Beranda / Romance / Dilaan Mo / Kabanata 6

Share

Kabanata 6

Penulis: nerdy_ugly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-16 00:05:58

Matuling lumipas ang mga araw naging maganda ang takbo ng pag-aaral ni Lily, tulad parin ng dati, si Lyn lang ang tangi niyang naging kaibigan. Bilib siya sa unibersidad na pinapasukan dahil hindi lang patungkol sa mga lessons ang in-discuss ng mga Prof. Naiisingit din ng mga ito ang mga espiritwal na turo. Sabagay, kilalang relihiyoso ang mga Montenegro.

Ang problema lang naman ni Lily ay ang pang-aasar ni Isaac, ang pang-iinsulto ni Febbie sa kanya, at ang mga haliparot na mga babae ni Isaac na lagi nalang siyang pinag-iinitan.

Well, she don't care. To the rescue na man agad sa kanya si Isaac, at talagang ginampanan ng maigi ang papel nito bilang boyfriend niya kuno. Pero ang hindi mawaglit sa isipan ni Lily,ay ang halik na pinagsaluhan nila kahapon. Sh-t! Aaminin niyang napuyat siya kagabi at hindi nakatulog ng maayos. Magpahanggang ngayon, ramdam niya ang mainit na labi ng binata sa kanyang maninipis na mga labi.

"Ano, sabay na ba tayo?" tanong ni Lyn sa kanya.

"Salamat nalang Lyn, susunduin daw ako ng kumag, e," tukoy ni Lily kay Isaac. Napansin niya ang munting ngiti ni Lyn.

"Alam mo bhe, bagay na bagay talaga kayo ni Isaac, kaya lang mukhang mahirap pagkatiwalaan ang lalaking iyon, e," ani ni Lyn, inayos niya ang kanyang suot na salamin habang nakatitig sa nakasimangot na si Lily.

"Tumigil ka nga diyan Lyn, alam mo namang kumag iyon at hindi uso ang salitang love sa palikerong iyon, kita mo naman 'di ba? Sa tuwing lalabas tayo sa malaking gate ng unibersidad na 'to palagi na lang akong rinatratan ng mga babae na girlfriend kuno ni Isaac, natutulig na nga ang tenga ko sa mga babaeng nagpakilalang girlfriend daw niya. Mababaliw ako sa kakaisip. Jusme!"

Hindi napigilan ni Lyn na matawa sa reaksyon ng kaibigan. Palibhasa'y totoong mataray si Lily at hindi uubra kay Isaac ang bunganga nito na daig pa ang canyon sa kakatalak.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang sundo ni Lyn. Lihim na namang nagngingitngit sa inis si Lily dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Isaac. Sh-t! Alas sais na ng gabi, pakakainin pa niya sina Mark at Joshua. Busy din sa oras na ito sina Meriam at Moises dahil sa mga aralin at mga assignments ng mga ito.

Nang ibaling ni Lily ang tingin sa ibang direksiyon. Napansin niya ang papalapit na kotse ni Febbie. Hindi napigilan ni Lily ang sarili at umirap siya dito. Huminto ang kotse nito sa kinaroroonan niya at mula sa loob ng kotse nito ay bumaba ang mataray na si Febbie, awtomatikong tumaas agad ang isang kilay nito at pinasadahan siya nito ng nang-iinsultong tingin.

"Oh, mukhang hindi ka yata masusundo ng lover boy mo, I saw him with her long time ex-girlfriend. Don't tell me hindi mo kilala si Yvonne? The model, the sexy, the one who captured Isaac's Montenegro's heart," nang-uuyam na saad ni Febbie kay Lily.

"And why do I believe you? Kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi ako maniniwala sa isang desperadang katulad mo," hindi napigilan ni Lily ang sarili, ba't ba tila nakaramdam siya ng inis at munting kirot doon? Damn! This is not healthy. At sino si Yvonne? Kahit kailan hindi niya naririnig si Isaac na may binanggit na pangalang Yvonne.

Nagpakawala lang ng malutong na halakhak si Febbie. At saka ito umalis. Naiwang nagngingitngit sa galit si Lily. Damn! Sumulyap ulit si Lily sa kanyang wristwatch. Alas otso y medya na ng gabi. Inis na naglakad siya sa may eskinita.

Bwisit!

Sana sumabay na lang siya kay Lyn kanina. Wala siyang choice kundi ang umuwi sa condo ni Isaac imbes na sa mansion. Wala na rin siyang masasakyang taxi kung sakaling sa mansion siya uuwi.

Nakahinga ng maluwag si Lily nang makapasok na siya ng tuluyan sa condo ng binata. Ngunit laking gulat niya nang mapagmasdan ang makalat na condo ni Isaac. Sh-t! Inis na pinulot niya ang mga nagkalat na damit nito. Ngunit mas nanlaki ang mga mata ni Lily at napatakip siya sa kanyang sariling bibig ng makarinig siya ng mga ungol. What the!

"Ohh! Hmmmm.. Ahh! F-ck!"

"Ahh! Sh-t! Ohh! Ahh!"

Tinakpan ni Lily ang kanyang tenga at nagmamadali siyang pumunta sa may kitchen. Mabuti nalang at hindi na abot doon ang mga ungol ng mga nagniniig. Damn, Isaac! Mas pinili na lamang ni Lily ang magluto ng hapunan, kanina pa siya nagugutom. Nang biglang kumirot ang kanyang ulo. Napahawak si Lily sa kanyang sentido. Sh-t! Nagmamadaling tinungo niya ang sink at saka siya nagsusuka doon. Umatake na naman ang ulcer niya, bawal kasi siyang malipasan ng gutom.

Kumain na lamang siya ng biscuits at quaker oats. Hinimas-himas niya ang kanyang sikmura. Mabuti na lamang at kumalma na ito. Paano 'yan? Saan naman kaya siya matutulog nito?

"Who are you?!"

Nagulat si Lily sa maarteng boses na iyon, dahil do'n ay nabitawan niya ang biscuits na hawak. Nakatitig siya sa isang magandang babae.

Wow! She was wearing a red lingerie, her perfect body was perfect! Para itong modelo at pwedeng pang-Ms. Universe. Bigla tuloy nanliit si Lily sa sarili at hindi niya maiwasang ma-insecure sa gandang-taglay nito.

"I said who are you, Ms?"

"She's Mark and Joshua's nanny, don't worry sweety she's no one," si Isaac ang sumagot sa tanong na iyon ni Yvonne.

Yes, si Yvonne ang ex-girlfriend ni Isaac na minahal nito ng buong puso.

"Is that true?" paninuguro ni Yvonne, hinihintay niya ang sagot ng babaeng nasa harapan niya ngayon.

"Yes, it is," taas-noong sagot ni Lily sa kaharap. Biglang umusbong ang inis sa kanyang puso.

"By the way, nandito lang naman ako para makikain, dahil ang bwisit na lalaking nangako sa akin, na susunduin daw ako hindi tumupad sa usapan namin, walang isang salita! Paano, aalis na 'ko!" inis na turan ni Lily at tinalikuran ang nagtatakang anyo ni Yvonne.

"Lily, wait!" malakas na sigaw ni Isaac.

Diretso lang ang lakad ni Lily. Talagang naiinis siya. Pucha! Hindi lang naiinis, nasasaktan din siya. Damn!

Alalahanin mo Ms. Gamboa, walang kayo ni Isaac kaya 'wag kang o.a, mahiya ka at mahalin mo ang sarili mo. Stick to your goal remember? Wala kang mararating kung magpapaapekto ka sa pesteng damdamin mo! Marunong kang bumalanse! Talo ka kung magpapadala ka sa emosyon mo, this time you need to follow your mind, please never your heart, look, the situation is so complicated. Utak gamitin mo kung saan ka dapat lumugar. Mahabang litanya ng matinong isip ni Lily.

Tama, susundin niya muna ang dikta ng kanyang isipan. Kailangan niyang maging focus sa goal. Taimtim na nanalangin si Lily sa Dios na sana payapain nito ang kanyang puso't isipan. Ayon nga sa Biblia, hindi liko ang Dios sa kanyang mga salita.

Nagulat si Lily ng maramdaman niya ang ang mga kamay ni Isaac sa kanyang kaliwang braso, napaharap siya sa binata.

Lihim na nakaramdam ng guilt si Isaac para kay Lily. Ipinangako kasi niyang susunduin ito pero hindi niya natupad dahil sa tawag na natanggap niya mula sa ex-girlfriend niyang si Yvonne. Mahal na mahal niya si Yvonne. At si Yvonne ang pinili niya kesa kay Lily.

"Next time mag-text ka, hindi iyong naghihintay ako sa wala," inis na turan ni Lily at pumiksi siya mula sa pagkakahawak ni Isaac.

"I'll apologize, look I'm sorry. Kailangan ko lang sunduin ang girlfriend ko, yes, she's my original one," ani ni Isaac kay Lily.

Sh-t! Parang sinaksak ng ilang karayom si Lily nang marinig niya iyon mula sa mga labi ng binata. Akala niya sa D****e/Yugto lang niya mababasa ang ganitong eksena, pwede rin pala sa totoong buhay? What the! Tindi rin.

"Tinatanong ba kita kung sino 'yon? Wala akong pakialam, Isaac! Wala akong pakialam sa mga babae mo, ang issue dito ay kung bakit nakalimutan mo ang pangako mo, well, okay lang naman, sige bye!" mabilis na tinalikuran ni Lily ang binata at pumara ng taxi.

Mabilis na pumasok si Lily sa looban ng taxi. At saka lang nagsibagsakan mula sa kanyang mga mata ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata. Sh-t! Hindi naman siya dating ganito sa tuwing nahuhuli niya si Isaac na nakipaglaplapan sa kahit sinong babae, ba't ngayon parang ang o.a na niya? Pucha naman, oo.

Saka naalala muli ni Lily ang mga sinasabi ni Micah patungkol sa pamangkin nitong si Isaac. Tila ba nag-echo pa iyon sa kanyang tenga.

Alas diyes na ng gabi dumating si Lily sa mansion. Pansin niyang tahimik na ang looban. Pumanhik agad siya sa taas para silipin sina Mark at Joshua. Nagulat siya nang gising pa si Mark, maingat na isinara niya ang pintuan ng kwarto nito. Sinilip niya si Joshua sa kwarto nito. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Lily nang makitang tulog na ito. Pumasok siya sa looban ng kwarto nito para ayusin ang kumot nito. Pagdakay binalikan niya ang gising pa ring si Mark.

"Hey, why are you still awake?" pukaw-pansin ni Lily kay Mark. Lumingon si Mark sa kanya.

"I'm waiting for you, ate Lily. That's why. Can you read me a children's story, ate Lily?" pakiusap ni Mark.

Ginulo ni Lily ang buhok ng makulit na bubwit at saka siya kumuha ng isang libro. At inumpisahan ang pagbabasa. Mga ilang minuto rin ang nagdaan at nakatulog na rin si Mark. Maingat na tumayo si Lily mula sa kama nito at saka siya lumabas sa kwarto nito.

Nagulat si Lily nang mabangga niya ang isang bulto. Nang i-angat niya ang kanyang tingin, tumambad sa kanya ang nakakatakot na itsura ng isang maligno.

At dahil sa sobrang takot ni Lily, hinimatay agad siya. Mabuti nalang at maagap si Isaac, nasalo niya agad ang hinimatay na dalaga. Damn! Sana hindi nalang niya sinuot itong monster mask ni Joshua. Hindi niya akalaing matatakutin rin pala ang matapang na tigreng ito.

"Senyorito nagulat yata ng todo si Lily, lagot kayo 'pag nagising 'yan," ani ng isang kawaksi kay Isaac.

"She would not know if no one would report," matiim na saad ni Isaac sa kawaksi at bigla itong tumahimik.

Mabilis ang kilos ni Isaac at binuhat niya ang nakapikit na dalaga. Dinala niya si Lily sa kwartong inukopa nito. Malaya niyang napagmasdan ang maamo nitong mukha. Bumaba ang titig niya sa makinis na dibdib ng dalaga. What the f-ck! Biglang nakaramdam ng kakaibang init si Isaac.

Nagpakawala ng marahas na hininga si Isaac at dahan-dahang inilapag ang nakapikit na dalaga sa malambot nitong kama. Naaawa siya dito, mahigit dalawang oras niya itong pinaghintay kanina. Aaminin niyang na-guilty siya roon. Hindi niya kase inaasahan ang tawag ni Yvonne. He grabbed the opportunity na makasamang muli ang babaeng iniibig.

***

Nagising si Lily dahil sa gutom. Pupungas-pungas pa siya. Saka lang niya naalala ang nakakatakot na mukha na nakita niya kamakailan lang. Sh-t! Agad na hinila niya ang sariling kumot at nagtago doon. Damn! Nanginginig siya sa takot.

Hindi kaya tinakot lang siya? At biglang rumehistro sa kanyang diwa ang nakangising mukha ni Isaac. Damn, that asshole! Isa lang naman ang alam niyang makagagawa no'n, walang iba kundi ang kumag na 'yon? Pero hindi ba't kasama nito ngayon ang ex-girlfriend nito?

Inis na tumayo si Lily. Ngayon niya lang napansin na naka-uniform pa pala siya. Tinungo niya ang sariling banyo at naligo. Matapos maligo ay nagbihis agad siya para bumaba para tunguhin ang dining room. Narinig niyang tumunog ang kanyang tiyan. Gutom na nga siya.

Pansin ni Lily ang nakakabinging katahimikan ng mansion. Mula sa hagdanan ay bumaba siya at tinungo ang kitchen. Naisipan niyang magluto na lamang ng easy-to-cook meal.

Nagluto si Lily ng ham at luncheon meat. Siya lang yata ang tao sa kusina. Nang matapos magluto ay mabilis ang kanyang kilos at dumulog siya sa hapag. Pagkatapos kumain ay hinugasan niya ang pinagkainan.

Naisipan niya munang manood ng TV sa living room, since hindi pa naman siya dinadalaw ng antok. Ngunit biglang napalunok si Lily nang may mapansin siyang anino sa may bintana. Kasabay niyon ay ang pagpasok ng malamig na hangin na nagmumula roon. Sh-t! Hayan na naman ang pagiging matakutin niya.

Ang hindi alam ni Lily si Mang Ben iyon ang hardinero ng mansion. Nagpapahangin kase ito sa may hardin.

Dahan-dahang lumapit si Isaac kay Lily na suot ang monster mask ni Joshua. Sinundot ng binata ang tagiliran ni Lily kasabay ng matinis nitong sigaw na bumulabog sa looban ng mansion.

Sa gulat ni Lily ay nahulog siya sa may couch. Tumama ang kanang siko niya sa glass table at paniguradong maglilikha iyon ng pasa. Napadaing siya sa sakit.

"Aray...., tulong! May multo!" sigaw ni Lily habang nakapikit ang kanyang mga mata. Natatakot siyang makita ang pangit na mukha ng naturang multo.

Saka narinig ni Lily ang malutong na halakhak ni Isaac. Sa di-kalayuan naman ay naiiling na nagmamasid si Mang Ben sa pilyong Montenegro. Kahit kailan talaga paborito nitong asarin ang kawawang si Lily.

Inis na binato ni Lily si Isaac ng kanyang flat sandals. Sapul sa ulo si Isaac. Pero tumawa lang ulit ang kumag. Nagtataka si Lily.

"Akala ko ba sasamahan mo ang ex-girlfriend mo kuno?" sarkastikong turan ni Lily sa binata habang sapo ang kanyang kanang siko. Bwisit talaga si Isaac kahit kailan.

Nagulat si Lily nang lapitan siya ng binata at mabilis siyang dinaluhan nito. No'ng una'y nagmaktol pa siya, ngunit nang mapansin niya ang tila pagbabago sa anyo nito na tila seryoso, hinayaan na lamang niya ito.

Nakita ni Lily kung paano umigting ang panga ni Isaac nang mapadako ang tingin nito sa kanyang namumulang siko.

"Nakonsensiya ka ba sa kalokohang nagawa mo? Wow, may konsensya ka pala, Isaac?" hindi na napigilan ni Lily ang sarili at naisatinig niya iyon.

"Sige lang, saktan mo lang ako, total sanay naman akong sinasaktan at pinagtatawanan mo. Sanay na sanay na ako, salamat ha?!" sarkastikong tugon ni Lily.

"Shut up! I'm just kidding okay? That's not my intention, I just want to scared you, hindi ko naman alam na mahulog ka sa malapad na couch na 'yan."

"At ikaw pa ngayon ang may ganang magalit ngayon? Hoy, may kasalanan ka pa sa'kin kumag ka, kung hindi dahil sayo hindi sana ako magagawi sa condo mo! Pinaasa mo ako, e. Sabi mo susunduin mo 'ko, anong ginawa mo? Nakipagkita ka sa ex mong hilaw!"

"Don't you dare, Lily! Huwag mong isasali ang girlfriend ko sa issue natin dahil labas siya sa usapang 'to!" inis na turan ni Isaac. Hindi niya napansin na napahigpit ang hawak niya sa isang braso ni Lily.

Tila parang pinipiraso-raso ang puso ni Lily nang makita ang kakaibang reaksyon na iyon ni Isaac para sa babaeng pinahalagahan ng binata. Pinipigilan ni Lily ang pagbalong ng kanyang luha. Sh-t!

"Get off your hands! Nasasaktan ako, Isaac," may diing tugon ni Lily kay Isaac. Saka naman natauhan ang binata.

"Masasaktan ka talaga sa akin, kaya huwag na huwag mong isasali si Yvonne dito!" marahas na binitawan ni Isaac ang isang braso ni Lily at mabilis na tinalikuran ang dalaga. Damn!

Naupo na muli si Lily sa couch at sinuri ang namumula niyang siko. Saka lang niya natagpuan ang sarili na lumuluha na pala siya. Umiibig na ba siya sa kumag na iyon? Ba't ba siya nasasaktan? Pucha!

Kalma lang heart. Huwag kang o.a kaya natin 'to. Remember our goal. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Lily at mabilis na tumayo at napagdesisyunan niyang pumanhik na muli sa taas.

Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng hagdan nang muntik na siyang mahulog dahil sa biglaang pagkahilo napasapo siya sa kanyang sentido. Huminto siya at umupo saglit. Kung ba't naman kase ang daming baitang ng hagdanan.

"Hey, are you okay?"

Narinig ni Lily ang pamilyar na boses ni Isaac. Hindi siya sumagot dito. Bagkus ay inis na pinukol niya ito ng nakamamatay na tingin at mabilis na tumayo. Pero biglang umikot ang kanyang paligid at saka siya nilamon ng kadiliman.

Aalis na sana si Isaac sa mansion para balikan si Yvonne. Pero bumalik siya sa loob dahil sa may nakalimutan siya. Ngunit napukaw ng kanyang pansin si Lily, sapo ng dalaga ang sarili nitong ulo habang papanhik ito sa may hagdanan.

Hindi na siya nagdadalawang-isip at nilapitan ang dalaga. Napansin niyang namumutla ito. May dinaramdam ba ito? Hindi siya nito sinagot, bagkus ay tinalikuran lang siya nito, ngunit nagulat na lamang si Isaac nang bigla itong matumba. Eksakto namang nasa likuran siya nito at nasalo niya ang namumutlang dalaga.

"Mang Ben! Damn, ihanda niyo ang kotse! Dali!" may awtoridad na utos ni Isaac kay Mang Ben.

Nagmamadali namang tumalima ang matanda. Lihim na nangingiti ito. Hindi niya akalaing may maawaing puso pala itong si Isaac. Paniguradong sinumpong na naman si Lily sa anemia nito. Anemic kasi ang naturang dalaga.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
Hayyy naku,Isaac naiinis ako sa iyo.Bakit ba iniinis mo si Lily.Ang sarap mong batuhin
goodnovel comment avatar
Nelia Palisoc
update po plssss
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Dilaan Mo   Special Ending

    A month later.... "Congratulations, we're so happy for you, Lily." bati ni Rose sa kapatid. "Thank you, Rose," nakangiting tugon niya sa kapatid. Nagyakapan sila. Nakatunghay at nakangiti lang sa kanila ang kanilang ama, na ngayo'y nakaupo sa wheelchair nito habang karga ang apo nito na anak ni Rose. "Sana maging okay na rin kayo ni Zards, para wedding bells na din ang kasunod," tudyo ni Lily sa kapatid. Umikot lang ang eyeballs ni Rose. "As he wish, bahala siya. Mabuti pa pumunta ka na do'n hinanap ka na ng asawa mo, halatang excited sa honeymoon niyo," ganting tudyo ni Rose kay Lily. Nagpakawala lang ng tawa si Lily. She was three months pregnant. Pwede pa kaya? Nakakatawa lang isipin. Nagpaalam muna siya sa kanyang ama't kapatid at tinungo ang kinaroroonan ng asawang si Isaac, na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito. Nang makalapit na siya sa gawi ng asawa ay ikinulong agad siya nito sa matipuno nitong mga braso. Ramdam niya ang isang braso nito sa kanyang malii

  • Dilaan Mo   Kabanata 32

    Nasa balcony si Lily ng kanyang kwarto kung saan makikita ang malawak at kulay asul na dagat, na wari bang nang-aakit sa taglay nitong kagandahan. She could hear the crashing sounds of the waves. She was pregnant. Mahigit isang buwan na ring hindi nagpaparamdam sa kanya si Isaac. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Dumako ang kanyang paningin sa di-kalakihan niyang tiyan. He missed him already. Makakaya ba niyang tikisin ang sarili? She was hurt, big time.Ang simoy ng hangin mula sa karagatan ay naghatid ng kakaibang kaginhawaan sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi pa siya handa para harapin ang binata. Kumusta na kaya ang anak nito kay Yvonne? Napukaw ang kanyang pagmumuni-muni nang marinig niya ang malakas na katok sa kanyang pintuan. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga at tinungo ang kanyang pintuan para ito'y buksan."Lily, i-on mo ang TV." Mababakas sa mukha ng kanyang kaibigang si Micah na tila nagmamadali, hinahangos pa n

  • Dilaan Mo   Kabanata 31

    Ibinato ni Isaac ang kanyang cellphone dahil sa sobrang inis. Hindi niya makontak si Lily. Tinawagan niya ang kanyang tita Micah pero hindi naman ito sumasagot. Damn it!"Cupid really hit the playboy's heart," kantiyaw ni David sa kapatid."She's a teacher, baka busy lang Isaac. Hindi magka-pareho ang oras dito sa Guam at sa Pilipinas, the time here is already 1:38PM. Maybe in the Philippines, 11:38AM." Hindi pinansin ni Isaac ang kanyang dalawang kapatid na sina Israel at Mateo. Nagulat siya nang maramdaman ang tapik sa kanyang balikat. Nilingon niya ang kanyang ama. "The problem is already done, it's time for you to exit, son. I think, it's time for you to court the terror teacher of Montenegro University College. Sige na, umuwi ka na at bigyan mo na ako ng isa pang apo," si Mike. Naiiling na natatawa sina David at Israel. Their dad never change. Pilyo pa rin ito kahit kailan. Tumayo si Isaac at niyakap ang ama. "Thanks, Papa. What if kung may nakapag-report sa kanya regarding s

  • Dilaan Mo   Kabanata 30

    Akmang papalabas na si Lily sa malaking gate ng mansion ng mga Del Fuego, nang bigla siyang dumugin ng mga press at media. Sumenyas agad siya sa guard. Damn! Wala siyang choice kundi ang bumalik sa loob ng mansion. Paniguradong absent siya nito sa kanyang klase. Bwisit na mga media. Gusto niya tuloy kalbuhin si Yvonne sa mga maling paratang nito sa kanya, pasalamat ito at mabait siyang tao. Pero kung talagang uubusin nito ang kanyang pasensya, aba't pagbibigyan niya ang bruhang bobitang 'yon.Pumasok siya sa loob ng mansion at dumiretso sa living room. In-on niya ang flat screen TV. Eksaktong mukha ng bruhang si Yvonne ang nakita niya. Awtomatikong umusok ang ilong ni Lily nang makita ang makapal na mukha ng babae. Gusto niyang pasukin ang telebisyon para sabunutan at suntukin ang naturang babae, aaminin niyang nagtagumpay ito sa pang-aasar sa kanya. Feel niya, umusok ang ilong niya sa sobrang inis at ngitngit.May ipinakita itong mga latest photo na kasama ang binata, nasa isang conf

  • Dilaan Mo   Kabanata 29

    Kasalukuyan nasa patio si Lily ng mansion. She was busy with her lesson plan. Nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone, kasabay ng tila pag-talon ng kanyang puso sa pag-asang si Isaac ang tumatawag. One week na rin ang nagdaan ng hindi ito nakipag-video call sa kanya na labis niyang ikinalumbay. Muntik na niyang itapon ang kanyang cellphone ng pasahan siya ng isang video. Latest video iyon nina Isaac at Yvonne. Nasa isang bar, nagsasayawan at naghahalikan. Naikuyom ni Lily ang dalawang kamao, hindi na niya ipinagpatuloy pa ang panonood sa naturang video.Tumayo siya at tinungo ang veranda. Damn, pinaniwala niya ang sarili na hindi totoo ang kanyang nakikita. At saka sumiksik sa utak niya ang sinabi ni Isaac. Hindi lahat ng nakikita ay totoo.Damn it! Nagpakawala ng marahas na hininga si Lily. Humigpit ang pagkakahawak niya sa railings. She need to stay calm, hindi ba't nilinaw na ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga consequences na kakaharapin nila sa kanilang sitwasyon? Paano kun

  • Dilaan Mo   Kabanata 28

    Mas pinili na lamang ni Lily na manatili sa kanyang silid. Ayaw niyang makitang umalis si Isaac at baka pigilan pa niya ito. Damn, ang o.a lang niya. Ibinaon niya ang sariling mukha sa kama kung saan magkasama pa silang natutulog. What the! Kasabay niyo'n ay ang pagtulo ng kanyang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.Naputol ang pagmumuni-muni niya ng makarinig siya ng katok sa kanyang silid. Panigurado si Micah iyon. "Pa-pasok," mahinang sigaw niya, sapat para marinig ni Micah, nakaawang naman kasi ang pintuan ng silid niyang iyon."Bruha, bumangon ka na. Fix yourself at aalis na tayo pauwi ng Cebu. Huwag kang feeling teenager Lily dahil hindi bagay sa'yo. Ready na rin ang mga bata," nakangiting tugon ni Micah at nilapitan ang nakadapa pa ring kaibigan. Hinimas niya ang likod nito. Hindi pa rin ito umiimik."Kung ganyan ka, paano na lang kaya kung may darating na mas higit pang problema sa pagitan ninyong dalawa, kung sa maliit lang na bagay ay umiiyak ka na, be brave, Lily."B

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status