pero ang totoo, na-stuck ako sa pagitan ng dalawang pinakadelikadong tao sa mundo. At ang isa sa kanila… blockmate ko pa bukas. I-benta niyo na lang ako, please. “May problema ba.” Muling bumasag ang malamig na boses ni Aodhan. Flat ang tono, walang emosyon, pero grabe ‘yung heavy aura ng titig niya. Lowkey nakakapanginig ng tuhod. Napalunok ako bigla. “W-wala naman. Sabi ko nga, paborito ko talaga ang Business Management. Super excited na ako pumasok.” Hindi nya ulit ako pinansin at painagpatuloy ang pagkain nya Nagpasya na akong pumunta sa kwarto ko at nagpaalam kay Uncle Thad Nuong bago ako rito puro emote lang ang alam ko pero unti unti akong nakapag adjust dahil narin siguro sa mga tao dito na magaan kasama Dahil narin siguro sa pangalawang buhay na binigay sa akin ni Uncle Thad Habang papunta ako ng aking kwarto kung ano anong naiisip ko Sumagi nanaman ang pangyayari kanina, lumilipad ang isip ko sa mga ganitong pangyayari Hayyy.. Kagat labi akong humiga sa aking higaan Nakatingin sa kisame Nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto-Tahimik ang buong sementeryo matapos mabasa ni Thaddeus ang mensahe. Wala ni isa sa amin ang agad na nakapagsalita dahil sa bigat ng mga salitang nakasulat sa papel. Pakiramdam ko ay may kung anong malamig na bagay na unti-unting bumabalot sa dibdib ko."What the hell does that mean?" galit na saad ni Aodhan habang mabilis na inagaw ang papel mula kay Thaddeus. Muli niya iyong binasa na para bang may ibang kahulugan na nakatago roon. Ngunit mas lalo lamang siyang napakunot-noo.Nakatingin lamang si Thaddeus sa dalawang walang lamang kabaong. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya habang pinoproseso ang lahat ng nangyayari. Halatang may kung anong nabuo sa isip niya ngunit hindi pa niya ito gustong sabihin."You're looking in the wrong grave..." mahina kong ulit habang nakatitig sa mensahe. Paulit-ulit iyong umikot sa isip ko hanggang sa may isang posibilidad na sumagi sa utak ko. Isang posibilidad na ayaw kong paniwalaan.Agad akong napalingon kay Victoria."Tanya..."Namutla siya ba
Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa kurtina ng kwarto. Bahagya akong napakurap habang inaabot ang kabilang bahagi ng kama. Ngunit agad akong napangiti nang maramdaman ko ang braso ni Thaddeus na nakapulupot pa rin sa baywang ko.Marahan akong gumalaw upang hindi siya magising. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis sa yakap niya ay mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya. Napatawa tuloy ako nang mahina habang nakatingala sa natutulog niyang mukha."Thaddeus..." bulong ko habang marahang tinatapik ang dibdib niya. Bahagyang kumunot ang noo niya ngunit hindi niya ako pinakawalan. Para siyang batang ayaw magising dahil ayaw pang bumangon."Five more minutes."Paos pa ang boses niya at nakapikit pa rin ang mga mata niya. Napailing na lamang ako habang pinipigilan ang sariling matawa. Bihira ko siyang makita na ganito kakomportable."You're a billionaire," natatawa kong saad habang sinusubukang kumawala sa yakap niya. "You have responsibilities.""And you're my wif
Mahina akong napangiti habang nakasandal pa rin sa dibdib ni Thaddeus. Tahimik ang buong kwarto at tanging mahinang pag-ulan lamang sa labas ang maririnig. Sa wakas, pakiramdam ko ay huminto muna ang magulong mundo namin kahit sandali lang.Dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ko na para bang gusto niyang tanggalin ang lahat ng pagod na nararamdaman ko. Mas lalo akong napapikit dahil sa init ng yakap niya. Hindi ko namalayang unti-unti na palang gumagaan ang pakiramdam ko."Bakit ang tahimik mo?" mahina kong tanong habang nakatingala sa kanya. Bahagya kong pinagmasdan ang mukha niya at napansin kong mas kalmado na siya kumpara kanina. Nawala kahit papaano ang bigat na nakaukit sa mga mata niya."I'm just looking at my wife," sagot niya habang bahagyang ngumiti. Hindi niya inalis ang tingin sa akin na para bang ako lang ang taong naroon sa silid. Dahil doon ay agad na uminit ang pisngi ko."You're staring," naiilang kong sambit habang umiwas ng tingin. Bahagya ko pa siyang tinulak sa
Tahimik ang buong conference room matapos ang sinabi ni Victoria. Wala nang nagsalita tungkol sa The Watcher, sa mga files, o sa mga bagong sikreto na natuklasan namin. Halatang pagod na ang lahat sa dami ng impormasyong sabay-sabay naming natanggap. Napabuntong-hininga si Thaddeus habang pinapatay ang monitor. Bahagya niyang minasahe ang sentido niya bago tumingin sa aming lahat. Sa unang pagkakataon ngayong gabi, mukha siyang pagod at hindi ang palaging kontrolado at malamig na Thaddeus na nakilala ko. "We stop here for tonight," saad niya sa mababang boses. Bahagya niyang pinagmasdan ang bawat isa sa amin bago muling nagsalita. "Nobody is thinking straight anymore." Wala ni isa sa amin ang tumutol sa sinabi niya. Maging si Aodhan ay tahimik lamang na napasandal sa upuan. Halatang pagod na rin ito sa emosyonal na rollercoaster ng gabing iyon. Dahan-dahang tumayo si Victoria mula sa kinauupuan niya. Bahagya siyang napangiti sa akin kahit halatang namumugto ang mga mata niya dahil
Tahimik ang buong conference room matapos ang huling tanong ko. Wala ni isa sa amin ang makapagbigay ng sagot sa mga bagay na unti-unti naming natutuklasan. Habang mas lumalalim ang paghahanap namin ng katotohanan, mas lalo kong nararamdaman na may isang taong matagal nang nagmamasid sa amin. Napabuntong-hininga si Victoria habang nakatitig sa monitor. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha sa gilid ng mga mata niya habang nakatingin sa litrato nina Mom at Vonaire. Halatang may alaala siyang pilit binabalikan sa isip niya. "There's something I never told anyone," mahina niyang saad habang nakayuko. Agad na napalingon sa kanya sina Thaddeus at Aodhan matapos marinig ang sinabi niya. Maging ako ay napatuwid sa pagkakaupo dahil sa bigat ng tono niya. Mahigpit niyang pinagtagpo ang mga kamay niya sa ibabaw ng mesa. Kita ko ang bahagyang panginginig ng mga daliri niya habang pinipilit kontrolin ang emosyon. Halatang nahihirapan siyang ilabas ang matagal nang tinatagong alaala.
Tahimik ang buong conference room matapos kong sabihin iyon. Pakiramdam ko ay pati ang hangin sa paligid namin ay tumigil sa paggalaw habang lahat ay nakatitig sa nakapause na footage. Habang mas matagal kong tinitingnan ang anino ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero pakiramdam ko ay may koneksyon ito kay Anthonia.Mabilis na lumapit si Thaddeus sa monitor at pinagmasdan ang silweta. Kumunot ang noo niya habang sinusuri ang bawat detalye ng katawan ng taong nasa gilid ng kalsada. Hindi siya agad nagsalita at lalo lamang iyong nagpalala sa kaba ko. Halatang may napapansin din siya."Zoom in," malamig niyang utos sa technician habang hindi inaalis ang tingin sa screen. Agad namang sumunod ang lalaki at pinalaki ang bahagi ng footage kung saan nakatayo ang misteryosong tao. Bahagyang luminaw ang imahe ngunit nanatiling malabo ang mukha nito. Ang tanging malinaw ay ang mahaba nitong buhok at ang paraan ng pagtayo nito.Napalunok si Victoria habang nakatiti
Dahan dahan akong kumatok sa pinto *knock *knock “Come in” Malamig na tono ni Uncle Thad mula sa loob ng kaniyang sili Agad kong binuksan ang pinto Pero naabutan ko syang topless at naka saplot lang towel pambaba "A-ah, Uncle... ito na po 'yung kape mo," nauutal kong sabi habang dahan
Third Person’s POV Kakatok na sana si Aodhan sa pinto nang marinig niya ang malakas na ungol ng isang babae mula sa loob. Akala niya, isa lang ito sa mga karaniwang babaeng pinaglalaruan ni Thaddeus. Napabuntong-hininga na lang siya habang pilit na dinededma ang maiinit na ungol na nanggagal
Malamig ang hangin habang ang mga patak ng ulan ay marahang humahaplos sa aking balat. Mag-isa na lamang akong nakayuko sa harap ng puntod ng aking mga magulang. Isa-isa nang nagsialisan ang lahat, ngunit pinili kong maiwan. Paano na ako? Saan ako pupunta? Wala akong kilalang kamag-anak dah
Warning: This novel contains mature themes, including intense romance, possessive behavior, emotional conflict, strong sex language, violence, and explicit sexual content intended for mature readers only. Third Person's POV Sa bawat hakbang ni Thaddeus papalapit sa kaniya, tila sumisikip ang







