author-banner
Yza D. C
Yza D. C
Author

Novels by Yza D. C

Diligan Mo Ako, Ninong

Diligan Mo Ako, Ninong

Matapos mawala ang kanilang mga magulang, ang kuya ni Bianca ang naging sandigan niya—siya ang nagpaaral at gumabay sa kanya hanggang sa makapag-aral siya sa ibang bansa. Si Ethan ay kaibigan ng kanyang kuya—isang lalaking sampung taon ang tanda sa kanya at matagal na niyang nakasanayang tawagin bilang Ninong, kahit hindi naman talaga ito ang kanyang ninong. Habang lumalaki si Bianca, hindi niya napansin kung kailan nagbago ang paghanga at pagkagiliw niya rito tungo sa isang damdaming mas malalim at mas mapanganib. Sa edad na dalawampu’t apat, isang katotohanan tungkol kay Ethan ang nagtulak kay Bianca na lumayo. Pinili niyang mag-aral sa ibang bansa, umaasang sa paglipas ng panahon ay tuluyan niyang makakalimutan ang damdaming hindi niya kailanman dapat naramdaman. Sinubukan ni Bianca na kalimutan ang lalaking minsan niyang itinuring na pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Siyam na taon ang lumipas bago siya muling nagbalik sa Pilipinas. Akala ni Bianca, tapos na ang lahat. Ngunit sa unang pagkikita nila ni Ethan matapos ang mahabang panahon, napagtanto niyang may mga damdaming hindi kayang burahin ng distansya, panahon, o kahit anong pagtatangka niyang kalimutan. Ngunit sa halip na hayaan siyang lumapit, siya mismo ang nagbabala kay Bianca na huwag siyang mahulog sa kanya. Para kay Ethan, may mga hangganang hindi dapat tawirin at mga damdaming mas mabuting manatiling lihim. Kaya sinubukan ni Bianca na umiwas. Ngunit habang mas lumalayo siya, mas lalo namang lumalapit si Ethan. Sa pagitan ng mga matang hindi makapagsinungaling, mga sandaling puno ng tensiyon, at damdaming matagal nilang pinipigilan, unti-unting nabubura ang hangganang matagal nilang pinanghawakan. Hanggang sa isang pagkakataon, tuluyan nilang ginawa ang bagay na pareho nilang alam na hindi nila dapat ginawa. Ngayon, kailangan nilang harapin ang isang pag-ibig na nagsimula sa maling pagkakaintindi, lumalim sa katahimikan, at muling nabuhay matapos ang siyam na taon.
Read
Chapter: DMAN 52
ETHAN “Huwag mo nang sarilinin ang nararamdaman mo dahil lang natatakot ka sa magiging sagot ko,” sabi ko. “Kung may gusto kang itanong, sabihin mo sa akin. Kung may bagay na nakasasakit sa iyo, sabihin mo rin sa akin. Ayokong hulaan mo ang nasa isip ko habang pareho tayong nagkukunwaring walang problema.”“Kung ganoon, dapat ganoon ka rin sa akin.”Tumango ako. “Pangako.”“Hindi basta pangako, Ethan.”“Alam ko. Kailangan kong patunayan.”Bahagya siyang ngumiti at muling yumakap sa akin. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kaniya, saka marahang hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin pagkatapos ng umagang iyon. Marami pa kaming kailangang pag-usapan, at hindi ko ipagpapalagay na dahil naghalikan kami ay biglang magiging madali ang lahat. Pero isang bagay ang malinaw sa akin: ayoko nang bumalik sa dati naming relasyon na puro palusot at mga salitang hindi ko kayang aminin. Maya-maya, bahagyang kumalas si Bianca sa yakap ko at tumingin sa paligid
Last Updated: 2026-10-25
Chapter: DMAN 51
ETHANIlang sandali akong tinitigan ni Bianca, tila sinusubukang unawain kung talagang seryoso ako sa mga sinabi ko. Hinayaan kong manatili ang kamay niya sa palad ko habang hinihintay kong mawala ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.“Paano kung hindi ko na kayang bumalik sa dati, Ethan?” mahina niyang tanong.Bahagya akong napakunot-noo. “Anong ibig mong sabihin?”“Paano kung pagkatapos ng nangyari sa atin ngayong umaga, hindi ko na kayang magkunwaring wala lang sa akin ang lahat? Paano kung mas lalo akong mahulog sa iyo, tapos isang araw, bigla mong sabihin na nagkamali ka lang? At may ibang kang mahal?”Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi iyon simpleng tanong ng isang babaeng kinikilig sa halik ng lalaking gusto niya. May takot sa likod ng mga salita niya, isang takot na maaaring matagal na niyang kinikimkim bago pa siya bumalik sa bahay na ito. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi niya.“Hindi ko hihilinging kalimutan mo agad ang lahat ng nangyari sa atin
Last Updated: 2026-10-25
Chapter: DMAN 50
ETHAN Hindi na ako nagdalawang-isip pa agad kong ipinasok ang sandata ko sa maumbok niyang talaba. “Arggg Ahhh shit Fuck me E-Ethan f-faster,” umuungol na bigkas niya. May kung anong pakiramdam sa akin na nabuhayan sa mga ungol niya. Mas ibinaon ko pa ang malaki at mauugat na anaconda ko, mas nanggigil ako lalo nang marinig ko ang sigaw niga. “Ahhh Ahhhh isagad mo ang sarap.” Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hampasin ang malaking nigang hita na ikinahiyaw niya sa sakit. Hindi nagtagal nararamdaman ko ang bagay na malapit ng lumabas sa ibabang parte ko kaya agad pinaiba ng pwesto si Bianca upang ipasok sa bibig niya ang malagkit na kulay puti na lalabas sa anaconda ko. “Blokkk blokk ahmmm ahmm ahh,” ang tanging naging ingay niya habang inuubos ang malagkit na kulay puti na lumalabas. Nang humiwalay kami upang huminga, nanatili akong malapit sa kaniya. Magkadikit ang mga noo namin, at nararamdaman ko ang bahagyang panginginig ng hininga niya sa pagitan namin. “B-bakit nga
Last Updated: 2026-10-24
Chapter: DMAN 49
ETHAN Hindi ko pinansin ang sinabi niya, dahan-dahan akong lumapit at hinalikan siya. Sa unang pagdampi ng mga labi namin, tila may kung anong huminto sa loob ko. Napakaraming pagkakataon sa nakalipas na siyam na taon na naisip ko kung ano ang sasabihin ko kapag muli ko siyang nakita. Inisip kong baka magalit ako, baka tanungin ko siya kung bakit niya ako iniwan nang walang paliwanag, o baka magkunwari akong wala lang sa akin ang pagbabalik niya. Pero hindi ko kailanman naisip na darating ang umagang ito na gigising akong katabi siya, na ang lahat ng tanong na iyon ay mawawala sa isip ko dahil lamang sa isang halik. Marahan akong humiwalay, sapat lamang para makita ang mukha niya. Nakapikit pa rin siya, at bahagyang nakakunot ang noo niya na para bang sinusubukan niyang unawain ang nararamdaman niya. Hindi ko alam kung natatakot siyang buksan ang mga mata niya o kung ayaw lang niyang matapos ang sandaling iyon. “Bianca,” bulong ko. Dahan-dahan lang siyang dumilat. Nang magtagpo ang
Last Updated: 2026-10-24
Chapter: DMAN 48
ETHAN “Sa kung gaano ka na kalayo sa batang nakilala ko noon,” sabi ko. “At sa kung gaano ako nahihirapang alalahanin na hindi ka na talaga bata.” Biglang nag-iba ang tingin niya sa akin. Hindi na iyon ang tinging may halong inis na kanina ko pa nakikita. Napalitan na iyon ng pag-aalinlangan, may pagtataka, at may kung anong hindi ko kayang pangalanan. “Ethan...” mahinang tawag niya at halos hindi marinig. “Ano?” “Bakit parang iba ka ngayon?” Napahinga ako nang malalim. Iyon din ang tanong ko sa sarili ko mula nang bumalik siya. Gusto kong sabihin na wala akong ipinagkaiba, na baka epekto lamang iyon ng magdamag na magkatabi kami o baka epekto dahil may hangover ako. Pero alam kong hindi iyon ang buong katotohanan. “Siguro dahil matagal kitang hindi nakasama,” sagot ko. “Pero dati naman, hindi ka ganyan tumingin sa akin.” Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano karami ang napansin niya sa akin, o kung may mga sandaling inakala niyang hindi ko siya pin
Last Updated: 2026-10-23
Chapter: DMAN 47
ETHAN Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na gising, pero wala akong balak bumangon sa oras na iyon. Hindi dahil inaantok pa ako, kundi dahil sa babaeng nakasandal sa dibdib ko at mahimbing na natutulog na para bang wala siyang ideya sa kaguluhang idinudulot niya sa akin. Ang babaeng siyam na taon kong hindi nakita nang ganito kalapit. Ang batang dating sunod nang sunod sa akin at kay Gabriel, na palaging may kuwento sa bawat pag-uusap at kayang magtampo kapag hindi ko pinapansin. Dati, sapat na sa akin na makita siyang masaya. Kapag nakangiti siya, natutuwa ako; kapag may problema siya, gusto kong tulungan siya. Simple lang ang lahat dahil malinaw sa akin kung saan siya nakapuwesto sa buhay ko, dahil kapatid lang ang tingin ko sa kaniya, dahil hindi ko naranasan na mayroong kapatid. Pero ngayon, habang nakikita ko ang mukha niyang payapang natutulog sa aking dibdib, hindi ko na mahanap ang dating kasiguraduhan. Marahan kong ibinaba ang tingin sa kaniya. Bahagyang nakatakip
Last Updated: 2026-10-23
Bawal Mahulog Sa Boss Ko

Bawal Mahulog Sa Boss Ko

Isang maling taray. Isang maling tao.Hindi inakala ng isang pasaway at palaban na intern na si Lily Cruz na ang lalaking binastos at tinarayan niya sa labas ay ang mismong Attorney na magiging boss niya na si Rex Padilla.Sa kabila ng masamang unang impresyon, unti-unting nakuha ng bagong intern ang tiwala at pagpapahalaga ng kanyang striktong boss dahil sa kanyang sipag at dedikasyon sa trabaho. Ngunit sa mundo ng batas at opisina, hindi lahat ay lumalaban nang patas.Dahil sa inggit ng isang kasamahan, isang mapanirang plano ang gagawin upang sirain ang kanyang pangalan at reputasyon. Sa gitna ng kaguluhan, gagawa ng paraan ang kanyang boss upang mahanap ang tunay na may sala at patunayan ang kanyang katapatan.Sa paghahanap ng hustisya, matatagpuan din ba nila ang pag-ibig sa isa't isa? O tuluyan silang mabibigo sa pagtatanggol sa kanilang lumalalim na nararamdaman?Alamin kung paano sila magiging... Guilty of Loving My Boss.
Read
Chapter: BMSBK 46
LILY'S P O V~ Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit mo ako ipinagtanggol nang ganoon kagabi. Pero salamat.” Natahimik si Rex. Sandali siyang tumingin sa akin bago niya inilapag ang kubyertos niya. “Hindi mo kailangang magpasalamat dahil lang hindi kita hinayaang sisihin sa ginawa ng ibang tao.” “Pero hindi naman lahat gagawin iyon.” “Hindi ibig sabihin na dahil hindi lahat gagawa, hindi na dapat gawin. Empleyado kita at ayaw kong may mapahamak ang mga empleyado ko lalo na kung tungkol sa trabaho.” Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit mas tumatak sa akin ang sagot niyang iyon kaysa sa lahat ng sinabi niya mula nang dumating siya sa hotel. Bahagya siyang yumuko, nakapatong ang mga braso sa mesa. Hindi nagbago ang tono niya nang muli siyang magsalita, pero may kung anong katapatan sa mga mata niyang hindi ko kayang balewalain. “Lily, hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng oras. Hindi mo kailangang akuin ang bawat problema para lang mapatunayan na kaya
Last Updated: 2026-10-13
Chapter: BMSBK 45
LILY'S P O V~ “Boss, hindi ko naman kayang kumain ng lahat ng ganiyan.” “Alam ko.” “Kung alam mo, bakit ang dami naman niyan?!” “Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin rito.” Napakurap ako. Iyon lang ang paliwanag niya. Walang malaking ngiti, walang pagyayabang, at walang bakas na iniisip niyang may kakaiba siyang ginawa. Para bang normal lang sa kaniya na maghanda ng ganito karaming pagkain dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ko. “Puwede mo naman akong tanongin,” sabi ko. “Kung tinanong kita, baka sabihin mong kahit ano na lang.” Napanganga ako nang bahagya. “Paano mo naman nalaman?” “Dahil ilang beses mo nang sinabi sa akin ang ganiyan.” Napatawa ako, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umupo ako habang umiiling, samantalang hinila niya ang upuan sa tapat ko at umupo rin. “Hindi ko naman akalaing matatandaan mo iyon.” Kinuha niya ang kutsara at tinidor, saka inayos ang mga ito sa tabi ng plato niya. “Marami akong na
Last Updated: 2026-10-13
Chapter: BMSBK 44
LILY'S P O V~ Pagmulat ko ng mga mata, ang unang bumalik sa isip ko ay ang nangyari kagabi. Ang matigas na boses ni Rex habang kinakaharap si Xiam. Ang galit na pilit niyang kinokontrol sa bawat salitang binibitawan niya. At ang paraan ng pagtayo niya sa tabi ko, na para bang wala siyang pakialam kung sino ang makabangga niya basta hindi na ako muling masasaktan. Napapikit ako at napahigpit ang hawak sa kumot. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap kalimutan—ang ginawa sa akin ni Xiam o ang paraan ng pagdepensa sa akin ni Rex. Sanay akong ako ang humaharap sa sarili kong problema. Kapag may nang-aapi sa akin, pinipili kong manahimik kung iyon ang pinakamabilis na paraan para matapos ang gulo. Kapag may naninisi sa akin, madalas ay hinahayaan ko na lang dahil ayokong humaba pa ang usapan. Pero kagabi, hindi ako pinabayaan ni Rex na akuin ang kasalanang hindi naman sa akin. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang sinabi niya kay Xiam. Hindi niya ako hinayaang baligtarin ang nangyari. Hind
Last Updated: 2026-10-12
Chapter: BMSBK 43
REX'S P O V~ Hindi siya nakasagot. “I'm asking for documentation because you introduced information that neither Lily nor I had been given. Kung totoo ang sinasabi mo, dapat walang problema sa pagpapatunay nito.” “Understood,” malamig niyang sagot. Saglit akong natahimik, saka muling nagsalita. “At isa pa. Huwag mong kontakin si Lily nang direkta tungkol sa insidenteng ito. Kung may kailangang linawin tungkol sa assignment niya o sa business arrangement, sa akin mo idaan huwag sa empleyado ko!” “I already told you I understand.” “Gusto kong mas malinaw iyon para sa'yo!” Napatingin siya sa akin, at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago ang pagkainis niya. “Mr. Padilla, I have a business to run. I don't intend to spend the entire night arguing about this.” “Then stop giving us reasons to question you.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Humarap ako kay Lily at bahagyang tumango bilang hudyat na maaari na kaming umalis. Tahimik siyang sumunod sa akin palabas. Pagkasar
Last Updated: 2026-10-10
Chapter: BMSBK 42
REX'S P O V~ “Wala po, Boss. Wala akong alam kung bakit ako ang partikular na hiniling para sa assignment na ito! Kung pwede nga lang tumanggi ginawa ko na.” Agad na sumagot si Lily, pero hindi nawala ang pagtataka sa mukha niya. Nakatayo pa rin siya sa tabi ko, mahigpit ang hawak sa cellphone na para bang iyon na lang ang nagsisilbing panangga niya sa sitwasyong hindi niya maintindihan. “Hindi ko nga po alam na may nag-request sa pangalan ko,” dagdag niya. “Ang pagkakaalam ko, trabaho ko lang ang ihanda ang mga dokumento at tumulong sa meeting. Wala namang nagsabi sa akin na may espesyal na dahilan kung bakit ako ang kailangang sumama.” Hindi ko maiwasang tingnan siya nang mas mabuti. Hindi ko alam kung may bagay ba siyang hindi sinasabi o kung talagang wala siyang kaalam-alam sa paratang ni Xiam. Pero habang pinagmamasdan ko ang pagkalito niya, mas lalo akong nainis sa lalaking nasa harapan namin. Kung totoo ang sinasabi ni Xiam, may taong nagdesisyong isama si Lily sa business t
Last Updated: 2026-10-10
Chapter: BMSBK 41
REX'S P O V~ “I'm trying to resolve this professionally.” “Professionally?” Napailing ako at napakuyom ang kamao. “Huwag mong gamitin ang salitang iyan na para bang sapat nang sabihin mong propesyonal kang nakikipag-usap para mawala ang ginawa mo.” “Mr. Padilla, I think you're letting your personal feelings interfere with this matter.” Sandali akong natahimik. Hindi dahil wala akong maisasagot, kundi dahil napakalinaw ng ginagawa niya. Nang hindi na gumana ang mga dahilan niya, ako naman ang sinusubukan niyang gawing problema. “Personal feelings?” mahinahon kong tanong. Tumango siya, wari bang nakahanap na siya ng butas sa depensa ko. “You're her boss. You're clearly taking her side without considering mine. This is a business trip, and I expect a certain level of professionalism from everyone involved.” Napangiti ako nang mapait. “Gusto mong pag-usapan ang professionalism?!” Hindi siya sumagot. “Kung ganoon, pag-usapan natin kung paano mo ginamit ang isang business m
Last Updated: 2026-10-10
You May Also Like
Forgotten Night With My Boss
Forgotten Night With My Boss
Romance · AsteriaLuna
4.9K views
PRINCESS DELA BOTE
PRINCESS DELA BOTE
Romance · ArLan28
4.9K views
Yumi and the Golden Mansion
Yumi and the Golden Mansion
Romance · Writer Zai
4.9K views
Love Between Missions
Love Between Missions
Romance · Miss_Cali
4.9K views
Mister ng Utangera ang Mafia King
Mister ng Utangera ang Mafia King
Romance · Maria Angela Gonzales
4.9K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status