Mag-log inTahimik ang gabi. Ang hangin ay malamig, pero may lambing na parang yakap ng alaala. Sa loob ng maliit na silid, naririnig ko ang mahinang iyak ng sanggol, ang tunog na pumupuno sa bawat puwang ng puso kong matagal nang basag.Nanganak ako kanina. Isang malusog na batang lalaki.Habang nakahiga ako, pinagmamasdan ko siya. Ang balat niya ay maputi, ang buhok ay itim na itim, at ang mga mata niya, bagaman hindi pa ganap na bukas, ay may liwanag na pamilyar sa akin.“Hi, baby,” mahina kong sabi, sabay haplos sa pisngi niya. “Welcome to the world.”Lumapit ang nurse sa akin. May ngiti sa labi niya. “Ang gwapo ng anak mo, Cassandra. May pangalan na ba siya?”Ngumiti ako, kahit may luha sa gilid ng mata. “Oo. Rico Morgan Varela.”Tumahimik ang nurse, parang alam niya ang bigat ng pangalang iyon. “Magandang pangalan,” sabi niya, sabay alis.Naiwan kaming dalawa, ako at si Rico. Hindi ang Rico na nawala, kun’di ang Rico na muling bumalik sa anyo ng pag-asa.Habang pinagmamasdan ko siya, bumal
Bumalik ako sa compound. Hindi para magtago, kun'di para tapusin ang lahat. Kailangan ako ni Rico sa tabi niya. Hindi ko hahayaang mag-isa niyang haharapin ang lahat.Parang naging bangungot ang compound. Ang mga pader ay may bakas ng bala; ang lupa ay may dugo. Pero sa gitna ng kaguluhan, nakita ko ang mga babae at mga bata na nagtatago sa likod ng lumang bodega.“Halika, bilis!” sigaw ko, habang tinatanggal ko ang lock ng pinto. “Dito kayo dadaan!”Isang ina ang lumapit sa akin habang hawak ang anak niya. “Cassandra, paano ka nakabalik? Ang akala namin ay pinatay ka ni Ria.”“Wala nang oras para magtanong,” sagot ko. “Kailangan nating umalis bago kayo madamay sa gulo.”Tinulungan ko silang lumabas sa likod na daan, kung saan ang mga tauhan ni Rico ay nakikipaglaban para protektahan ang mga natitira. Ang mga bata ay umiiyak; ang mga babae ay takot, pero sa mga mata nila, may pag-asa.“Go! Run!” sigaw ko. “Don’t look back!”Habang tumatakbo sila, naramdaman ko ang bigat ng lahat—ang m
Ang tunog ng putok ay parang pumutol sa oras. Sa isang iglap, nagkagulo sa compound: mga sigaw, mga yabag, mga kaluskos ng baril na hinahawakan. Kumikislap ang mga ilaw at ang hangin ay puno ng alikabok at takot.“Rico!” sigaw ko, pero natabunan ng ingay ang boses ko. Nakita kong tumakbo siya papunta sa akin, pero bago pa siya makalapit, may dalawang tauhan ni Ria ang humila sa akin palayo.“Let me go!” sigaw ko, nagpupumiglas, pero mas malakas sila.Si Ria ay nakatayo sa gitna ng kaguluhan, hawak ang baril. Ang mga mata niya ay nagliliyab. “Get her out of here!” utos niya.Ang mga tauhan niya ay mabilis na kumilos. Hinila nila ako papunta sa likod ng compound, habang naririnig ko ang mga sigaw ni Rico at ang mga putok ng baril sa paligid.“Ria!” sigaw ni Rico. “Huwag mo siyang gagalawin! Huwag mong sasaktan ang mag-ina ko!”Pero huli na, nailayo na nila ako.“Ria, please…” mahinang sabi ko. “You don’t have to do this.”Tumawa siya, pero walang saya. “You think you can talk your way
Ilang oras na akong nakahiga sa putikan. Malamig ang hangin na humahaplos sa balat ko. Nanginginig na rin ako, pero hindi ako makaalis sa sitwasyon ko kahit gustuhin ko man.Ang mga kamay ko ay nakatali pa rin. Ang lubid dito ay kumikiskis sa balat ko, kaya damang-dama ko ang hapdi. Nagawa ko kaninang hubarin ang tali, pero biglang dumating si Ria. Tinanggal niya ang piring sa mga mata ko at nakita ko siyang hawak ang whip na parang extension ng galit niya.“Akala mo makakatakas ka, Cassandra?” malamig niyang sabi, sabay hampas ng whip sa lupa. Tumalsik ito sa mukha ko at sa katawan ko. Nataranta ang mga baboy, pero tumawa lang si Ria.“Ria, please…” halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. “Hindi mo kailangang gawin ’to.”Tumawa siya, mababa, mapanlinlang. “Oh, I need to. You took him from me. Rico was mine.”“Hindi mo siya pag-aari sa simula pa lang,” sagot ko, mahina lang pero sapat para marinig niya. “Hindi mo kayang kontrolin ang puso niya.”Isang malakas na hampas ang tumam
“Sa akala mo ba’y hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa akin? Akala mo ba ay matatahimik na lang ako habang inaagaw mo sa akin ang lalaking mahal ko?” tanong ni Ria, na nanggigigil. “‘Di ba sabi ko naman sa iyo, sa akin pa rin ang huling halakhak.”Kinuyom ko ang mga kamay ko. Ramdam ko ang galit na nagmumula sa puso ko. Hindi lang niya ginamit ang identity ko; dumating pa sa puntong gusto niya akong ipapatay para lang makuha ang lalaking mahal niya.Ganito ba dapat kapag nagmamahal? Hahamakin ang lahat, masunod lang ang sinisigaw ng puso niya?Pero mali ang pagmamahal ni Ria. Dahil sa obsession niya, nakagawa na siya ng kasalanan. Para sa akin, iyon ang pinakamasahol na ginawa niya. “Nakuha mo man si Rico, hindi mo maitatago na naging masama ka para lang masunod ang gusto mo, Ria. In the end, mawawala sa iyo ang mga bagay na nakuha mo sa masamang paraan,” ani ko. Pero bigla niya akong sinampal at tinulak.Bumagsak ako sa sahig. Hindi ko kaagad nagawang tumayo dahil natakot ako. Na
“Kunin sila,” utos ng lalaki at tumalikod na sa amin. Lumapit sa akin ang dalawang lalaki. Marahas nilang pinatayo ako at tinalian ang mga kamay ko mula sa likuran.Nagpumiglas ako. Pero hindi ko magalaw nang maayos ang mga kamay ko. Sobrang tibay ng tali kaya hindi ko ito magawang sirain.“Ikaw,” sabi ng lalaki kay Manang. “Itulak mo ang wheelchair niya.”Nanginginig na sinuot ni Manang ang damit niya, saka tumayo at pumunta sa likod ni Dad. Tumingin sa akin si Manang. May luha pa rin sa mga mata niya. Gusto kong punasan ito, pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang yakapin, pero ang layo niya sa akin.Sobrang naaawa ako sa kaniya.Kasalanan ko ito. Kasalanan ko talaga.“Paano ang doktor?” tanong naman ng isa.“Dispatyahin niyo na.”Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nag-aalala akong tumingin kay Dad at sa family doctor namin.Since bata pa ko, nariyan na siya sa pamilyang Morgan. Kapag nagkakasakit ako, pumupunta kaagad siya sa bahay para i-check ang kalagayan ko. He even treated
“Sandy, gising ka na pala. Halika na rito sa mesa at mag-agahan.” Sumalubong sa akin ang mama ni Rico. Kumakain ito sa mesa kasama ang mga nakababatang kapatid niya.Ang dami ng pagkain na nakahain sa mesa.
Naalimpungatan ako sa malamig na bagay na dumadampi sa likuran ko. Napapangiwi na lang ako sa tuwing dinidiinan ang parte ng katawan kong iyon. Kasalukuyan akong nilalagyan ng cold compress kaya ramdam ko ang lamig ng yelo. Mukhang nagkapasa nga ako dahil sa ginawa ni Eva. Ang sakit talaga sa loob
“Sandy...anong ginawa mo?” tanong ni Tonyo na hindi makapaniwala sa nakikita. Natigil kasi ang pakikipagbasag niya ng bungo dahil sa hiyaw at sigaw ng lalaking natapunan ng kumukulong mantika. Feeling ko nagka-third degree burn siya sa ginawa ko. Serves him right.Paika-ikang naglakad papalapit sa’k
Kita mo nga naman kabago-bago ko rito sa lugar nila, nilalapitan kaagad ako ng gulo. Hindi na yata tatahimik ang buhay ko simula nang ma-encounter ko si Eva. Halata naman na siya ang may pakana nito eh. Papalagan ba kami ng mga naglalakihang lalaki na ito kung walang dahilan. Hindi nila ako kilala k
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






