Share

Kabanata 18

last update Huling Na-update: 2025-08-03 19:36:56

Irina POV

Pagkatapos kong magbayad, naglakad-lakad muna ako. Pumasok ako sa bookstore, dumaan sa perfume shop, at sa huli, naupo sa isang bench sa may activity center. Ang saya rin pala na ganito, ‘yung wala kang iniisip, walang inaasikaso at hindi ka minamadali ng oras.

Sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng milktea shop. Napagod ako sa kakalakad ko kaya naisip kong mag-milktea. Ito pa naman ‘yung sikat na korean milktea ngayon kaya kailangan ko ring ma-try bago pa ulit ako maging busy. Lahat talaga ng matagal ko nang hindi ginagawa, ginawa ko ngayong marami akong time para sa sarili ko.

Hindi lang milktea ang nabili ko, may nakita rin kasi akong waffle kaya um-order na rin ako ng isang chocolate flavor.

Habang umiinom na ako ng milktea, aba, naisip kong magbasa ulit ng isa pang page ng diary ng XXX celebrity.

Gusto ko na ulit malaman ang update kay Mr. Ryder King. Ewan ko ba, pero na-hook na ako sa mga kinukwento niya sa diary niya.

March 03, 2014

Sa kuwarto, 04:30 PM

Dear Diary,

Ngay
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
salamat po SA update.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 123

    Third person POVPagkatapos ng almusal, inaya sina Jervie at Irina ni Lola Vicky sa loob ng manisyon. Sa living area, sa mahaba at malambot na sofa, doon sila naupo at nag-usap. Kabado pa rin si Jervie dahil sa huling tanong ni Lola Vicky. Sa loob-loob niya, hindi niya alam kung masasagot ba niya iyon o dito na agad siya mahuhuli sa pagpapanggap na si Mr. Ryder King.“So,” panimula ni Lola Vicky, kaya lalong kumabog ang dibdib ni Jervie. Naaamoy niyang baka matalino ang matanda. Baka hindi niya kayang paikutin ang utak nito. “Jervie, hijo, handa ka na ba sa huling itatanong ko. Sa tanong kong ito, malalaman natin kung totoong si Mr. Ryder King ka?”Hinawakan ni Irina ang braso ni Jervie. Pakiramdam ni Jervie ay pinapalakas nito ang loob niya. “Go, kayang-kaya mo ‘yan, Jervie. Kung nakapasa ka sa akin, tiyak na papasa ka rin kay lola,” sabi ni Irina.“A-ano po bang itatanong ninyo para mapatunayang ako talaga si Mr. Ryder King,” nauutal pang tanong ni Jervie. Sa lahat ng taong nakaya n

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 122

    Third Person POV“Sandali mga apo, kailangan ko lang magbanyo,” paalam ni Lola Avi nang maramdaman niyang nagri-ring ang cellphone sa bag niya. Tinignan niya ang nasa likod niyang sina Kuya Invinzor, Kuya Henjie at Kuya Charlie para magpaalalay. Sa totoo lang, kaya pa naman niyang maglakad at hindi na sumakay sa wheelchair, pero hindi nga lang gaya ng dati na tumatagal, minsan, rumurupok na rin ang buto sa tuhod niya, kaya mas ginugusto niyang maupo na lang sa wheelchair.Pero dahil nandito si Jervie, ang taong may-ari ng diary na matagal na niyang hinahanap, gusto niyang magpakitang gilas.Inakay siya ng mga personal bodyguard niya, hanggang sa makarating sa loob ng mansiyon. Pagdating sa living area ng bahay niya, doon niya sinunod ang text message ni Ravi. Habang nakaupo kasi siya kanina sa hapagkainan na naka-set up sa labas ng manisyon, nabasa niya ang text message ni Ravi. Nagpakilala agad ito sa kaniya.“Good morning, Lola Vicky. Si Ravi po ito na kasama ni Irina nung nakaraang

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 121

    Irina POV“Ano po yun, Lola?” magalang pa rin na tanong ni Jervie.Ngumiti muna si Lola Vicky. “Mabuti pa, kumain na tayo. Mamaya ko itatanong ‘yan.”Naunang naupo sa magarang puting mahabang lamesa si Lola, inalalayan naman agad siya nila Kuya Invinzor.“Tara, Jervie,” aya ko sa kaniya, matapos matulala sa pagbitin sa amin ni Lola Vicky. Ayaw pa niyang kumilos, kaya hinila ko na siya paupo sa hapagkainan.“Mag-breakfast tayo,” nakangiting sabi ni Lola Vicky.Ngumiti ako sa kaniya, habang si Jervie ay natulala na. Tila nag-iisip pa rin, kaya binulungan ko siyang kumain na lang muna at mamaya na kabahan.Tumango at ngumiti ng pilit si Jervie, pagkatapos, kumuha na kami ng pagkaing gusto namin.Ang daming pagkain sa lamesa. Lahat ng klaseng pagkain ata na pang-almusal ay nandito.“Wow, lola, tila pinaghandaan niyong mabuti ‘to ah?”“Siyempre, matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Kaya, kumain lang kayo nang kumain. Mag-enjoy kayo sa pagkaing pinahanda ko sa inyo,” sagot nito, haba

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 120

    Irina POVNasa tabi ko na si Jervie habang nasa loob kami ng kotse niya. Tahimik lang siyang nagmamaneho, pero ramdam kong handa na rin siyang humarap kay Lola Vicky. Kita ko rin ang kunot ng noo niya, halatang nag-iisip kung bakit nga ba gusto siyang makita ni lola.“Relax,” bulong ko sa kaniya, saka ko siya nginitian. Halata kasi masyado na nag-iisip siya ng malala. “Napatunayan mo naman na sa akin na ikaw talaga si Mr. Ryder King, kaya tiyak na matutuwa si Lola Vicky sa atin.”Hindi siya sumagot agad, bagkus tumingin siya sa bintana at saka bahagyang tumango. “Nakakagulat lang kasi, Irina. Pero, heto na nga, haharapin na natin siya. At sana maging masaya siya kapag nakita na niya ako.”Umilaw ang hawak kong cellphone. Nakita kong nag-message sa akin si Ravi. “Bakit nagpunta na naman si Jervie sa bahay ninyo at bakit magkasama kayo?”Napangiwi ako. Hindi pa rin pala tapos ang pang-stalk nila sa akin. For sure, tauhan ni Lola Avi ang nag-report kay Ravi.“Ravi, hindi ito pagtataksil

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 119

    Third Person POVHindi inaasahan ni Jervie ang phone call na iyon galing kay Irina. Nasa loob pa siya ng maliit na condo unit niya, hawak ang cellphone habang pilit na nilalabanan ang hang-over galing kagabi.Napairap siya, wala siya sa mood para makipagkulitan sa babaeng iyon, na pinaglalaruan niya lang dahil kay Ravi.Saglit siyang nag-atubili kung sasagutin ba niya o hindi kasi sadyang masama ang pakiramdam niya dahil sa dami ng nainom na alak kagabi. Pero kahit na nanlalata, pinili niyang sagutin iyon dahil naisip niyang baka may mahalaga itong sasabihin sa kaniya.Pag-slide niya ng green button, agad nagsalita si Irina nang diretso at wala ng paligoy-ligoy pa.“Mag-ready ka. Magkita tayo ngayon, Jervie. Ipapakilala na kita kay Lola Vicky.”Napatigil si Jervie, napakunot ang noo habang pilit inaalala kung sino si Lola Vicky.“Ha? Bakit? Para saan? At sino siya?” tanong niya, halos mapalakas pa ang boses dahil sa gulat.“Wag ng maraming tanong, Jervie,” sagot ni Irina, habang napap

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 118

    Mr. Ryder King POVHindi ko alam kung bakit naka-block na ako sa kaniya? Ano kayang nangyari? Magse-send naman ako ng video ko sa kaniya, masyado siyang mainipin. Siguro, iniisip niya na nanti-trip lang ako.Pero ang mahalaga, nabigay naman niya sa akin ang email niya. Magse-send ako ng isa kong video para magulat siya. Habang nandito ako sa ospital at tulog si Lola, nagawa kong makapag-send sa kaniya nung last video ko sa bundok. ‘Yung mukhang tarzan pa ako. Ito na lang kasi ‘yung isa sa mga natira at naka-save pa sa isang secret files ko. Akalain mo ‘yun halos eleven years ko itong naitago. At eleven years ding walang nakaalam sa sikreto ko.Pagkatapos kong mag-send kay Irina ng video ko, nakatanggap ako bigla ng message kay Gian.“V! Parang gusto ko na,” basa ko sa message niya, kaya napakunot ang noo ko.Nag-reply naman agad ako. “Anong parang gusto mo na?” tanong ko tuloy.“Maging XXX celebrity,” sagot niya ulit sa message, kaya nagulat at napatayo ako mula sa pagkakaupo sa malam

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status