Share

DMAN 33

Author: Yza D. C
last update publish date: 2026-10-14 13:34:06

KAREN'S P O V~

”Dahil ikaw ang unang nanakit sa kaniya!”

Napahinto ako. Para akong sinampal sa mukha sa narinig ko mula sa bibig niya, kahit wala naman siyang ginawa kundi sabihin ang totoo ayon sa nakita niya. Dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay ko habang nakatitig sa kaniya.

“Iyan talaga ang tingin mo sa akin?”

Huminga siya nang malalim. “Nakita ko ang ginawa mo, Karen. Hindi ko puwedeng balewalain iyon.”

Napailing ako. Naramdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko, ngunit pinilit k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Diligan Mo Ako, Ninong (SPG)   DMAN 61

    BIANCA'S P O V~Umiling ako. “Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nila ako galit na galit na sinaktan.”“May nakakita ba sa nangyari? May nagsumbong ka ba sa security?”“Hindi ko alam, Kuya. Gusto ko lang makalabas doon. Natakot ako.” Napahawak ako sa dibdib ko. “Akala ko hindi na nila ako pakakawalan.”Napapikit siya sandali bago marahang hinawakan ang mga balikat ko.“Hindi mo kailangang bumalik doon ngayon. Magpahinga ka muna. Ako ang bahala sa’yo.”Umiling ako, kahit iyon mismo ang gusto kong marinig. “Pero paano kung mawalan ako ng trabaho? Paano kung mas lumala ang mangyari sa akin kapag bumalik ako?”“Mas mahalaga ka kaysa sa trabahong iyan,” mariin niyang sagot. “Walang sinuman ang may karapatang manakit sa’yo. Hindi mo kailangang tiisin iyon para lang masabing kaya mong magtrabaho.”Napayuko ako. Gusto kong maniwala sa kaniya, pero hindi ganoon kadaling alisin ang takot na naiwan sa akin. Sa tuwing naiisip kong babalik ako sa gusali

  • Diligan Mo Ako, Ninong (SPG)   DMAN 60

    BIANCA’S POV~Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa tapat ng bahay hanggang sa marinig ko ang mahinang tawag ng driver.“Miss, dito na po tayo.”Agad akong napatingin sa labas ng bintana. Pamilyar ang gate na ilang beses kong nakita mula nang bumalik ako sa Pilipinas, pero sa pagkakataong iyon, parang hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang pinto ng taxi at haharap sa sarili kong tahanan. Namumugto ang mga mata ko, magulo ang buhok, at basa pa rin ng iced coffee ang blouse ko. Pakiramdam ko, kahit ang simpleng paglalakad papunta sa gate ay nangangailangan ng lakas na wala na sa akin.“Magkano po?” mahina kong tanong.Pagkatapos magbayad, dahan-dahan akong bumaba. Nakasubsob ang mukha ko habang naglalakad papunta sa gate, umaasang walang makakakita sa akin sa ganoong itsura. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko nang hawakan ko ang gate at buksan iyon. Pagpasok ko sa bahay, agad kong narinig ang boses ni Gabriel mula sa sala.“Bianca? Ikaw na ba ’yan?”Napahinto ako. Gusto kong

  • Diligan Mo Ako, Ninong (SPG)   DMAN 59

    Pinilit kong pigilan ang paghikbi ko, ngunit hindi ko na kaya. Masakit ang pisngi ko, mahapdi ang anit ko, at nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Gusto kong makalabas, pero sa tuwing susubukan kong lumapit sa pinto ay hinaharangan nila ako. Nang tangkain kong lumusot sa pagitan nila, hinawakan ako ng isa sa braso at hinila patungo sa pinakamalapit na cubicle. Doon ko nakita ang inodoro. Agad akong napailing at kumapit sa gilid ng pinto nang mapagtanto ko kung anong gusto nilang mangyari.“Huwag! Please, huwag ninyo akong dalhin diyan!”Buong lakas akong kumapit sa pinto, ngunit hinila nila ako palayo. Nawala ang balanse ko at napaluhod sa sahig. Bago pa ako makatayo, hinawakan nila ako sa batok at balikat at pilit na itinulak pababa, patungo sa inodoro. Nanlaki ang mga mata ko.“Huwag! Maawa kayo sa akin!”Pumiglas ako nang buong lakas. Kumapit ang mga daliri ko sa gilid ng inodoro habang pilit nilang itinutulak ang mukha ko papalapit sa inodoro. Ramdam ko ang paghila sa buhok ko a

  • Diligan Mo Ako, Ninong (SPG)   DMAN 58

    BIANCA’S POVHalos mabitawan ko ang dala kong cellphone nang makita kong nakaharang sa daraanan ko ang dalawang babaeng katrabaho ko.“Oppss sandali. Saan ka pupunta?!” tanong ng babaeng nasa kaliwa ko.Napahinto ako. Kanina ay nakayuko lamang silang dalawa habang may pinag-uusapan bago ako pumasok sa restroom, ngunit ngayon ay pareho na silang nakatingin sa akin na may matalim na mga tingin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga ekspresyon nila, lalo na nang mapansin kong may hawak na baso ng iced coffee ang isa gayong papunta sila sa restroom.“Babalik na ako sa trabaho,” sagot ko habang bahagyang umiiwas ng tingin. “Excuse me, dadaan lang ako.”Humakbang ako patungo sa gilid, ngunit agad na lumipat ang isa upang harangan ako. Napatingin ako sa kaniya, naguguluhan sa ginagawa nila.“Bakit naman kayo nakaharang? May kailangan ba kayo sa akin?”“Marami,” sagot ng babaeng may hawak ng baso. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ngumisi. “Pero bago tayo mag-usap, may ibibigay

  • Diligan Mo Ako, Ninong (SPG)   DMAN 57

    BIANCA’S POVHindi pa rin nawawala sa isip ko ang larawang ipinakita sa akin ni Karen. Paulit-ulit kong naaalala kung paano nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Ethan, habang nakapatong ang kamay niya sa dibdib nito na para bang wala siyang ibang gustong gawin kundi ang angkinin ang lalaking matagal ko nang pilit kinakalimutan.Mas masakit dahil nakasulat sa larawan ang salitang Kahapon.Kahapon, habang kasama ko si Ethan, may pagkakataon din pala siyang makasama si Karen. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Hindi ko rin alam kung may karapatan ba akong masaktan. Wala naman kaming malinaw na relasyon ni Ethan, at hindi niya rin naman ipinangakong ako lang ang babaeng mahalaga sa kaniya. Pero bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko, may kung anong bahagi ng pagkatao ko ang unti-unting nadudurog sa bawat pagkakataong naiisip kong baka may iba siyang babaeng hindi kayang bitawan?“Bakit? Hindi ka pa ba nakuntento sa nakita mo?”Napapitlag ako nang marinig ang malamig na tinig ni

  • Diligan Mo Ako, Ninong (SPG)   DMAN 56

    BIANCA'S P O V~“Pakiusap lang K-karen,” mahinang sabi ko. “Kung may problema kayo ni Ethan, sana sa kaniya ninyo sabihin huwag niyo akong idamay. Hindi ko alam kung paano ko rin kayo matutulungan.”Bigla siyang lumapit at hinawakan ako sa balikat. “Huwag mo akong tuturuan kung ano ang gagawin kong hayop ka!”Napaatras ako. “Pasensiya na po…”“Putangina! Pwede ba tumigil ka sa kakahingi ng pasensiya! Nakakaboysit marining!” sigaw niya bago biglang itinaas ang kamay. Hindi ko na nagawang umiwas.Pak!Tumama ang palad niya sa pisngi ko. Napaling ang mukha ko sa lakas ng sampal at napahawak ako sa mesa upang hindi mawalan ng balanse. Ilang segundo akong natigilan, hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa akin. Unti-unting kumalat ang hapdi sa pisngi ko, ngunit mas masakit ang pakiramdam na wala akong nagawang kahit ano upang pigilan siya. Nang mag-angat ako ng mukha, nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin nang may matinding galit.“Lumugar ka, Bianca!” mariin niyang sabi. “Huwag m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status