Share

Kabanata 14

last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-03 14:25:33

Irina POV

Umuwi na agad ako nung bandang alas singko ng umaga para gumayak para naman pumasok sa trabaho. Kahit wala si Boss Ravi, hindi naman puwedeng ‘di ako papasok. Mabuti na lang talaga at nung alas onse ng gabi, hindi na nanggising si Lola Vicky, kaya okay ang tulog ko kahit limang oras lang.

Dumaan ako sa bilihan ng pandesal bago tuluyang umuwi sa amin. Gusto kasi ni Shaider ng pandesal sa umaga, sinasawsaw niya ito sa hot choco niya. Si Tita Shiela kasi, hindi madalas lumabas ng umaga para bumili ng kung ano. Sa hapon palang kasi ay namimili na siya ng pang-almusal. Madalas, kanin talaga at ulam, walang mga tinapay. Hindi manlang niya ma-spoiled si Shaider sa gusto nitong pagkain, ang mura-mura ng pandesal, e.

“Wow, pandesal! Sabi na e, may uwi ka po ulit niyan!” salubong sa akin ni Shaider ng ganitong kay aga-aga. Alam na alam niya ang uwi ko.

“O, sige na, patimpla ka na ng hot choco mo para maisawsawa mo na ang pandesal,” utos ko sa kaniya at saka ko inabot ang supot ng pand
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 22

    Irina POVKINABUKASAN, wala akong pasok sa office, kaya nagpasya akong mag-stay muna rito sa manisyon ni Lola Vicky para sundin ang utos niya sa akin kagabi.Tumawag na ako ng pulis para papuntahin dito sa manisyon.Doon na nagsumbong si Lola Vicky sa ginawa ni Señorito Cesar. Ang sabi naman ng pulis na nagpunta rito ay kailangan namin ng ebidensya. Kaya sinabi ni Lola Vicky na i-check namin ang CCTV footage sa nangyari kagabi.Ako ang kasama ng pulis sa control room ng mansiyon. Doon na namin tinignan ang kuha sa pangyayari kay Lola Vicky kagabi. Nilabas ko ang cellphone ko at kumuha na rin ng video para sure na may copy din ako.Grabe, totoo nga ang sinabi ni Lola Vicky, halos gusto na siyang pataying ni Señorito Cesar sa paglagay nito ng unan sa mukha niya habang nanunuod kami sa kuha sa CCTV footage. Kitang-kita ko kung paano pumiglas si Lola Vicky habang pinapanuod ang video.Kinuha ng pulis ang copy ng CCTV footage, nilagay niya ito sa USB at saka kami ulit bumalik sa kuwarto ng

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 21

    Irina POV“Irina, kailangan kitang kausapin,” bungad na sabi ni Señorito Cesar sa akin, isa sa anak ni Lola Vicky. Mag-isa siyang narito sa manisyon ng ina niya.Pagkapasok na pagkapasok ko sa manisyon, sinalubong niya ako at dinala sa sala. Kung makahawak pa siya sa braso ko, parang gusto akong saktan. Parang galit siya, ganoon.“Ano ho ba iyon, Señorito Cesar?” tanong ko agad. Pinilit ko pang tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko kasi masakit talaga.“Ikaw lang daw ang pinagkakatiwalaan ni mama?” agad niyang tanong.“Dahil ako po ang nag-aalaga sa kaniya bilang caregiver niya,” sagot ko.Nagpakita siya ng nakakainis na ngiti. Ngiti palang niya, alam kong may binabalak na masama ang mukhang malibog na matandang ito. Siya ang panganay, kaya alam kong siya ang kauna-unahang may interes sa yaman ng mama niya.“Ganito, Irina, bibigyan kita ng task. Dapat, mapabango mo ako sa mama ko. Dapat, ma-sure mong mas malaki ang mamamanahin ko kaysa sa mga kapatid ko, huh?!”Ngumiti lang ako.

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 20

    Irina POVBUBUKSAN ko na dapat ang diary ng XXX Celebrity, pero narinig kong nagsisisigaw bigla si Tita Shiela sa kabilang kuwarto. Nakauwi na pala siya.“Ano ba naman ‘yan, Shirley! Lasing ka na naman. Malapit ka nang pumasok sa trabaho, paglalasenga pa ang inuna mo talaga!”Ngayon ko na lang ulit narinig na pinagalitan niya ang mahal niyang anak. Hindi ata sa ibang bahay natulog si Shirley ngayon. Wala alam si Tita Shiela na madalas niya talagang gawin ‘yan. Hindi lang nagpapahuli kasi sa kaibigan niya ito natutulog kapag lasing na lasing.Ngayon, umuwi dito, siguro ay baka inaway na rin niya ang mga kaibigan niya. Maoy pa naman ito kapag nalalasing. Walang tatagal sa ugali ng lintik na pinsan ko na ito.“Mama, iyon na nga, malapit na akong magk-work, hindi ba puwedeng sulitin ko na lang ang ilang araw na natitira ko bilang tambay?”Napangisi ako, halata sa boses ni Shirley na lasing na lasing nga ito.“Gaga kang bata ka! Hindi mo ba naisip na kailangan mo ng pera dahil sa mga pamas

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 19

    Irina POVALA SAIS sakto nang nakauwi sa bahay. Mabuti, wala si Tita Shiela, nasa palengke ata nung makauwi ako. Hindi niya tuloy nakita ang mga pinamili kong gamit. Baka kasi masamain na naman niya. Minsan, kapag malakas ang topak niya, para bang wala na akong karapatang bumili ng mga bago kong gamit, kahit na sariling pera ko naman ang ginagamit kong pambili.“Ma, oh.”Binili ko ng bagong kumot si mama. Yung gamit-gamit niya kasing kumot ay halos butas-butas na ang tela. Lamigin na kasi siya ngayon kaya hindi siya nagpapawala ng kumot.“Wow, salamat, anak, mukhang galing ka ata sa mall?”Tumango ako. “Opo, marami akong time ngayon kaya siningit ko na rin po. Nagustuhan niyo po ba?”Ngiting-ngiti si mama. Doon palang, hindi ko naman dapat tinatanong iyon. “Kaya ko pa ngang gamitin ang luma. Dapat, sariling gamit mo na lang muna ang binili mo.”“Okay na po, namili rin naman ako ng mga bago kong damit at gamit. Deserve ko naman po ‘yun,” sagot ko kaya lalo siyang napangiti.“Tama ‘yan,

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 18

    Irina POVPagkatapos kong magbayad, naglakad-lakad muna ako. Pumasok ako sa bookstore, dumaan sa perfume shop, at sa huli, naupo sa isang bench sa may activity center. Ang saya rin pala na ganito, ‘yung wala kang iniisip, walang inaasikaso at hindi ka minamadali ng oras.Sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng milktea shop. Napagod ako sa kakalakad ko kaya naisip kong mag-milktea. Ito pa naman ‘yung sikat na korean milktea ngayon kaya kailangan ko ring ma-try bago pa ulit ako maging busy. Lahat talaga ng matagal ko nang hindi ginagawa, ginawa ko ngayong marami akong time para sa sarili ko.Hindi lang milktea ang nabili ko, may nakita rin kasi akong waffle kaya um-order na rin ako ng isang chocolate flavor.Habang umiinom na ako ng milktea, aba, naisip kong magbasa ulit ng isa pang page ng diary ng XXX celebrity.Gusto ko na ulit malaman ang update kay Mr. Ryder King. Ewan ko ba, pero na-hook na ako sa mga kinukwento niya sa diary niya.March 03, 2014Sa kuwarto, 04:30 PMDear Diary,Ngay

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 17

    Irina POVNung hapon na ‘yon, medyo tahimik sa opisina. Busy na sina Quinn at Rosanna. Kapag wala si Boss Ravi, walang masyadong emails at walang urgent na calls. Ako na lang tuloy ang gumawa nang pagkakaabalahan ko. Kaya habang ini-scan ko ‘yung planner niya, nag-decide akong ayusin na lang lahat ng schedules niya for next week. Meetings with clients, internal check-ins, coffee with board members, lahat inayos ko na para hindi na siya ma-overwhelm pagbalik. Nang ma-very good na rin ako pag-uwi niya. Baka rin sakaling mag-aya na siyang ituloy ang nauntol nung umalis siya.Nakakaaliw din minsan na parang ako ‘yung may hawak ng oras niya. Kung saan siya pupunta, kung sino ang makakausap niya, lahat ‘yon ako ang naglalatag.Pagkatapos kong ayusin ‘yung schedules, binalikan ko pa ‘yung mga email threads para i-confirm kung may changes. Wala. Tahimik talaga. Kaya nung sumilip ako sa orasan at nakita kong 3:02 PM na, napaisip ako.“Umuwi na kaya ako?” bulong ko sa sarili ko.Wala na ring pe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status