Revenge of the Broken Vow

Revenge of the Broken Vow

last updateLast Updated : 2026-11-16
By:  enyxwrites Updated just now
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Bianca Valderama-Ruiz thought she had the perfect marriage with Tristan Ruiz, an Executive Assistant at Montenegro Corporation, a company owned by the wealthy businessman Joaquin Montenegro. For Bianca, her husband was everything she ever needed. She loved him, trusted him, and believed they would spend the rest of their lives together. But everything changed when Tristan's first love, Alexis Monteverde, suddenly returned to their lives. Beautiful, fashionable, and a successful model based in the USA, Alexis seemed to have everything. But Bianca never expected that her arrival would become the beginning of her marriage's downfall. On their third wedding anniversary, Bianca discovered a truth that shattered her world. The husband she had trusted had been unfaithful to her, and worse, he had gotten Alexis pregnant. With her heart broken and her marriage destroyed, Bianca finally decided to walk away. But on the night she left her husband, fate brought her face-to-face with Joaquin Montenegro. A powerful businessman with an offer she never expected. "For you, Bianca, I will help you get revenge on your husband," he said as he found her crying alone on a bench in the plaza under the pouring rain. But why would a man like Joaquin Montenegro help a woman like her? And as Bianca begins her journey toward revenge, will she find the justice she seeks—or something she never expected to find?

View More

Chapter 1

Kabanata 1— The Anniversary Betrayal

Bianca's POV

Mag-aalas siyete na ng gabi nang matapos akong maghanda ng hapunan. Maayos kong inayos ang dining table. May kandila sa gitna, dalawang wine glass, at ang paboritong pagkain ni Tristan.

Ngumiti ako habang tinitingnan ang maliit na cake na binili ko kanina. May nakasulat itong Happy 3rd Anniversary, My Love.

Three years.

Tatlong taon na kaming magkasama ni Tristan bilang mag-asawa. Hindi man perpekto ang lahat, masasabi kong masaya ako sa buhay na mayroon kami.

Kinuha ko ang cellphone ko at muling tinawagan ang asawa ko.

Still unreachable.

Napabuntong-hininga ako.

"Busy na busy ka talaga, Tristan," bulong ko.

Hindi ko na siya inistorbo. Baka marami lang talagang ginagawa sa office. Alam ko namang executive assistant siya sa Montenegro Corporation, kaya hindi rin maiiwasang magkaroon siya ng mga importanteng trabaho.

Nagpunta muna ako sa kusina para tingnan ang niluluto kong pagkain. Pagkatapos, nagpalit ako ng damit at nagsuot ng simpleng dress.

Maya-maya, may narinig akong sasakyan sa labas.

Napangiti ako.

"He's home."

Mabilis akong pumunta sa sala at inayos ang buhok ko bago lumapit sa pintuan.

"Happy anniversary, love!" masaya kong bati nang bumukas ang p***o.

Pero agad na napawi ang ngiti ko nang hindi lang si Tristan ang makita ko.

May babaeng nakatayo sa tabi niya. Maganda ito, fashionable ang suot, at halatang sanay sa mamahaling lugar. Hawak nito ang isang malaking suitcase.

"Tristan?" naguguluhan kong tawag sa kanya.

"Bianca," malamig niyang sagot habang inilalapag ang susi sa maliit na table malapit sa pintuan.

Napatingin ako sa babaeng kasama niya.

"Who's she?"

Ngumiti ang babae at bahagyang iniunat ang kamay niya sa akin.

"Hi! I'm Alexis Monteverde."

Napatingin ako sa kamay niya pero hindi ko iyon tinanggap.

"Alexis?" ulit ko.

"She's my friend," mabilis na sagot ni Tristan.

Friend?

Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam akong hindi ko maipaliwanag.

"Anyway," dagdag ni Tristan habang tinuturo ang suitcase ng babae, "she'll be staying here for a while."

Natigilan ako.

"What?"

"You heard me. Alexis needs a place to stay, so she'll be living with us temporarily."

Tumingin ako sa asawa ko, umaasang nagbibiro lang siya.

"Tristan, this is our house. You didn't even ask me about this."

"Do I really need your permission?"

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.

"Of course! I'm your wife. At hindi mo man lang ako sinabihan na may dadalhin kang ibang babae rito."

Napatingin si Alexis sa amin.

"Tristan, it's okay. I can find somewhere else to stay if I'm causing trouble."

"No, Alexis. You're staying here," mariing sagot niya.

Napalunok ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit mas concerned pa siya sa nararamdaman ng babaeng iyon kaysa sa akin.

"Can we talk privately?" tanong ko sa kanya.

"There's nothing to talk about, Bianca. She's staying here. End of discussion."

"Tristan!"

"What's wrong with you? Why are you making such a big deal out of this?"

"Because she's a woman, Tristan! And you're bringing her into our house without even discussing it with me!"

Napailing siya at napahawak sa noo.

"You're being unreasonable."

"Unreasonable? I'm your wife! Hindi ba dapat ako ang unang kinokonsulta mo kapag may ganitong desisyon?"

"Alexis is my first love, Bianca. I hope you understand that."

Parang may kung anong bagay na biglang bumagsak sa dibdib ko.

First love?

Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang narinig ang pangalan niya sa ganitong paraan.

Tumingin ako kay Alexis. Tahimik lamang itong nakatayo habang pinagmamasdan kaming dalawa.

"So, she's your first love?" mahina kong tanong.

"Yes. And I don't want you to make her feel uncomfortable."

Napatawa ako nang mahina, pero walang saya sa tunog nito.

"What about me, Tristan? Don't you care about how I feel?"

"Enough, Bianca!"

"Three years tayong kasal! At ngayong anniversary natin, uuwi ka kasama ang first love mo at sasabihin mong dito siya titira?"

"Stop acting like a child!"

"Then stop treating me like I don't matter!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

Biglang lumapit si Tristan at mariin akong tiningnan.

"You're embarrassing yourself."

"Then tell her to leave!"

"Bianca, I said enough!"

Pero hindi ako umatras.

"No. I want her out of our house!"

Bago pa ako makapagsalita muli, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

SLAP!

Napahawak ako sa pisngi ko habang nanlalaki ang mga mata.

For a moment, everything went silent.

Hindi ako makapaniwalang nagawa iyon ni Tristan.

Ang lalaking minahal ko nang buong puso.

Ang lalaking pinangakuan kong makakasama ko habang-buhay.

Siya mismo ang nanakit sa akin.

"Tristan..." nanginginig kong tawag.

"Go to our room, Bianca. I don't want to hear another word from you."

Hindi na ako sumagot. Hindi ko na rin kayang tumingin sa kanya.

Tahimik akong tumalikod at naglakad papunta sa aming kuwarto. Pagkasara ko ng p***o, tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napaupo ako sa gilid ng kama habang hawak ang namumulang pisngi.

Sa labas, naririnig ko pa rin ang boses ni Tristan.

"Are you okay, Alexis?"

"Yes, I'm fine. I'm sorry about what happened."

"Don't mind her. She'll get over it."

Napakagat ako sa labi.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahina nilang tawanan.

Habang ako, narito sa loob ng aming kuwarto, umiiyak dahil sa lalaking nangakong hindi ako sasaktan.

Tumingin ako sa wedding picture naming nakapatong sa bedside table.

Masaya kaming nakangiti roon.

Pero ngayong gabi, hindi ko na alam kung sino ang lalaking pinakasalan ko.

Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha ko.

"Happy anniversary, Tristan," bulong ko.

"Is this how you celebrate our three years together?"

At sa unang pagkakataon, naisip kong baka hindi pala sapat ang pagmamahal para mapanatili ang isang kasal.

———

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status