LOGINOne week pa lang si Lily sa condo ni Isaac ay nabubwisit na siya. Paano ba naman kase, binubulabog siya ng kahit sinong babae na naging ka-flings ng kumag na si Isaac. Minsan may nag-doorbell ng madaling araw, minsan na man ay alas diyes na ng gabi. Hindi siya makapagpahinga ng maayos ni ang makapag-concentrate man sa kanyang mga aralin. Kahit hindi pa man nag-uumpisa ang kanyang klase ay advance na si Lily. Minsan gusto na lang niyang umuwi sa mansion. Ang pinoproblema pa ni Lily ay hinahanap daw siya ni Joshua at Macky/Mark, palibhasay nasanay na ang mga ito sa kanya. Ayon sa text ni Meriam hindi daw nakakasundo ng mga sutil na mga bata ang mga bagong yaya ng mga ito, nag-resign ang dating yaya ng mga bata dahil umuwi ng probinsiya para maalagaan ang ama nitong may sakit.
Kasalukuyang nakaupo si Lily sa kanyang study table. Hinihilot ang sariling sentido. Sumulyap siya sa kanyang orasan. It's ten o'clock in the evening. Mayamaya ay tumunog ang doorbell ng kanyang condo. Tinakpan niya ang kanyang tenga, tumayo siya at tinungo ang kanyang malambot na kama, paniguradong isa na naman ito sa mga babae ni Isaac. Pucha! Sumampa siya sa kama at kinuha ang throw pillow at itinakip niya iyon sa kanyang dalawang tenga. Bahala sila. Never na siyang magsasayang ng energy na harapin pa ang mga haliparot na babae ng kumag na iyon. Manigas siya sa kaka-doorbell. Ngumisi lang si Isaac. Sigurado siyang gising pa si Lily. Nang hindi nito binuksan ang kanyang condo ay siya na mismo ang nagbukas niyon. Kagagaling lang niya sa bar, from his office, dumiretso agad siya sa bar para makipagkita kay Claire para maglabas ng init ng katawan. Yeah! He was satisfied. Awtomatikong bumukas ang pintuan gamit ang fingerprint ni Isaac. Pumasok agad siya sa loob at tinungo ang living room. Nakainom siya at hindi siya lasing. Hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ng kanyang mga paa. Sumulyap siya sa taas kung nasaan ngayon nagpapahinga ang evil witch na si Lily. Naiiling si Isaac at ibinagsak niya ang katawan sa malambot na couch. Pumikit siya habang hilot-hilot ang kanyang sentido. *** Kinabukasan, nagising si Lily sa malakas na alarm ng kanyang alarm clock. Nag-inat muna siya bago niya idinilat ang mga mata. Ilang minuto pa ang nagdaan bago siya bumalikwas ng bangon at nanalangin ng pasasalamat sa Dios sa bagong araw at bagong awa na ipinagkaloob nito sa kanya. Tumayo siya at tinungo ang banyo. Mag-uumpisa na ang daily routine ng kanyang buhay. Araw ng Lunes at ngayon ang araw na sasabak siya sa kanyang pangarap sa tulong at awa ng Dios. Ngumiti si Lily at pakanta-kanta pa siya habang nagtatampisaw sa bathtub na naroon. Since nasanay na siyang siya lang mag-isa. Pagkatapos niyang maligo ay isinuot niya agad ang kanyang roba. Dumiretso na siya sa baba para makapagluto ng kanyang agahan. Ni hindi man lang napansin ni Lily sa couch ang nakahigang si Isaac. Take note, nang naka-boxer at topless pa. Sanay sa aircon ang binata at tamad na itong pumanhik pa sa taas kagabi ng pumasok ito sa condo, kaya ang ginawa ng kumag ay naghubad pa ito, ni hindi man lang iniisip o baka naman kaya nakalimutan nitong may kasama itong babae sa condo. Nagluto na lamang ng easy cook meal si Lily. Egg and bacon, pagkatapos niyang magluto ay agad siyang dumulog sa hapag, ganadong kumain ng agahan mag-isa si Lily, inspired siya sa unang araw niya. Excited na siyang umapak sa unibersidad. Pagkatapos kumain ay agad na hinugasan ni Lily ang mga ginamit na plato at etc. Nang akmang tunguhin na niya ang living room ay nanlaki ang kanyang mga mata. What the h-ck! Papaano nakapasok ang kumag na 'to sa condo? Hindi ba't nasa kanya ang keycard nito? Nagsalubong ang kilay ni Lily. Pero hindi maipagkakailang napatitig siya sa maumbok na bagay na nasa harapan ni Isaac. Shucks! Damn! Wala pa naman siyang suot na panty, bwisit talaga ang lalaking 'to kahit kailan. Hoy, Lily Gamboa. Gaga! Umayos ka day! Jusko! Mabuti pa magbihis ka na at hayaan mo na ang kumag na lalaking 'yan! Sita ng isipan ni Lily. Plano niya kasing gisingin ito at sermonan, pero kung gagawin niya iyon baka ma-late pa siya sa first day niya. Di bale na nga lang. Kahit kailan talaga pasaway itong si Isaac. Pero infairness, ang flawless day! Patawarin siya sa kanyang karupukan. Inis na pumanhik uli si Lily sa taas para makapagbihis at makapag-make over ng light make-up. Ang hindi alam ni Lily, kanina pa gising si Isaac. Trip lang talaga nitong asarin siya. At aaminin man ni Isaac o hindi. His erection hard on when he saw Lily's perfect flawless legs. Sh-t! Hindi niya akalaing magwawala ang alaga niya. Nang tuluyan ng makapasok si Lily sa kwarto nito, inis na bumalikwas ng bangon si Isaac at dali-daling tinungo ang banyo. He needs cold shower, f-ck! Binubuhay ni Lily ang init sa kanyang katawan, pucha! Ba't ba kase bumaba ito na naka-roba lang? Nagtatanong tuloy ang isip ni Isaac kung may suot kaya itong underwear. Mabuti na lang at may mga naiwan pa siyang damit na kahapon lang ay pinalabhan sa kanya ng evil witch na si Lily. Pagpasok ni Lily sa kanyang silid ay agad na dumiretso siya sa kanyang wardrobe at kumuha doon ng panty at bra. Yes, naglalakad siya kanina nang walang panty. Inayos niya ang kanyang buhok, she tucked her hair in a pony tail bun. Nagsuot siya ng jeans at white polo shirt. Binagayan niya ito ng sneakers. Inayos niya ang mukha, light make up lang ang kanyang ginawa. Kinuha niya ang kanyang small bag at mabilis ang kilos na bumaba sa hagdanan. Hindi na niya sinulyapan pang muli si Isaac lalo na't tumatakbo ang oras. For her, time is gold. "Wait, sabay na tayo," tawag ni Isaac kay Lily. Tumaas ang isang kilay ni Lily sa binata. Really? Ang bilis naman nitong nakapagbihis? "Are you sure? Talaga lang ha," paninuguro ni Lily sa hindi mapagkatiwalaang anyo ni Isaac. "I am, dadaanan ko rin naman ang unibersidad dahil kakausapin ko si Principal Dela Vega," sagot ni Isaac sa dalaga. "Sige na nga, salamat. Mabuti naman at naging mabait ka ngayon sa akin, isa pa nga pala, iyong mga babae mo nakakarindi na, palagi nalang nambubulabog at hinahanap ka, jusko Isaac kailan ka ba magtitino at makipag-stick to one sa isang relasyon," palatak agad ni Lily at mabilis na sumunod sa binata. Imbes na sagutin ang sermon ni Lily sa kanya ay tila nainis pa bigla si Isaac. Damn, this evil witch. Kahit kailan talaga hindi ito nauubusan ng sermon para sa kanya. Minsan naisip niyang halikan ito ng marahas. "Get in," utos ni Isaac sa nakasimangot na si Lily. "This is my own life, Lily. You have no right to tamper with someone's life, could you just sit back and shut up?!" pansin ni Lily ang kakaibang aura na iyon ni Isaac, lumalabas ang pagiging hot-tempered ng isang Montenegro. Tumahimik na lamang siya at inayos ang seatbelt niya. Since malapit lang ang condo sa unibersidad, wala pang thirty minutes nakarating agad sila roon. Naunang bumaba si Lily, iniiwasan niya ang ma-chismis lalo na't baguhan lang siya sa unibersidad. Baka kase may isang ka-harutan si Isaac sa unibersidad at kapag nakita nitong magkasama sila ni Isaac awayin siya ng mga ito at maaapektuhan pa ang kanyang pag-aaral. Ayaw niya ng ganoon. She needs to focus her studies and she wants to reach her goal in life. Pagpasok pa lang ni Lily sa looban ng Unibersidad ay halos malula siya sa laki nito. Inilibot niya ang tingin, makikita ang mga ilang estudyante na nasa kani-kanilang grupo. Ngumiti si Lily at saka siya nagpakawala ng malalim na buntong-hinga. May napansin siyang puno ng balite kung saan may bakanteng mesa. Lumapit siya doon at naupo. Sumulyap siya sa kanyang wristwatch. Nagulat na lamang si Lily nang may tila gumagapang sa kanyang tenga, at dahil doon ay napasigaw siya sa gulat. At saka niya narinig ang malutong na halakhak ni Isaac. Sa inis niya'y hinampas niya ang binata sa kanyang maliit na bag. "Damn you, ba't ka ba nanggugulat? At bakit nandito ka pa? Hindi ba't dapat nasa distillery ka na?" takang tanong niya sa binata. "I'm here to give you this, your schedule. Nakalimutan kong ibigay sayo kahapon, goodluck ma'am Lily, I have to go," kindat ni Isaac sa kanya. Kunwari'y umirap si Lily sa binata at marahas na kinuha ang papel na iniabot nito sa kanya. Saka napansin ni Lily ang ilang estudyanteng kinikilig at todo papansin sa isang Montenegro. Ang iba'y lumapit pa at nakipag-picture taking. Duh! Ang iba naman ay sumisigaw habang nagsisitakbuhan palapit sa binata. Hindi napigilan ni Lily ang mapairap sabay taas ng kanyang kaliwang kilay. Ang o.a na man ng mga atribidang babaeng 'to! Jusko! Hindi man lang marunong kiligin sa lihim. Muling naupo si Lily sa may mesa ng balite. Nagulat siya nang may nakita siyang nakaupo roon. Isang babaeng parang nerdy. Tahimik lang ito habang nagsusulat ng kung ano. Tumikhim siya para kuhanin ang atensyon ng naturang babae. Iniangat agad nito ang tingin at nagkasalubong ang kanilang mga mata. "Hi," bati ni Lily dito. Pansin niyang atubili itong makipag-usap sa kanya. Pero sa huli'y sumagot din ito. "Hello," matipid nitong sagot sa kanya. "I'm Lily Gamboa, and you are?" "I-I'm Lyn Buslo." Pansin ni Lily na tahimik na tao si Lyn. Napangiti siya, surely makakasundo niya ang tulad ni Lyn. Halatang mabait ito. *** So far naging maganda ang araw ni Lily sa unang araw ng pasukan. Gaya ng dati, isa lang ang naging kaibigan niya, siya ang tipo na namimili ng kaibigan. Mabuti na lamang at magkakasundo sila nito. Imbes na sa condo siya dumiretso, mas pinili niyang umuwi ng mansion. Hinahanap daw siya nina Mark at Joshua. Na-miss na rin niya ang dalawang bubwit, balita niya'y matatagalan pa sina Micah at Hugo pabalik sa Pilipinas dahil sa maraming inaasikasong problema kuno sa ibang negosyo ni Hugo. Nang makarating siya ng mansion ay saka lang na-realize ni Lily na na-miss nga niya talaga dito. Lalong-lalo na ang mga bata. Nakapadesisyon siyang bumalik na lamang siguro siya ng mansion. Dahil kung sa condo siya ni Isaac, nakakainis ang mga babaeng nambubulabog sa kanya, minsan ang iba ay tinarayan na niya dahil iniistorbo lang ng mga ito ang araw ng kanyang pamamahinga. Tinungo ni Lily ang patio kung saan naririnig niya ang mga halakhak ng mga bata. Tumaas agad ang kilay niya ng kasama ng mga bata ang pinsan ng mga ito na palaging bumubwisit sa kanya. "Aalis na 'ko sa condo mo, ayoko ng bumalik do'n," tugon ni Lily at naupo siya sa couch saka isinandal ang kanyang likod roon. "And why? Any problem?" nagtatakang tanong ni Isaac sa dalaga na halatang pagod na pagod. "At talagang tinatanong mo pa?" "Of course, I would. Then, give me a valid reason," sagot ni Isaac at saka siya binuhusan ni Joshua ng juice sa mukha. "What the!" mura ni Isaac. At dahil doon ay idinilat ni Lily ang kanyang mga mata. Hindi napigilan ni Lily ang mapangisi. Kahit kailan talaga napakakulit ng dalawa niyang alaga. Tumayo si Lily at sinita ang dalawang bubwit. Tawa ng tawa lang ang dalawang bubwit na sina Mark at Joshua. "Boys, enough... come on, say sorry to kuya Isaac," turo ni Lily sa mga pasaway na bubwit. Lumapit si Mark kay Isaac at kinurot ang pisngi ng pinsan sabay kurot ng matangos nitong ilong. Napahiyaw sa sakit si Isaac nang kagatin naman ni Joshua ang kanyang kaliwang braso. Hindi na napigilan ni Lily ang sarili at nagpakawala siya ng malakas na tawa. Hindi kase maipinta ang mukha ni Isaac. Napangiwi ito at mabilis na tumayo. "Ouch! Bad boy, Joshua." Hinimas-himas ni Isaac ang kanyang nasaktang braso. Hindi niya akalaing nangangagat pala ang makulit niyang pinsan. "I'm not kuya, I'm just a monster, rawwwrrrr," pananakot pa ni Joshua at akmang kakagatin na naman nito si Isaac. Tinawag na ni Lily sina Mark at Joshua para bihisan ng damit ang dalawa. Agad namang tumalima ang dalawa sa kanya. Kumindat lang si Lily kay Isaac. Naiwan namang naiinis si Isaac. *** Habang nagluluto si Lily ng dinner para sa dalawang bubwit napansin niya ang seryosong mukha ni Isaac. Kumuha ito ng pitsel sa ref. Sumulyap ito sa kanya, awtomatikong tumaas ang kilay ni Lily nang mapalingon ito sa gawi niya. "Sabihin mo nga sa akin, 'yon ba ang itinuturo mo sa mga pinsan ko? Hindi na man dating ganyan ang behavior ng dalawa, a." "Alam mo, nangangagat talaga iyang si Joshua. Pasensyahan mo na, kaya pwede ba huwag kang mangbintang na tinuruan ko iyang mga pinsan mo," sagot ni Lily habang inilipat ang mga cheesedog at luncheon meat sa isang plato. Mula sa plato ay kumuha ng isang cheesedog si Isaac gamit ang tinidor. Hinarap niya si Lily. Seryoso muli ang awra. "Invited ako sa isang party at kailangan kitang isama. Febbie will be there, bukas ng gabi 7pm susunduin kita dito," ani ni Isaac. "At bakit, sinabi ko bang papayag ako?" "Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin, remember? Your my pretend love," ani ni Isaac. Sumimangot si Lily. Hinarap niyang muli ang binata. "Hindi ba't may mga ka-flings ka naman? Ba't hindi na lang sila ang gawin mong isa sa mga pretend girlfriend mo?" suhestiyon ni Lily kay Isaac. "Ikaw ang nakilala ni Febbie, at ikaw ang kilala niya'ng babae na sineseryoso ko, kaya you have no choice," ani ni Isaac at saka kinuha ang mga niluto ni Lily at dinala sa dining room. Inutusan ni Isaac ang ilang kawaksi na ihanda na ang mesa. Mabilis namang tumalima ang mga ito. Tinawag naman ni Lily sina Moises, Meriam, Mark at Joshua para sa dinner. Makalipas ang ilang minuto ay maingay na yabag ang sumunod na mula sa taas na tila nag-uunahan. "Careful, ba't ba kailangang mag-unahan, Meriam huwag tumakbo! Joshua!" sigaw ni Lily sa dalawa. Sinita naman ni Moises ang dalawang sina Meriam at Joshua, hinawakan ni Moises nang mahigpit si Joshua, likas na makulit ang bunso nilang kapatid. Agad namang huminto si Meriam at nagpatiuna nang dumulog sa hapag. Kasunod nito si Mark habang sige parin sa kapipindot sa ipad nito. "Stop that!" sita ni Moises at maagap na kinuha ang iPad mula sa nakabusangot na mukha ng kapatid na si Mark at ibinigay niya iyon kay ate Lily nila. Lihim na napangiti si Lily. Moises really do his responsibilities as a big brother to his siblings. Ang sweet lang, kung naiintindihan sana ni Mark kung gaano ka-swerte ng mga ito for having a brother like Moises. "Lily, come on. Let's discuss our plan, you, as my pretend love," ani ni Isaac kay Lily. "Nakita mong pinapakain ko pa ang mga bata hindi ba?" sarkastikong saad ni Lily kay Isaac. Ngunit nagulat na lamang si Lily nang ngumiti si Isaac sa mga bata at nagpaalam sa mga ito na hihiramin lang daw nito ang ate Lily nila saglit, para sa importanteng pag-uusapan nila. Pinaunlakan na lamang ni Lily ang binata. Dinala siya ni Isaac sa hardin. Naupo sila doon. "Now, let's discuss our plan, first, kailangan mong baguhin iyang pananamit mo, you need to look more elegant and sophisticated," suhestiyon ni Isaac, pinasadahan pa niya ng tingin ang kabuuan ni Lily, huminto ang titig niya sa mayamang dibdib ng dalaga. Damn! "Saan ka ba nakatingin? Sa boobs ko o sa katawan ko? Pwede ba, Isaac ayusin mo iyang mga titig mo ha, malilintikan ka talaga sa akin." Kumunot ang noo ni Lily. What? Para sa lalaking ito babaguhin niya ang nakasanayan niya? No way! Ang kapal din talaga ng apog ng lalaking 'to! "No! Hindi ko pwedeng baguhin ang sarili ko para lang sayo, at sino ka ba para pangunahan ako?" inis na tugon ni Lily sa binata, ramdam niya ang labis na inis. "I'm looking at your damn f-cking boobs, ang sarap ngang masahein, e, para bang siopao na-" hindi na pinatapos pa ni Lily si Isaac sa pinagsasabi nito at mabilis na isinaksak niya sa bunganga nito ang cheesedog na hawak niya para sana ito'y kainin. Tumayo si Lily at marahas na itinulak si Isaac sa dibdib nito at iniwan ni Lily ang binata dahil sa sobrang inis niya dito. Damn it! "Hey! Lily, wait!" sigaw ni Isaac. "Gago!" sigaw niya dito. Ngunit sadyang mabilis si Isaac at nahagip agad nito ang kanyang braso. Pumiksi si Lily at hinarap ang binata, umuusok sa inis ang kanyang ilong. "Ano?! Bahala ka! Maghanap ka ng babaeng umastang pretend love mo! Ayoko na, suko na ako! Nakakagigil kang bwi-" Nanlaki ang mga mata ni Lily nang maramdaman ang mainit na labi ni Isaac sa kanyang maninipis na labi. Shucks! Damn! Sh-t! Patay na, paniguradong hindi na naman siya makatulog sa pesteng halik na iginawad ng bwisit na lalaking 'to! Gustuhin man niyang itulak ang binata palayo sa kanya ngunit tila para siyang estatwa na hindi makakilos. Pumikit na lamang si Lily at ninamnam ang nakakaliyong halik na iginawad sa kanya ng binata. Sh-t lang, feel ni Lily para silang napapalibutan ng mga bulaklak at paru-paro. Kinikilig siya na hindi niya mawari. Kung panaginip man ito, ayaw na niyang magising pa. Nang ihinto ni Isaac ang halikan ni Lily ay agad na tinanong ni Isaac si Lily. "Umalis na ba?" Nagtatakang napatitig si Lily sa mala-asul na mga mata ni Isaac, sino bang tinutukoy ng bwisit na lalaking 'to? Ibinaling ang tingin ni Lily ang tingin sa malaking gate ng mansion. May nakita siyang kotse. Pagdakay, mabilis itong humarurot ng takbo. "Kotse ba ang tinutukoy mo? Iyong kulay puti ba? Umalis na, bakit?" Hindi sinagot ni Isaac ang tanong na iyon ni Lily. Bagkus ay iniwan niya ang dalaga at wala sa sariling tinungo ni Isaac ang mini-bar. He wanted to drink some liquor, kung hindi siya nagkakamali kotse iyon ni Yvonne. Damn! Tama bang gamitin niya si Lily para pagselosin niya si Yvonne? Hindi ba't nang dahil kay Febbie kaya siya humingi ng pabor kay Lily? Napaupo si Lily sa may couch habang hawak-hawak ang kanyang pang-ibabang labi. Damn! Nabitin siya sa totoo lang. No! Kailangan niyang labanan ang nararamdaman niya. Hindi pwede 'to! Hindi lingid sa kanya na sa lahat ng Montenegro si Isaac ang pinaka-babaero.A month later.... "Congratulations, we're so happy for you, Lily." bati ni Rose sa kapatid. "Thank you, Rose," nakangiting tugon niya sa kapatid. Nagyakapan sila. Nakatunghay at nakangiti lang sa kanila ang kanilang ama, na ngayo'y nakaupo sa wheelchair nito habang karga ang apo nito na anak ni Rose. "Sana maging okay na rin kayo ni Zards, para wedding bells na din ang kasunod," tudyo ni Lily sa kapatid. Umikot lang ang eyeballs ni Rose. "As he wish, bahala siya. Mabuti pa pumunta ka na do'n hinanap ka na ng asawa mo, halatang excited sa honeymoon niyo," ganting tudyo ni Rose kay Lily. Nagpakawala lang ng tawa si Lily. She was three months pregnant. Pwede pa kaya? Nakakatawa lang isipin. Nagpaalam muna siya sa kanyang ama't kapatid at tinungo ang kinaroroonan ng asawang si Isaac, na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito. Nang makalapit na siya sa gawi ng asawa ay ikinulong agad siya nito sa matipuno nitong mga braso. Ramdam niya ang isang braso nito sa kanyang malii
Nasa balcony si Lily ng kanyang kwarto kung saan makikita ang malawak at kulay asul na dagat, na wari bang nang-aakit sa taglay nitong kagandahan. She could hear the crashing sounds of the waves. She was pregnant. Mahigit isang buwan na ring hindi nagpaparamdam sa kanya si Isaac. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Dumako ang kanyang paningin sa di-kalakihan niyang tiyan. He missed him already. Makakaya ba niyang tikisin ang sarili? She was hurt, big time.Ang simoy ng hangin mula sa karagatan ay naghatid ng kakaibang kaginhawaan sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi pa siya handa para harapin ang binata. Kumusta na kaya ang anak nito kay Yvonne? Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang malakas na katok sa kanyang pintuan. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga at tinungo ang kanyang pintuan para ito'y buksan."Lily, i-on mo ang TV." Mababakas sa mukha ng kanyang kaibigang si Micah na tila nagmamadali, hinahangos pa n
Ibinato ni Isaac ang kanyang cellphone dahil sa sobrang inis. Hindi niya makontak si Lily. Tinawagan niya ang kanyang tita Micah pero hindi naman ito sumasagot. Damn it!"Cupid really hit the playboy's heart," kantiyaw ni David sa kapatid."She's a teacher, baka busy lang Isaac. Hindi magka-pareho ang oras dito sa Guam at sa Pilipinas, the time here is already 1:38PM. Maybe in the Philippines, 11:38AM." Hindi pinansin ni Isaac ang kanyang dalawang kapatid na sina Israel at Mateo. Nagulat siya nang maramdaman ang tapik sa kanyang balikat. Nilingon niya ang kanyang ama. "The problem is already done, it's time for you to exit, son. I think, it's time for you to court the terror teacher of Montenegro University College. Sige na, umuwi ka na at bigyan mo na ako ng isa pang apo," si Mike. Naiiling na natatawa sina David at Israel. Their dad never change. Pilyo pa rin ito kahit kailan. Tumayo si Isaac at niyakap ang ama. "Thanks, Papa. What if kung may nakapag-report sa kanya regarding s
Akmang papalabas na si Lily sa malaking gate ng mansion ng mga Del Fuego, nang bigla siyang dumugin ng mga press at media. Sumenyas agad siya sa guard. Damn! Wala siyang choice kundi ang bumalik sa loob ng mansion. Paniguradong absent siya nito sa kanyang klase. Bwisit na mga media. Gusto niya tuloy kalbuhin si Yvonne sa mga maling paratang nito sa kanya, pasalamat ito at mabait siyang tao. Pero kung talagang uubusin nito ang kanyang pasensya, aba't pagbibigyan niya ang bruhang bobitang 'yon.Pumasok siya sa loob ng mansion at dumiretso sa living room. In-on niya ang flat screen TV. Eksaktong mukha ng bruhang si Yvonne ang nakita niya. Awtomatikong umusok ang ilong ni Lily nang makita ang makapal na mukha ng babae. Gusto niyang pasukin ang telebisyon para sabunutan at suntukin ang naturang babae, aaminin niyang nagtagumpay ito sa pang-aasar sa kanya. Feel niya, umusok ang ilong niya sa sobrang inis at ngitngit.May ipinakita itong mga latest photo na kasama ang binata, nasa isang conf
Kasalukuyan nasa patio si Lily ng mansion. She was busy with her lesson plan. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone, kasabay ng tila pag-talon ng kanyang puso sa pag-asang si Isaac ang tumatawag. One week na rin ang nagdaan ng hindi ito nakipag-video call sa kanya na labis niyang ikinalumbay. Muntik na niyang itapon ang kanyang cellphone ng pasahan siya ng isang video. Latest video iyon nina Isaac at Yvonne. Nasa isang bar, nagsasayawan at naghahalikan. Naikuyom ni Lily ang dalawang kamao, hindi na niya ipinagpatuloy pa ang panonood sa naturang video.Tumayo siya at tinungo ang veranda. Damn, pinaniwala niya ang sarili na hindi totoo ang kanyang nakikita. At saka sumiksik sa utak niya ang sinabi ni Isaac. Hindi lahat ng nakikita ay totoo.Damn it! Nagpakawala ng marahas na hininga si Lily. Humigpit ang pagkakahawak niya sa railings. She need to stay calm, hindi ba't nilinaw na ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga consequences na kakaharapin nila sa kanilang sitwasyon? Paano kun
Mas pinili na lamang ni Lily na manatili sa kanyang silid. Ayaw niyang makitang umalis si Isaac at baka pigilan pa niya ito. Damn, ang o.a lang niya. Ibinaon niya ang sariling mukha sa kama kung saan magkasama pa silang natutulog. What the! Kasabay niyo'n ay ang pagtulo ng kanyang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.Naputol ang pagmumuni-muni niya ng makarinig siya ng katok sa kanyang silid. Panigurado si Micah iyon. "Pa-pasok," mahinang sigaw niya, sapat para marinig ni Micah, nakaawang naman kasi ang pintuan ng silid niyang iyon."Bruha, bumangon ka na. Fix yourself at aalis na tayo pauwi ng Cebu. Huwag kang feeling teenager Lily dahil hindi bagay sa'yo. Ready na rin ang mga bata," nakangiting tugon ni Micah at nilapitan ang nakadapa pa ring kaibigan. Hinimas niya ang likod nito. Hindi pa rin ito umiimik."Kung ganyan ka, paano na lang kaya kung may darating na mas higit pang problema sa pagitan ninyong dalawa, kung sa maliit lang na bagay ay umiiyak ka na, be brave, Lily."B







