MasukLihim na ngumiti si Lily. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang malambot na kama. Gustuhin man niyang bumukod ayaw naman pumayag ni Micah. Kung bubukod man siya ay gusto nito doon na lang daw siya tumira sa condo ni Isaac para mas malapit lang sa paaralang papasukan niya. Two years na lang naman ang kulang niya, ang suhestiyon ni Micah dapat daw niyang mag-summer class para mas madali. Since offer na iyon ng kaibigan aba't dapat lang na sunggaban na talaga niya.
Hindi naman lingid kay Lily, na pilit siyang pinaglapit ng kaibigan sa pamangkin nitong si Isaac. Ngunit ang ngiting iyon ay napalitan ng simangot. Kung makikitira siya sa condo ng tukmol na iyon paniguradong gagawin siya nitong alila. Well, wala namang problema sa kanya basta lang hindi ito magdadala ng babae. Lagot ito sa kanya. Pero sabagay, hindi na man daw laging naroon si Isaac. Minsan lang, iyon ang sabi ng kumag sa kanya. Narinig ni Lily ang katok sa kanyang pinto. Kumunot ang kanyang noo. At sino naman kaya ang naligaw sa kwarto niya? Kung si Moises at Meriam ay matagal iyon bago magising ng maaga. Wala naman sina Micah at Hugo dahil sa out of town ang mag-asawa. Nakakausap lang ni Lily si Micah through zoom or 'di kaya'y videocall through messenger. Inis na tumayo si Lily at mukhang alam na niya kung sinong baliw ang nambubulabog ng maaga sa kwarto niya. Lagot talaga sa kanya ang bwisit na Isaac na 'to. "Morning!" bati agad ni Isaac kay Lily. "Walang maganda sa umaga sa tukmol na nambubwisit ng maaga!" asik niya sa nakangising si Isaac. Hawak nito ang asong si Lily. "Is that how you greet us?" turan ni Isaac at walang-gatol na dumiretso sa loobang ng kwarto ni Lily. Sa inis ni Lily ay hinila niya ang damit ni Isaac pabalik. "And who give you the permission na pwede ka ng pumasok sa loob ng kwarto ko?!" kung nakamamatay lang ang tingin malamang kanina pa nakabulagta si Isaac. "Why? Is there any problem, o baka may itinatago ka ditong lalaki kaya ayaw mo kaming papasukin ng baby ko," nang-aasar na naman si Isaac sa dalaga. Inis na hinampas ni Lily si Isaac dahilan para magulat ang asong si Lily at tumalon ito patakbo sa may balcony. Kinakabahang sinundan naman ito ni Isaac. Paano na lang kung tumalon ang aso niyang si Lily, mahal na mahal pa naman niya ang aso niyang iyon. "Hey, Lily. Come here, come to dada!" tawag ni Isaac sa aso na kasalukuyang nakatingin sa baba ng balcony. Lumingon ito sa gawi ni Isaac at Lily. Si Lily man ay kinakabahan din, kung hindi sana siya inistorbo ng maaga ni Isaac, hindi sana mangyayaring matakot niya ang asong si Lily. "Ikaw kasi, e, ba't mo pa kase dinala iyang aso mo dito. Wala akong pananagutan kung sakaling may balak iyang magpakamatay, ha?" "Kung hindi mo sana ako hinampas hindi sana tumalon si Lily mula sa bisig ko. Ang suplada mo kase. Kaya nga paborito kitang asarin lagi, e. Sobrang killjoy mo," pinipigilan ni Isaac na huwag mapangisi. "Ah gano'n, so kasalanan ko na naman? Wow naman, ang galing mo naman, kaninong kwarto ba ang binulabog mo? Hindi ba't kwarto ko, ang sabihin mo nandito ka para asarin na naman ako, hindi ako tanga, Isaac!" "I'm here to discuss your role as my pretend love, remember? And I won't accept no, as an answer," diretsahang tugon ni Isaac sa kanya at mabilis na nilapitan nito ang asong si Lily na ngayon ay nasa kama na ni Lily. Nakadapa habang iwinagayway ang mabalahibo nitong buntot. Nasundan ng tingin ni Lily si Isaac. Bwisit talaga! Papayag ba talaga siya sa kalokohan ng tukmol na 'to? Kainis talaga, wala sa sariling pumasok siya sa banyo para maligo. Nagbabad agad si Lily sa kanyang bathtub. Nang matapos, ay saka lang niya narealize na hindi niya pala dala ang kanyang roba. F-ck! Bwisit kasing Isaac na ito, e. Ang hindi alam ni Lily ay napakagulo na ng kanyang kwarto. Nginangatngat lang naman ng asong si Lily ang kanyang mga damit, lace panty at bra niya na nakalagay sa kama para tupiin, take note, bagong order niya iyon from Lazada, at ang loko-lokong si Isaac ay nakasampa lang sa kama habang nanonood ng palabas sa TV. Walang choice si Lily kundi ang utusan ang tukmol na si Isaac. Binuksan niya ang kanyang banyo at mula roon ay sumigaw siya. "Isaac! Pakikuha ng isang roba sa wardrobe ko!" sigaw niya para talaga marinig nito, baka kase nanonood na naman ito ng TV. Napasulyap si Isaac sa asong si Lily, halos mabilaukan siya ng mapansin ang gutay-gutay na damit, bra at panty ni Lily. Lagot na talaga sila ng bruhang si Lily. Mabilis na tumayo si Isaac at mula sa sahig ay kinuha niya aso para lisanin ang kwarto ng dalaga, at sa pagmamadali niya'y nakalimutan niyang dalhin ang kanyang cellphone. Naiwan ito sa malambot na kama ni Lily. Lagot na talaga siya sa bungangerang babaeng iyon. "Too bad baby girl, that evil witch will gonna hate you," bulong ni Isaac sa kanyang aso. Ni hindi man lang pinatay ni Isaac ang TV sa kwarto ng dalaga. Kanina pa nagsisigaw si Lily ngunit walang Isaac na lumapit sa kanya. Bwisit talaga. Ano bang gagawin niya? Inilibot niya ang tingin sa banyo, isinuot na lamang niya ang kanyang nighties na ngayon ay basa na. Damn! Kesa naman wala siyang maisuot, at baka paglabas niya'y masilayan pa ng kumag na iyon ang alindog niya. Weh? Gusto mo naman. Aminin mo na, Lily. 'Wag daming echos. Kunwari ka pa! Neknek mo! Parang baliw lang na naglalakad si Lily at tinungo ang kanyang kama. Narinig niya ang ingay ng kanyang TV. Sh-t! So ibig sabihin nandiyan pa ang tukmol na si Isaac. Nagtago siya sa may divider na pinaglalagyan niya ng kanyang sandamakmak na librong binabasa. Saka siya sumilip. Kumunot ang noo ni Lily nang makitang wala na doon sina Isaac at Lily, inis na lumabas siya sa pinagtataguan at napasigaw siya ng malakas sa gulat at labis na inis nang masilayan ang bagon in-order niya sa Lazada na mga blouses, bra's and laces panties. What the h-ck! Sira-sira na ang mga iyon. "Isaac....!" sigaw ni Lily sa galit na boses. Maririnig ang boses ni Lily dahil nakabukas ng kunti ang naturang pinto ng kanyang kwarto. Malakas ang pag-echo niyon. Kasalukuyang nag-breakfast sina Moises at Meriam, habang naglalaro naman ang iba nilang kapatid sa salas kasama ang yaya ng mga ito. Nagulat sila sa lakas na sigaw ng kanilang ate, Lily. Naiiling na lamang sina Moises at Meriam. Sabay na nagkatinginan ang magkapatid at natawa sa inasal na iyon ng Ate Lily nila. Nakakatuwa lang kase 'pag nandito lage ang dalawa dahil napakaingay ng malaking mansion, daig pa ng mga ito ang mga boses ng mga nakababatang kapatid nina Moises at Meriam. "I'm wondering why do ate Lily need to shout as loud as that, ano na naman kayang kagaguhan ang ginawa ni kuya Isaac sa kanya?" naintrigang tanong ni Moises kay Meriam. "I don't bother to know, Moises. Let them be, someday magkakatuluyan din ang mga iyan, hayaan na natin sila at buhay nila 'yan," nakangiting sagot ni Meriam sa kapatid. "Well, I'd agreed!" kibit-balikat na tugon ni Moises at saka muling hinarap ang pagkain. *** Walang choice si Lily kundi lumipat sa condo ni Isaac. Ang sabi naman ni Micah hindi naglalagi doon ang binata at minsan lang daw ito nagagawi doon. Ngayon siya magsisimula for her summer class. Malapit lang ang condo ni Isaac sa unibersidad kaya mas maiging lumipat na rin siya doon. Wala namang problema kay Isaac dahil heto mismo ang nag-offer niyon. Ang balita ni Lily nasa isang condo sa may siyudad malapit sa Montenegro building ang condo na permanently ginagamit ni Isaac. "Sigurado ka bang maayos ang looban condo mo? Baka naman may mga basura ng mga condom ang nandiyan!" palatak agad ni Lily. Nagpakawala ng malutong na halakhak si Isaac sa tinuran na iyon ng dalaga. Sabay na umibis sila mula sa kotse ng binata. Pinukol lang ng matalim na tingin ni Lily si Isaac. Dapat siyang maging alerto, hanggang ngayon hindi pa siya nakarecover sa ginawa ng alaga nitong aso. Imagine, nginatngat lahat ng mga bagong stuffs na in-order niya sa Lazada. "Of course! Ako pa ba, every weekends pumupunta dito si Aling Tessa para linisin ang condo ko, and don't worry, pinalitan ko na ang mga kulay ng bedsheets, curtains and etc, para mas babaeng tingnan ang atmosphere ng condo," pagmamalaki ng binata. Umirap lang si Lily at nagpatiunang naglakad. Mabuti na lang at private property ang naturang condo. Ang balita niya pagmamay-ari din ito ng mga Montenegro. Iba talaga 'pag mayaman. Sumakay sila sa elevator. Pinindot ni Isaac ang 24th floor. Nanlaki ang mga mata ni Lily. Sh-t! Ang layo naman. Hindi kaya siya ma-late kung sakali? Sabagay, malapit lang naman ang unibersidad sa condo. Pagbukas ng condo, nagulat sila pareho ni Isaac nang masalubong nila si Febbie. Tumaas agad ang kilay nito nang makita si Lily. Pumasok si Febbie at talagang sinadya pa nitong banggain ang balikat ni Lily. "Wow naman, ang lapad ng elevator at tatlo lang tayo at talagang nabangga mo pa talaga ako? Sinasadya te?" naasar na wika ni Lily at mabilis na lumabas siya ng elevator. Nasira na ang araw niya sa bwisit na haliparot na Febbie na iyon. "Wait, could you just walked slowly, nagseselos lang iyon sayo, saka 'wag mo nalang patulan, she don't deserve your attention," cool na tugon ni Isaac. Lihim siyang nagpasalamat at hindi na siya kinukulit ni Febbie. Sana lang, hinihintay lang din naman ng babaeng iyon kung kailan siya magsasawa kay Lily, ngunit ang hindi nito alam nagpapanggap lang naman talaga sila ni Lily para iwasan na siya nito. Pero may mas malalim pang dahilan doon si Isaac. Pinaghahandaan niya ang pagbabalik ng babaeng tangi niyang minamahal, na magpahanggang ngayon ay siya pa ring tinitibok ng kanyang puso. Si Yvonne. Napalingon si Lily sa kanyang likuran. Napansin niyang tila may iniisip si Isaac. Sa inis niya'y tinalakan niya ulit ito. "Oh, ba't ka nakatulala diyan? Asan na iyong swipe card ng ma-check ko na ang pinagmamayabang mong condo na malinis kuno," turan ni Lily, pansin ni Lily na tila biglang tumahimik ang kanyang kasama. "Nakakain ka ba ng ipis diyan, at ang tahimik mo yata?" muli'y pukaw ni Lily kay Isaac. Tahimik pa rin si Isaac. Kinuha niya mula sa bulsa ang kanyang swipe card at awtomatikong bumukas ang pintuan ng condo unit niya. Nagtataka si Lily sa kakaibang kinikilos ng binata. Hinayaan na lamang niya ito. Nagulat siya nang makapasok sila sa loob. Makalat at ang daming nakasabit na mga damit sa kahit saan. Hindi niya akalaing burara pala itong tukmol na ito. Napakamot sa batok si Isaac nang humarap sa kanya si Lily. Hindi yata nakapunta si Aling Tessa nong Sabado sa condo niya, binilin pa naman niya iyong palitan ng kulay pamababae ang mga kurtina at bedsheets ng kanyang kama na dati niyang ginagamit. Patay siya ni Lily ngayon. Kung minamalas nga naman siya. Oo. Tumaas ang kilay ni Lily. "Malinis pala ha, ako ba pinagloloko mong kumag ka, jusko Isaac ang burara mo!" hinila ni Lily sa loob ng condo ang binata at isinara ang pintuan. Maririnig na padabog iyon. "Exciting huh, I like that," turan ni Isaac, sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Kumunot ang noo ni Lily at binitawan ang isang braso ni Isaac na hawak-hawak niya. Nakaramdam siya ng kakaibang kuryente doon. Damn! "Kung ano man iyang iniisip mong kumag ka huwag ako, at siguradong tatamaan ka ulit sa akin," pagbabanta ni Lily. Kumuha si Lily ng mop, ibinigay niya ito sa hindi maipintang mukha ni Isaac. Sh-t! At balak pa talaga siyang utusan ng evil witch na babaeng 'to! F-ck! Napansin ni Isaac na busy na si Lily sa pagpupulot ng mga nakasabit niyang damit. Mas minabuti muna niyang umupo sa couch, total hindi pa naman nag-umpisang magwalis ang naturang dalaga. Ngunit nagulat siya ng ibato sa kanya ni Lily ang ilang damit ng babae, bra't panty. What the h-ck! Sa gulat niya'y napatayo siya at maarteng ibinalibag iyon sa kahit saan. "Ano? Uupo ka lang diyan hindi mo ako tutulungan, oh, heto, dalhin mo iyang mga labahin mong damit at i-washing mo! Dali na! At magwawalis na ako, pagkatapos kong magwalis mag-mop ka sa sahig ha!" utos ni Lily sa kanya. Tumalima na lamang si Isaac. Bwisit talaga ang babaeng 'to! Damn it! Paano na ang usapan nila ni Claire? Tigang na siya ng ilang buwan, need na rin niyang ilabas ang libog niya. Pambihira talaga itong si Lily. Napakamot sa batok si Isaac at tinungo ang laundry room. *** Nakamasid lang si Lily sa naglalabang si Isaac. Kawawa naman itong tingnan. Hindi niya akalaing marunong pala itong maglaba. Sabagay, ang alam niya hindi ito pinalaki ng mga magulang na umaasa sa mga katulong. Bilib din siya sa ina nitong si Levi, na magpahanggang ngayon ay nanatili pa ring maganda at sexy. Kinuha niya ang mga bedsheets at ibinigay kay Isaac. "Oh, heto pa. Bilisan mo diyan at magluluto ako ng lunch natin," pagtataray niya dito. Tumalikod na si Lily at tinungo ang kitchen, nag-isip siya ng pwedeng lutuin. Mas naisip niyang magluto ng sinigang na baboy at adobong manok. Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto. Napangiti si Isaac habang sinasampay ang mga pinaglalabhan. Para lang silang nagbahay-bahayan ni Lily, a. Kulang na lang ang yakapin niya ito at ihiga sa kama at paliguan ng halik sa buong katawan. Damn! Yes, likas siyang pervert pero hanggang sa isipan lang niya iyon. Paniguradong bugbog sarado siya kung gagawin niya iyon dito. Napapikit si Isaac nang maamoy ang sinigang na baboy na niluto ni Lily. Damn! Bigla siyang natakam. Hindi naman nagtagal ay natapos na ni Isaac ang kanyang ginagawa. Dahil basa na ang damit niya, hinubad niya ito. Topless na tuloy siya, and this is the time na aasarin na naman niya si Lily. Tinikman ni Lily ang nilutong sinigang na baboy. Pumikit siya at hinipan muna ito bago tinikman, ngunit nagulat siya nang kunin ng kung sino ang sandok at sa bunganga nito iyon tumungo. Napatulala si Lily. F-ck! Ang flawless, pang-model ang alindog ng katawan. Pinasadahan niya ng tingin ang napakagandang katawan ni Isaac. Sh-t! Nagkakasala tuloy ang kanyang mga mata at isipan sa nakakaakit na tanawin. Nakakabusog ang malapad nitong dibdib at ang kumikinang nitong abs na tinatamaan ng liwanag galing sa ilaw ng condo, tagaktak ang pawis ng binata. Napalunok si Lily nang sundan niya ng tingin ang pagtulo ng pawis nito pababa sa v-line ng binata. "Nabusog ka na ba sa nakita mo?" pilyong tanong ni Isaac sa nakatulalang si Lily. Nang hindi pa rin ito kumikibo, pinisil niya ang matangos nitong ilong. Nagulat si Lily nang pisilin ni Isaac ang kanyang ilong. What the! Is she drooling over him? No way! Umirap si Lily, pero hindi maipagkakailang namumula ang dalawa niyang pisngi sa hiya. Sh-t! Imbes na kunin muna ni Lily ang potholder diretsong binuksan niya ang takip ng nilutong sinigang, napaso tuloy siya, sh-t! Bwisit talaga, aaminin niyang kinakabahan siya at bigla siyang na mental-block kanina. Damn! "Ahh!" hiyaw ni Lily. "Nakakita ka lang ng sparkling abs ko hindi ka na mapakali?" nakakalokong tudyo ni Isaac kay Lily. Sa inis ni Lily at para mapagtakpan ang kahihiyang natamo kanina, inis na kinuha niya ang sandok at pinalo ang matigas na abs ni Isaac. Todo ilag naman si Isaac habang tumatawa at saka ito tumakbo patungong living room. Damn! Obvious ka tuloy na naglalaway ka sa abs niya. The h-ck! Ani ng isipan ni Lily at muling hinarap ang niluluto.A month later.... "Congratulations, we're so happy for you, Lily." bati ni Rose sa kapatid. "Thank you, Rose," nakangiting tugon niya sa kapatid. Nagyakapan sila. Nakatunghay at nakangiti lang sa kanila ang kanilang ama, na ngayo'y nakaupo sa wheelchair nito habang karga ang apo nito na anak ni Rose. "Sana maging okay na rin kayo ni Zards, para wedding bells na din ang kasunod," tudyo ni Lily sa kapatid. Umikot lang ang eyeballs ni Rose. "As he wish, bahala siya. Mabuti pa pumunta ka na do'n hinanap ka na ng asawa mo, halatang excited sa honeymoon niyo," ganting tudyo ni Rose kay Lily. Nagpakawala lang ng tawa si Lily. She was three months pregnant. Pwede pa kaya? Nakakatawa lang isipin. Nagpaalam muna siya sa kanyang ama't kapatid at tinungo ang kinaroroonan ng asawang si Isaac, na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito. Nang makalapit na siya sa gawi ng asawa ay ikinulong agad siya nito sa matipuno nitong mga braso. Ramdam niya ang isang braso nito sa kanyang malii
Nasa balcony si Lily ng kanyang kwarto kung saan makikita ang malawak at kulay asul na dagat, na wari bang nang-aakit sa taglay nitong kagandahan. She could hear the crashing sounds of the waves. She was pregnant. Mahigit isang buwan na ring hindi nagpaparamdam sa kanya si Isaac. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Dumako ang kanyang paningin sa di-kalakihan niyang tiyan. He missed him already. Makakaya ba niyang tikisin ang sarili? She was hurt, big time.Ang simoy ng hangin mula sa karagatan ay naghatid ng kakaibang kaginhawaan sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi pa siya handa para harapin ang binata. Kumusta na kaya ang anak nito kay Yvonne? Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang malakas na katok sa kanyang pintuan. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga at tinungo ang kanyang pintuan para ito'y buksan."Lily, i-on mo ang TV." Mababakas sa mukha ng kanyang kaibigang si Micah na tila nagmamadali, hinahangos pa n
Ibinato ni Isaac ang kanyang cellphone dahil sa sobrang inis. Hindi niya makontak si Lily. Tinawagan niya ang kanyang tita Micah pero hindi naman ito sumasagot. Damn it!"Cupid really hit the playboy's heart," kantiyaw ni David sa kapatid."She's a teacher, baka busy lang Isaac. Hindi magka-pareho ang oras dito sa Guam at sa Pilipinas, the time here is already 1:38PM. Maybe in the Philippines, 11:38AM." Hindi pinansin ni Isaac ang kanyang dalawang kapatid na sina Israel at Mateo. Nagulat siya nang maramdaman ang tapik sa kanyang balikat. Nilingon niya ang kanyang ama. "The problem is already done, it's time for you to exit, son. I think, it's time for you to court the terror teacher of Montenegro University College. Sige na, umuwi ka na at bigyan mo na ako ng isa pang apo," si Mike. Naiiling na natatawa sina David at Israel. Their dad never change. Pilyo pa rin ito kahit kailan. Tumayo si Isaac at niyakap ang ama. "Thanks, Papa. What if kung may nakapag-report sa kanya regarding s
Akmang papalabas na si Lily sa malaking gate ng mansion ng mga Del Fuego, nang bigla siyang dumugin ng mga press at media. Sumenyas agad siya sa guard. Damn! Wala siyang choice kundi ang bumalik sa loob ng mansion. Paniguradong absent siya nito sa kanyang klase. Bwisit na mga media. Gusto niya tuloy kalbuhin si Yvonne sa mga maling paratang nito sa kanya, pasalamat ito at mabait siyang tao. Pero kung talagang uubusin nito ang kanyang pasensya, aba't pagbibigyan niya ang bruhang bobitang 'yon.Pumasok siya sa loob ng mansion at dumiretso sa living room. In-on niya ang flat screen TV. Eksaktong mukha ng bruhang si Yvonne ang nakita niya. Awtomatikong umusok ang ilong ni Lily nang makita ang makapal na mukha ng babae. Gusto niyang pasukin ang telebisyon para sabunutan at suntukin ang naturang babae, aaminin niyang nagtagumpay ito sa pang-aasar sa kanya. Feel niya, umusok ang ilong niya sa sobrang inis at ngitngit.May ipinakita itong mga latest photo na kasama ang binata, nasa isang conf
Kasalukuyan nasa patio si Lily ng mansion. She was busy with her lesson plan. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone, kasabay ng tila pag-talon ng kanyang puso sa pag-asang si Isaac ang tumatawag. One week na rin ang nagdaan ng hindi ito nakipag-video call sa kanya na labis niyang ikinalumbay. Muntik na niyang itapon ang kanyang cellphone ng pasahan siya ng isang video. Latest video iyon nina Isaac at Yvonne. Nasa isang bar, nagsasayawan at naghahalikan. Naikuyom ni Lily ang dalawang kamao, hindi na niya ipinagpatuloy pa ang panonood sa naturang video.Tumayo siya at tinungo ang veranda. Damn, pinaniwala niya ang sarili na hindi totoo ang kanyang nakikita. At saka sumiksik sa utak niya ang sinabi ni Isaac. Hindi lahat ng nakikita ay totoo.Damn it! Nagpakawala ng marahas na hininga si Lily. Humigpit ang pagkakahawak niya sa railings. She need to stay calm, hindi ba't nilinaw na ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga consequences na kakaharapin nila sa kanilang sitwasyon? Paano kun
Mas pinili na lamang ni Lily na manatili sa kanyang silid. Ayaw niyang makitang umalis si Isaac at baka pigilan pa niya ito. Damn, ang o.a lang niya. Ibinaon niya ang sariling mukha sa kama kung saan magkasama pa silang natutulog. What the! Kasabay niyo'n ay ang pagtulo ng kanyang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.Naputol ang pagmumuni-muni niya ng makarinig siya ng katok sa kanyang silid. Panigurado si Micah iyon. "Pa-pasok," mahinang sigaw niya, sapat para marinig ni Micah, nakaawang naman kasi ang pintuan ng silid niyang iyon."Bruha, bumangon ka na. Fix yourself at aalis na tayo pauwi ng Cebu. Huwag kang feeling teenager Lily dahil hindi bagay sa'yo. Ready na rin ang mga bata," nakangiting tugon ni Micah at nilapitan ang nakadapa pa ring kaibigan. Hinimas niya ang likod nito. Hindi pa rin ito umiimik."Kung ganyan ka, paano na lang kaya kung may darating na mas higit pang problema sa pagitan ninyong dalawa, kung sa maliit lang na bagay ay umiiyak ka na, be brave, Lily."B







