BIANCA’S P O V~Napaatras ako, pero bago pa man niya maibaba ang kamay niya sa mukha ko, mabilis niyang hinawakan ang braso ko.“Bitawan mo ako!”“Hindi pa tayo tapos,” malamig niyang sabi habang ang mata niya nanlilisik na sa galit.Pilit kong binawi ang braso ko, pero mas mahigpit ang pagkakahawak niya. Ilang empleyado na ang nakatingin sa amin, ngunit walang lumalapit para umawat o tumulong man lang.“Karen, tama na,” galit na sa sabi ng babaeng naka pulang damit na hindi kalayuan sa akin.“Tumahimik ka!”Muli niyang tinaas ang kamay niya, ngunit sa pagkakataong iyon ay nakahanda na akong umiwas.Hindi siya nakahampas.Sa halip, mariin niyang tinawag ang dalawang empleyadong nakatayo malapit sa hallway.“Kayo! Lumapit kayo rito.”Nagkatinginan ang dalawa, halata sa mukha nila ang pagtanggi pero dahil sa takot agad silang sumunod.“Miss, a-ano po—”“Dakpin ninyo siya.”Nanlaki ang mga mata ko.“Anong ginagawa ninyo?”Bago pa ako makalayo, agad akong hinawakan ng dalawang empleyado s
Last Updated : 2026-09-22 Read more