Share

Kabanata 97

last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-09 13:36:48

Irina POV

Pagdating namin sa mansiyon ni Lola Vicky, sobrang bilis maglakad ni Ravi. Halatang kumulo agad ang dugo kahit hindi pa namin nakikita ang tatlong lalaki. Sabi ni Ravi, doon daw kami tumuloy sa likod ng bahay ni Lola. Doon dinala ang tatlong lalaki dahil ayaw nilang makita ni Lola Vicky ang gagawin sa tatlong hayop na iyon. Nauunang maglakad si Ravi, habang ako ay kabadong naglalakad sa likod niya. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi ay may papatayin kaming mga tao, ganoon ang naiisip ko sa eksena namin ngayon. Hindi ako sanay.

Hindi ko nga alam kung anong eksaktong mararamdaman ko ngayon, takot ba, kaba, o galit. Pero isang bagay ang sigurado, hindi ko makakalimutan ang sampal at pang-aalipusta nila. Lalo na ‘yung nampalo pa sa puwët ko.

Nang bumukas ang malaking pintuang bakal sa likod, bumungad sa amin sina Kuya Henjie, Kuya Charlie at Kuya Invinzor. Para silang mga sundalo sa tindig at tapang, at hawak nila ang tatlong lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. Nakaupo ang mga iy
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 98

    Irina POVMaaga tuloy akong naka-duty dito kay Lola Vicky, hindi na ako umuwi, dito na ako tumuloy, habang si Ravi, matapos akong laplapin sa harap nila Kuya Henjie, Kuya Invinzor at Kuya Charlie, bumalik pa roon. Sinabihan ko na siyang umalis na rin at huwag nang makialam, pumayag naman siya, babalik lang daw siya para bayaran sina Kuya Henjie, Kuya Invinzor at Kuya Charlie. Nasabihan na pala niya ang mga ito na gawin ang lahat para mahuli ang tatlo at babayaran sila. Kaya naman pala ganoon na lang kung makautos si Ravi sa kanila kanina.“Salamat naman at nahuli na sila,” wika sa akin ni Lola Vicky, habang nandito kami sa kuwarto niya. Kalmado na ako, kasi alam ko namang tutupad si Ravi. Pagkabayad niya sa tatlo, uuwi na siya. Gusto ko nga siyang ipakilala kay Lola Vicky, aayaw lang niya dahil nahihiya raw siya.Mula naman dito sa bintana ng kuwarto ni Lola, tanaw ko sila. Nagulat ako kasi sabay-sabay sina Kuya Henjie, Kuya Invinzor at Kuya Charlie sa pagsampal sa tatlong lalaking na

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 97

    Irina POVPagdating namin sa mansiyon ni Lola Vicky, sobrang bilis maglakad ni Ravi. Halatang kumulo agad ang dugo kahit hindi pa namin nakikita ang tatlong lalaki. Sabi ni Ravi, doon daw kami tumuloy sa likod ng bahay ni Lola. Doon dinala ang tatlong lalaki dahil ayaw nilang makita ni Lola Vicky ang gagawin sa tatlong hayop na iyon. Nauunang maglakad si Ravi, habang ako ay kabadong naglalakad sa likod niya. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi ay may papatayin kaming mga tao, ganoon ang naiisip ko sa eksena namin ngayon. Hindi ako sanay.Hindi ko nga alam kung anong eksaktong mararamdaman ko ngayon, takot ba, kaba, o galit. Pero isang bagay ang sigurado, hindi ko makakalimutan ang sampal at pang-aalipusta nila. Lalo na ‘yung nampalo pa sa puwët ko.Nang bumukas ang malaking pintuang bakal sa likod, bumungad sa amin sina Kuya Henjie, Kuya Charlie at Kuya Invinzor. Para silang mga sundalo sa tindig at tapang, at hawak nila ang tatlong lalaking pamilyar na pamilyar sa akin. Nakaupo ang mga iy

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 96

    Irina POVMaaga pa lang, bago mag-alas otso, nasa labas na ng bahay namin si Ravi. Simula nang ma-wrong send ako sa kaniya kagabi, atat na atat siyang makita ako. Pagkakita ko sa kaniya, nakaputing polo siya at dark slacks, pero agad kong napansin ang seryosong tingin ng mga mata niya nang makita niya ako.“Good morning,” agad kong bati sa kaniya. Pero bago pa siya sumagot, lumapit agad siya at tinignan ang mukha ko, lalo na ang pisngi kong hanggang ngayon ay medyo may maga pa rin. Pula lang ang nawala.“Gago ang gumawa nito sa iyo, Irina,” mahinahon niyang sabi pero ramdam kong naiinis siya sa nangyari sa akin. Dahan-dahan niyang hinaplos ang gilid ng pisngi ko, pero hindi niya tinuloy dahil baka lalo kong maramdaman ang hapdi. “Kailangan nilang mahanap para maturuan ng leksyon,” dagdag pa niya.Sa sinabi niya, alam kong hindi niya palalagpasin ang nangyari sa akin kagabi. Kilala ko si Ravi, kapag nagsabi ito, kailangang matupad at hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 95

    Irina POVPagbaba ko ng tricycle sa tapat ng mansiyon ni Lola Vicky, naaninag ako ng tatlong lalaking nakasandal sa may dingding ng gilid ng gate ni lola. Sakto namang wala ang security guard, baka kumakain o nagbanyo.Medyo madilim na, alas-sais ng hapon, isabay pa na kakatapos lang umulan ng malakas kaya malamig ang kapaligiran.Bitbit ko ang bag ko at akala ko’y magiging normal lang ang gabing iyon, pero hindi pala.Bago pa man ako makarating sa malaking gate, tatlong lalaki ang biglang lumapit sa akin. Hindi ko sila kilala. Naka-sumbrero, medyo madudungis ang itsura, at halatang hindi sila taga-rito. Ngayon ko nga lang nakita ang mga mukha nila.“Aba, ang ganda naman ng dalagang ito,” sabi nung isa, sabay ngisi. Ang creepy, parang mga high o lasing. “Siya ba ‘yung sinasabing pag-trip-an natin?” tanong pa nito.“Parang mamahalin ang damit ah, siguro mayaman, pero hindi, katulong. Katulong ang dinig kong sabi nung kumausap sa atin,” dagdag nung isa, sabay harang sa dinaraanan ko. Am

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 94

    Mr. Ryder King POVPAG-UWI sa villa, napansin kong panay ang titig ni Gian sa akin. Hindi ako nagtatanong, naiisip ko kasing iniisip niya ang nabanggit sa kaniya ng papa niya nung lasing ito. About siguro sa secret ko, sure ako doon.“Tara kaya sa itaas. Billard tayo,” aya ni Gian.“Gawa pa ba iyon, okay pa?” tanong ko naman. Halos ilang taon ko na ring hindi nalalaro at napupuntahan iyon.“Oo, madalas kong linisin at gamitin. Pero bumili ako ng mga bagong bola, mga nabura na kasi ang number sa tagal ng panahon,” sagot niya, habang nauunang maglakad. Ramdam ko talaga na may something kay Gian. Ewan, pero feeling ko, may problema siya.Pagdating sa billiard area, napangiti ako kasi okay pa nga iyon. Siya ang nag-ayos ng bola. Siya rin ang nag-abot sa akin ng tako.“Lately, nakakaramdam ako ng lungkot,” pag-oopen niya bigla ng topic. Sabi na, e. Matagal ko na siyang kaibigan kaya kilala ko na rin siya.“Tungkol saan? Baka naman may maitulong ako?” Ngayon pa ba? Ngayong marami na akong p

  • Diary Ng XXX Celebrity   Kabanata 93

    Irina POVAyaw na ata akong papasukin pa sa work nitong si Ravi. Iba rin ang trip, aba, pabor naman sa akin at nakakapagpahinga ako. Inggit tuloy si Shirley, siya ay maagang gumagayak, habang ako, puwedeng humilata pa. Pero hindi ko ginawa, sakto rin kasi na pareho sila ni Haide na aalis. Si Shirley, papasok sa school, habang si Haide naman ay may bibiling gamot ni Tita Shiela at magpapatahi na rin ng pang-P.E uniform niya, dahil malapit na rin talaga ang pasukan nila sa school.Ako na ang gumawa ng mga gawaing bahay. Pagluluto ng almusal, pagpapaikot ng mga malilibang na damit sa automatic washing machine at maglinis na rin ng buong bahay. Bago umalis si Shirley, napag-almusal naman na niya si Tita Shiela at pati na rin si mama. Sa ngayon, masama ang pakiramdam ni Tita Shiela, kaya nakahiga lang ito sa kama. Tahimik tuloy akong nakapaglinis at nakapag-ayos ng bahay, habang ang makulit kong bunso na si Shaider ay nakahiga sa sofa, at nakaharap sa pinapanuod niyang cartoon tuwing umaga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status