Irina POV
Umiiyak na naman ako. Nakakahiya. Pero wala na akong pakialam.
“Lola Vicky…” Nanginginig pa ang boses ko habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang laylayan ng uniform kong kulay puti. “Ayoko na po. Hindi ko na po kaya…”
Nasa tabi niya ako, nakaupo sa malambot na sofa ng kuwarto niya na amoy lavender at menthol, habang siya naman ay nakahiga sa kama, balot ng fleece blanket na kulay rosas.
Si Lola Vicky ang matandang inaalagaan ko tuwing gabi. Kadalasan sa mga matatanda ay mabaho, pero iba si kasi palagi itong mabango, laging maayos ang ayos, at kahit kulubot na ang balat niya ay may class pa rin. Parang lola ko na siya. Kahit hindi ko siya kadugo, mas malapit ako sa kaniya. Halos isang taon ko na rin siyang inaalagaan.
Kahit umiiyak ako, parang gumagaan ang dibdib ko kapag siya na ang kausap ko.
“Tumahan ka na, Irina, ” hinawakan niya ang kamay ko. “Alam kong pagod na pagod ka na, anak. Pero malapit na ‘yan matapos. Akong bahala sa iyo.”
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Ang alam ko lang, ang hirap-hirap na talaga ng sitwasyon ng buhay ko.
Caregiver ako sa gabi. Secretary ako sa umaga. Ako na ata ang natitinging tao dito sa mundo na walang tulog. Taong walang pahinga.
Kawawa ka naman, Irina.
“Hindi ko na ma-enjoy ang buhay pag-ibig dahil sa pagiging breadwinner ko, Lola Vicky,” sabi ko pa habang pilit akong tumatawa sa gitna ng pag-iiyak ko. “Hindi na po ata ako tao. Halimaw na po ata ako.”
Natawa tuloy siya sa akin. “Aba, e ‘di bagay ka pala sa boss CEO mo.”
Napatawa rin ako kahit konti. “Oo nga po ‘no? Pareho na kaming halimaw. Pero mas malala po siya. Walangya na, bastos pa. Akala mo kung sinong Diyos kung makautos. Eh kung hindi lang po siya guwapo, baka nasapak ko na ‘yun.”
Si Ravi Lopez ang boss ko sa umaga. CEO of Lopez Estates, the empire behind the world’s most luxurious hotels and iconic skyscrapers. Ako lang yata ang binibigyan niya ng matinong sahod sa buong opisina. Siguro dahil ako ang secretary niya. O siguro dahil ako lang ang nagtatagal kahit binabato niya ako ng ballpen kapag mainit ang ulo niya.
Masungit.
Bastos.
Suplado.
Pero hot.
Sobrang hot.
Parang kasalanan na yata kung bakit minsan, habang pinapagalitan niya ako, ini-imagine kong masarap magpaka-alipin sa kaniya sa kama. Kahit kasi nakakairita siya, tignan mo lang ang mukha at katawan niya, aba, mapapa-kagat-labi ka talaga.
Pero siyempre, sa utak ko lang ‘yun. Sa totoong buhay, akala niya ay palagi akong tatanga-tanga at bobo. Walang araw kasi na hindi niya ako sinasabihan ng Miss Elizalde, use your brain please.
Nakakaloka. Pero napagtitiisan ko naman. Malaki kasi ang sahod. Kailangan ko kasing kumita. Ako ang breadwinner sa bahay. Simula nang mawala si Papa sa mismong kaarawan ko, ako na ang nagsalo ng lahat. Hindi ko naman sinasadya. Pero sa tita kong si Shiela, kasalanan ko lahat. Nag-birthday kasi ako noon sa labas, inaya ko sina Mama at Papa. Ayon, sa hindi inaasahang pangyayari, naaksidente kami. Pero, tama bang isisi sa akin ‘yon ni Tita Shiela? Sumalpok ang sasakyan sa makapal na pader. Siya ang namatay. Kami ng Mama ko, nakaligtas pero nabaldado naman siya.
Simula noon, ako na parang pumalit kay Papa. Pati ‘yung anak ng Tita Shiela na tinatawag kong pinsan kahit hindi naman kami close, ako ang nagpapaaral. Ako ang nagbabayad ng tuition. Ako rin ang nagbabayad ng tubig, internet, at kahit tissue roll. Basta, ako lahat.
Kaya kahit halos hindi na ako makatulog, tuloy lang. Sa gabi, inaalagaan ko si Lola Vicky. Sa umaga, secretary ni Mr. CEO na feeling Diyos. Wala akong karapatang huminto. Kasi kung huminto ako, baka sa kalsada na kami manirahan ng mama ko kasi palalayasin talaga kami ni Tita Shiela.
Kaya ngayon, habang umiiyak ako sa tabi ni Lola Vicky, hindi lang luha ang bumabagsak sa akin. Kasama na ang galit, pagod at lungkot.
At siguro, konti na lang ay masisira na ang ulo ko.
“Irina,” tawag sa akin ni Lola, “may ipagagawa ako sa ’yo. At kapag nagawa mo ito, hindi mo na kailangang magtrabaho kahit kailan.”
Napatingin ako sa kaniya, nahinto tuloy ako sa pag-iyak ko.
“Po?”
Ikinuwento niya sa akin ang isang sekreto na mayroon siya. Halos sampung taon na raw niyang tinatago ang isang diary. Hindi lang basta diary. Diary ng isang XXX celebrity. O, sabihin na lang natin na pörnstar. Hindi ko alam kung bakit may ganito siya.
“Bakit po sa akin niyo ibinibigay ‘to?” tanong ko habang gulat na gulat.
“Kasi anak… nararamdaman ko, malapit na akong magpaalam sa mundong ito. Ang taong may-ari ng diary na 'yan ay ang taong minsang tumulong sa buhay ko. Bago ako mawala, gusto ko siyang ma-meet kahit isang beses lang.”
Kinilabutan tuloy ako. Akala ko, naging boyfriend niya ang pörnstar na iyon.
“Kapag nahanap mo ang tunay na may-ari ng diary na ito…” Itinuro niya ang diary na hawak ko. “…ikaw ang magiging tagapagmana ko. Bilyong-bilyong piso, Irina. Gusto kong paghatian niyong dalawa ang pera na mayroon ako.”
Namilog tuloy lalo ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon sa kaniya.
“Pero paano ko po siya hahanapin?” tanong ko. “Wala pong pangalan…”
“Meron,” sabi niya. “Pero ata hindi tunay na pangalan. Codename lang ata.”
Binuksan ko ang diary. Gusto kong mabasa ang unang page niyon para kahit pa paano ay makilala ko na siya, baka may malaman ako na tungkol sa totoo niyang pagkatao.
Dear Diary,
Sad. Nasunog ang bahay namin, may cancer pa si lola, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala rin akong makausap kaya naisipan kong magsulat ng diary ko. Mukha ngang hindi bagay kasi parang pambabae lang ang ganito, pero wapakels na. Gusto kong gawin ito, para kahit pa paano, parang may kausap ako.
Sa totoo lang, gusto ko ng gumawa ng masama para magkapera, pero alam kong ayaw ‘yun ni Lola. Hirap na sina Mama at Papa sa kakakayod, kulang na kulang pa rin. Sa tingin ko, oras na para gumawa na rin ako ng paraan.
Diary, sa atin lang ‘to ah. Hindi naman ito mababasa ng iba, itatago ko rin kasi ito.
Halos walong pulgada kasi ang pagkalalakë ko. Naisip kong pasukin na ang mundo ng XXX. Hindi dahil m*****g ako o ano, gagawin ko ito dahil kailangan-kailangan ko ng pera. Kung hindi, baka sa susunod na araw, mapalayas na kami sa apartment na ito dahil halos tatlong linggo na kaming hindi nakakapagbigay ng upa.
Sana, palarin ako. Sana ay makapasa. Lahat ay gagawin ko para sa pamilya ko. Alam ko, ako ang mag-aahon sa kahirapan na mayroon ngayon ang pamilya ko. Nakaisip na nga rin ako ng gagamitin kong screen name.
Mr. Ryder King.
Naisip ko, lahat ng naging girlfriend ko, sobrang saya kapag nangabayo na ako. Lahat sila, hindi makalimutan kung paano ako nasubukan sa kama. ‘Yon nga lang, ngayong walang-wala ako, nawala rin sila. Mahirap maging mahirap kasi wala kang kaibigan at lalong wala ka ring magiging syota, magastos din, kaya tinigilan ko muna.
Diary, I will make sure na walang makakaalam na magiging pörnstar ako. Gagawin ko ito para sa magandang kinabukasan ko at ng pamilya ko.
-Mr. Ryder King
PS. Mag-a-apply na ako soon. Pero, sure ko naman na makakapasa ako, kasi malaki ang pagkalalakë ko.
Irina POVNasa tabi ko na si Jervie habang nasa loob kami ng kotse niya. Tahimik lang siyang nagmamaneho, pero ramdam kong handa na rin siyang humarap kay Lola Vicky. Kita ko rin ang kunot ng noo niya, halatang nag-iisip kung bakit nga ba gusto siyang makita ni lola.“Relax,” bulong ko sa kaniya, saka ko siya nginitian. Halata kasi masyado na nag-iisip siya ng malala. “Napatunayan mo naman na sa akin na ikaw talaga si Mr. Ryder King, kaya tiyak na matutuwa si Lola Vicky sa atin.”Hindi siya sumagot agad, bagkus tumingin siya sa bintana at saka bahagyang tumango. “Nakakagulat lang kasi, Irina. Pero, heto na nga, haharapin na natin siya. At sana maging masaya siya kapag nakita na niya ako.”Umilaw ang hawak kong cellphone. Nakita kong nag-message sa akin si Ravi. “Bakit nagpunta na naman si Jervie sa bahay ninyo at bakit magkasama kayo?”Napangiwi ako. Hindi pa rin pala tapos ang pang-stalk nila sa akin. For sure, tauhan ni Lola Avi ang nag-report kay Ravi.“Ravi, hindi ito pagtataksil
Third Person POVHindi inaasahan ni Jervie ang phone call na iyon galing kay Irina. Nasa loob pa siya ng maliit na condo unit niya, hawak ang cellphone habang pilit na nilalabanan ang hang-over galing kagabi.Napairap siya, wala siya sa mood para makipagkulitan sa babaeng iyon, na pinaglalaruan niya lang dahil kay Ravi.Saglit siyang nag-atubili kung sasagutin ba niya o hindi kasi sadyang masama ang pakiramdam niya dahil sa dami ng nainom na alak kagabi. Pero kahit na nanlalata, pinili niyang sagutin iyon dahil naisip niyang baka may mahalaga itong sasabihin sa kaniya.Pag-slide niya ng green button, agad nagsalita si Irina nang diretso at wala ng paligoy-ligoy pa.“Mag-ready ka. Magkita tayo ngayon, Jervie. Ipapakilala na kita kay Lola Vicky.”Napatigil si Jervie, napakunot ang noo habang pilit inaalala kung sino si Lola Vicky.“Ha? Bakit? Para saan? At sino siya?” tanong niya, halos mapalakas pa ang boses dahil sa gulat.“Wag ng maraming tanong, Jervie,” sagot ni Irina, habang napap
Mr. Ryder King POVHindi ko alam kung bakit naka-block na ako sa kaniya? Ano kayang nangyari? Magse-send naman ako ng video ko sa kaniya, masyado siyang mainipin. Siguro, iniisip niya na nanti-trip lang ako.Pero ang mahalaga, nabigay naman niya sa akin ang email niya. Magse-send ako ng isa kong video para magulat siya. Habang nandito ako sa ospital at tulog si Lola, nagawa kong makapag-send sa kaniya nung last video ko sa bundok. ‘Yung mukhang tarzan pa ako. Ito na lang kasi ‘yung isa sa mga natira at naka-save pa sa isang secret files ko. Akalain mo ‘yun halos eleven years ko itong naitago. At eleven years ding walang nakaalam sa sikreto ko.Pagkatapos kong mag-send kay Irina ng video ko, nakatanggap ako bigla ng message kay Gian.“V! Parang gusto ko na,” basa ko sa message niya, kaya napakunot ang noo ko.Nag-reply naman agad ako. “Anong parang gusto mo na?” tanong ko tuloy.“Maging XXX celebrity,” sagot niya ulit sa message, kaya nagulat at napatayo ako mula sa pagkakaupo sa malam
Irina POVApproved agad kay Lola Vicky ang absent ko dahil sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Ganoon naman ‘yun, basta tungkol sa health ko ang dinahilan ko, wala pang ilang minuto ay payag na agad siya. Palibhasa’t nandoon sina Kuya Henjie, Kuya Invinzor at Kuya Charlie, wala na siyang kakaba-kaba pa.Kaya, tinuloy-tuloy ko na ang paghiga sa kama ko. Tinuloy ko rin ang pagbabasa pa sa diary ni Mr. Ryder King, habang umiinom ng mainit na gatas. Alam na rin nila Haide at Shirley na masama ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako tutulong sa gawaing bahay. Si Shaider, kapag alam din niyang masakit ang ulo ko, hindi ako iniistorbo.Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang kapayapaan sa bahay. At aaminin ko, hindi na toxic maglagi sa bahay ngayon.Binuklat ko na ang bagong page sa diary ng XXX celebrity at hindi na kasi ako makapahintay kung anong susunod na mangyayari.August 20, 2014Sa apartment studio ko, 06:14 PMDear Diary,Halos mag-tatatlong buwan ng patay si Maria Riri. Kaya rin nga
Irina POVNakahiga ako sa kama ko. Maaga akong umuwi, masakit kasi ang ulo ko. Pakiramdam ko, para akong lalagnatin. Nagpaalam naman ako kay Ravi, pumayag siya at siya pa ang nagsabing magpahinga agad ako. Papakiramdaman ko pa rin ang sarili ko, kapag um-okay ako, puwede akong pumasok sa work ko mamayang gabi.Nakainom na rin ako ng gamot, humingi ako sa kuwarto ni mama. Pag-inom ko, dito ako tumuloy sa kuwarto ko.Pero habang hindi pa ako inaantok, kinuha ko ang diary ni Mr. Ryder King. Ilang pages na lang ang natitira, mabibilang na lang din ata sa daliri ko.April 15, 2014Sa apartment studio ko, 08:36 PMDear Diary,Oo, alam ko nagtatampo ka na, diary. Halos ilang linggo akong walang update sa iyo. Sorry, na-busy lang dahil sa buhay syota. Si Maria Riri kasi, sobrang daming aya. Nag-manila kami ng ilang araw, tapos, nag-coffee hopping din kami dahil gusto kong magnegosyo. Kumbaga, nagtikim kami ng iba’t ibang klase ng coffee sa iba’t ibang coffee shop din. Bukod doon, may pinasuka
Third Person POV Maingay na naman ang maliit na inuman sa gilid ng kanto, halos mag-uumuuga na ang lumang lamesang kahoy sa dami ng bote ng alak na nakakalat. Nakahilerang mga pulutang chicharong baboy, pritong isda at mumurahing mani, pero mas nangingibabaw ang amoy ng alak.Kasama ni Jervie ang tatlo niyang matagal nang barkada na sina Harvy, Jayson, at Marvin. Mga dating kaibigan sa dating street na kinalakihan niya. Sa street kung saan, dating bahay kubo lang ang bahay nila.Tinignan niya ang mga ito. Puro may tama na, lahat pula na ang pisngi, nangingintab na ang pawis sa noo.“Pare, grabe talaga ‘yung pinsan mo, ah.” Si Harvy ang unang bumungad, sabay tungga ng baso nito. “Ravi ba pangalan nun? Aba, ibang level talaga! Puro luxury cars. Parang isang garahe, puno ng mga kotse na hindi natin kayang bilhin kahit tatlong buhay pa ang ipunin natin.”Tumawa si Jayson, sabay saboy ng mani sa lamesa. “Oo nga, men. Lahat ng sikat na luxury car, ano? Grabe! Ang tanong, ikaw, Jervie, may